You are on page 1of 12

Boligao, Arturo Jr Mr.

Albert Lagliva
PACEM November 2016

Ang Esensya at Pag-iral ng Kasamaan sa Mundo


Panimula
Kung ating pagnilay-nilayan at pagmuni-munihan ang ating mundong kinagagalawan

ngayun. Marahil alam naman natin at atin din naman itong napapansin at nakikita na lahat ng

nilikha ng Diyos ay mabuti at pawang kabutihan lang. Isa itong manipestasyon na ang Diyos ay

mabuti at naaayon din sa kabutihan ang kanyang nilikha. Sa madaling sabi, sumasalamin sa

Diyos ang kabutihang dulot nito na kanyang ginawa dahil siya rin mismo sa kanyang sarili ang

pinagmulan ng kabutihan sa lahat. Sapagkat mayroong isang tanong na sumagi sa aking isip na

gusto kong bigyan diin o bigyang pansin man lamang sa puntong ito kung “bakit may esensya ng

kasamaan na umiiral sa mundo”. Oo, alam naman natin na merun ng kasamaan na umiiral sa

mundo sa ibat-ibang pamamaraan subalit anung klase ng pag-iral ang kasamaan na ito kung

talaga ito nga ba ay umiiral sa mundo. Ang kasamaan ay hindi isang bagay na gaya ng bato o

sapatos na bigla na lamang gumawa ng masama at hindi rin isang lugar na bigla nalang

bumubugso ang kasamaan na walang sanhi ng nagpapabugso.

Sapagkat, ang kasamaan ay isang bagay na ginagawa o isang aksyon na nanggagaling sa

nilalang na nagnanais gumawa ng masama. Halimbawa nalang ang pagnanakaw ng pera o kahit

anung bagay man ang gustong nakawin ng isang magnanakaw. Sa akto ng pagnanakaw isa itong

aksyon na nanggagaling sa nilalang na gustong magnakaw, dahil gustong niyang magnakaw at

ninanais niya sa kanyang sarili ng magnakaw ng pera o kahit anung bagay, sa madaling sabi siya

ay napapaloob sa larangan ng kasamaan. Dahil ang akto ng pagnanakaw ay isa ring akto ng
paggawa ng masama. Sa kabilang banda, ang kasamaan ay hindi labas sa kanyang sarili bagkus

ito ay galing sa loob. Yung mismo nag dikta at nag-udyok sayo na gumawa ng masama ay galing

sa sarili mismo, sa kanyang kaloob-looban at hindi pwede magdikta o mag-udyok ang isang

bagay na labas sayo na gawin mo ang masama at magnakaw ka, hindi ito maaari at hindi rin ito

ang konsepto ng kasamaan o ang paggawa ng masama. Bagkus ang kasamaan ay ang kawalan

ng kabutihan.

Sa papel na ito sinusubukan kong pagnilay-nilayan at pagmuni-munihan sa isang

pamimilosopikong paraan ang esensya at pag-iral ng kasamaan sa mundo. Sapagkat sa ganitong

sitwasyon ito ay hindi maaaring kalimutan at isasantabi na lang sapagkat sinasabi ng ilang mga

palaisipan na ang pag-iral ng kasamaan ay bahagi na ng sanlibutan at pati narin sa ating mga

sariling karanasan. Dahil ang esensya at pag-iral ng kasamaan sa mundo ay mahalagang pag-

usapan at pagtuonan ng pansin kung bakit ba talaga may esensya ng kasamaan na umiiral sa

mundo, sapagkat ito rin ay bahagi ng ating karanasan na ating nararanasan sa katotohanan.

Masasabi natin sa ating sarili na ang esensya at pag-iral ng kasamaan sa mundo ay isang

malaking pinsala sa buhay at dignidad ng tao dahil kaya itong paghaharian ng kasamaan ang

kalooban ng tao at gayun din sa kalikasan na kung saan tayo ay napabilang, halimbawa nalang

ng pagkaranas ng pagkagutom ng maraming tao, mga kriminalidad na nangyayari sa lansangan,

mga bagyo, pagbaha at paglindol, hindi po ba isa itong manipestasyon o representasyun na

mayroong esensya at pag-iral ng kasamaan sa mundo natin ngayun.


