You are on page 1of 17

LALAKI SA DILIM ni BENJAMIN P.

PASCUAL

I. KAHULUGAN NG PAMAGAT
Pagkabasang-pagkabasa pa lang sa pamagat nitong “Lalaki sa Dilim” ay
maiisip kaagad ang posibilidad na tungkol ito sa isang paksang may karahasan
at misteryo.
Batay naman sa kabuuan ng nobela, ang pamagat ay mula sa isang
kakila-kilabot na pangyayaring naganap sa simula pa lamang ng kwento—isang
babaeng hirap na nga sa buhay, na dinagdagan pa ng pagkabulag nito, ay siya
pang nadagdagang muli ng masalimuot na karanasan sa pagkakagahasa.
Ilan ang sumusunod sa bahagi ng tekstong literal na nagpapaliwanag sa
pamagat:
“Nanlaban ang babae, at sa kung saan sa dilim ng gabiay isang…”
“Ngayon, nagbalik uli sa isip niya ang bulag na babae na nanlaban
hanggang sa kahuli-hulihang lakas sa pagtatanggol sa sarili.”
Sa isang banda naman ng pamagat, ang salitang “dilim” ay
kinasasalaminan ng klase ng buhay ni Rafael (pangunahing tauhan) na punong-
puno ng problema dulot ng mga maling desisyon.
“Kung wala siya sa ospital ay nakababad siya sa mga pook-aliwan na may
porno shows—striptease, live show, mga pelikula ng kabastusan.”
(“…patungo na nga yata sa pagkatupok sa dagat-dagatang apoy ng
kamunduhan.”
Nalunod siya sa kadiliman—sa kamunduhan, na siyang isa sa mga
dahilan ng nagawa niyang karumihan sa babaeng bulag sa yerong bahay.
II. AWTOR
Si Benjamin P. Pascual, isang Pilipinong nobelista, ay ipinanganak noong
Enero, 16 1928 sa Laoag, Ilocos Norteat pumanaw naman noong Hulyo 31, 1997.Isa
siyang kuwentista at nobelista, pero una siyang nakilalabilang matinik na kuwentista
bago sineryoso ang pagiging nobelista. Marami na siyang naisulat na maikling
kuwento sa wikang Ilokano at nakasulat na rin ng dalawang nobela sa wikang ito.
Naisalin niya sa wikang Ilokano ang Rubaiyat ni Omar Khayam. Magkasama
sila ni Jose Bragado na nag-edit ngPamulinawen, isang antolohiya ng mga tula ng 36
na makatang Ilokano. Siya ang Tagapayong Legal ng GUMIL, Metro Manila.
Nagsimula siyang sumulat noong 1950,sumubok mag-ambag sa komiks,
hanggang hiranging maging staffer ng Liwayway.Unang nailathala sa Liwayway ang
“Lalaki sa Dilim” sa pamagat na “Shhhh…Ako ang Lalaki sa Dilim‟ (1976).May akda rin siyang may
pamagat na “Sapalaran, WalangTanungan” (1997), isang komedya ng pag-iibigan at lingguhang
isineserye ng Liwayway.
Nagwagi si Pascual sa Don Carlos Palanca Memorial Awards for Literature ng
kanyang kwentong “Landas sa Bahaghari” (1965) at “Di Ko Masilip ang Langit” (1981).
Nagtamo naman ng Grand Prizesa Cultural Center of
the Philippines ang nobelang “Utos ng Hari” noong
1975.
Tinatayang nakatapos ng 13 nanobela si Pascual, na
pinakarurok marahil ang “Halik sa Apoy”(1985).
Pwedeng sipating autobiograpiko ang naturang akda
naumiinog sa buhay at pakikipagsapalaran ng isang
lalaking manunulat. Naging Filipino seksiyon editor si
Pascual saPeople’s Journal Tonight noong 1981, at ngayon
ay editor sa popular na Valentine Romances.
Makalipas ang ilang dekadangdibdibang pagsusulat ni Pascual, kinilala ng
Unyon ng mga Manunulat sa Pilipinas(UMPIL) noong 1994 ang natatanging ambag
niya sa pagsusulat ng maiikling kwento, dula, at nobela.Sa edad na 69 ay hindi pa rin
ito humihinto sa pagsusulat.
III. TEMA O PAKSA
Ang libro ay tungkol sa isang lalaking nanggahasa ng isang babaeng hindi
niya alam na isa palang bulag. Ipinapakita sa kwento kung paano nakabangon
ang babae matapos ang masalimuot na pangyayari sa kanyang buhay.
Ang sumusunod ay ang tema/paksana nabanggit mismo sa libro:
“Maselang usapin ang gahasa saanmang lipunan, at ipinamalas ni
Benjamin P. Pascual kung gaano kabigat ang gayon sa buhay ng isang babaeng
bulag at maralita. May buhay pa ba sa kabila ng pagpasok ng karahasan sa
katawan at kaluluwa? At ano naman kaya ang hinaharap ng nanggahasa? Sa
pambihirang bisa ng panulat ng awtor ay itinampok sa nobela ang samotsaring
pagtanaw sa gahasa: ang salapi, ang dangal, ang pighati, ang ugnayan, ang
pag-asa, at ang iba pang tunggalian o kaisahan.”

