You are on page 1of 3

Mala-Masusing Banghay Aralin sa Pagkatuto

I. LAYUNIN
Matapos ang 60 minuto inaasahang matamo ng mag-aaral ang:
a. Nalilinang ang kakayahan sa pagbibigay ng kahulugan na kasingkahulugan ng
mga salita.
b. Nabibigyang-katwiran ang paghahambing ni Simoun kay Kapitan Tiago sa
pamahalaan ng Pilipinas.
c. Naipapahayag ang sariling opinyon sa pamamagitan ng pagsulat ng dayalogo
sa pagitan ng pag-uusap nina Simoun at Basilio.

II. PAKSANG-ARALIN
El Filibusterismo
Kabanata 23 “Isang Bangkay”

KAGAMITAN
Laptop
Powerpoint Presentation
Kagamitang biswal

III. PAMAMARAAN
A. Panimula
-Panalangin
-Pagpuna ng kaayusan
-pagtsek ng attendans

Pagganyak
Magpapakita ang guro ng isang video clip na mayroong kantang “ANG BUHAY
TULAD NG ISANG AWIT LAMANG” at magtatanong kung ano ang ibig
sabihin nito.
Magtatanong ang guro kung ano ang kaugnayan nito sa kanilang aralin

B. Pagpapalawak ng Talasalitaan
May inihandang bulaklak na papel ang guro.. Nasa ilalim ang mga salitang
bibigyan ng kahulugan at nasa ibabaw ang bilang. Sasabihin ng mag-aaral ang
nais niyang bilang at bubuksan kung ano ang nakuha.
NAGUGULUMIHANAN
INAASIKASO
BALISA
PAKIBAGAYAN
ITINATAGUBILIN
KAHABAG-HABAG
KAWANI
MAKALAWA
C. Pagtalakay
Magpapabasa ang guro sa mga mag-aaral tungkol sa akdang pampanitikan na El
Filibusterismo “Kabanata 23 Isang Bangkay”
Magtatanong ang guro kung anong kaugnayan ng awitin sa akdang tinatalakay na
kung saan ito ay may linyang "ANG BUHAY AY MAY SIMULA AT
KATAPUSAN at tatalakayin pa ang ibang kaugnay into.
Ang guro ay susundan ito ng mga katanungang:

1. Noong pumanaw na si Maria Clara, sa palagay niyo dapat pa bang ipagpatuloy ni Simoun ang
kanyang paghihiganti?

2. Bakit kailangang-kailangan ni Simoun si Basilio sa kanyang paghihimagsik?

3. Ano ang mapupuna sa inihandang paghihimagsik ni Simoun na wika nga niya, kung buhay si
Elias, ay isa sa mga tututol?

4. Bakit inihambing ni Simoun si Kapitan Tiyago sa pamahalaan ng Pilipinas?

5. Ano ba ang pagkakaiba at pagkakatulad ni Kapitan Tiago at Pamahalan ng Pilipinas?

D. Pangkatang Gawain
Ang guro ay papangkatin ang mag-aaral sa lima at ang bawat pangkat ay lalagyan
ng pangugusap batay sa kung paano sinagot ang paghimok ni Simoun sa hindi
pagbasa ng aklat ni Basilio. Ilalagay ng mag-aaral ang kanilang sarili sa katayuan
si basilio.

E. Pagtataya
Magbibigay ang guro ng katanungan na sasagutan ng mag-aaral:

1. Sino ang hindi nanood ng operata. Siya ay malungkot at balisa.

2. Walang inatupag kundi ang pag-aaral

3. Siya ay may pabigat nang pabigat na karamdaman

4. Ang nangako kay basilio na ipapasok siya sa isang maunlad na lalawigan

5. Ang dalagang anak ni kapitan tiago na nais kunin ni simoun sa kumbento.

6. Bakit ninasa pa ni Basilio na gamuting mahusay si Kapitan Tiyago gayong siya’y hirap na
hirap dito at pabayaan lamang niyang mamatay ay tapos na

ang hirap niya?

7. Bakit napablis ang pagkalason ng katawan ni Kapitan Tiyago?


F. Takdang-Aralin

Magbibigay ang guro ng takdang-aralin mula sa akdang


pampanitikang El Filibusterismo sa kabanata 24.

Inihanda ni: MARIGOLD M. LADRERA

Sinuri ni: GINOONG ISAGANI NAÑEZ

You might also like