Katawan

Isa sa nagpapakabukod-tanging hugis ng tao sa kanyang pagkatao ay mayroon siyang

kakayahang mag-isip at umunawa na kung saan alam niya kung anu ang tama at kung anu ang

mali, ganun din na kung saan alam niya kung anu ang mabuti at kung anu ang masama.

Sapagkat likas na sa tao na “gawin ang mabuti at iwasan ang masama”1 dahil mayroon siyang

moralidad na pinanindigan sa kanyang sarili. At dahil dito ang tao ay nagkakaroon din ng

partisipasyon sa kanyang lumikha na siyang pinagmulan ng kabutihan sa lahat. Sa madaling sabi

ang tao ay may likas na kabutihan sa kanyang sarili.

Sa kabilang banda, mahahanap natin ang totoong kabutihan sa ating sariling karanasan

kung tayo man ay nagmahal at nagbigay halaga sa isang particular na bagay. At ito ay ating

makikita sa isang bagay na kung saan sa tingin natin ay may kabutihang naidulot nito. Subalit

ang lahat ng umiiral sa mundong ito kagaya ng tao ay may karapatang dumako tungo sa

kabutihan. At totoo naman na ang lahat ng tao ay gustong-gusto ang kabutihan sapagkat ito ay

nagdudulot sa kanila ng magandang kinabukasan. Walang tao na kinakailangan niyang

pagsisikapan na gumawa ng kasamaan bagkus pinagsisikapan niyang gumawa ng kabutihan.

Sapagkat kung ating napapansin sa panahon natin ngayun, tila bagang kay dami raming krimen

na nangyayari sa lipunan, patayan dito, patayan doon.

Sapagkat ang pagpatay ay hindi gawaing mabuti bagkus ito ay gawaing masama. Kasi

pinapatay mo yung buhay ng tao, hindi lang simpleng buhay ang pinapatay mo kundi ang buhay

ng tao na may dignidad at may karapatang mamuhay sa mundong ito. Nasaan na yung sinasabi

natin na ang tao ay nagsusumikap gawin ang kabutihan. Nasaan na yung sinasabi natin na likas

1
Ito yung inuutos ng Batas Natural na sinasabi ni Santo Tomas na kung saan “gawin ang mabuti at iwasan ang
masama.”
na sa tao na gawin ang mabuti at iwasan ang masama. Sapagkat ang pagpatay ng isang buhay

ng tao ay isa lamang itong halimbawa ng manipestasyun ng kasamaan kase yung mismong

buhay na pinatay mo ay may dignidad at may karapatang mamuhay. Sa madaling sabi, may

kasamaan na nangingibabaw sa mundong ito. Saan kaya galing ang kasamaang ito. At anung uri

ng kasamaan ang umiiral sa mundo. Sabi nga ng aming guro na si Dr. Hermida sa aming klase sa

pilosopiya ng relihiyon, ika nga niya na may ibat-ibang uri ng pag-iral ng kasamaan sa mundo.

Ito ay ang moral na kasamaan, natural na kasamaan, at pisikal na kasamaan. Gusto kong

bigyang diin at ipaliwanag ang bawat isa nito sapagkat akoy naging interisado sa ibat-ibang

konsepto ng kasamaan kung anu ba talaga ang pagkakaiba sa apat na ito. Ang moral na

kasamaan ay tumutukoy sa hindi paggawa ng moral sa kapwa na nararapat mo namang gawin,

kung baga hinahayaan mo nalang na hindi tulungan ang isang tao na nangangailangan ng tulong

sayo. Halimbawa nalang sa isang eksena ng lansangan, may nakita kang babae na pulubi at siya

ay nagugutom dahil walang makain at biglang nalang siyang lumapit sayo dahil napadaan ka sa

lugar na yun na kung saan nandoon ang pulubing babae.