III. MGA TAUHAN

RAFAEL CUEVAS-
Sa umpisa ng kwento ay tila kasuklamsuklam ang kaniyang karakter. Babaero,
tomador at nagawa pang manggahasa ng isang babaeng bulag. Ngunit
sakalaunan ay makikita ang parteng liwanag ng kaniyang pagiging isang lalaki sa
dilim. Makikita na kahit ganoon siya ay may konsensiya naman pala siya.
Mahalaga na napagtanto niyang ang mga masasamang gawain niya dati ay
bumubulag sa kaniyang pandama upang makita ang ibapang magaganda at
mahahalagang bagay dito sa daigdig.Mahalaga ang kaniyang papel na
ginagampanan dahil isa siyang patunay na pwede bang magbago ang tao kung
nanaisin lang niya. Hindi pa huli ang lahat, matuto lang tayong tanggapin ang
ating kamalian at maging handa at gustuhin ang pagbabagong nais nating gawin
sa ating mga sarili upang maging maginhawa ang ating pamumuhay at
pakikisalamuha sa ibang tao. Masaya kaming nga nagbabasa dahil sa dulo ay
luminaw ang paningin ni Rafel dahil sa pag-ibig.
NICK CUERPO-
Siya naman ay nabulag sa pambababae kaya‟t hindi nakita ang kaniyang
responsibilidad sa asawa at mga anak. Isang karakter na hindi dapat tularan ng
mga lalaki at maging ng mga kababaihan. Wala ng ibang ginawa kundi pasakitan
ang pobreng asawa na si Marina. Kung si Rafael ay nagawang mabago, siya ay
kahit sa katapusan ng kwento ay hindi nakita ang liwanag na dapat niyang
sundin. Namatay siya kasama ang kalaguyong si Margarita. Isa siyang patunay
na sa kasalukuyan at sa totoong buhay, may mga taong bulag pa rin sa kanilang
mga responsibilidad at hindi pa rin alam kung ano ang tama at mali. Dapat
lamang ang kaniyang karakter sa kwento dahil siya ang magsisilbing eye opener
sa mga mambabasa na kung ikaw ay may ginagawang hindi kaaaya aya, dapat
mo lang itong pagbayaran at pagsisihan sa huli. Huwag hintayin ang panahong
sisingilin ka na ng panahon.Hangga‟t maaga ay magbago na.

MARGARITA CARRASCO-
Si Margarita, bagaman galing sa isang sosyal, edukado at disenteng pamilya ay
nagawa paring magtaksil sa asawa. Isang opera singer na natuksong maglunoy
sa ibang kandungan. Ginusto niya, gawa ng karaniwang tao, ang tunay na
relasyon ng lalaki at babae.Masasabing pangit sa panangin ang karakter ni
Margarita. Isarin siyang karakter na hindi dapat gayahin. Dahil na rin sa
implwensya ng mga kanluranin, iba ang pananaw niya sa kasal at pakikipagtalik.
Siya ang sumisimbolo sa liberismo.Nabulag siya sa kaniyang sariling kahinaan.
Nagpatangay siya sa pambobola ni Nick. Natural na mahihina ang mga babae
ngunit hindi dapat ito gawing lisensya upang pumasok sa isang magulo at
immoral na sitwasyon. Gaya ng karakter ni Nick, siya ang magsisilbing eye
opener sa mga mambabasa na kung ikaw ay may ginagawang hindi kaaaya aya,
dapat mo lang itong pagbayaran at pagsisihan sa huli.
LIGAYA-
Bagaman literal na bulag, mas maliwanag pa sa sikat ng araw ang kaniyang
pagpapahalaga sa sarili. Naging matatag siya sa kaniyang pagbangon mula sa
nalasap na karahasan mula sa lalaki sa dilim na si Rafael. Hindi nga siya
nakapag-aral ngunit kahanga-hanga ang kaniyang mga prinsipyo sa buhay.

