You are on page 1of 3

Balagtasan Group

LAKAMBINI

Isang mapagpalang umaga sa inyong mga manonood!


Ako itong lakambining, tungkol sa social media’y magbubuod.
Heart ang aking ngalan, at yun ang alam ng karamihan.
Kami ay maglalatag ng aming nalalaman, upang kayo’y madagdagan ng kamalayan.

Sa inyo’y buong galang akong bumabati’t nagpupugay


Taglay ko rin ang pag-asang, maging matagumpay
Patimpalak sa bigkasang kung tawagi’y Balagtasan
Ngayong araw inyong matutunghayan, ang pagtatagisan pagdating sa Balagtasan.

Paksang aking isasaad, pakiwari’y mahalaga


Pagkat nasasangkot, dito’y pagkatao ng bawat isa
Sa pag-unlad nitong bayan, teknolohiya’y dapat pag-usapan
Pagdating sa social media ang positibo’t negatibo, sa alin tayo mas naaapektuhan?

PAGPAPAKILALA

POSITIBO:
Isang magandang araw sa inyong lahat
Pagdating sa Balagtasan, ako ang mambibigkas na matalino at tapat
Ako si Rayniel na isang Caviteno
At ang panig ko ay epektong positibo.

NEGATIBO:
Isang mabiyayang araw ang aking pagbati
Sa madlang aking tinatangi
Ako ang binibining magtatanggol sa panig ng negatibo
Kaya’t kayo’y makinigat humayo.

LAKAMBINI:
Ang inyong lakambini ay muling nag-aanyaya
Ang dalawang mambibigkas na mahusa’y at kilala
Ang hiling ko’y salubungin ng palakpak ang dalawa
Panig nilang ihaharap ay suriin at magpasya.

(UNANG TINDIG)

POSITIBO:
Bilang isang mamamayan, isa ring kabataan
Ako ay napaisip at minsan pa’y natigilan
Naitanong ko sa aking sarili minsan
Ano ang kahalagahan ng social media sa ating bayan?
Kung ako ang tatanungin, ito ay malaking tulong sa akin
Mahirap na proyekto, hindi ko akalain
Sa paggamit ng Google, mabilis kung hanapin
Ang bawat katanungan, sa ating mga aralin.

NEGATIBO:

Sa ating buhay mayroong negatibo


Marami sa atin ang problemado
Paggamit ng social media totoong delikado
Dahil sa buha’y walang sigurado.

Sa paggamit nito, dapat ding tandaan


Negatibo ay huwag kalimutan
Sobrang paggamit ay masama sa kalusugan
Lalo na kung ito’y magiging kalabisan.

LAKAMBINI:

Lumalao’y gumaganda itong ating tagisan sa Balagtasan


Positibo at negatibong epekto, bigyan ng daan upang magpaliwanag
Ang buhay natin dapat pahalagahan
Halina’t ipagpatuloy ang pakikinig sa aming pinaghandaan.

(IKALAWANG TINDIG)

POSITIBO:
Kayganda ng social media
Ito’y nakakatulong at nakaunlad pa
Dulot nito’y kagandahan, dapat nating malaman
Karunungan ay siya ring kapakinabangan.

Kaalaman at karungan ang solusyon


Sa tagumpay ng kabataan pagdating sa edukasyon
Tulad na lamang nang ating pag-aalaga sa kalikasan
Nawa’y gayun din ang gawin natin para sa ating kinabukasan.

NEGATIBO:
Ang social media’y walang maidudulot na kagandahan
Dumarami lamang ang mga kabataang walang kamalayan
Hirap ng buhay, maari ba nitong agapan?
Ating intindihin ng mabuti at pag-isipan.

Pang-aapi sa kapwa, yun ang ating natututunan


Dapat nating ayusin ang ating kaugalian
Upang sa huli’y walang pagsisihan
Edukasyong tunay ang ating kailangan.
PAGHAHATOL

LAKAMBINI:
Saglit munang pinipigil, inyo itong lakambini
Pagtatalo nitong dalawang mahuhusay na makata
Pagkat tila nag-iinit at kapwa di masiwata
Inilahad na katwiran, nakatatak sa ating diwa.

Ang positibong epekto ay nailalahad ng buong puso


Gayundin naman ang negatibong epekto
Parehong panig ay nagpahayag ng kanilang saloobin ng maayos
Kaya’t tangkilikin natin sila at palakpakan ng lubos!

Ang dalawang panig ay parehas may katwiran


Kaya’t dapat lamang na ito’y pahalagahan
Parehas ay may kabuluhan at mahalaga
Kaya’t panalo silang kapwa!

You might also like