You are on page 1of 1

Lumipad ang aming pangkat dito sa Unibersidad ng Bikol, Kolehiyo ng Arte at Letra, para malaman ang

epekto ng salitang millennials sa mga estudyante at sa kanilang araw-araw na pamumuhay, sa katunayan


gumawa kami ng survey at interview sa kolehiyo ng arte at letra. Ang survey na ito ay naglalaman ng mga
katanungang, Anu nga bang positibo at negatibong epekto ng salitang millennials. Sa video ipinakita ang
pakalap ng datos para sa magiging konklusyon.

Ilan sakanila ay nagpahayag ng implikasyon at repliksyon sa sarili, lipunan at bansa.

Narito ang iba't-ibang respondente na nagpahayag ng kani-kanilang implikasiyon at repleksiyon.

Sheena Buenaflor

:Ang epekto ng salitang millennials sa aking sarili ay napapalawak nito ang aking bukabularyo lalo nasa
mga bagong usbong na salita sa henerasyong ito ngunit meron din itong hindi magandang epekto, tulad
na lamang ng nababawasan ang aking kaalaman tungkol sa mga makalumang salita na ginagamit noon at
ginagamit parin ngayon, nababawasan ang aking pagkakaintindi tungkol sa mga salitang iyon.

Jay Lorence

:Ang kahalagahan ng salitang millennials para saakin, ito ay nagiging daan upang mas mapabilis at
mapabisa ang komunikasyon sa pagitan ng mga kabataan o bagong henerasyon sa kasalukuyan ngunit sa
kabilang dako, ito'y hindi pangkalahatan kung baga, ito'y para sa mga kabataan na sila lang ang mga
nagkakaintindihan kadalasan at tila hindi nauunawaan masyado ng mga matatanda kapag nag-uusap.

Ariane Zylka

:Ang epekto ng salitang millennials ay mas nahuhubog nito ang pakikipagkomunikasyon ko sa araw-araw
lalo na sa kapwa ko millennial at dahil dito nagkakaroon ng magandang pagkakaunawaan at hindi lamang
sa komunidad kundi pati narin sa kapwa mo pilipino.

Ronna Loyola

:Ang implikasyon ng salitang millennials sa ating bansa ay patuloy na naiimpluwensyahan ng wikang


banyaga ang ating bansa at ang mga kabataan ang patuloy na gumagamit nito.

MARAMING SALAMAT PO!

You might also like