Aling Selya
Ang sumisimbolo sa liwanag na dapat makita ng mga tao. Kahit mahirap lamang
sila ay maalam sila sa buhay. Sila ang dapat gahayin ng mga mambabasa. Si
Ligaya kahit nasinapit isang kalunos lunos na pangyayari at nabuo ito, pinili
niyang huwag ipalaglag ang bungang iyon. Maganda ang prinsipyo niyang
palalakihin niya ang bata dahil bigay iyon ng Diyos. Handa siyang bumangon at
itayo muli ang kaniyang mga paa. Si Aling Selya naman ay handang gumabay sa
anak. Handa rin itong magsakripisyo upang mabigyan ng kinabukasan ang mg
anak sa hirap man o ginhawa. Totoong kahanga-hanga ang pagkakabuo sa
kanilang mga karakter.

MARINA CUERPO-
Isang inang mapagmahal sa kaniyang anak at handang ipaglaban ang mga ito
hanggang sa kamatayan. Nakakaawa ang kaniyang karakter. Aping api siya
dahil sa kaniyang babaerong asawa ngunit lubos na nagtitiis para sa mga anak.
Hindi naming siya masisisi kung nagawaman niyang paslangin ang kaniyang
sariling asawa. Sagad nasagad na siya. Ngunit ang mali lang doon ay
nagpatangay siya sa nararamdaman niya. Inilagay niya sa sariling mga kamay
ang batas. Siya ay nabulag na galit at sobra-sobrang pagmamahal sa anak.
Dapat lamang siyang gayahain saparaan ng pag-aalaga at pagmamahal sa anak
ngunit huwag gayahin ang kaniyang pagiging mahina. Dapat ay maging
mahinahon pa rin tayo at gamitin ang mga legal naparaan upang malutas ang
problema.
IV. BUOD

