You are on page 1of 26

Sa kapwa nakabatay ang kahalagahan ng Etika

Isang Sintesis
na inihahandog sa
Lupong Tagapagturo sa Dalubhasaang
St. Camillus College Seminary

Bilang Bahagi ng Pagtupad


sa mga Takdang Gawain para sa Digri
Batsilyer ng mga Sining sa Pilosopiya

Ni
Verwin M. Daan

Nobyembre 25, 2016


Pambungad

Maraming suliranin ang kinakaharap sa ating bansa. Mga problema na hanggang sa ngayon ay

hinahanapan pa ng sulosyon upang sa gayon mabago ang pamumuhay sa bawat Pilipino. At isa na

rito ay ang problema sa kahirapan. Bakit mayroong naghihirap? Ano ang pinaka-ugat nito?

Ayon sa karamihan, ang korupsiyon daw ang nagiging sanhi ng kahirapan. Ito raw ang naging

dahilan kung bakit karamihan sa ating mga kababayan ay naghihirap. Kung kaya’t isa sa ginawa na

solusyon ng ating pamahalaan lalo na sa dating administrasyon ay ang alisin ang korupsiyon sa

sinuman na nanungkulan sa gobiyerno. “Kung Walang Korrupt Walang Mahirap” (Partido Liberal).

Totoo kaya na ang korupsiyon ang naging sanhi ng kahirapan? Ito kaya ang naging dahilan kung

bakit marami sa ating mga kababayan ang naghihirap? Hindi kaya na ang pangmakasariling hangarin

ng tao ang siyang pinakasanhi nito?

Kung ating pagninilayan ang mga naganap na pangyayari ‘di lamang sa labas ng ating sarili

kundi pati na kung ano nga ba ang mayroon sa tao. Sa tingin ko, hindi ang korupsiyon ang dahilan

kung bakit karamihan sa ating mga kababayan ngayon ay naghihirap kundi sa pagiging makasarili ng

tao. Ang Korupsiyon ay bunga lamang sa pagpapahalaga ng lubos ng tao sa kanyang sarili. Mayroong

mahirap dahil nakalimutan ng tao na pahalagahan ang iba dahil sa sobrang pagpapahalaga nito sa

sarili na siya naman ang natura nito. Likas sa tao ang pagiging makasarili (Levinas 163). Ayon pa kay

Spenizo isang Jewish-Dutch na pilosopo, “Ang bawat umiiral ay nagnanais na maipanatili ang sarili,

maikonserba ang sarili sa kanyang pagka‘meron’ upang manatili ito (163).”

Bunga sa ganitong pangyayari at batay na rin sa aking sariling karanasan noong ako ay wala

pa sa loob sa seminaryo isang utos ang nagpapaalala sa akin upang isulat ko ang papel na ito. Ang

karanasan na nagpapaalala sa akin sa kahalagahan ng iba sa kabila ng aking pagiging makasarili. Isang

karanasan na bumubulaga sa aking buong katauhan upang maiparating sa iba ang kahalagahan sa
kapwa sa sarili nito. Gamit ang pamimilosopiya ni Emmanuel Levinas susubukan ko na maiparating

sa tao ang kahalagahan sa kapwa sa buhay nito.

Si Levinas (1906-1995) ay isinilang sa Lituania na isa sa mga Baltic states na nananatiling bahagi

ng Emperyong Ruso. Nagsimula ang kanyang pagninilay noong laganap ang kaguluhan sa panahong

yaon. Ayon kay Levinas mayroong kaguluhan na nangyari sa loob at labas sa ating sarili, maging sa

pakikipag-ugnayan natin sa iba at saan man na sulok sa lipunan (163). Sa mga pangyayaring ito,

naisipan ni Levinas na sumulat ng pilosopiya na kung saan ang pinagbabatayan ay ang pagnanais sa

sarili na galing sa impluwensiya nina Spinoza (Jewish-Dutch philosopher) at Rene Descartes (French

