You are on page 1of 22

Panitikan ng Israel

Heograpiya ng Bansang Israel


Ang Israel ay bansang matatagpuan sa Timog Kanlurang Asya. Ito ay nasa silangang baybayin ng
Dagat Mediterranean. Sa hilaga nito ay matatagpuan ang Lebanon, Syria sa Hilagang- Silangan,
Jordan at ang West Bank sa Silangan, Ehipto at ang Gaza Strip sa Timog- Kanluran.

Lupain: Area : 20,720 km2 ( 8,000 mi2)


Populasyon : 8.712 milyon (2017)
Kabisera: Herusalem/ Jerusalem
Pamahalaan: Sistemang Parliamentary, Lehislatura, Knesset
Wika: Hebreo at Arabiko
Relihiyon: 80 % Hudyo, 4% Kristiyanismo, at 15% Islam

Kasaysayan ng Israel
Ang modernong estado ng Israel ay itinatag dahil sa pagsaalang-alang sa kautusan ng League of
Nations sa Britanya pagkatapos ng World War I.
Zionism- isang kilusan na umusbong noong labinsiyam(19) na siglo.
Balfour Declaration ng 1917- ito ang nagbigay ng lakas ng loob sa mga Israelite na pagpursigihing
maitatag ang bansang Israel.

Noong 1947 ang UN ay nagbotohan upang hatiin ang Palestine sa dalawang bansa, Hudyo at
Arabo.

May 13, 1948- tinanggap ng mga British na sila ay nabigong ipagkasundo ang mithiin ng mga
Arabo at Hudyo.
May 14- dineklara ang kalayaan ng Israel
May 15- umatake ang mga Arabo dahil tumanggi sila sa partisyon ng Palestine at Israel.
Sa pagtatag ng Israel ay patuloy ang mga sigalot.

 Pagdagsa ng mga Hudyo mula sa ibat ibang lugar dahilan upang dumami ang populasyon
mula sa 650,000 noong 1948 hanggang 1,300,000 noong 1952.

Taong 1953-1956- kunti na lang ang mga lumipat, humina ang ugnayang pangkalakalan mula sa
ibang bansa at nagbigay ng bayad pinsala ang West Germany para sa naganap na digmaang Nezi.

Suez- Sinai War ng 1956


 Naging masaya ang mga Israel sa panahon ng kanilang pananakop. Tumaas ang antas ng
ekonomiya. Kahit na ang bansa ay nakaranas ng paulit-ulit na pag-atake ng mga terrorista
na suportado ng grupo ng mga gerilyang Palestinian na itinatag sa ilalim ng Palestine
Liberation Organization (PLO).

Anim na Araw ng Digmaan noong 1967


 Okupado ng Israel ang Sinai ng Peninsula, Gaza Strip, at Golan Heighs at West Bank ng
Jordan. Nang ang kasunduang pangkapayapaan ay nalagdaan ay lumisan na sila sa mga
teritoryong sinakop.
Oktubre 1973- naganap ang surpresang pag-atake ng Arabo sa Israel. ( Yom Kippur War)
Noong 1977- namuno si Menavhem Begin sa ilalim ng Rightwing Government.

Marso 26, 1979- nilagdaan ang kasunduang pangkapayapaan at kasunduang pagbabalik ng Sinai
sa Ehipto.
1980- pormal na idineklara na ang Herusalem ang kabisera ng Israel.
1981- isinaad ang patuloy na paninirahan ng mga Israeli sa Golan Heights at West Bank.

1982- sinalakay ng mga taga-Israel ang ilang bahagi ng Lebanon, ito ang kuta ng mga gerilyang
kabilang sa Palestine Liberation Organization (PLO) .

Disyembre 1987- naganap ang matagal na pag-usad ng usaping pangkapayapaan sa Gitnang


Silangan ito ay nagbunga ng pagsiklab ng paghihimagsik ( Intifada) ng mga Arabong Palestine sa
West Bank at Gaza Strip.

1991—ang Israel ay nagtimpi sa direktang pagkakasangkot sa Gulf war kahit na ang missile ng
Iraqi Scud ay umatake at tumarget sa mga sibilyan ng Israel.

Yitzhak Rabin- naging prime minister noong 1922 na pumirma ng kasunduang pangkasaysayan (
sa mga Palestinian) sa pagitan ng PLO noong 1993 at 1994.

Sina Rabin, Shimon Peres, at ang lider ng PLO na si Yasir Arafat ay nagkasundo, at dahil dito ay
nabigyan sila ng Nobel Peace Prize para sa kanilang mga pagsisikap na manatili ang kapayapaan
sa lugar noong 1994.