Nagsimula ang nobela sa pag-uusap ng mag-amang Rafael Cuevas at


Don Benito ukol sa nalalapit na kasal ni Rafael kay Margarita. Pinagsabihan nito
ang kanyang anak na magtino na at asikasuhin na lamang ang pinatayo nitong
klinika para sa mata. Sumang-ayon naman si Rafael sapagkat napag-isip-isip
niya na tama rin naman ang sinasabi ng kanyang ama.
Niyaya ni Nick si Rafael para pumunta sa isang bar dahil bibigyan nila si
Rafael ng isang stag party sapagkat malapit na itong ikasal. Ngunit nagkainitan
ang grupo nila Rafael at ilang mga kalalakihansabar dahil daw sa pambabastos
ni Nick sa isang hostes, hanggang sa dumating ang mga pulis at naisipang
tumakas ni Rafael dahil ayaw nitong masira ang apelyido niya. Paglabas niyasa
kusina ng baray nakita niyang nasundan na pala siya ng isang pulis. Sumakay si
Rafael sa isang taxi upang iligaw ang bumubuntot na pulis.
Habangtinatakasan pa rin ang humahabol sa kanya, nakarating si Rafael
sa isang di pamilyar na lugar. Dito ay nakita niya ang isang bahay na yero na
ginawa niyang panandaliang taguan mula sa pulis. Mula sa loob ng bahay ay
may narinig siyang pag-uusap—pag-uusap ng mag-inang Aling Sela at Seto na
aalis muna ng bahay upang makahingi ng gamot sa ubo.
Nang nakaalis ang mag-ina, umakyat siya sa bahay na yero at doo’y
nakita niya ang isang dalaga, at ito’y mag-isa na lamang. Hindi na nito napigilan
ang sarili dahil sa sobrang kalasingan at pinagsamantalahan na niya ang kaawa-
awang dalaga.
Bago lisanin ni Rafael ang bahay, naisip niyang bulag pala ang babae na
siyang kinaluwag ng loob niya sapagkat ligtas siya—paano nga naman kasi siya
maisusumbong ng isang babaeng di naman nakakakita?
Tiyempong gising pa rin pala si Don Benito nang makauwi si Rafael sa
kanilang bahay. Napansin ng kanyang ama ang mga kalmot sa kanyang mukha,
pero nagdahilan na lang siyang ito’y nauntog lamang noong inihatid niya ang isa
sa kanyang mga kaibigan sa bahay nito.
Sa paggising ni Rafael, naalala nito ang kabalahuraang ginawa niya sa
isang bulag na babae. Upang mawala ang isiping ito’y napag-isip-isip ni Rafael
na dalawin na lang niya ang kanyang nobya. Nagkayayaan ang dalawang
manood at kumain sa labas, ngunit hindi pa rin talaga niya maiwaksi sa kanyang
isipan ang mga pangyayari sa bahay na yero.
Muling pinuntahan ni Rafael ang bahay na yero upang tingnan kung ano
na ang lagay ng babaeng bulag. Nakausap niya ang babae at nabighani siya sa
angking kagandahan nito. Upang pasimple itong makausap, nagtanong siya
kunwari kung saan ang bahay ni Nick, na kanyang kaibigan, at umalis din
kaagad siya makalipas paalisin ng dalaga.
Naisip ni Rafael na bigyan na lang niya ang babaeng kanyang
pinagsamantalahan ng 50,000 bilang panghugas ng kasalanan sa kanyang
ginawa. Pinuntahan niyang muli ang bahay at kaniyangipinaabot saisang bata
ang pera kasama ang isang lihamna nagsasabing siya ang nanggahasa.
Nabanggit din sa sulat ang pagrerekomenda niya sa isang espesyalista ng
matang si Rafael Cuevas—na sarili niya mismo.
Dumating ang araw ng kasal ni Rafael at Margarita na siyang dinaluhan
ng pamilya ng bawat partido at ng mga kaibigan nito. Nakaramdam ng pagkainis
si Rafael nang halikan ni Ted—dating kasa-kasama ni Margarita—ang kamay ni
Margarita, ngunit hindi na lamang niya ito pinansin at naghanda na sila para sa
kanilang honeymoon sa Baguio.
Naalala na naman ni Rafael ang pangyayari sa bahay na yero matapos
nilang magsiping ni Margarita. Ngunit nawala ang isiping ito nang maalala niyang
para siyangnadayani Margarita, sapagkat hindi pala siya ang nakauna rito.
Pinaalalahanan na lang niya ang kanyang sarili na hindi na mahalaga ang
nangyari sa nakaraan, at ang mahalaga ay kung ano sila ngayon.
Nang makauwi sila, tinungoni Rafael ang kanyang klinika upang itanong
sa isang katiwalang nars kung may nagpuntabang nanay na may kasamang
anak na bulag. Mayroon nga raw pumunta, ngunit wala si Rafael noon kaya
sinabihan na lang ito ng katiwalang bumalik na lang matapos ang siguro’y mga
limang araw.
Ang mag-ina ay dumating, matapos ang ilang araw, para i-konsulta kung
makakakita pa ba si Ligaya. Sinabi ni Rafael na may posibilidad naman ngunit
huwag silang aasa. Gayunpaman, nagdulot pa rin ito ng kaligayahan sa mag-ina
at kanila nang pinag-usapan ang araw ng gagawing operasyon.
Sa kasalukuyan din ay napatawag si Nick sa bahay ng mga Cuevas at
nagkataong si Margarita ang nakasagot nito. Inanyayahan sila nitong dumalo sa
binyag ng kanyang bunsong anak na sinang-ayunan naman ni Rafael sapagkat
wala naman itong masasagasaang operasyon sa kanyang klinika.
Sa araw ng binyag ay doon nagkakilala sina Margarita at Marina, na
asawa ni Nick
Dumating naman ang araw ng operasyon ni Ligaya, at nagresulta ito ng
tagumpay. Pinagbilinan ni Rafael si Ligaya na huwag itong masyadong
maggagagalaw at humarap lamang sa iisang direksyon upang hindi mapano ang
kanyang mga mata.
Kinuwento ni Aling Sela, ina ni Ligaya, ang naging karanasan ng anak nito
sa pagkakagahasa. Sinabi niyang pinayuhan na nga niya si Ligaya na ipalaglag
na lang ang bata, ngunit tumanggi ito dahil para rito ay kaloob ng Diyos ang nasa
sinapupunan niya. Sa pagkukwentong iyon ni Aling Sela, napagkasunduan nila ni
Rafael na kumbinsihin si Ligayang ipalaglag na nga lang ito dahil magiging
kahihiyan pa ito ni Ligaya. Pero may paninindigan pa rin si Ligaya sa kanyang
desisyong buhayin ang bata. Nagdahilan pa nga itong baka raw ang bata na ang
maging daan para magpakilala sa kanya ang gumahasa sa kanya.
Nagkaroon ng matinding dagok sa relasyon ng mag-asawang Rafael at
Margarita nang Makita ni Rafael si Margarita na kasama ang kanyang kaibigang
si Nick. Ang buong akala pa naman niyang lalaking katawagan ni Margarita sa
telepono ay si Ted,ngunit sa gulat niya ay ang kaibigan pala niyang si Nick. Galit
niyang inaya pauwi si Margarita at pagkauwi ay doon sila nag-usap at gumawa
ng kumpromiso sa kanilang problema.
Binanggitni Rafael ang pangyayaring itosa kanyang ama upang humingi
ng payo, at ang payo ng huli ay huwag siyang magpadala sa galit at maging
mahinahon lamang siya.
Ngunit nang minsang sinundan nito si Margarita sa isang hotel ay laking
gulat na lamang nito na kasama na naman nito si Nick. Hindi na napigilan pa ni
Rafael ang kanyang damdamin at agad niyang sinuntok si Nick.
Bilang parusa kay Margarita, hindisiya pinayagan ni Rafael na lumabas-
labas ng bahay. Hindi na rin siya maatim pa ni Rafael na makatabi sa pagtulog.
Hindi rin sila nagpapansinan kahit sa harap ng hapag-kainan.
Sa katagumpayan ng operasyon ni Ligaya, matapos lamang ang ilang
linggo’y nakakakita na siyang muli! Hinatid silang mag-inani Rafaelsa kanilang
bahay at nakita nitongmay pinapatayong bahay ang mag-ina, na sa isip-isip
niya’y nagmula sa perang kanyang binigay rito.
Isang araw ay biglang napatawag sa kanya si Aling Sela at ibinalita nitong
nanganak na raw si Ligaya. Bigla-bigla namang pumunta sa bahay nila si Rafael
para makita ang anak nito. Nang makita niya ang kanyang anak, naisip niyang ito
na lang ang nakapag-aalis ng bigat ng problema nilang mag-asawa. Nalaman
niya kay Ligaya na isinunod sa kanya ang pangalan ng sanggol—Rafael—nang
dahil na rin sa laki ng naitulong niya kina Ligaya. Ngunit hindi lang ito, inaya rin
siyang mag-ninong sa bata—ninong ng batang anak niya mismo!
Binatikos ni Margarita si Rafael sapagkat lagi na lang itong wala sa
kanyang klinika hanggang sa malaman nito na kina Ligaya pala ito pumupunta.
Nag-eskandalo ito sa bahay nina Ligayaat kung ano-anong mga masasakit na
salita ang pinakawalan na siyang labis na ikinasakit ng damdamin ng mag-ina.
Pag-uwi ng mag-asawa, nagkasagutan ang mga ito at pilit na pinapaamin
ni Margarita si Rafael ukol sa relasyon nila ng dating pasyenteng si Ligaya. Ayos
lang daw kay Margarita ang ganoong bagay, na mayroong ibang kalaguyo ang
bawat isa sa kanila, ngunit hindi ito sinang-ayunan ni Rafael. Ikinonsulta na ito ni
Rafael sa kanyang ama at sa ama ni Margarita.
Binalikan ni Rafael sina Ligaya ngunit pinagsabihan lang siya ng huli na
huwag nang pumunta sa kanila para hindi sila maging dahilan pa ng pag-aaway
ng mag-asawa.
Dahil nga sa alam ni Don Cuevas ang hirap na pinagdadaanan ni Rafael,
idagdag pa ang paninisi nito sa sarili dahil sa mga pangyayari, ay siya nang
ikinamatay ng matanda.Marami ang nakilibing at maraming nakiramay kasama
narito ang mag-inang Ligaya at Aling Sela. Labis na dinamdam ni Rafael ang
mga pangyayari sa kanyang buhay at nasipan na lang niyang pumunta sa isang
bar upang uminom at kumuha ng isang hostes para makalimot sa mga bagay-
bagay.
Pagkagaling niya sa hotel ay nagpunta siyakina Ligaya kahit na siya’y
lasing pa, at nang siya’y matumba sa pintuan ay agad-agad naman siyang
binuhat ng mag-ina. Habang pinupunasan siya ni Ligaya ay hinatak niya ang
kamay nitoat saka niya ito hinalikan sa labi. Biglang naisip ni Rafael na mali ang
kanyang ginawa at dahil doon ay ayaw na siyang makita pang muli ni Ligaya.
Makalipas lang ang ilang araw ay nabasa ni Rafael sa
dyaryongnatagpuang patay sina Nick at Margarita, at ito ay kagagawan ni
Marina. Nalaman naman mismo ni Rafael kay Marina na kaya nito binaril ang
dalawa dahil balak ni Nick na kuhanin ang mga anak nila. Sinundan ni Marina si
Nick sa kanilang bahay upang ipaglaban sana ang karapatan nito bilang inang
mga bata, ngunit hindi nito naabutan ang asawa. Kaya kinuha na lang niyaang
baril sa kanilang bahaysaka niya sinundan sa hotel sila Nick, at doon niya binaril
ang dalawa.
Nagtapos ang kwento nang aminin ni Rafael na siya ang gumahasa kay
Ligaya. Nagulat ang mag-ina sa narinig, ngunit mapapansin sa mga ikinilos ni
Aling Sela na ayos lang ditong si Rafael pala ang ama ng anak ni Ligaya.
Matapos umamin ay niyayang magpakasal ni Rafael si Ligaya upang panagutan
ang nagawa niya at dahil sa mahal na rin kasi niya ang dalaga.
Sa biruang kumpare at kumare nagwakas ang nobela.
VI. PAGDULOG