Philosopher) na siyang pinagmulan sa salitang connatus essendi. Ang connatus essendi ay ang pagnanais sa

‘meron’ na maipanatili ang sarili. Ang pagnanais na ang sarili lamang ang binibigyan ng halaga. May

tatlong konsepto ang ginamit ni Levinas upang makita ng tao ang kahalagahan ng iba sa kabila ng

pagiging makasarili nito. Ang tatlong konseptong ay ang pagnanais sa sarili (connatus essendi), ang

kagyat ng pagpapakita ng mukha (epiphany of the face), at ang walang hanggang pananagutan ng tao (the

infinite responsibility).

Gamit ang tatlong konseptong ito susubukan ko sa papel na ito na ma-ipakita ang

kahalagahan ng iba sa buhay nito; na hindi maaaring maisasabuhay ang etika kung walang kapwa na

namamagitan sa relasyon ng Diyos at sa tao. At nang sa gayon, makita nito na siya bilang tao ay may

pananagutan sa kanyang kapwa. Kung kaya’t ang papel na ito ay pinamagatang: Sa kapwa nakabatay

ang kahalagahan ng etika.


I. Likas sa tao ang pagiging makasarili (Connatus Essendi)

Ang sinuman na tao ay naghahangad ng kabutihan para sa sarili. Nagnanais na maipanatili

ang sarili. Ito ay tinatawag sa salitang latin na connatus essendi na galing naman sa impluwensiya ni

Descartes na tinaguriang “Ama ng modernong pilosopiya”. Sa impluwensiyang ito sinasabi ni

Levinas na ‘likas sa tao ang makasarili’ (163). Ang lahat ay nagnanais na maipanatili ang sarili upang

manatili ito sa kanyang pagiging ‘meron’. Dahil dito, naging marahas ito sa pagturing ng iba.

Sapagkat parati na lamang ang sarili nito ang pinahahalagahan. Anuman na bagay ang maaring gawin

ng tao ay parati na ito ay nakasalalay sa ikabubuti sa sarili. Sa ganitong katangian nakalimutan ng tao

ang kahalagahan ng iba sa buhay nito. Ang iba para sa kanya ay isang kasangkapan na lamang upang

maabot ang ninanais nito sa buhay. At sa simpleng pag-aaral natin sa pang-araw-araw na gawain sa

buhay tao makikita natin ito.

Halimbawa na lamang ang pagpapakabait ng isang bata sa kanyang mga magulang. Sa tingin

ba natin, na kaya ginawa ito ng isang bata para lamang maipakita sa magulang nito na siya ay mabait?

Siguro Oo, ngunit hindi lamang ito ang pinakabatayan sa paggawa nito ng mabuti. Mayroon pang

nasa likod nito na talagang dahilan sa kanyang pagpapakita ng kabaitan. Maaaring ito ay isang

pagnanais na makakuha ng isang parangal (bagay o papuri) na galing sa kanila o kaya’y may ninanais

ito na hingin sa mga ito. Maaari rin nating sabihin na dahil sa pagnanais nito na maging huwarang

anak sa hinaharap. Anuman ang ninanais ng isang bata masama man o mabuti sa pagpapakita nito ng

kabaitan ito ay parating bumabalik sa kanya. Sapagkat ‘ang pagpapahalaga ng tao sa sarili ay parati

itong nakasalalay sa ikabubuti sa sarili’ (Levinas 164). Nagpapakabait ang isang bata hindi dahil para

lamang na ituring ito na isang mabait bagkus ang pagpapakita nito ng kabaitan ay para mismo sa

ninanais nito sa kanyang sarili.