Siya ay lumapit sayu para maghingi ng pagkain at sa oras na yun may dala kang pagkain

at tapos hindi mo siya binigyan ng pagkain dahil nandidiri ka sa kanya. At alam mo sa iyung sarili

at nakita mo ang babaeng pulubi na talagang gutom na gutom na at wala ng sikmura at gusto

na niyang kumain. Ngunit hinayaan mo nalang siya na hindi na tulungan at dinaanan mo nalang

na hindi man lang binigyan ng pagkain. Pagkabalik mo sa lugar na yaon nakita mo ang pulubing

babae na nakahandusay sa lupa at ng ito ay nilapitan mo ito ay wala ng buhay.

Ang sanhi ng pagkamatay ng pulubing babae ay ang pagkagutom at ang pagkagutom

niya ay nagdala sa kanya ng kamatayan. At ikaw na dumaan sa lugar na yun na merun namang
maiitulong pero hindi mo tinulungan, sa madaling sabi ikaw rin ay isa sa sanhi ng pagkamatay

niya sa gutom dahil hindi mo siya binigyan ng pagkain. Eh di kung sana binigyan mo siya ng

pagkain ang pulubing babae ay hindi sana siya mamamatay sa gutom at siya ay mabubuhay. Eh

kaso lang hinayaan mo nalang, sa madaling sabi ikaw mismo sa iyung sarili ay gumawa ng imoral

na gawain sa iyung kapwa. Sa kabilang banda, ang moral na kasamaan ay naghahatid din sa

negatibong sanhi nito o ang pagkasira at pagkawasak sa dignidad ng isang tao. Dahil ang akto ng

hindi pagtulong sa kapwa ay aktong rin sa isang immoral na gawain.

Pangalawa ay ang natural na kasamaan, ito ay tumutukoy sa mga sakuna na galing sa

kalikasan. Halimbawa nalang ang pagbaha, paglindol at pagbagyo. Ang lahat na ito ay nagmula

sa kalikasan. Bakit naging sanhi ng masama ang dulot sa sakuna na galing sa kalikasan. Bakit

napabilang sa apat na uri ng kasamaan ang natural o bunga ng kalikasan. Ang magandang

halimbawa nito ay yung nangyari ang nakaraang bagyong Yolanda na tumama sa lugar ng

Leyte. Hindi lang siya bastat bagyo lang kundi isang malakas na bagyo na kung saan kayang

patayin ang buhay ng tao at pati narin ang mga bahay ay kaya nitong wasakin. Dito

nagkakaroon ng kasamaan sa pamamagitan ng kalikasan dahil ito ay magdulot ng napakalaking

pagkasira at pagkawasak nito. Sabi pa nga ng ilang tao na nasalanta ng kalamidad, sila daw ay

pinaparusahan ng kalikasan sa pamamagitan ng pagbaha, paglindol at pagbagyo.

Ang pangatlung uri ng kasamaan ay ang pisikal, kapag sasabihin nating pisikal na

kasamaan ang ibig sabihin nito ay ang pagkakaroon ng pagdapo sa sakit mismo sa katawan.

Dinadapuan ng sakit ang katawan dahil ito ay nagkaroon ng kawalan o kakulangan ng

resistensya o vitamina man lang. Naging sanhi ng dulot ang kasamaan na pisikal sapagkat kaya

din itong kumitil sa buhay ng tao at ito rin ay magkakaroon ng kawalan ng kalusugan ng
katawan sa tao at ito rin ay nagdudulot kasamaan mismo. Dahil mayroong din sakit na kapag ito

ay lumala at hindi na maagapan ng gamut maging ito ay sanhi ng pagkamatay ng tao. Kaya

masasabi natin na umiiral talaga ang pisikal na kasamaan dahil ito ay ating nakikita o

naoobserbahan sa tunay realidad ng karanasan at katotohanan sa buhay ng tao.

