You are on page 1of 7

BANGHAY ARALIN SA FILIPINO

I. Layunin
Pagkatapos ng klase ang mga mag-aaral ay inaasahang:
A. Nailalahad ang kahulugan ng aspekto ng pandiwa sa iba’t ibang mga sitwasyon.
B. Natutukoy ang paggamit ng wastong aspekto ng pandiwa.
C. Nakapagsasagawa ng gawain gamit ang tatlong aspekto ng pandiwa.

II. Kasanayang Pangnilalaman


A. Paksa: Aspekto ng Pandiwa
a. Perpektibo o Naganap na
b. Imperpektibo o Pangkasalukuyan
c. Kontemplatibo o Magaganap pa lamang
B. Sanggunian: Filipino 4 (Filipino Ngayon at Bukas)
C. Kagamitang Panturo: Biswal na panturo, laptop, telebisyon, aktibiti syits, mga
larawan, rubrik para sa pangkatang gawain, roleta, DIY t.v at flash kards.
III. Yugto ng Pagkatuto
Gawaing Guro Gawaing Mag-aaral
A. Panimulang Gawain
a. Pagbati
Magandang umaga, Baitang Magandang umaga rin po, Bb.
apat! Elmy! Mabuhay!
b. Panalangin
Maaari bang tumayo ang lahat para
sa ating panimulang panalangin? Opo
Panginoon maraming
Salamat po sa inyong kadakilaan at
katapatan sa aming mga buhay gayundin
sa araw na ito na ipinagkaloob po ninyo sa
bawat isa sa amin. Maraming salamat sa
panibagong umaga na ipinagkaloob niyo
po sa buhay ng bawat isa lalo na po sa
pagmamahal, gabay at pagpapalang
patuloy na ibinibigay sa amin. Kayo nawa
ang siyang patuloy na magbigay ng
karunungan at kaalaman sa bawat isa at
magkaroon ng panibagong kaalaman
kaming matutunan sa araw na ito. Amen!

c. Kaayusan ng Klasrum
Bago kayo umupo pulutin (Gagawin ng mga mag-aaral)
ang mga basurang nakakalat sa ilalim ng
inyong mga upuan at ayusin ang inyong
mga silya sa tamang linya.

d. Pagtatala ng Liban
May liban ba sa umagang
ito?
Unang pangkat may liban ba?

Ikalawang pangkat may liban ba? Wala po.

Ikatlong pangkat may liban ba? Wala po.

Bago ang lahat klase ay nais kong Wala po.


ipakilala ang aking mga alintuntunin.
1. Makinig nang Mabuti.
2. Iwasan ang makipagdaldalan sa katabi.
3. Marunong rumespeto.

Kamusta naman kayo sa umagang Mabuti naman po!


ito, baitang apat?
Masaya akong marinig iyan klase.

d. Pagbabaybay (Parirala)
1. umiibig sa bayan
2. di mahulugang karayom
3. madilim na kahapon
4. mapaglubid ng buhangin
5. nagbibilang ng poste
6. magmamahabang dulang
7. kabungguang balikat
8. naniningalang pugad
9. makabagbag damdamin
10. durungawan ng dalaga

B. Balik Aral
Tatatasin ng guro kung may
natutunan ang mga mag-aaral ukol sa
nakaraang talakayan sa pamamagitan
ng isang laro.

Bing GO!”
Pabibilangin ang mga bata ang numero na
nakatuon sa kanila ay kanilang tatandaan.
Pipili ng numero ang guro na nasa roleta
at kung sino ang natawag ay siyang
sasagot sa pangungusap na mabubunot
na nasa Bing GO! Card.

1. Sinusuklay ni Rosa ang kaniyang Sinusuklay


manika.
2. Nagmamaneho ng diyep ang aking Nagmamaneho
kapatid.
3. Maglalaro ng patintero ang mga bata Maglalaro
mamayang hapon sa labasan.
4. Ginupit ni Jeffrey ang telang pula. Ginupit
5. Ako at ang aking ina ay namalengke namalenge
kahapon.

 Ano ang Pandiwa klase? Ang pandiwa ay bahagi ng pananalita na


nagsasaad ng kilos o galaw sa
pangungusap.
 Magbigay ng ilang halimbawa ng Nagbasa, nagluto, kumain, natulog,
pandiwa o salitang kilos. magpipinta

C. Pagganyak
Sa pamamagitan ng mga
pangungusap na nakapaloob sa D.I.Y na
telebisyon tutukuyin ng mga bata ang mga
nakapaloob na pandiwa. Ang bawat
tamang kasagutan ng mag-aaral ay
ipapaskil ng guro sa pisara.
1. Si Berting ay manliligaw bukas ng  manliligaw
hapon sa tahanan ni Tinay.
2. Maglilinis ng bakuran si Rolly  Maglilinis
mamayang umaga.
3. Kami ay namamasyal sa Luneta tuwing  namamasyal
linggo.
4. Naglalaba ang Nanay sa ilog araw-  Naglalaba
araw.
5. Sumulat ng isang liham si Bong sa kanyang  Sumulat
sinisinta.
6. Noong nakaraang taon ay kinasal sina  kinasal
Rommel at Nelly sa isang kilalang hotel.