Ang estado ng gitnang silangan ay humarap sa bagong anyo. Ang digmaang Israel at Jordan ay
natapos hanggang Hulyo 25, 1994. Pinirmahan ang pormal na kasunduan noong Oktubre 26, 1994.
Watawat ng Israel

Ang bandila ng Israel ay pinagtibay sa Oktubre 28, 1948,


limang buwan matapos ang pagtatatag ng bansa. Ito ay
nangangahulugan ng isang asul na Bituin ni David sa isang
puting background, sa pagitan ng dalawang pahalang asul
guhitan.

Puti - Simbolo ng liwanag, katapatan, kawalang-malay at kapayapaan.


Asul - Simbolo ng pagtitiwala, katapatan, karunungan, confidence, katalinuhan, pananampalataya,
katotohanan, at langit.

EMBLEM

Ang sagisag ng Israel (Hebrew: ‫ )סמל מדינת ישראל‬ay


nagpapakita ng isang menorah na napapalibutan ng isang
sanga ng oliba sa bawat panig, at ang pagsulat na "‫"ישראל‬
(Hebreo para sa Israel) sa ibaba nito. Habang ang background
ng simbulo ay laging bughaw, ang menorah at mga oliba na
sanga ay maaaring alinman sa puti o golden.

Ang imahe na ginamit sa eskudo ay batay sa isang


paglalarawan ng ang menorah sa arko ng Titus. Ang menorah
ay ginagamit sa sinaunang Templo sa Jerusalem at ay isang
simbolo ng Hudaismo mula sa sinaunang mga panahon. Ito ay
simbolo ng unibersal paliwanag. Ang mga oliba na sanga ay
simbolo ng kapayapaan.

Pambansang Awit

Hatikva
Naftali Herz

As long as in the heart within,


The Jewish soul yearns,
And toward the eastern edges, onward,
An eye gazes toward Zion.

Our hope is not yet lost,


The hope that is two-thousand years old,
To be a free nation in our land,
The Land of Zion, Jerusalem.
Ang Pamahalaan ng Israel
Sistemang Parlyamentaryo bilang isang demokratikong republika.
Knesset- mga kasapi ng unicameral Parliament.

 May kapangyarihang gumawa ng batas. Sila ang maghahalal ng maging presidente na


mamumuno sa bayan.
 Ang 120 miyembro ng Knesset ay manunungkulan ng 4 na taon.
Prime Minister- ang pinuno ng pamahalaan na magseserbisyo sa loob ng 4 na taon.
Ang Gabinete ang may kapangyarihang ehekutibo, ito ay pinili ng Prime Minister.
Kadalasan may sampung (10) partido ang mananalo sa eleksiyon.
Labingwalong taong gulang pataas (18) ang maaaring bumuto.

Mga Tao

Sabras- ang tawag sa mga Hudyo na ipinanganak sa Israel


Olim- tawag sa mga Hudyong lumipat lamang sa bansa
Ang mga Di-Hudyo ay kinabibilangan ng mga Arabo at Druzes.

Pera ng Israel
Ang Israel new shekel o mas kilala bilang Israeli shekel ang opisyal na pera ng Israel, ginagamit
din ito bilang midyum ng kalakalan sa mga teritoryong Palestino ng West Bank at Gaza Strip.

Ang exchange rate ng Israeli shekel sa peso ay

1 ILS= 14.4149 PHP

Kultura, Tradisyon at Paniniwala Ng bansang Israel

Edukasyon
Mahalagang bahagi ng buhay at kultura ng mga Israeli ang edukasyon. Ang bansa ay mayroon
ng nalinang na komprensibong Sistema ng edukasyonng nakabatay sa kasalukuyang layon ng
secular na edukasyon . ang edukasyon ng bansa ay inaabot ng mga 10 bahagdan ng kanilang GDP
na ipinagkaloob nang libre sa mamamayan.

Ang paaralang pang sekondarya ng Israel ay napapalooban ng paghahanda para sa Israeli


matriculation exams na kung tawagin ay Bhinot Bagrut. Ito ay napapalooban ng ibat ibang
pagsusulit sa ibat ibang asignatura. Sa pagkakataong ninanais ng mga mag-aaral na mag-aral sa
kolehiyo , siya ay maaaring humiling ng karagdagang panahon bago magpalista ng kanyang
pangalan sa IDY o Israel Defense Forces . lahat ng nagnanais magpatuloy ng pag-aaral ay
kinakailangang magpasailalim sa programa kung saan ang kanilang pag-aaral ay binabayran ng
pambansang hukbo.

Sa pagtatapos ng serbisyo sa hukbo, ang bawat Israel na may kabuuang matriculation certificate
ay maaring matpatuloy sa kolehiyo batay sa kaniyang mga aptitude.

Lahat ng unibersidad at ilang kolehiyo ay tinutulungan ng pamahalaan at ang mga mag-aaral ay


nagbabayad lamang ng maliit na bahagi ng kanilang matrikula

Ekonomiya
Ang Israel ay isang industriyalisadong bansa, karamihan sa mga produktong kanilang
minamanupaktura ay Dumadaan sa masusing pananaliksik at ginagamitan ng mga Hi-Tech na mga
kagamitan.

