You are on page 1of 4

Masusing Banghay-Aralin sa Filipino 10

I. LAYUNIN
Sa katapusan ng aralin ang mga mag-aaral ay inaasahang:
A. Nabibigyang-kahulugan ang mga hindi pamilyar na salita sa akda.
B. Nailalarawan ang katangian ng mga tauhan.
C. Nakalalahok sa indibidwal at pangkatang gawain.
D. Naisasabuhay ang aral mula sa paksang tinalakay.

II. PAKSANG-ARALIN
A. Paksa
Ang Kahon ni Lilia S. Balisnomo ( Maikling Kuwento)
B. Sanggunian
Gintong Ani IV, dd. 319-324
C. Kagamitang Panturo
Powerpoint presentation, TV Monitor ,video clip at pantulong na biswal

III. PAMAMARAAN
Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral

A. Aktibiti

Hahatiin ng guro ang klase sa


dalawang grupo. Bubunot ang mga
mag-aaral ng papel sa loob ng
kahon na naglalaman ng kanilang
pahuhulaan sa loob ng dalawang
minuto.

 maingay na pasahero
 kaskaserong drayber
 umiiyak na bata
 nagtitinda ng mani at
tubig

Ano ang napansin ninyo sa pinahulaang papel?


Tungkol ito sa iba’t ibang sitwasyon o
senaryo na makikita sa loob ng isang
sasakyan.

PAGPAPALAWAK NG TALASALITAAN
Panuto: Punan ang bawat kahon ng wastong letra upang makabuo ng mga salitang
tinutukoysa bawat salitang may salungguhit at gamitin ito sa pangungusap.

1. Nasisinag ko sa kaniyang mukha ang katandaan.


n k k t
2. Iniunat niya ang kaniyang nakabaluktot na tuhod.
t n i d
3. Iwinawasiwas ng konduktor ang kaniyang tuwalya upang tumawag ng mga
pasahero.
w n wag ywa
4. Inabandona ng malulupit na tao ang kaawa-awang hukluban.
t n d
5. Gumigiyagis ang braso ng mga taong nagdaraan sa kaniyang katawan.

d m d k t

Sagot:

1. nakikita

2. itinuwid

3. iwinawagayway

4. matanda

5. dumidikit

B. Analisis

Hahatiin ng guro ang mga mag-


aaral sa apat na grupo upang
isagawa ang mga sumusunod:

Unang Grupo
Isa-isahin at ilarawan ang mga
pangunahin at pantulong na tauhan
sa kuwento.

Ikalawang Grupo

Magsagawa ng role play tungkol sa


mahahalagang pangyayari sa
kuwento.

Ikatlong Grupo
Pagkonektahin ang mga salitang:
ospital, bus at kahon upang
makabuo ng isang buod.

Ikaapat na Grupo

Buuin ang ginulong larawan upang


mabigyan ito ng interpretasyon.

C. Abstraksyon

Anong aral ang inyong natutunan


mula sa kuwentong binasa?
Sa ating pagbibiyahe, maraming hatid
na mga kuwento sa buhay ang bawat
pasahero na maaaring makapagpaantig
ng ating mga puso at magamit bilang
kasangkapan sa buhay.

Kailanman ay hindi matutumbasan ng


anumang materyal na bagay ang pag-
ibig na kayang ibigay ng isang ina para
sa kaniyang mga anak dahil wagas at
dakila ito na handang ibigay at
isakripisyo ang lahat para sa
kapakanan ng kaniyang mga supling.

D. Aplikasyon

Pipili ang mga mag-aaral sa kahon


ng tao o bagay na kanilang
pinapahalagahan o iniingatan sa
buhay at ilalahad nila ito sa unahan
ng klase.

Ang pamilya ang pinahahalagahan ko


sa buhay dahil sila lamang ang tanging
naririyan upang palakasin ang aking
loob sa oras na pahinain ako ng mga
pagsubok.

Edukasyon ang tanging pinakaiingatan


ko dahil naniniwala ako na ito ang
magiging kasangkapan ko upang
makaigpaw sa kahirapan at
mapaghandaan ang nagbabagong
lipunan.

IV. PAGTATAYA
Panuto: Isulat sa patlang ang tamang kasagutan na tumutugon sa bawat bilang.
_____________1. Bagay na pinakaiingatan ni Urfa sa kanyang pagbibiyahe.
_____________2. Asawa ni Urfa na isa sa mga nagluluksa sa pagkasawi ng kanilang
anak.
_____________3. Ito ang kursong kinukuha ni Jesus.
_____________4. Pangalan ng kapatid ni Urfa.
_____________5. Isang babae na nagbiro kay Jesus na ito raw ang malas kung kaya’t
nasisiraan
ang kanilang sinasakyang bus.
_____________6. Lugar kung saan nakatira si Urfa.
_____________7. Bahagi ng bus kung saan pinaupo ng konduktor si Urfa.
_____________8. Pangalan ng paaralang pinapasukan ni Jesus.
_____________9. Lalaki na nagalit mula sa ingay at biro ng ilang mga pasahero
_____________10. Isang binata na nagpatotoo na si Aling Pilang ang tunay na malas sa
biyahe.
SAGOT:

1. kahon
2. Ben
3. B.S Chemistry
4. Gela
5. Tiya Pilang
6. Lawaan, Antique
7. Second seat
8. San Agustin
9. Tiyo Tasyo
10. Nonoy

V. TAKDANG-ARALIN
Pagganyak na Tanong: Paano kung mawala o mapundi ang ilaw na nagbibigay-
liwanag
sa loob ng isang tahanan?

Basahin at unawain ang maikling kuwentong “Si Pingkaw” at sagutin ang mga
sumusunod na katanungan:
1. Bakit namatay ang mga anak ni Pingkaw? Ilahad.
2. Masasabi mo ba na isang ulirang ina si Pingkaw para sa kaniyang mga
anak?
3. Magtala ng ilang dahilan kung bakit nababaliw ang isang tao?
Sanggunian:

Tuklas IV
dd.
3-8

Inihanda ni:
Meynard Q. Manaog

You might also like