Ang ibat-ibang perspektibo na may nangyayaring gawaing imoral sa ating lipunan na

sanhi ng pagkagutom at pagkamatay ng iilan at ganun din sa matinding pagkilos ng kalikasan

dahil kaya nitong wasakin at sirain ang buhay at bahay ng tao. Isa itong pagpapatunay na merun

talagang esensya at pag-iral ng kasamaan dito sa mundo. Kung ganun man, bakit pinahintulutan

ng Diyos na umiiral ang kasamaan sa mundo. Ito ba ay isang kakulangan ng “substantia” ng

kabutihan ng tao upang gawin ang kasamaan. Alam naman natin na ang bawat nilikha ng Diyos

ay mabubuti at pawang kabutihan lang. At ang Diyos mismo sa kanyang sarili ang naglikha sa

lahat ng bagay na napapaloob sa mundong ito. Ibig sabihin ba nito na ang Diyos rin mismo ang

naglikha ng kasamaan.

Ang Diyos rin mismo ang nagpairal ng kasamaan dito sa mundo kung bakit

pinahintulutan ng Diyos na umiral ang kasamaan dito sa mundo na ang kanyang nilikha naman

ay pawang mabubuti at sumasalamin din sa kabutihan ng Diyos. Kung ang kasamaan ay umiiral

sa mundo anong klaseng pag-iral siya at anong klaseng pagmemeron na meron ang kasamaan

na ito. Kapag ganito ang mangyayari ay magkakaroon ng kabalintunaan sa pagitan ng dalawa

“ang kabutihan at ang kasamaan”. Sapagkat hindi maaring magkasabay ang pag-iral ng

dalawang ito. Dahil sa kabilang banda, maaaring pipiliin ng tao ang paggawa ng masama at

kalimutan at isasantabi nalang ang kabutihan. Kagaya ng nararanasan ni San Agustin sa kanyang

buhay. May relihiyon na matagal ng inaniban si Agustin. Isang taliwas at tabinging paniniwala ni
Manes, na kung saan ito ay pinangalanang Manicheismo. Sa mahabang panahon may madikit

na pagkapit kay Agustin ang relihiyong ito. Ang kinagagalawan ng mga sumusunod sa

paniniwalang ito ay isang daigdig na may dalawa ang Diyos; ang isa ay mabuti at ang isa naman

ay masama. Lahat ng mabuti at magandang kinalalabasan nito ay kagagawan ng diyos na

mabuti, at ang lahat naman masama at pangit na kinalalabasan nito ay kagagawan ng diyos na

masama.

Pinag-aagawan ng dalawa ang kinalalabasan nito at hindi malinaw kung sino ang

magwawagi sa katapusan. Hanggang sa natauhan si Agustin na iisa ang Diyos at ito ay ang Diyos

ng kabutihan dahil ang lahat ng kanyang nilalang ay meron at bilang nagmemeron ito ay

mabuti. Pero ang tanong dito, bakit pinili ng tao na gawin ang masama sa kabila ng kabutihang

dulot nito. Dahil ang tao ay may malayang pumili sa kanyang sarili at may sariling desisyon kung

anu ang gagawin niya kung ito ba ay kabutihan at kasamaan. Ito ang tinatawag natin na “free

will” o malayang kalooban. Binigyan ng Diyos ng malayang kalooban ang tao ng sa ganun ay

malaya siyang makapag desisyon sa kanyang sarili.

Isa sa mga mabubuting bagay na ginawa ng Diyos ay ang kalayaang pumili o

magdesisyon ang kanyang nilalang. Upang magkaroon ng totoong kalayaan sa pagpili,

pinahintulutan ng Diyos na may mapagpilian ang tao hindi lang ang kabutihan. Kaya

pinahintulutan ng Diyos ang mga tao na pumili sa pagitan ng kabutihan o kasamaan. Kung

mayroong hindi magandang relasyon sa pagitan ng dalawang mabuting bagay ito ay tinatawag

natin na kasamaan. Kaya nga ang malayang kalooban na ito ay naghahatid sa paggawa ng

masama. Ang kasamaan ay talagang nanggagaling na sa kalooban ng tao na merung hindi


pagtangkilik o pagkilala sa mabuti. Naging masama ang damdamin kung may ginagawa kang

masama dahil sa damdamin mo na nagtungo sayo na naging masama ka.