Ang Hi – Tech na sector ng ekonomiya ng Israel ang mayroong pinakamataa na antas ng pag-
unlad.

Halos 80 % ng mga hi-tech na produkto ang ini-eksport, habang ang mga tradisyunal na mga low-
tech na produkto ay nag-eksport lamang ng 40%.

Nang taong 2009, ang mga produkto ng ICT ( Information an Communication Technology) ay
nakahakot ng 19 bilyong dolyar. Nakapagbigay ito ng trabaho sa humigit kumulangh 204,000 na
mga tao.
Kompanya na sa Hi- Tech na sector ng Ekonomiya ng Israel ay ang mga sumusunod;
Diamond Industry ng Israel
Isa sa mga nangungunang bansa pagdating sa pagmamanupaktura at pangangalakal ng diyamante
ang Israel.
Sinasabing ang mga diyamanteng mula sa Israel ay mapagkatiwalaan at mataas ang kalidad.

Nang taong 2008, ang pag-eksport ng diyamante ay nakahakot ng 9.4 bilyong dolyar. Nang taong
2009, ineksport ng Israel ang karamihan sa mga diyamante nito sa Estados Unidos at Hong Kong.
Isa rin sa mahalagang mamimili ang bansang Belgium at Switzerland.

Agrikultura
Bagama’t mayroong kakulangan sa natural na aman, particular na satubig at matabang lupa.
Napaunlad pa rin nila ito sa pagtutulunbgan ng mga mananaliksik, magsasaka at ng iba pang mga
industriyang may kinalaman sa pag-aagrikultura.

Ilan sa pamamaraan na ginawa ng Israel upang malutas ang kanilang kakulangan sa natural na
yaman ay.,
SINING

Makikita sa gitna ang larawan ni Chbus at sa magkabilang gilid naman ay larawan ng isang pinotr
katabi ang tagagawa ng lampara at ang isang larawan ay ang manlililok na katabi ang isang
tagahabi ng basahan.
Ang pananamit ay nagsisimbolo ng kanilang kaugnayan sa relihiyon o gobyerno.

Musika
Ang Classical music sa Israel ay naging makulay mula noong 1930s. Tahanan ito ng ilang mga
world-class na ensembles tulad ng Israel Philharmonic at ang New Israeli Opera. Maraming mga
musikal impluwensya ang nagmula sa Etyopya, Middle Eastern, rock, jazz, hip-hop, electronic,
Arabic, at pop mainstream. Tradisyonal na folk dances ng Israel ay ang Hora. Ang musika ng Israel
ay pinagsamang mga musika ng Silangan at Kanluranin.
Pagkain
Iconic na pagkain ng Israel
Pita Bread Soaked in Lamb Soap Falalel

Pagbati
Lalaki babati ng Lalaki
 Kamayan sabay hawak o sa siko. Kung kapamilya o malapit na kaibigan, maaaring
magyakapan nang saglit. Palaging gamitin ang kanang kamay kung babati ng isang
Muslim.

Babae babati ng babae


 Sa unang pagkikita, maaaring kamayan lamang. Kung malapit na kaibigan ay maaaring
maghalikan sa pisngi.

Lalaki babati ng babae


 Sa unang pagkikita, maaring magkamayan lamang. Maaari ring magbeso-bseo depende sa
lugar at panahon. Kung relihiyoso ang isang ao, malalaman ito kapag nakasuot ang Lalaki
ng kippah at ang babae ay nakasuot ng damit na hindi nakikita ang tuhod, dibdib,kamay at
siko, nakabalabal din ang ulo kapag ito’y kasal na, bawal silang hawakan.

Pagtingin sa kasarian
 Mayroong pantay na karapatan ang babae at lalak sa halos lahat ng mga bagay.
 Hinahayaan ding makapag-aaral ang mga babe at maaring magtrabaho sa labas ng bahay
ngunit hindi maaarin mawala ang mga obligasyon niya sa bahay.
 Kung relihiyoso ang isang pamamahay, ang mga babae ang inaasahang magluto, maglinis,
mag-alaga ng bata at gumawa ng iba pang Gawaing bahay. Lalaki ang inaasahang kumita
para sa pamilya.

Mga bawal
 Paglagay ng hinlalaki sa gitna ng hintuturo at hinlalato habang nakasara ang kamao ay
bawal.
 Sa mga muslim na komunidad, bawal ipakita ang suwelas ng iyong paa at bawal gamitin
ang paa upang igalaw ang mga bagay-bagay. Iwasan din ang pag-abot ng mga bagay gamit
ang kaliwang kamay.
 Likas na magiliw ang mga Israelis, kaya’t maaaring masamain nila kapag tinanggihan ang
mga paanyaya nila.
 Kung kakain sa bahay ng ibang tao, kapag ninigyan ka ng pagkain, doon ka pa lang
puwedeng kumain. Mahalaga ring puriin ang tagapagluto.
 Bawal ikasal ang isang hudyo sa isang hindi hudyo

Pilgrimahe

Sa loob ng Old City ng Jerusalem, makikita ang Western Wall o mas kilala sa tawag na Wailing
Wall na itinuturing na pinakabanal na lugar para sa mga Hudyo.