SOSYOLOHIKAL
Ang isa sa suliraning mababasa sa akda ay ang madaming babaeng
mababa ang lipad. Sa istoryang ito ay nagiging natural na gawain ng bida ang
uminom ng uminom at mambabae. Dito nag-umpisang masira ang pundasyon ng
isang matibay na pamilya.Nasolusyunan ito ni Rafael ng kanyang iniwasan ang
pagsama sa mga kaibigan ang gabi-gabing pagtambay sa klab at gumawa ng
kasalanan. Mas pinili niyang manatili sa asawa at gawin ang kanyang
responsibilidad bilang haligi ng tahanan.
Ang paglaganap ng krimen lalung–lalo na ang paglobo ng bilang ng mga
babaing nagagahasa. Ito ay naging isa sa suliranin na kinaharap ng bida. Dahil
sa kanyang kalasingan at kawalan ng katinuan sa sarili ang bagay na hindi
naman niya dapat magagawa ay kanyang nagawa at gahasain ang babae na
may kapansanan.Ito ang nagtulak kay Rafael na maging matino sapagkat sa
bawat araw na kanyang maiisip at bawat oras na siya ay binabagabag ng
kanyang konsensya ay kanyang napagtanto na muli ang kanyang ginawa at
maling tao pa ang ginawan niya ng bagay na ito.Kanyang nasolusyunan ang
problema sa pamamagitan ng pagtuong sa babaeng bulag, mula sa kapansanan
nito hanggang sa pinansiyal ng pamilyang hikahos. Ipinagtapat din niya sa huli
ang buong katotohanan humanap lamang siya ng tamang oras para masabi ang
lahat.