Sa kabilang banda naman ang tao rin ay may pagka ignoransya sa kanyang sarili. Ibig

sabihin nito ay meron kang ginagawa pero hindi mo alam na ginagawa mo na pala ang gusto

mong gawin, parang ganun, kung baga nagkataong nagkasabay ang pagpili ng kasamaan at sa

huli ay naging ignoransya siya dahil mali pala ang ginagawa niya. Bunga ng pagpili ng masama

ko ay naging ignoransya ako. Mas pinili kong maging ignorante na hindi alam kung anu ang

ginagawa at ikaw mismo sa iyong sarili ang pumili na maging ignorante ka. May pananagutang

moral ito dahil piniling hindi alamin upang makagawa ng masama.

At bunga ng iyong pagiging pabaya o kapabayaan sa pag-alam na umalam sa isang bagay

kaya ka nakagawa ng masama. Dahil sa kapabayaan na alamin, kaya naging ignorante at dapat

sana ay inalam muna ang bagay kung ito ba ay nagdudulot ng kabutihan o kasamaan. Sa

madaling sabi, may pananagutan ka sa pagiging ignoransya mo dahil pinili mo o nagpabaya ka

na humantong sa pagiging ignorante kaya ka nakagawa ng masama. Ano ba ang tutulong sayo

upang matukoy mo ang mabuti at ang masama? At dahil dito may pamantayan sa pag-alam sa

tama at maling gawain at ito ang tinatawag na “konsensiya”. Ang konsensiya ay tulong na

maaaring gumabay sayo upang matukoy ang tama at mali.

Ang konsensiya ang mag didikta sayo kung ito ba ay tama o mali. Kung sinasabi ng

konsensiya mo na mabuti ito ngunit mas pinili mo o niloob ang masama sa iyong sarili pero

mabuti ang naging resulta ay masama parin iyon. Kung sinasabi ng konsensiya mo na mabuti ito

at pinili mo ang mabuti ngunit ang resulta ay masama. Mabuti pa rin iyon ngunit may ginawa

kang aksidental na kasamaan, kung baga nakisakay lang ang masama sa ginawa mo. Kung
sinasabi ng konsensiya mo na mabuti ito at pinili mo ang masama at masama pa ang naging

resulta, dito na mangingibabaw ang absolutong kasamaan. Kung sinasabi ng konsensiya mo na

mabuti ito at pinili mo ang mabuti at mabuti ang naging resulta. Ito ay tinatawag na Alleluiah,

Praise the Lord. Hindi mawala wala sa tao ang konsensiya na namamagitan nito sapagkat ito ay

naging batayan ng kanyang pagkatao dahil kapag ito ay mawawala sa buhay pagkatao niya

maaaring siya ay maaakit sa kasamaan at siya ay mapapaloob nito. Sapagkat may hiwaga ng

pag-akit ng kasamaan at ito yung tinatawag na “mysterium iniquitatis”.

