You are on page 1of 6

I.

Objectives:

A. Pamantayang nilalaman:

Naipapamalas ang kakayahan sa mapanuring pakikinig at pagunawa sa napakinggan.

Nipapamalas ang kakayahan at tatas sa pagsasalita at pagpapahayag ng sariling ideya, kaisipan,


karanasan at damdamin.

Naisasagawa ang ang mapanuring pagbasa sa iba't ibang uri ng teksto at napapalawak ang talasalitaan.

Naipapamalas ang iba't ibang kasanayan upang maunawaan ang iba't ibang teksto.

Napauunlad ang kasanayan sa pagsulat sa iba't ibang uri ng sulatin.

Naipapamalas ang kakayahan sa mapanuring panonood ng iba't ibang uri ng media.

Naipapamalas ang pagpapahalaga at kasanayan sa paggamit ng wika at komunikasyon at pagbasa ng


iba't ibang uri ng panitikan.

B. Pamantayan sa pagganap:

Nakagagawa ng dayagram, dioarama at likhang sining batay sa isyu o paksang napakinggan.

Nakapagsasagawa ng radio broadcast/ teleradyo, sabayang bigkas, reader's theatre o duladulaan.

Naiguguhit ang mensahe ng binasang teksto at nakagagawa ng orihinal na rap batay sa mensahe ng
binasang teksto.

Nagagamit ang iba't ibang babasahin ayon sa pangaplngailangan.

Nakasusulat ng iskrip para sa radio broadcasting o teleradyo, editoryal, lathalain o balit.

Nakagagawa ng sarili at orihinal na dokumentaryo o maikling pelikula.

Napapahalagahan ang wika at panitikan sa pamamagitan ng pagsali sa usapan at talakayan, paghiram sa


aklatan, pagkukuwento, pagsulat ng tula at kuwento.

C. Pamantayan ng pagkatuto:

Nagagamit sa usapan at iba't ibang sitwasyon ang mga uri ng pangungusap (F6WG-IVa-j-13)

II. Paksang aralin:


Paggamit ng iba't ibang uri ng pangungusap sa pagsali sa isang usapan.

III. Learning resources:

A. References

IV. Pamamaraan:

Teacher's activity Pupil's activity

A. Reviewing previous lesson/s or presenting the


new lesson

Ano ang pangungusap?


Ang pangungusap ay lipon ng mga salitang
nagpapahayag ng buong diwa at kaisipan. Ito ay
nagsisimula sa MALAKING TITIK at nagtatapos sa
bantas.
Ano ang dalawang bahagi ng pangungusap? Dalawang bahagi ng pangungusap:

Simuno: ito ay ang bahaging pinaguusapan sa


pangungusap.

Panaguri: ito ang bahagi ng pangungusap na


nagbibigay larawan o nag-bibigay turing sa simuno.
Halimbawa:

Si Jupiter ay matipuno.

Si Jupiter ay ang simuno.

Ay matipuno ang panaguri.

B. Establishing a purpose for the lesson


Ang elepante ay malaki.
Ano ang masasabi nyo sa larawan?
Ang elepante ay may mahabang ilong.

C. Presenting examples/ instaces of the new lesson

Ang pangungusap ay nauuri ayon sa gamit:


pasalaysay o paturol, patanong, pautos o pakiusap,
at padamdam.

Pasalaysay o paturol na pangungusap ay


nagsasalaysay o nakukuwento, naglalahad ng
katotohanan, o nagpapahayag ng opinyon.
Nagtatapos ito sa bantas na tuldok (.).

Halimbawa:

Ang pangalan ng kanyang anak ay TJ.

Patanong na pangungusap ay pangungusap na


nagtatanong. Nagtatapos ito sa bantas na tandang
pananong (?).

Halimbawa:

Kailan ka pinanganak?

Pautos o pakiusap na pangungusap ay nagpapahayag


ng pag- utos o pakiusap. Maari itong magtapos sa
bantas na tuldok o tandang pananong. Ang pakiusap
ay mas magalang at pormal na pag uutos.

Halimbawa:

Pautos

Maghanda na kayo para sa paglikas.

Pakiusap

Pakisabi sa aking ina ang mensahe.