Sa Mt. Zion, ang lugar kung saan ginanap ang Last Supper o kilala rin bilang kauna-unahang Holy
Communion para sa sa mga Kristiyano. Mahalaga rin ang Mt. Zion para sa mga Hudyo, dahil sa
ilalim nito matatagpuan ang pinaniniwalaang libingan ng isa sa pinakaimportanteng namuno sa
Israel – si Haring David.
SANAYSAY

Usok at Salamin: Ang Tagapaglingkod at ang Pinaglilingkuran


Isinulat ni Gordon Fillman
Isinalin ni Pat V. Villafuerte

Ilang taon na ang lumipas, banal na araw noon sa Herusalem, nahirapan ako sa pinakamagulo kong
karanasan sa mga kasapi ng mga piling Israeli Ashkenazic (may karanasang Europeo).

Naninirahan ako noon sa isang maganda, luma at mabuhay na lugar kasama ang mga kapitbahay
kong Kurdish, Persian, Iraqi, Amerikano at Ashkenazic Israeli Jews. Isang araw, isang kilala sa
akademya at ang mapayapang paggalaw ang tinigilan ng kaniyang sasakyan habang ako’y pauwi
sa aking bahay mula sa kabayanan, at ako’y kaniyang inalok ng sakay. Habang ako’y kaniyang
ipinagmamaneho sa aming magandang lansangan, inilarawan ko ang kapalaran sa pagkakaroon ng
kapitbahay mula sa iba’t ibang lugar. “Ugh”, bulalas niya nang kami ay dumating sa mga Persians,
“Mga Persian: sila ang pinakamasama.” Ang malamig kong pakli sa kaniya ay “Anong
kaimpyernuhan ang pinagsasabi mo?” “Ay, naku,” dugtong niya, “Lahat ay nakakaalam na sila
ang pinakamasama.”

Hindi pa ako nakikipagbalitaan sa mga kakilalang ito ilang taon na ang nakakalipas. Inilarawan ko
sa aking isipan kung gaano siya naguluhan sa kinalabasan ng botohan ng mga Israelitas.
Ipinagtataka ko kung mayroon siyang palatandaan tungkol sa gawain na siya at ang kanilang mga
kasamang Ashkenoisie ay may bahagi sa pagbubunyag nito.

Matapos ang botohan, isang malaking bilang ng tagapanood na Afro-Asian Jews ang masiglang
sumagot kay Netanyahu. Sobrang galit ang mga nakikinig sa kaniya kasama si Perez, na si
Netanyahu ay pamamahalaan sila, upang ang kanilang kawalang-galang ay mawala.

Ang hinanakit kay Perez ay nagmungkahi ng hinanakit sa klase sapagkat siya ay inaakalang
kumakatawan sa mga sekular, cosmopolitan, mapayapang

mamamayan sa mundo na nangangahulugan na magtatanggol ng proseso ng kapayapaan sa Israel.

Sa mga nangunang tagapag-isip ng mga Ionist ay hindi man lang umasa na ang mga Europeong
Hudyo ay magkukulang ng bilang laban sa mga Aprikano at Asyano, ni hindi sila gumawa na tila
pang-unawa, na sila ay magsimulang magkulang ng bilang laban sa mga Afro-Asians, na ang
edukasyon, klase at paksa tungkol sa relihiyon ay maaaring mag-udyok ng relasyong magkalaban
na ang salitang maganda lamang sa pandinig at mga kamalian ay mabawasan.

Ang Ashkenazim ay kinakatawan ng mga nakapag-aral na Israelitas. Mayroon … ako’y


nakatitiyak, walang sadyang patakaran ng pagtatanggal, ngunit tulad ng karamihang paaralan sa
Israel, ang edukasyon ay napangingibabawan ng mga matataas at panggitnang uri ng Ashkenazim.
May lalabas na paboritismo sa paghahanap ng mabuting paaralan at pagtatanggap ng mga tao sa
pamantasan at programang propesyonal. Ito’y hindi pagsasabi na ang tagumpay ay hindi lubos na
mahalaga sa pagpapasiyang ito, ngunit sinong maayos ng mga trabaho, pook, paaralang institusyon
ang nagbibigay ng pondo sa iba’t ibang kahanga-hangang tagumpay? Higit sa lahat ang mga
Ashkenazim.

