You are on page 1of 18

Denotatibo at Konotatibo

Denotatibo
- ay ang sentral o ang pangunahing kahulugan ng isang
salita. Ito ay paraan ng pagpapakahulugan kapag ito ay
tumutukoy sa literal na konsepto ng isang bagay,tao, lugar, o
pangyayari. Karaniwang makikita sa diksyunaryo ang
ganitong uri ng kahulugan.
Halimbawa:
Simbahan – isang gusali na itinayo upang doon magsimba
ang tao.
Tao – nilikha ng Diyos, binigyan ng buhay, kaluluwa at isip.
Ahas – isang uri ng hayop na pausad lumakad at may
kamandag ang kagat.
Hangin – bagay na sinisimsim ng tao upang mabuhay; simoy .
Papel – manipis na bagay na sulatan o limbagan.
Ilaw – isang material na bagay na may liwanag.
Rosas – isang uri ng bulaklak na mabango.
Sa madaling salita, ang denotatibo ay isang salitang galing
sa diksyunaro at may
literal na pagpapakahulugan ng isang bagay o madaling
natutukoy agad ang isang bagay o
salita.
Konotatibo
– ito ay paraan ng pagpapakahulugan kapag ito ay
nagtataglay ng mga
emosyon o pansaloobing pahiwatig. Subhektibo ang
ganitong pagpapakahulugan o maaaring
kahulugang hindi hayag o may inuugnay pang ibang
kahulugan.
Babae – kabit o kalaguyo

Alam natin na ang salitang ito ay pangkasarian ng tao at


hayop ngunit kung ito ay bibigyan natin ng kahulugan sa
pangungusap na:
“Ginabi ka na naman sa pag-uwi. Siguro galing ka na naman
sa iyong babae?”
Ilaw – ina; tamang daan

Alam natin na ang salitang ilaw ay isang materyal na gamit na


may liwanag upang
madali tayong makakita sa dilim. Ngunit, kung ito ay
gagamitin sa pangungusap na:
“Ang aking ina ay ang ilaw ng aming
tahanan.”
“Ilaw” ay inihalintulad sa ina na
nagbibigay ilaw sa kanilang tahanan.

You might also like