You are on page 1of 1

GELYN B.

TAÑEDO

12 STEM – A

PIKTORYAL ESSAY

“APARADOR”

Kadalasang makikita sa ating mga sari- sariling mga bahay ang aparador. Ito
ay isang hugis- kahon na imbakan ng mga damit,may mga pintuan o mga drawer at
may iba’t- iba din itong mga disenyo. Ito ay aking kinuhanan dahil sa tingin ko ay
maaari natin ito maihantulad sa buhat at sa tao mismo.

Ang tao ay parang kabinet mayroon tayong Iba't- ibang kulay gaya ng mga
damit na nasa loob nito. Mayroon tayong iba’t- ibang personalidad sa kalob- looban
natin base sa ating nararamdaman. Ang bawat kulay ay may kaakibat na kahulugan
na waring representasyon ng ating nararamdam at pagkatao gaya ng puti na
sumisimbolo sa pagiging malaya at kaliwanagan. Asul na sumisimbolo sa kapayapaan
at katahimikan, pula naman kapag tayo ay nagmamahal ngunit maaari rin itong
humantong sa kapootan. Sinisimbolo naman ng luntian at dilaw ang pag- asa sa
araw- araw nating nasisilayan ang haring araw.

Ang tao ay siyang magdedesisyon kung ano ang damit na kanyang ipapakita sa
loob ng kanyang aparador base sa kanyang nararamdaman at base sa sitwasyon.

You might also like