Ang Afro-Asian ( a.k.a Sephardic, Oriental, Eastern, at Mizrachi ) Jews ay sa pinakabahagi, kaakit-
akit na bourgeoisie at manggagawa, uri ng tao na nagbibigay ng pangangailangan ng kanilang
grupo at nagsisilbi rin upang ang buhay ay maging komportable para sa mga nakatataas at nasa
gitnang klase ng mamamayan. Na may kaunti at mahalagang pagtutol, partikular na sa pagtatayo
ng mga industriya, Ashkenazic ang pinaka-bourgeoisie at ang tagapaglingkod. Tulad sa lipunan,
ang ikinagagalit ng mga tagapaglingkod tungo sa pinagsisilbihan ay pinapasakitan ang mga
nahuhuli at sila’y nawawalan o nasisiraan ng loob. Ito’y tulad ng masasabing, kung ako’y
komportable, bakit ang mga taong nagsisilbi sa akin ay hindi bagay hangaan at pasalamatan? Ang
pinaglilingkuran sa U.S. – Jewish at walang ibang kilos.

Sa Israel, ang pinaglilingkuran ay mahilig ding maging mataas na konsumer. Ito’y napapalagay
na ang mataas na consumer ay gulat sapagkat sila’y kadalasang nasasakop at maaaring kahit
galitin, ng mga katamtaman at mababang konsumer. Bilang pagbaling ng mga Israelitas sa mga
estilo ng U.S. at ang sukatan ng paggawa (ang orihinal na bilihan sa Israel, naitayo ilan taon pa
lang ang nakakalipas, tila dumanas ng cell division countless time, bagay na tunay na tumatakip
sa kaayusan ng Israel), ang matataas na konsumer ay ipinagmamalaki ang kanilang kayamanan sa
mga katamtaman at mababang antas ng uri ng sistema na ang agwat ng mayaman sa mahirap ay
mabilis na gumagawa sa U.S.

Ang mga pinaglilingkuran ay mahilig ding maging sekular at magpasakit sa harap ng mga
relihiyosong mga tagasubaybay. Kahit na karamihan sa mga Afro- Asian Jews ay hindi gaanong
relihiyoso, ang inuuna nilang kultura ay hindi sila binibigyang konsepto, gawing mag-isa ang
pagsasanay ng serkularismo. Ang Hudismo ay hindi relihiyon sa kanila, ni ngayon, bagkus, ito’y
bahagi ng kanilang buong buhay. Noong si Paula Ben-Gurion, asawa ng Unang Kataas-taasang
Ministro ng Israel silang kapwa mabagsik na sekular – ay tinanong kung ano ang pakiramdam ng
bumili ng kosher meat, ito’y hindi nakagugulo sa kaniya. Simple niyang gawin sa sandaling umuwi
siya. Sa magandang sagot, ngunit nakagugulo sa mga Jews mula Aprika at Asya na iniisip lamang
ito bilang kalapastanganan. Alinsunod sa pagsusuot ng yarmulke sa Wailing Wall, si Netanyahu
tulad ni Begin, bago siya nagawa niyang magdala ng pagkakaisa kasama ng mga may
pagkerelihiyosong mga tagapaglingkod.

Posibleng ang malaking pakinabang ng mga botanteng Jews ay nakapagbigay kay Netanyuha
(55% ng botanteng Israeli Jews-ed.) ay hindi malaking pagtanggi sa proseso ng kapayapaan o
pababain ito. Sa halip ang may kalakihang seksyon ng populasyon ng mga Israeli Jewish ay
pinapantayan ang mga tumatangkilik sa kanila, ini-isteryotayp sila at umaasa sa kanila upang
matanggap ang kanilang gagampanan bilang tagapaglingkod sa mga may tanging karapatan.

Ang galit sa uri ay madalas na nagpapagalaw sa politika sa mga bansang class ridden. Ang
pagsubok sa mga tao na naghahangad na makita ang kalayaan at ang tunay na demokrasya sa
Israel, sa U.S., Russia at saan man ay ang kung paano dalhin ang mapayapang mga uri para
intindihin ang mga galit sa kanila at ang kanilang aktibong bahagi sa paninindigan nito. At saka,
ang pinakamalaking pagsubok sa lahat, ay kung kondesasyon, at dominasyon sa sosyal na
pagbubuo mula ng pangalan at interes ng bawat isa. Inaasam ko ang mga araw ng mga guro /
aktibista ay magsasabing. “Mataas at katamtamang uri ng tao, maipagmataas at mapag-uri, iyan
ang pinakamasama”.
TULA

Jews in the Land of Israel


BY YEHUDA AMIC HAI
TRANSLATED BY CHANA BLOCH

We forget where we came from. Our Jewish


names from the Exile give us away,
bring back the memory of flower and fruit, medieval cities,
metals, knights who turned to stone, roses,
spices whose scent drifted away, precious stones, lots of red,
handicrafts long gone from the world
(the hands are gone too).

Circumcision does it to us,


as in the Bible story of Shechem and the sons of Jacob,
so that we go on hurting all our lives.

What are we doing, coming back here with this pain?