Sikolohikal
Sa istorya ng lalaki sa dilim, ang bidang lalaki na si Rafael ang naging
sentro ng lahat. Si Rafael ay isang lalaki na ang tanging hilig ay lumabas kasama
ang mga kaibigan na sina Nick at Lucas. Ang pagpunta sa klab, pag-inom at
pakikipaglaro sa mga babaeng nagtatrabaho sa lugar. Subalit ng si Rafael ay
ipinakakasal kay Margarita na botong boto ang ina niya ay kailangan niyang
baguhin lahat ng kanyang nakagawian. Pero hindi pa rin niya mabago ang sarili
at gawing maging mabuting asawa na lumagay na lamang sa tahimik. Dahil sa
pangyayaring naganap sa buhay ng bida, kung saan sa di sinasdya ay
nakapanghalay siya ng isang bulag nababae. Ito ang nagtulak sa kanya na
ayusing ang buhay niyang magulo. Ang klinik niyang matagal ng nakasara ay
kaniyang binuksan sa unang pagkakataon upang matulungan ang babaing
naging biktima niya nang siya ay nasa panahon ng kadiliman.Naging abala siya
sa kaniyang klinika upang asikasuhin ang bulag na babae. Maging responsable
at naging tapat na rin itong asawa kay Margarita.Nang malaman niyang siya ay
niloloko ng kanyang kabiyak at ng kanyang kaibigan ay nagsimula na siyang
magbago ng tuluyan.Lalo siyang nagpursige na tulungan ang babaing kanyang
kinaaawaan at kanya na ring nagustuhan sa paglipas ng mga araw.