D. Presentasyon

1. Sa una at ikalawang pangungusap ano  Ang Pandiwa ay nagsasaad na


ang iyong napansin sa pandiwang ang kilos ay gagawin pa lamang.
nakapaloob sa pangungusap? Kailan
naganap ang kilos?
 Ang pandiwa ay nagsasaad na
2. Sa ikatlo at ikaapat na pangungusap?
ang kilos ay ginagawa pa lamang.
Kailan naganap ang kilos?
 Ang pandiwa ay nagsasaad na
3. Sa ikalima at ikaanim na pangungusap?
ang kilos ay nagawa na o tapos
Kailan naganap ang kilos?
na.

4. Ayon sa inyong mga ibinigay na  Ito po ay aspekto ng Pandiwa.


kasagutan. Ano kaya ang tawag sa mga
salitang ito?
5. Paano mo nasabi na ito ay aspekto ng  Sapagkat ang aspekto ng
Pandiwa? Pandiwa ay nagsasaad kung
kalian naganap o nangyari ang
kilos o galaw.
Magaling! Ang ating pag-uusapan o
tatalakayin natin sa uamgang ito ay
Aspekto ng Pandiwa.

E. Pokus na Tanong
Paano nakatutulong ang aspekto
ng pandiwa sa paglalahad ng mga
pangyayari.

F. Pagtatalakay
1. Ang aspektong naganap na o
perpektibo ay naglalarawan sa kilos o galaw
na ginawa na o nangyari na.
Ito ay kadalasang nabubuo sa
pamamagitan ng mga panlaping:
nag-
um-
in-

Mga halimbawa:
Salitang ugat Perpektibo
laba = naglaba
amin = umamin
aruga = inaruga

2. Ang aspektong nagaganap o


imperpektiboay naglalarawan sa kilos o
galaw na kasalukuyang ginagawa.
Nabubuo ang pandiwang ito sa
pamamagitan ng pag-uulit ng unang
pantig ng salitang-ugat at pagdaragdag ng
panlaping katulad ng sa Aspektong
Perpektibo.
Mga halimbawa:
Salitang ugat Perpektibo Imperpektibo
laro = naglaro = naglalaro
alis = umalis = umaalis
sabi = sinabi = sinasabi

3. Ang aspektong magaganap o


kontemplatibo ay nagsasaad na ang kilos ay
gagawin pa at maaaring umpisahan pa
lamang. Ito ay kadalasang nilalapian ng
panlaping mag at inuulit lamang ang unang
pantig o letra ng salitang ugat.
Mga halimbawa:
magsasaing
Ako ay magsasaing para sa hapunan
mamaya.
tatawid
Pagdating sa kabilang kanto ay tatawid
sa kabilang kalsada.
sasali
Sasali si Tom sa patimpalak.

4. Magbibigay ng ilang halimbawa pa nang


lalong maintindihan ng mag-aaral.

5. Ano ano ang tatlong aspekto ng  Aspektong nagaganap o


pandiwa? Magbigay. imperpektibo, magaganap o
kontemplatibo at naganap o
perpektibo.

6. Magbigay ng pandiwang nasa  Si Ariel ay nagbibihis ng damit.


aspektong imperpektibo at gamitin sa
pangungusap.
7. Magbigay ng pandiwang nasa  Ako ay magpipintura mamayang
aspektong kontemplatibo at gamitin sa hapon.
pangungusap.

8. Magbigay ng pandiwang nasa  Kami ay namasyal sa MOA


aspektong perpektibo at gamitin sa kahapon.
pangungusap.
9. Klase ano ano ulit ang tatlong aspekto  Aspektong nagaganap o
ng pandiwa? imperpektibo, magaganap o
kontemplatibo at naganap o
perpektibo.

8. Base sa ating talakayan ano ang  Nailalahad ng pandiwa ang


naitutulong ng mga pandiwa sa panahon kung kailan naganap
paglalahad ng impormasyon? ang mga pangyayari.