Ganito rin ang pagpapakita ng isang butihing pulitiko sa panahon ng halalan. Sa tingin ba

natin, kaya siya nagpapakabuti sa harap ng madla dahil talaga siya ay mabait? Maaaring hindi o kaya’y

maaaring oo, ngunit ang pinakabatayan bakit niya ito ginagawa sapagkat hangad nitong makakuha ng

sympathy sa mga tao sa panahon ng kanyang pangangampanya. Nang sa gayon, makuha nito ang

ninanais sa buhay; ang manalo sa halalan. Mabuti man o masama ang ninais ng isang tao sa paggawa

nito ito ay parating nakasalalay sa sarili nitong pagpapahalaga. Dahil sa ganitong kalagayan nanaisin

ng tao na maging sentro sa lahat. Ang pagnanais na maging sentro sa lahat ay parati itong nakasalalay

sa kung ano ang ikabubuti sa sarili na ang naging batayan ay kung paano ito maging masaya. Ang

kaligayahan ang siyang pinakatelos sa paggawa ng tao sa mga bagay (Aristoteles 293). Ginawa niya

ang mga bagay sa paghahangad nito na maging masaya ‘ni minsan hindi tinitingnan nito kung ano

ang maaaring kalalabasan nito. Kung ano ang magiging resulta nito basta lamang maisakatuparan ang

minimithi nito sa buhay. Sa hangarin na maging sentro ito sa lahat at maging masaya gumawa ito ng

pamamaraan maisakatuparan lamang ang ninanais nito sa buhay; masama man ito o ikabubuti sa

sarili at sa kapwa.

Kagaya na lamang sa suliranin na ating kinakaharap sa ngayon; ang problema ng kahirapan.

Lingid sa ating kaalaman na kahit saan man na sulok sa ating bansa marami sa ating mga kababayan

ang naghihirap sa ngayon. Maraming mga kababayan natin na matatawag natin na isang kahig, isang

tuka. Makakain lamang sa isang beses sa isang araw o minsan pa nga hangin lamang ang kinakain.

Makakain lang ng hangin ay sapat na. Ang ganitong kalagayan ang nag-udyok sa akin upang

pagninilayan ang pinakasanhi ng kahirapan. Nang sa gayon, kahit lamang sa pinakasimpleng sulat

maiparating ko sa tao ang kahalagahan ng iba sa kanyang sarili. Alam ko na may magagawa ako. At

naniniwala ako na sa bawat problema ay may naka-antabay na solusyon. At sa bawat solusyon ay

parati itong nakasalalay kung paano pinahahalagahan ng tao ang sarili at ang kapwa.
Bakit may kahirapan? Ano naman ang solusyon ang ginawa ng tao upang mawala ito?

Maraming solusyon ang ginawa ng tao lalong lalo na sa ating pamahalaan upang mawala ang

problema ng kahirapan. Sa dinami-daming solusyon ang ginawa ng tao isa lamang ang aking

babanggitin ito ay ang alisin ang korupsiyon. Sabi pa nga sa mga Partido Liberal, “Kung Walang

Korrupt, Walang Mahirap”. Naka-ugat sa korupsiyon ang problema ng kahirapan, ika nga. Sapagkat

kung wala ito ayon sa partido liberal ay walang kahirapan. Ngunit, bakit may korupsiyon? Saan nga

ba naka-ugat ito? ‘di kaya ang ginawa natin na solusyon ay isa lamang pagpapakita na hindi talaga

natin alam kung paano natin masolusyonan ang problema ng kahirapan. Sapagkat paano nga ba

masolusyonan ng tao ang problema sa sinasabi nating kahirapan kung hindi natin alam kung paano

tatanggalin ang korupsiyon. Kailangan muna nating alamin ang pinaka-ugat ng korupsiyon bago

natin sabihin na ang korupsiyon ang sanhi kung bakit mayroong mahirap. Ang korupsiyon ay isa

lamang na instrumento upang makita ng tao ang pinaka-ugat sa problema ng kahirapan na

kinakaharap sa ating bansa sa ngayon. Naniniwala ako na hindi ang pangunahing solusyon sa