VII. TEORYANG PAMPANITIKAN


 Teoryang Marxismo
Mailalapat ang akda sa teoryang marxismo sapagkat tinatalakay
rito ang kalagayang panlipunan ng mga tauhan, pati na rin ang kanilang
pag-uugali at motibasyon sa buhay. Nabigyang-linaw ito sa pagitan nina
Rafael at Ligaya, pati na rin ng ibang mga tauhan na sina Margarita, Nick
at Marina.
(p.3)“…sa Alemanya na nilagian niya ng isang taon sa
pagpapakadalubhasa sa pagtistis sa mata…”
(p.14)“Bulaklak sa parang. Ginto sa pusalian…”
Si Rafael ay nabibilang samayamang pamilya at siya’y may
pagkapariwara sa buhay, na siyang dala na rin ng kaisipang “mabubuhay
naman siya dahil may pera naman sila”. Samantalang si Ligaya naman ay
nabibilang sa mahirap na pamilya, ngunit kahit na ganoon ay kakikitaan
pa rin siya ng matinding pagpapahalaga sa sarili at sa kanyang mga
pinaniniwalaan sa buhay.
Nagbibigay diin din ito sa tunggalian: (1) tao laban sa sarili, (2) tao
laban sa tao, at (3) tao laban sa lipunan.
Nagkaroon ng tunggalian ng (1) tao laban sa sarili si Rafael dahil
sa pag-iisip sa mga kahihiyang maaari niyang matanggap kapag nalaman
ng ibang tao ang mga maling nagawa niya sa buhay. Mapatutunayan ito
ng sumusunod na sipi:
(p.19)“…nakadama siya ng takot at pagkapahiyan ng panliit, na para
bang gusto niyang mawala sa daigdig nang mga sandaling iyon…”
Nagkaroon ng tunggaliang (2) tao laban sa tao sina Margarita at
Rafael ukol sa isyu ng pagkakaroon ng third party sa kanilang relasyon
bilang mag-asawa. Ang sumusunod ang sipi para rito:
(p.184)“Binalikan niya sa isip ang nagging pag-uusap nila ni
Margarita. Hindi tutol si Margarita kung may pinupuntahan siyang babae,
ikasisiya pa nga raw ang gayon…”
Nagkaroon ng tunggalian ng (3) tao laban sa lipunan dahil sa ayaw
nila pare-parehong malaman ng mga tao sa kanilang paligid ang
kasalanang kanilang nagawa. Natatakot sila sa maaaring ibatong mga
salita sa kanila ng mga tao. Ang sumusunod ang sipi para rito:
(p.19)“…nakadama siya ng takot at pagkapahiyanng panliit, na
para bang gusto niyang mawala sa daigdig nang mga sandaling iyon…”

 Teoryang Eksistensyalismo
Lapat din sa akda ang teoryang eksistensyalismo dahil sa pagkakaroon ng
kalayaan at kalayaan sa pagpili ng bawat tauhan dito. Kaakibat naman ng mga
ginawa nilang pagpili ay naroroon din ang kaisipang mayroon silang responsibilidad sa
bawat gagawin nilang desisyon.
(p.14)“Nang makatayo ay sinunggaban nya ang babae sa pagkakalupasay,
tinakpan ng kaliwang kamay ang bibig nito, at yakap nang mahigpit ang kanang
kamay ay inihiga niya sa banig...”
1Nasa kamay ni Rafael ang desisyon kung dudumihan niya ang puri ng
babaeng bulag, at mas pinili niyang gawin ang karumihang iyon kahit na alam niyang
responsibilidad na rin niya ito.
(p.57)“Maya-maya’y nakita niyang pumapasok ang isang nagkakaedad nang
babaeng payat, nakabestido ng kupasin, may alanganing ngiti sa mukha – ang ia; at
pagkatapos ay nakita niya ang babaeng bulag, hila – hila sa kamay ng ina, na sa
kawalan nakayingin…”
2Desisyon naman ng mag-inang Ligaya at Aling Sela ang pagtanggap ng
tulong, mula sa taong nanggahasa kay Ligaya, para mapagamot ang mga nito, na
alam din naman nilang maaari silang bantayan habang siya’y nagpapagamot.
(p. 127)“At nakita niya si Margarita, nakatawa pa ring kausap ang
kaharap na lalaki. Nakapaharap sa kanya si Margarita, nakatawa pa ring
kausap ang lalaki ang nakatalikod….
Ang lalaki ay hindi si Ted. Ang lalaki ay ang kanyang kaibigang si
Nick.”
(p. 234) “…ang isiping nawalan na ‘ko ng asawa’y mawawalan pa ng
anak e nagging napakabigat sa loob ko. Nang makita ko sila sa
masamang ayos e pinaputukan ko.”
3Sa parte naman nina Margarita at Nick, na mas naging malaya pa sa
pagtataksil sa kanilang mga asawa dahil hinahayaan na lamang nina Rafael at Marina
ang mga ito. 4 Ngunit, nang dahil na rin sa kalayaan at kasalanang kanilang pinili ay
siya na ring naging ugat kung bakit kinailangan pang mauwi ang kanilang mga buhay
sa isang masalimuot na katapusan, at ito’y dulot ng desisyon ni Marina—na barilin sila.
Kung tutuusin, bawat tauhan sa kwento ay nagkaroon ng kalayaang mamili
na may katumbas na kalayaang tumanggi, ngunit alin man sa dalawang ito ang piliin,
may mga desisyon talagang pagsisisihan at pagsisisihan ng tao kung kailan huli na
ang lahat.