Our longings were drained together with the swamps,
the desert blooms for us, and our children are beautiful.
Even the wrecks of ships that sank on the way
reached this shore,
even winds did. Not all the sails.

What are we doing


in this dark land with its
yellow shadows that pierce the eyes?
(Every now and then someone says, even after forty
or fifty years: "The sun is killing me.")

What are we doing with these souls of mist, with these names,
with our eyes of forests, with our beautiful children,
with our quick blood?

Spilled blood is not the roots of trees


but it's the closest thing to roots
we have.

“Jerusalem”
ni Yehuda Amichai (Israel)
Isinalin ni Eugene Y. Evasco

Sa bubungan ng Lumang Lungsod,


ang mga labaha’y nakasampay sa pang-hapong liwanag:
ang puting kumot ng isang babaeng kaaway,
ang tuwalya ng isang lalaking kaaway,
upang ipamunas sa pawis ng kanyang kilay.

Sa himpapawid ng Lumang Lungsod,


may lumilipad na saranggola.
Hawak ng isang bata
ang dulo ng pisi;
hindi ko siya Makita dahil sa pader.

Tayo’y nagladlad ng napakaraming watawat,


sila’y nagladlad ng napakaraming watawat.
Upang paniwalaan nating masaya sila,
upang mapaniwala silang masaya tayo.

Ang nagsasalita sa tula ay tumitingin sa lugar ng Lumang Lungsod ng Jerusalem.

Ang sampayan sa unang saknong ay makabuluhan, dahil ikaw ay makakaisip ng pagpapakita ng


maduming labahan – isang pararila na nagsasaad ng kahihiyan at konting kaasiwaan sa
pagsisiwalat ng iyong sarili sa ilang paraan. Ang puting kumot naman ay umuugong ng
kapayapaan at mulala, pagsuko, at kamatayan – dito, ang pagsuko ay tungkol sa paglalaban ng
Israel at Palestine.
Ang paggamit ng salitang kaaway sa unang saknong ay mahalaga dahil tumutukoy ito sa mga
Palestinian – ang Palestinian ay kaaway, sapagkat tao rin katulad ng nagsasalita bagamat silang
dalawa’y may labanan pa. Ang pader sa pangalawang saknong ay pwedeng basahing metaporiko
– itong metaporikong pader ay naglilingkod sa ganap na paghihiwalay ng mga Israeli at
Palestinian. Gamit nito, matutukoy natin na hindi sila nagkikita dahil sa pagiging nasa magkaibang
kabila ng pader. Ang pader din ay pwede nating intindihin na isang pisikal na hadlang, dahil ang
Jerusalem ay mayroong maraming pader. Sa saknong ring ito, hindi nakikita ng nagsasalita ang
bata dahil sa pader.

Ang bata rito ay kumatawan ng walang-muwang – ang bata ay lumilipad ng saranggola sa kabilang
dako ng pader at inosente sa hindi pagkakasundo ng magkabilang ibayo. Hindi makita ng
nagsasalita ang bata at kaniyang pagkawalang-muwang dahil naiintindihan niya ang pag-aaway.

Ang huling saknong ay tumutukoy sa watawat bilang isang paligsahan – isang pagtatangka sa
pagpapatunay ng kasiyahan. Ang dalawang panig ay naglaladlad ng maraming watawat para
maipakita na mas masaya sila kaysa sa kabila, ngunit sa katunayan ay walang masaya. Ang wakas
ng tula ay nagbibigay ng isang tonong kapaguran sa loob ng hindi pagkakasundo ng Israel at
Palestine.
PARABULA

Ang Arko Ni Noah


Noong unang-unang. panahon ay marami raw masasamang tao sa mundo. May nagsasabing ayaw
sila sa Diyos. Ang Diyos ay may isang anak na mabuti. Ang pangalan nito ay Noah. Siya at ang
kanyang pamilya ay nagmamahal sa Diyos. Hindi sila gumawa ng mga diyos na yari sa bakal. Sila
ay tapat sa Diyos. Isang araw si Noah ay tinawag ng Diyos.

"Gumawa ka ng isang arko," ang utos ng Diyos kay Noah. "Doon mo isilid ang dalawa sa bawa't
uri ng hayop sa mundo. Kapag umulan at bumaha ay pumasok ka sa arko. Isama mo ang iyong
angkan. Kayo ay aking ililigtas."

Ang mga tao ay nagtawa lamang nang makita nila si Noah na gumagawa ng arko. Hindi sila
natakot. Sila ay hindi naging mabuti. Lalo silang.naging masama.

Natapos ni Noah ang malaking arko. Pinuno niya ito ng mga pagkain para sa lahat. Kumuha siya
ng dalawa bawa't hayop sa lupa. Gayon din ang halaman. Lahat nito at ang kanyang pamilya ay
lumulan sa arko.