kahirapan ay ang alisin ang korupsiyon. Ang pinakamabisang solusyon upang mawala ito ay ang

alisin muna sa tao ang hangarin na pangmakasarili. Sapagkat walang mangyayari na korupsiyon sa tao

lalo’t higit sa ating pamahalaan kung iniisip ng tao ang kapakanan ng iba. Kung iniisip ng tao ang

kapakanan ng iba maliban sa kanyang sarili walang mangyayari na pagnanakaw, walang mangyayaring

dayaan at lalo’t higit hindi nanglalamang ang tao sa kanyang kapwa. Sapagkat ang tingin nito sa bawat

isa ay mahalaga.

Ngunit ang tanong, paano alisin ng tao ang pagiging makasarili nito? Sapagkat ito ay ‘likas sa

tao’ (Levinas 163). Anuman ang ginagawa nito ay parating nakatuon ito sa kung anuman ang

ikabubuti sa sarili. Parati na nangunguna ang pagpapahalaga nito sa sarili at nakalimutan ang

kahalagahan ng iba. Kahit nga sa simpleng kainan natin sa hapag kainan parati nga nakatuon ang

pagpapahalaga natin sa ating sarili. Gusto natin na sa atin lang dapat ang masasarap na pagkain ‘ni
hindi man lamang natin tinatanong ang ating sarili kung nakakain na ba ang iba. Kung sa bawat subo

natin ng kanin sa ating bibig naglaan ba tayo ng panahon na isipin sila. Kung sa bagay, ‘sino ba

naman sila para isipin natin?’ Ang mahalaga na tustusan ko ang sarili kong pangangailangan bahala

na sila maghanap sa kanila. Ganito ang karaniwan kong naririnig hindi lamang sa iba pati na sa loob

ng aking sarili. Subalit sa kabila ng aking pagiging makasarili, isang karanasan ang nagpapaalala sa

akin sa kahalagahan ng iba sa aking buhay. Karanasan na nagsasabing, ‘tingnan mo naman ang iba,

huwag lang ang ikabubuti sa sarili mo.’

II. Ang Kagyat ng Pagpapakita ng Mukha (Epiphany of the Face)

Noong ako po ay nag-aaral sa isang Unibersidad sa Bohol na nagngangalang “University of

Bohol.” Isang karanasan ang hindi ko maaaring makalimutan. Karanasan na nagpapaalala sa akin sa

kahalagahan ng iba sa kabila ng aking pagiging makasarili. Isang karanasan na nagsasabi na ako bilang

tao ay may kapwa. At ang kapwa na ito ay kailangan kong pahahalagahan sapagkat siya ay hindi iba

sa akin.

“Habang ako po ay naglalakad sa gilid ng simbahan (Katedral sa Tagbilaran City, Bohol)

pagkatapos kung magsimba nakita ko ang isang pulubi na may kapansanan. Siya ay hindi na

makalakad ngunit upang makarating siya sa simbahan ginamit niya ang kanyang dalawang kamay na

panghatak na nakasakay sa isang maliit na plywood na may gulong upang makalapit sa mga tao na nais

niyang hihingian at isa na ako roon. Sa totoo lang, sa pagkakataong yaon gusto ko sana na umiwas sa

kanya hindi dahil sa wala akong maibigay kundi dahil sa kakailanganin ko ang pera. Ngunit, habang

ako ay papaalis ng palayo sa kanya isang kagyat ng pagpapakita ng mukha ang aking nararanasan.

Boses na nagsasabing ‘tulungan mo naman siya, kakailanganin niya ang tulong mo.’ Hindi ko alam

kung saan galing ang boses na iyon dahil sa mga sandaling yaon ang kapakanan lamang ng aking sarili

ang iniisip. Isang pag-iisip na ang tanging hangad ay ang kabutihan para lamang sa sarili. Kung kaya’t
nakalimutan ko na may iba na mas higit pa na nangangailangan kay sa akin. Subalit habang

sinusubukan kong maglakad papalayo sa kanya mas lalong hindi nawawala ang boses na sa pagkaka-

alam ko ay galing sa kaloob-looban ko. Boses na nagpapaalala sa akin sa kahalagahan ng iba.”