G. Pangkatang Gawain
Pagpapangkatin ng guro ang mga
mag-aaral sa tatlong pangkat. Ang layunin
ng pangkatan ay magamit ng mga mag-
aaral ang iba’t ibang aspekkto ng pandiwa
sa mas komunikatibong pamamaraan.
Buhat ditto, hihilingin ng guro na 5ai to5 ng
mga mag-aaral ang mga aspekto ng
pandiwa sa iba’t ibang sitwasyon.
Itatanghal ito ng mga mag-aaral 5ai
to5pos. (15 minuto)

PAMANTAYAN SA PANGKATANG
GAWAIN
Nilalaman 4
Pagkamalikhain 4
Kaisahan ng pangkat 3
Impak 4
Kabuuan 15

Unang Pangkat- Magsagawa ng isang


maikling dula-dulaan na ang kaganapan
ay “Unang araw ng klase” at gamitan ng
perpektibo o ang kilos ay naganap na
aspekto ng pandiwa.

Ikalawang Pangkat- Magsagawa ng isang


talkshow na may temang “Pamimili ng
kagamitan” at gamitan ng imperpektibo na
aspekto ng pandiwa o ang kilos ay
ginagawa sa kasalukuyan.

Ikatlong Pangkat- Magsasagawa ng


isang maikling balitaan na pumapatungkol
sa mga “Isyung panlipunan noong
nakaraang taon”.
(Isagawa ang mga nakaatas na gawain)
H. Pag-uulat ng Pangkat
(Magbibigay ang bawat pangkat ng
I. Fidbak ng mga mag-aaral puntos sa bawat grupo)
J. Input ng Guro
Pagpapaliwanag at pagbibigay
linaw ng guro sa pangkabuuang
talakayan.
(Magbibigay ng puntos sa bawat pangkat)

K. Paglalapat
 Bilang isang kabataan o  Bilang isang kabataan o mag-
mag-aaral bakit kailangan aaral kailangan malaman o
malaman o pahalagahan ang pahalagahan ang tamang
tamang paggamit ng mga paggamit ng mga aspekto ng
aspekto ng pandiwang pandiwa sa isang pangungusap
nakapaloob sa isang upang mas lalong mabigyang
pangungusap? linaw ang nais iparating ng tao sa
kinakausap o
pakikipagkomunikasyon at
maiiwasan ang hindi
pagkakaunawaan o
pagkakainitindihan.

 Sa anong paraan mo  Sa pamamagitan ng simpleng


mapapahalagahan ang mga pagsulat ng isang liham para sa
aspekto ng pandiwa na aking mga minamahal sa buhay
bahagi ng pananalita? aking mapapahalagahan ang iba’t
ibang aspekto ng pandiwa.

 Makakatulong 6ai to sa iyo  Makakatulong ng malaki ito bilang


bilang isang mag-aaral na isang estudyante o mag-aaral na
Pilipino o pagpapayabong sa Pilipino sa pagpapayabong ng
ating wika? ating wika sapagkat ito ang
magiging gabay ng bawat isa
upang tayo ay marunong
gumamit ng mga tamang salitang
pandiwa sa pakikipagtalastasan o
pakikipagkomunikasyon.

L. Paglalahat
Muli, ano ang pandiwa at tatlong Ang pandiwa ay bahagi ng
aspekto nito? pananlita na nagsasaad ng kilos o
galaw. Ang pandiwa ay may tatlong
aspekto ito ay perpektibo o naganap na,
imperpektibo o pangkasalukuyan at
kontemplatibo o magaganap pa lamang
ang kilos.

M. Pagsagot sa Pokus na Tanong Makakatulong ang aspekto ng pandiwa


Paano nakatutulong ang aspekto sa paglalahad ng mga pangyayari sa
ng pandiwa sa paglalahad ng mga pamamagitan ng paggamit nito nang sa
pangyayari? gayon malalaman kung kalian naganap
o nangyari ang kilos.
N. Ebalwasyon
Kumuha ng isang bahagi ng papel
at tukuyin kung ang mga pandiwang
ibibigay ay nasa aspekto ng pandiwang
naganap na, nagaganap, at magaganap
pa lamang.

Nagwalis kakainin nakikinig naganap magaganap nagaganap


itinuturo nagtatago nagsimba nagaganap nagaganap naganap
nanganak matutulog tumutulong Naganap magaganap nagaganap

IV. Takdang Aralin


Gumawa ng isang maikling kwento
na tumatalakay sa iyong sariling buhay.
Kung anong mga karanasan mo noon,
ngayon at ang mga nais mo sa hinaharap
at gamitan ng mga pandiwang perpektibo,
imperpektibo at kontemplatibo. Ipasa ito sa
susunod na pagkikita.

Naiintindihan klase? Opo!

Paalam klase! Paalam din po Bb. Elmy! Mabuhay!

You might also like