Isang araw, ang buong kapaligiran ay nangulimlim. Biglang bumuhos ang napakalakas na ulan.
Walang patid ang patak ng malakas na ulan hanggang sa magbaha.

Ang ulan ay nagtagal ng apatnapung araw. Tumaas nang tumaas ang tubig. Nangalunod ang mga
tao sa lupa. Ang buong kapaligiran ay nagmistulang isang malaking dagat. Ang malaking arko na
dating nakasayad sa lupa ay nakalutang na ngayon sa tubig ulan si Noah at ang kanyang pamilya
pati na ang mga hayop at halamang isinama niya.

Napalis lahat ang dumi sa mundo. Nais ng Diyos na linisin ang mundo. Alisin ang mga
maruruming gawain at mga makasalanang tao. Ang masasamang tao na noong una ay nagtawa
lamang kay Noah ay pawang nangalunod na. Wala nang makitang isang bagay sa mundo kundi
tubig at ang arko ni Noah.

Nang huminto ang ulan at bumaba na ang tubig ay sumikat na ang araw. Tuwang-tuwa sina Noah.
Napakaganda ng sikat ng araw. Ito ay waring nag bibigay buhay sa kanila. Nag-awitan ang mga
ibon at nag-ingay ang mga hayop. Silang lahat ay nagalak.
Muling nagbalik sa dati ang kapaligiran maliban sa mga taong masasama. Lumitaw ang mga
bundok at ang mga halaman ay muling tumubo. Lumabas si Noah kasama ng kanyang pamilya at
mga alagang hayop. Nagkaroon muli ng buhay sa ibabaw ng lupa.

Sina Noah ay tuwang-tuwa. Naghandog at nagpasalamat sila sa Diyos.

"Mula ngayon," ang wika ng Diyos," ay hindi Ko na muling pauulanin nang matagal. Hindi na
muling babaha. Hindi ko na gugunawin ang mundo. Kapag nakakita kayo ng bahaghari ay
maaalaala ninyo ang Aking pangako."

Ang Propetang si Moises


Si Moises ay nagbinata. Ang kanyang mga tao, na mga Israelita, ay alipin sa Egipto. Nakita niya
ang kanyang mga taong gumagawa nang mabibigat na gawain. Si Moises ay nalungkot para sa
kanila.
Isang araw ay nakakita si Moises ng isang Israelita na pinapalo ng isang Egipcio. Nagalit siya.
Pinatay niya ang Egipcio.

Nalaman ng hari ng Egipto na pinatay ni Moises ang Egipcio. Sinabi niyang ipapapatay niya si
Moises. Natakot si Moises. Umalis siya sa Egipto at nagpunta sa ibang lupain. Nanatili siya roon
sa loob ng maraming taon.

Isang araw si Moises ay umakyat sa isang bundok. Nakakita siya ng isang palumpong na
nagliliyab. Ngunit ang palumpong ay hindi nasusunog ng apoy. Ito ay isang himala. Ipinakita nito
kay Moises ang kapangyarihan ng Diyos. Si Moises ay lumapit dito. Si Jesucristo ay nakipag-usap
kay Moises mula sa palumpong. Alam ni Jesus na ang mga Israelita ay hindi masaya. Hindi Niya
gustong sila ay maging mga alipin. Kaya sinabi Niya kay Moises na pamunuan niya ang mga
Israelita sa kanilang pag-alis sa Egipto papunta sa lupang pangako. Ngunit inisip ni Moises na
hindi niya kayang pamunuan ang mga Israelita. Sinabi ni Jesus na matutulungan siya ni Aaron. Si
Aaron ay kapatid na lalaki ni Moises.
Si Moises ay isang propeta ng Diyos. Sina Moises at Aaron ay nagpunta sa hari ng Egipto. Hiniling
nila sa kanyang payagan niyang umalis ang mga Israelita sa Egipto. Sinabi ng haring hindi niya
sila papayagang umalis.

Sinabi ni Jesus na tutulungan Niya sina Moises at Aaron. Ipakikita ni Jesus ang Kanyang
kapangyarihan sa hari ng Egipto. Pagkatapos ay papayagan na ng haring umalis ang mga Israelita.

Sinabi ni Moises sa haring gagawing dugo ni Jesus ang tubig sa mga ilog. Ginawa nga ni Jesus na
maging dugo ang tubig sa Egipto. Hindi mainom ng mga tao ang tubig. Ang mga isda ay
nangamatay.
Moses speaking to king of Egypt
Muling hiniling ni Moises sa haring payagang umalis ang mga Israelita. Ngunit hindi pa rin
pinayagan ng haring sila ay umalis.

Nagpadala si Jesus ng maraming palaka sa Egipto. Sa lahat ng dako ay may palaka. Ang mga ito
ay nasa tahanan at higaan ng mga tao. Sinabi ng haring papayagan niyang umalis ang mga Israelita
kung mawawala ang mga palaka. Ginawang mamatay ni Jesus ang mga palaka. Subalit
nagsinungaling ang hari kay Moises. Hindi niya pinayagang umalis ang mga Israelita.

