You are on page 1of 2

Tatlong Lalaking Luko-luko

Mitolohiya
May isang binatang nagmana ng sandaang ulo ng baka nang
mamatay ang kanyang mga magulang. Siya’y naging malungkutin
kaya ninais niyang mag-asawa. Siya’y nagpatulong sa kanyang mga
kapitbahay sa paghanap ng makakasama habang buhay.
na naghimatong sa kanya, May nakita akong dalagang
May kapitbahay
kanais-nais para sa iyo. Siya’y maganda, mahusay at matalino. Ang
kanyang ama ay napakayaman at nagmamay-ari ng anim na libong
ulo ng hayop.
ay natuwa nang marinig ang balita at nagtanong, Gaano ang
Ang lalaki
ibabayad na dote?
Gusto ng ama’y isang daang baka, ang sagot.
Sandaang baka? Iyan lamang ang bilang ng aking mga hayop! Paano
kami mabubuhay? Tanong ng binata.
Pasyahan mo at sasabihin ko sa ama ang iyong kasagutan sa lalong
madaling panahon, sabi ng kapitbahay.
Nag-isip ang binata at nagsalita, Hindi ako maaaring mabuhay na wala
siya. Siya’y aking pakakasalan! Sabihin mo sa ama.
Sa madali’t sabi ang dalawa’y pinagtaling-puso. Sila’y namuhay
nang sarili at dumating ang pagkakataong sila’y naubusan ng
pagkain kaya ang lalaki’y nagpastol ng hayop para sa kapitbahay
upang may maipag-agdong-buhay. Ang kanyang kinikita ay hindi
sapat sa buhay-maharlika ng asawa.
Isang araw, nang ang babae ay nakaupo sa labas ng tahanan, may
isang di-kilalang dumating na naganyak ng kanyang
kagandahan. Siya’y nagpahayag ng kanyang paghanga at
pag-ibig. Ang sagot ng babae’y magbalik ang lalaki sa ibang araw.
Lumipas ang ilang buwan. Ang ama ng babae ay dumalaw sa
anak. Ang babae ay napahiya sapagkat walang pagkaing maialok sa
ama. Nagkataong noon ding araw na iyon ay siya ring pagdating ng
lalaking nag-alok ng kanyang pag-ibig. Napa-oo ang babae sa lalaki
kung ang huli ay magbibigay ng karneng lulutuin para sa pagkain ng
kanyang ama.
Nang magbalik ang mangingibig, siya’y may dalang ulam. Niluto ito
ng babae. Siya namang pagdating ng asawa. Ang tatlo’y nagsalo
sa hapag samantalang ang lalaking mangingibig ay nasa
labas. Inanyayahan ng asawang lalaki ang estranhero na umupo at
sumalo sa pagkain.
Nang ang lahat ay handa na sa mesa, nagsalita ang babae, Magsikain
kayo, mga hangal! Pulos kayong luko-luko!
Bakit ‘kamo kami’y luko-luko? ang sabay-sabay na usisa ng tatlo.

Ama, sagot ng anak, ikaw ay tanga sapagkat ipinagbili mo ang mahalaga


upang makamtam mo ang walang kahulugan. Ipinagbili mo ang iyong
kaisa-isang anak sa halagang isang daang baka gayong ikaw ay mayroon
nang anim na libong ulo.
Tama ka, sang-ayon ng ama. talagang ako’y isang tanga.
At ikaw naman, aking asawa, ang patuloy, nagmana ka ng isang daang
ulo ng hayop at ang lahat ng mga ito ay ginugol mo para sa akin hanggang
tayo’y walang makain. Maaaring magkaasawa ka ng ibang babae sa
halagang sampu o dalawampung baka lamang. Kaya ikaw ay torpe at
loko rin!
At bakit pati ako? tanong ng estranghero.
ikaw ang pinakaloko sa lahat. Akala mo ay mapapalit mo ng kapirasong
karne ang bagay na binili ng sandaang baka.
Ang estranghero ay napahiya at noon di’y lumisan.
Bumaling ang ama sa anak, ikaw, aking anak ay matalino. Pagdating ko sa
bahay, padadalhan ko ang iyong asawa ng tatlong daang baka upang
kayo’y mamuhay nang maginhawa.

You might also like