You are on page 1of 3

Republic of the Philippines

National Capital Region


Schools Division Office
ANDRES BONIFACIO INTEGRATED SCHOOL
Addition Hills, Welfareville Compound, City of Mandaluyong

MGA GAWAING INTERBENSYON SA E.S.P.


(INTERVENTION MATERIAL)

Pangalan______________________ Baitang at Pangkat___________


Iskor_________

Pagsasanay: Modyul 14 KARAHASAN SA PAARALAN


Tiyak na Layunin
1. Natutukoy ng mag-aaral ang mga uri ng pambubulas.
2. Napaiigting ng mag-aaral ang pagmamahal sa kanyang sarili at sa kanyang
kapwa.
3. Nakakapagpapahayag ang mag-aaral ng kanilang pananaw sa masamang
dulot ng karahasan (pambubulas) sa loob ng paaralan.

I. Panuto
Suriin ang bawat sitwasyon. Isulat ang titik
a.) kung ito ay naglalarawan ng Pasalitang Pambubulas
b.) kung ito ay naglalarawan ng Sosyal o Relasyonal na Pambubulas at
c.) kung ito ay nagpapakita ng Pisikal na Pambubulas

1. Laging kinukuha ng mga kaklaseng lalaki ang kuwaderno ni Joshua at


pasimpleng binabato ito sa basurahan ng kanilang silid-aralan.
2. Tuwing nagtatanong si Jencel sa kanilang guro ay lagi siyang
nasasabihan ng kanyang kaklse na “ang bobo naman”.
3. Napagkaisahan ng grupo nina Rachel na ipost sa facebook ang larawan
ni Aileen na nakanganga habang ito ay natutulog sa klase. Nagviral ang
larawan at umani ng mga negatibong komento mula sa netizen.
4. Kahit walang ginagawang kalokohan sa kanyang mga kaklase si Noel,
palagi pa rin siyang pinagbibintangan kaya’t madalas siyang binabatukan
at sinisipa ng mga maaangas niyang kaklase.
5. Pagkatapos na maipahayag ni Maica ang kanyang pananaw sa tanong ng
kanilang guro ay pabirong hinila ang kanyang upuan na naging sanhi ng
kanyang pagbagsak sa sahig.
6. Walang alinlangan na idinikit sa blusa ni Rosa ang papel na may
nakasulat na “Malandi Ako”.
7. Palaging tampulan ng tsismis ang buhay ni Kayla kaya’t nawawalan na
siya ng ganang lumabas ng bahay.
8. Nakasanayan na ni Laila ang tawagin siyang “baboy” ng kanyang mga
kaklase.
9. Mahilig mag vandal sa loob ng palikuran ng mga babae ang grupo nina
Maica.
10. Palaging minumura ni Sheila si Rio kahit wala naman itong ginagawang
mali.

II. Panuto.
Suriin ang bawat pangungusap. Iguhit ang kung ang kilos ay
nagpapakita ng pagmamahal sa sarili at kung ito naman ay
nagpapamalas ng pagmamahal sa kapwa.
_________1. Madalas na nagiging tampulan ng pang-aasar ng kanyang mga
kaklse si Michael ngunit hindi niya kailanman naisip na gumanti sa mga ito.
_________ 2. Kahit na laging niyaya ni Roel si Alvaro na sumali sa kanilang
fraternity ay hindi nito matinag ang paniniwala ng huli na walang mabuting mapapala
sa pag-anib ng ganoong samahan.
__________3. Kaysa sa mapikon at mapanghinaan ng loob sa mga pambubulas ng
kanyang mga kaklase, ipinagdadasal pang lalo ni Rose na higit pang maging
matatag sa mga ganitong uri ng pagsubok.
___________4. Humingi ng paumanhin si Claire kay Marie matapos siyang
mapaliwanagan ng kanyang guro na mali ang kanyang ginawang pagtago sa bag ng
huli sa palikuran ng mga babae.
___________5. Ipinagbigay alam ni Alvarez sa kanilang guro ang ginawang
pananakot ng grupo nina Ronaldo kay Roy na nagging sanhi ng hindi pagpasok na
nito sa klase.

III. Panuto

Sumulat ng sanaysay tungkol sa “Masamang Dulot ng Karahasan sa Loob


ng Paaralan”. Gamitin ang larawan upang mapalawig ang inyong ideya.
https://www.google.com
………wordpress.com
Rubriks
 Malinaw na naipahayag ang ideya tungkol sa masamang dulot ng karahasan
sa loob ng paaralan______________15 pts
 Nakapagbigay ng mga epektibong solusyon upang maiwasan o kaya ay
mapigilan ang karahasan_______ 15 pts
 Kabuuan____________________ 30pts

Prepared by: Evaluated by:

MISCHELL A. CALISTE CLARISSA P. TIBAR


E.S.P. Teacher ABIS LR Coordinator

Checked by: Approved by:

GAUDIOLA F. SAMARITA HENRY A. SABIDONG


Head Teacher III Principal III

You might also like