You are on page 1of 3

Banghay Aralin sa Filipino IV

I. Layunin
Pagkatapos ng buong talakayan, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
a. Naisasagawa ang napakinggang hakbang ng isang gawain;
b. napapahalagahan ang pakikinig sa panuto; at
c. nakasusulat ng simpleng panuto.

II. Paksang Aralin


a. Paksa: Paggawa ng Simpleng Panuto
b. Sanggunian: https://brainly.ph/question/554007
c. Mga Kagamitan: laptop, cartolina, mga gamit panulat at Smart T.V.
d. Pagpapahalaga: Masayang nakikinig at nakasusulat ng mga panuto

III. Pamamaraan
1. Panimulang Gawain
a. Panalangin
b. Pagbati
c. Pagtala ng mga lumiban sa klase
d. Pagbabalik-tanaw: Ano ang pandiwa? Magbigay ng halimba ng sallitang may
pandiwa?
e. Pagganyak: Pagbaybay
1. Maganda
2. Marikit
3. Nakakasinag
4. Tabing-ilog
5.

Itatanong mga sumusunod na katanungan:


a. Ano ang mga ipinakita ng mga sumusunod na larawan?
b. Naranasan niyo na ba ang makakita o gawin ang mga sumusunod na
larawan?

2. Panlinang na Gawain
a. Presentasyon: Charade Game
Ang mga mag-aaral ay hahatiin sa apat na pangkat. Sa loob ng 10 segundo kanilang
isasadula ang napiling pangungusap.
1. Si Carlo ay nakasakay sa isang magarang sasakyan.
2. Si Theresa ay naglalabakay sa isang napakagandang bukirin.
3. Habang nagtetext si Marie ay hinabol ng mabangis na aso.
4. Si Anna ay naglalakad sa isang magulong iskinita.
b. Pagtatalakay:
Ang pang-uri o adjective sa wikang Ingles ang tawag sa salita o lipon ng mga salita na
naglalarawan o nagbibigay turing sa tao, bagay, pook, hayop, o pangyayari. Maari din
itong maglarawan sa hugis, sukat, at kulay ng pangngalan at panghalip. Kabilang ang
pang-uri sa mga Bahagi ng Pananalita o Parts of Speech.
Mga halimbawa:
1. Si Carlo ay nakasakay sa isang magarang sasakyan.
2. Si Theresa ay naglalabakay sa isang napakagandang bukirin.
3. Habang nagtetext si Marie ay hinabol ng mabangis na aso.
4. Si Anna ay naglalakad sa isang magulong iskinita.
c. Paglalahat: Itatanong ang mga sumusunod na mga katanungan:
1. Ano ang pang-uri?
2. Bakit mahalangang malaman ang pang-uri?
3. Magbigay ng pangungusap gamit ang mga salitang pang-uri.
d. Paglalapat: Pangkatakang Gawain
Unang Pangkat:
Panuto: Gumawa ng limang pangungusap gamit ang mga sumusunod na pang-
uri.
1. tahimik
2. makulay
3. masiyahin
4. mabigat
5. luma
Ikalawang Pangkat:
Panuto: Kumpletuhin ang mga pangungusap gamit ang mga sumusunod na pang-
uri mula sa kahon
. Bago apat
Mabango mabilis
tahimik
Malinis
1. Si Lucy ______________ sa klase.
2. Ang sasakyan ni Tatay ay _______________.
3. Ang among silid-aralan ay mayroong __________ na sulok.
4. ___________ ang bulak na rosas.
5. Ang aso ay ______________ tumakbo.

IV. Pagtataya
Panuto: Sa isang kapat na papel, basahin ng mabuti ang mga pangungusap at tukuyin ang mga pang-
uri sa pamamagitan ng pagsalungguhit nito.

1. Ang pagong ay mabagal.


2. Si Angela ay nagluto ng masarap na pagkain.
3. Si Ben ay matalino sa klase.
4. Malawak ang bakuran ni Tatay Selo.
5. Masipag si Juan sa anumang bagay.

V. Takdang-Aralin
Sa inyong assignment notebook, gumawa ng limang pangungusap gamit ang mga salitang pang-uri.
Inihanda ni: Jerrick Toming BEED IV B

You might also like