 Teoryang Romantisismo
Ipinakikita rin sa akda na gagawin at gagawin ng isang nilalang ang lahat upang
maipaalam lamang ang kanyang pag-ibig sa tao o bayang napupusuan.Malinaw
na ang nobela ay may teoryang romantisismo, ito ay kwneto ng pag-ibig ng isang
mayamang lalaki na nagahasa ang isang mahirap na babae. Inusig siya ng
kaniyang konsensya kayabinigyan niya ng pera ang babae ngunit hindi siya
nagpakilala.Bilang isang duktor sa mata ay siya ang gumamot dito.
Nagingmalapit sila ng babae. Hindi inaasahang may nabuong bata palanoong
gabing nagahasa niya ito kaya nabuntis si Ligaya. Sa huli aynabigyan rin ng
hustisya si Ligaya at sa bandang huli dahil natanggap nito ang pagkatao ng
lalaking lumapastangan sakanyang puri at naghari ang pagibig, hindi ang galit at
mapapaitna emosyon.
VIII. BISANG PAMPANITIKAN
A. Bisa sa Isip
Maiisip ng sino mang mambabasa na ang nobela ay nagpapakita ng iba’t-
ibang katangian ng mga Pilipino. Isa na rito ang pagkikimkim na lamang ng lahat
ng problema, ngunit kapag hindi na nila nakayanan ay bigla-bigla na lang
masisira ang pasensya nila at lalabas ang matagal nang tinatagong sama ng
loob.
Maiisip din na kapag nakagawa ng kasalanan, maaari mo pa itong
mapalitan ng mga tamang ala-ala sa pamamagitan halimbawa ng paghuhugas
ng kasalanan.

B. Bisa sa Damdamin
Kikintal sa damdamin ng mga mambabasa ang mga pangyayari sa
nobela, kung saan makakaramdam ka ng lungkot, awa, saya,paghihinagpis,
inis,galit at iba pa na para bang mga pangyayari sa totoong buhay.
Makakaramdam ng lungkot at awa dahil sa kalagayan ni Ligaya, at nang
siya’y magahasa ay siya namang nakapagdulot ng galit at awa sa bumabasa ng
nobela. Totoong nakakainis ang ilang bahagi ng nobela dahil sa hindi ito
umaayon sa kagustuhan ng isang mambabasa. Pero, sa kabila ng lahat ng ito,
nakatutuwa pa rin dahil sa naging maganda ang pakikitungo nina Rafael at ng
mag-inang Aling Sela at Ligaya sa isa’t-isa, at lalo naman nang magtapos ito
nang natanggap ng mag-ina na si Rafael ang ama ng anak ni Ligaya.

C. Bisa sa Kaasalan
Nakaapekto ang akda pagdating sa asal sa mga bagay na nakakainis.
Matututunan ditong hindi dapat magpabulag sa galit kailanman, at gaano man
kasaklap ang isang pangyayari, nararapat na mas buhayin sa puso ng bawat tao
ang pagiging mahinahon, mapagtiis at maunawain sa mga bagay-bagay.
Sa parte ng pagpapatawad, masasabing mahirap talaga ito, pero malaki
ang matututunan sa akda sapagkat sa kabila ng naranasan ni Ligaya, nagawa pa
rin niyang patawarin si Rafael. Napatunayan ditong kayang patawarin ng
pagmamahal ang ano mang kasalanan dito sa mundo.
Nakatulong din ito sa kagustuhang magbago ng isang tao, na tuluyan
nang iwan ang maling gawi at harapin ang ano mang pagsubok para lamang
makamit ang pagbabagong hangad.

You might also like