Kaya nitong akitin ang kalooban ng tao para gumawa ng kasamaan. Kagaya ng ginagawa

ni Agustin at ang kanyang mga kabarkada na kung saan sila ay nagnanakaw ng mga peras noong

bata pa sila. Eh may matatamis naman na peras sa loob ng sarili nilang bakuran, ngunit mas

nanaisin pa nila na magnakaw ng mapapaklang peras sa bakod ng kanilang kapitbahay. Dahil

lang ba gusto silang maaaliw sa ginawa nilang pagnanakaw dahil naaakit sila paggawa ng

kasamaan. Ginagawa ng tao ang masama sa pag-aakalang ito ay nakakabuti sa kanya. Subalit

kabaliktaran ng kabutihan ang kasamaan bagkus ang masama ay kakulangan lamang ng

kabutihan. Halimbawa nalang, “kung tatanungin ko ang isang tao na mayroon bang lamig na

tinatawag, maaaring ang kanyang magiging kasagutan ay oo, gayun paman ito ay hindi tama

dahil nga ang totoo wala talagang bagay na tinatawag na lamig, ang lamig ay kawalan ng init,

gayun din, wala talagang kadiliman dahil ang kadiliman ay ang kawalan ng liwanag, gayun din

ang kasamaan ay ang kawalan ng kabutihan, o sa isang salita ang kasamaan ay kawalan ng

Diyos”2. Hindi nilalang ng Diyos ang kasamaan subalit pinahintulutan niya ang kawalan ng

2
Ito yung binigay ni Dr. Hermida na halimbawa sa aming klase sa pilosopiya ng relihiyon na kung saan
pinapatunayan sa halimbawang ito ng ang masama ay kakulangan lamang ng kabutihan.
kabutihan. Sabi daw ng ilang mga palaisipan na ang kasamaan daw ay pagpepresensya para

lang makilala at maunawaan natin ng lubusan ang kabutihan.

Ang karanasan ni Job ay maaaring maiugnay nito kung bakit ba talaga pinahintulutan ng

Diyos ang kasamaan sa mundo. Sapagkat ninais ni satanas na durugin si Job, at pinayagan ng

Diyos si satanas na gawin ang lahat ng kanyang gustong gawin huwag lang niyang patayin si Job.

Pinayagan ito ng Diyos upang mapatunayan kay satanas na si Job ay isang matuwid na tao at

mahal niya ang Diyos, at hindi dahil pinagpapala siya ng Diyos at ginawang mayaman. Ang Diyos

ay makapangyarihan at siyang may hawak sa lahat ng mga bagay. Walang magagawa si satanas

kung hindi siya pahihintulutan ng Diyos. Hindi nilalang ng Diyos ang kasamaan, subalit

pinahintulutan ng Diyos ang pagkakaroon ng kasamaan.

Kung hindi pinahintulutan ng Diyos ang pagkakaroon ng kasamaan, marahil kapwa ang

sangkatauhan at mga anghel ay maglilingkod sa Diyos bilang isang obligasyon, at hindi ayon sa

kanilang kalayaang pumili. Hindi nais ng Diyos ang mga robot na susunod na lang sa kanyang

mga kagustuhan dahil sila ay naka programa na. Pinahintulutan ng Diyos ang posibilidad na

magkaroon ng kasamaan upang magkaroon tayo ng lubos na kalayaang pumili kung

paglilingkuran ba natin siya o hindi at may kalayaang tayong pumili kung ang gagawin ito ba ay

mabuti o masama.

Tayo bilang limitadong mga nilalang at hindi perpekto sa mundong ito ay hindi natin

lubusang mauunawaan ang walang hanggang Diyos. Kung minsan nag-iisip tayo na tila

nauunawaan natin ang ginagawa ng Diyos, subalit malalaman lamang natin sa huli na iba ang

layunin ng Diyos kumpara sa ating iniisip. Tinitingnan ng Diyos ang mga bagay sa walang

hanggang pananaw. At tayo naman mga tao mas tinitingnan naman natin ang mga bagay sa
makamundong pananaw. Bakit inilagay ng Diyos ang tao sa mundo kung nalalaman niyang

magkakasala pala ito at magdadala ng kasamaan, kamatayan, at kahirapan sa sangkatauhan?