Nagpadala si Jesus ng mga kuto sa lahat ng dako. Ngunit hindi pa rin pinayagan ng haring umalis
ang mga Israelita.

Nagpadala si Jesus ng mga langaw sa lahat ng dako sa mga Egipcio. Sinabi ng hari kay Moises na
papayagan niyang umalis ang mga Israelita kung mawawala ang mga langaw. Umalis ang mga
langaw. Subalit muling nagsinungaling ang hari. Hindi niya sila pinayagang umalis.

Sinabi ni Moises na papatayin ni Jesus ang mga hayop ng mga Egipcio. Di-nagtagal ang kanilang
mga hayop ay nangamatay. Subalit hindi pa rin pinayagan ng haring umalis ang mga Israelita.
Nilagyan ni Jesus ng mga sugat ang mga Egipcio. Pagkatapos ay nagpadala si Jesus ng malakas
na pag-ulan ng bato. Pinatay ng pag-ulan ng bato ang lahat ng taong nasa labas. Sinabi ng haring
pinapayagan na niyang umalis ang mga Israelita. Nanalangin si Moises, at tumigil ang pag-ulan
ng bato. Subalit hindi pa rin sila pinayagan ng haring umalis.

Nagpadala si Jesus ng mga balang upang kaining lahat ang pagkain. Kinaing lahat ng balang ang
mga bungang-kahoy at mga luntiang gulay. Hindi pa rin pinayagan ng haring umalis ang mga
Israelita.
Nagpadala si Jesus ng kadiliman sa loob ng tatlong araw. Hindi makakita ng anuman ang mga
Egipcio. Subalit ang mga Israelita ay may ilaw sa kanilang tahanan. Subalit hindi pa rin pinayagan
ng hari ng Egipto na umalis ang mga Israelita.

Sinabi ni Jesus kay Moises na may karamdamang darating. Ang panganay na anak ng bawat
Egipcio ay mamamatay. Maging ang panganay na anak na lalaki ng hari ay mamamatay.

Si Haring David

Nakita ni Haring Saul ang pagpatay ni David kay Goliat. Pinapuntahan niya si David. Sinabi ni
Saul kay David na pumunta at tumira siya sa kanyang tahanan. Ginawa ni Saul si David na pinuno
ng kanyang hukbo.

Pinagpala ng Diyos si David. Ang kanyang hukbo ay nanalo sa maraming digmaan para kay Haring
Saul. Minahal ng mga tao ng Israel si David.

Ang mga Israelita at mga Filisteo ay naglalaban. Si Haring Saul at ang kanyang mga anak ay
kasama sa digmaan. Si Saul at ang tatlo sa kanyang mga anak ay napatay.

Narinig ni David na si Haring Saul ay patay na. Si David ay nalungkot. Siya ay nag-ayuno at
nanalangin.

Si David ang naging hari ng Israel. Si David ay isang mabuting hari. Minahal niya ang Diyos at
sinunod ang Kanyang mga kautusan.
Isang gabi ay nakakita si David ng isang magandang babae. Ang kanyang pangalan ay Betsabe.
Siya ay asawa ng isang lalaki na ang pangalan ay Urias.
Si Urias ay isang kawal. Siya ay nakikipaglaban sa digmaan. Ginusto ni David na mamatay si
Urias. Nang sa gayon ay maaari nang pakasalan ni David si Betsabe. Masama para kay David na
magnasa sa asawa ni Urias.

Pinapunta ni David si Urias sa harap ng digmaan. Alam niyang mapapatay si Urias. Si Urias ay
napatay. Masama para kay David na ipapatay si Urias.

Pinakasalan ni David si Betsabe. Nagkaroon sila ng isang anak na lalaking nagngangalang


Solomon.

Ang Diyos ay nagpadala ng isang propeta na ang pangalan ay Natan upang kausapin si David.
Sinabi ni Natan kay David na alam ng Diyos kung ano ang ginawa niya. Si David ay parurusahan
ng Diyos.

Alam ni David na siya ay naging masama. Siya ay nagsisi ng kanyang mga kasalanan. Siya ay
nag-alay. Nanalangin siya sa Diyos na patawarin siya.

Si David ay nagdusa dahil sa kanyang mga kasalanan. Palagi siyang nananalangin sa Diyos.
Sinikap niyang maging mabuti. Siya ay naging isang mabuting hari.

Si David ay naging hari sa loob ng matagal na panahon. Siya ay tumanda. Gusto niya na ang
kanyang anak na si Solomon ang sumunod na maging hari. Hiniling ni David kay Natan, ang
propeta, na pahiran ng langis si Solomon upang maging hari. Sinabi ni David kay Solomon na
sundin ang mga kautusan ng Diyos.
Si David ay namatay at inilibing malapit sa Jerusalem.

You might also like