Padamdam na pangungusap ay nagpapahayag ng


matinding damdamin gaya ng pagkagalit o
pagkagulat. Nagtatapos ito sa bantas na tandang
padamdam (!).

Halimbawa:

Takbo! Nariyan na sila!

D. Discussing new concept

Ang magkaibigang pusa.


Magkaibigan sina pusang lungsod at pusang bukid.
Minsan, dinalaw ni pusang lungsod ang kaibigan sa
bukid. Ano ba ang nagyari sa iyo, kaibigan? Ang
payat payat mo! Sabi ni pusang lungsod. Kakaunti
ang pagkain dito sa bukid. Tugon naman ni pusang
bukid. Nag isip si pusang lungsod. Naaawa siya sa
kaibigan. Mabuti pa, sumama ka sa akin sa lungsod .
Masaya at maraming pagkain doon. Masayang sabi
ni pusang lungsod. Hindi ba magulo sa lungsod?
Baka mawala ako roon. Natatakot na sagot ni pusang
bukid. Sumama si pusang bukid sa kaibigan.
Maraming pagkain silang nadatnan sa bahay ni
pusang lungsod. Ang daming pagkain! Para sa atin
bang lahat ito? Tanong ni pusang bukid. Oo. Sige,
kumain ka. Pautos na sagot ni pusang lungsod. Abala
sa pagkain ang dalawa. Biglang dumating ang may
ari ng bahay. Hinabol sila at muntik nang mahuli ng
may ari ang kanilang mga buntot. Mabuti na lamang
at nakapagtago si pusang lungsod. Nakasunod
naman sakanya si pusang bukid na takot na takot.
Uuwi na ako sa bukid. Mababait ang tao roon at
marunong silang mag alaga ng mga hayop. Kahit
kakaunti ang pagkain.l, tahimik at ligtas naman ang
bukas ko. Takot na sabi ni pusang bukid. Tama ka,
kaibigan. Higit na mainam ang buhay sa bukid.
Matiyaga ka lang, may makukuha ka ring pagkain.
Sagot naman ni pusang lungsod.

E. Continuation of the discussion of new concept

Salungguhitan ang mga uri ng pangungusap ang


inyong binasa sa "Magkaibigang pusa"

Ano ba ng nang yari saiyo kaibigan?


Ang payat payat mo!

Kakaunti lang ang pagkain dito sa bukid.

Mabuti pa sumama ka sa akin sa lungsod.

Hindi ba magulo sa lungsod?

Ang daming pagkain!

F. Developing mastery Para sa atin bang lahat ng ito?

Punan ang puwang ng angkop na pangungusap


upang mabuo ang diwa ng bawat dayalogo.
Sige, kumain ka.
Kate: _______! Nakita ko na naman ang crush ko.

Bea: _______? Ituro mo naman sa akin.

Kate: _______. Baka agawin mo pa.

Bea: _______. Sige pag nakilala ko yon. Talagang


mawawalan ka.

Kate: _______? E si coco martin lang naman yan na


nasa poster. O my god!
(Sabay turo sa may ding ding ng tindahan)

Bea: _______! Akala ko totoo na! Nasaan siya?

Wag na.
G. Finding practical application of concepts and skills Bahala ka diyan.
in daily living
Iyon ba ang sinasabi mo?
Anu-ano ang mga ginamit na uri ng pangungusap sa
inyong binasa sa "ang magkaibigang pusa"?
Hay nako ikaw talaga!

H. Making generalizations and abstraction about the


lesson
Pasalaysay
Magbigay ng sariling halimbawa ng pangungusap
gamit ang pasalaysay na pangungusap. Patanong

Padamdam
Sa patanong.

Pano naman sa padamdam? Pautos

At ang huli pautos o pakiusap?

I. Evaluating learning

Magbigay ng tig dalawang pangungusap gamit ang Ang bata ay naglalaro.


mga uri ng pangungusap.

J. Additional activites for application and Sino ang kumain ng tsokolate sa mesa?
remediation.
Nako! Nasusunog na ang kanilang bahay.

Pakikuha mo naman ang baso ng tubig sa may


mesa.

You might also like