Bakit hindi niya tayo nilalang at inilagay sa kalangitan kung saan tayo ay magiging

perpekto at hindi na makakaranas pa ng kasalanan at kahirapan? Ang pinakamainan na

kasagutan na maibibigay ko tungkol dito ay ito, muli’t muli hindi tayo ginawang robot ng Diyos

na walang kalayaang pumili. Pinahintulutan ng Diyos ang posibilidad ng pagkakasala upang

magkakaroon tayo ng kalayaang pumili kung sasamba ba tayo sa kanya o hindi at kalayaang

pumili kung ang gagawin ba natin ay mabuti o masama.

Kung hindi na tayo maghihirap at hindi na tayo makakaranas ng kahirapan, paano natin

maiintindihan ang kapatawaran ng Diyos at mararanasan ang kagandahan ng kanyang nilikha.

Muli hindi nilalang ng Diyos ang kasalanan at kasamaan, subalit pinahintulutan niya ito. Kung

hindi niya ito pinahintulutan ang kasamaan at kasalanan, sasambahin natin siya dahil sa ito’y

ating obligasyon, at hindi dahil sa ito ay ating kagustuhan.

Konklusyon

Ang kasamaan ay nag-eesensya dahil may nag pa esensya nito. Hindi maaaring ang

kasamaan ay bumugso lamang na walang nagpapabugso nito. at hindi rin maaari na ang

kasamaan ay isang bagay na bigla nalang o kusa nalang gumagawa ng kasamaan na walang

sanhi ng paggamit nito. bagkus tao lamang may kakayahan na gawin ang kasamaan dahil

mayroon siyang tinatawag na malayang kalooban sa kanyang sarili, maliban pa sa pagkilos ng

kalikasan na sanhi ng pagbaha, paglindol at pagbagyo na kung saan ito ay nagdudulot ng

pagkawasak at pagkasira sa bahay at buhay ng tao., at maliban dito ang pagdapu ng sakit sa

katawan ng tao dahil kaya nitong mawalan o kakulangan sa kalusugan ng katawan.


Sa kabilang banda, dahil ang tao ay may kalooban na kayang akitin nito ang kanyang

sarili tungo sa hiwaga ng pag-akit ng kasamaan. Ang kalooban ng tao ay mayroong limitasyon

kaya nga merong pagkiling ang tao sa paggawa ng masama. Dahil may mga pagkakataon na

kung saan maghari sa atin an gating emosyon o nasa na kung saan ito ay maghahatid sa tao na

may inklinasyon na gumawa ng kasalanan o kasamaan.

Hindi lamang limitasyon ang meron sa tao kaya siya bumaling sa paggawa ng masama

bagkus mayroon din siyang pagka-ignoransya sa kanyang sarili. Ang pagka-ignoransya ng tao ay

nagdudulot sa kanya ng paggawa ng masama na kung saan ito ay nagbubunga ng kanyang

pagiging pabaya sa sarili o kapabayaan sa pag-alam ng isang particular na bagay kaya siya

nakakagawa ng masama. Dahil sa kapabayaang alamin, kaya siya humantong sa pagiging

ignorante kaya siya nakagawa ng masama.

Samakatuwid, umi-esensya ang kasamaan dahil tao ang nagpapa-esensya nito maliban

lang sa pagkilos ng kalikasan at pagdapo ng sakit sa katawan. Dahil ang tao ay may malayang

pumili sa kanyang sarili at may sariling desisyon kung anu ang gagawin niya kung ito ba ay

kabutihan at kasamaan. Ito ang tinatawag natin na “free will” o malayang kalooban. Ngunit sa

ganitong sitwasyon ito ay hindi maaaring kalimutan at isasantabi na lang sapagkat sinasabi ng

ilang mga palaisipan na ang pag-iral ng kasamaan ay bahagi na ng sanlibutan at pati narin sa

ating mga sariling karanasan. Dahil ang esensya at pag-iral ng kasamaan sa mundo ay

mahalagang pag-usapan at pagtuonan ng pansin kung bakit ba talaga may esensya ng kasamaan

na umiiral sa mundo, sapagkat ito rin ay bahagi ng ating karanasan na ating nararanasan sa

katotohanan.

You might also like