Ang karanasang ito ay nagpapaalala sa akin na mayroon nag-uusap. At ang pag-uusap na ito

ay nangyayari sa aking kalooban. Ito ay tinatawag, ‘the banal fact of conversation’ (Levinas 166). Itong

pangyayari na pag-uusap ay tinatawag naman na ‘pag-uusap sa kalagayan.’ Ito ay may tatlong

mahalagang elemento: 1. Ang pinag-uusapan. Sa bawat pag-uusap na ginagawa natin ay may mga

mahahalagang bagay tayo na dapat pag-uusapan. Maari na ito ay mga gamit o kaya’y tao sa paligid

natin. 2. Ang kumaka-usap . Ito ay parati na nagsisimula sa pakikipag-usap. Ito ay maaaring

nagtatanong, nag-uutos, nagbibiro o kaya’y tao lang na walang magawa sa buhay kaya naghahanap ng

makaka-usap. 3. Ang kinakausap (interlocutor). Ito ay ang karaniwan na nilalapitan ng taong

kumakausap o naghahanap ng makakausap. Maaari na ito ay hayop, halaman, tao at iba pa.

Sa tatlong elementong ito ang pinagtuonan lamang ng pansin ni Levinas ay ang kinakausap

(interlocutor). Na sa bawat pangyayari ay mararanasan talaga sa sarili nito ang relasyon nito sa isa’t-isa

na kung saan mararanasan ng tao ang kahalagahan ng iba na kung tatawagin natin ay ang pagpapakita

ng mukha (epiphany of the face). Ito ay isang pagpapakita sa pagtugon natin sa kalagayan ng kapwa. Sa

ganitong sitwasyon makikita natin ang pagkaka-iba ng kalagayan sa bawat isa batay sa kung ano ang

katayuan nila. Halimbawa, ang pakikipag-usap ko kay Padre Ferriols at sa kasamahan ko na

seminarista sa magkatulad na pinag-uusapan. Dito makikita natin ang pagkaka-iba sa dalawa kahit pa

magkatulad lang ang bagay na pinag-uusapan. Kasi hindi maaari na si Padre Ferriols ay maging

katulad sa kasamahan ko na seminarista. Ang pangyayari na ito ay isang pagpapakita ng kalagayan na

mayroon ang iba. Ang iba na ito ay hindi ako at hindi maaaring ikaw. Sapagkat hindi lamang ako at

ikaw ang nabubuhay dito sa mundo mayroon din sila, siya at iba pa. Hindi rin ito isang pagkain na
kinakain ko at mga bagay na hinahawakan ko na nagpapasaya sa akin kundi isang pagpapakita ng

mukha na mayroong iba na dapat ko rin na pahahalagahan. At ang iba na ito ay tumutukoy sa buong

katauhan (Levinas 167). Ang pagtatagpong ito ay tinatawag na mukha na kung saan nagpapakita sa

kahalagahan ng iba sa ating sarili. Ang mukha na nag-aanyong mabuti na tumutugon sa aking walang

hanggang pananagutan sa iba.

Ginamit ni Levinas ang salitang ‘epiphany.’ Ito ay salitang Griyego na nagkakahulugan na

pagpapakita. Ibig sabihin may nagpapakita. Ang pagpapakita na ito ay tinatawag na kagyat ng

pagpapakita ng mukha (epiphany of the face). Isang pagpapakita na hindi lamang ang sarili ang sentro ng

lahat kundi mayroon ding iba na nangangailangan ng pagpapahalaga maliban sa sarili. Dahil sa

tuwing ginagawa ko ang hindi maganda o mabuti para sa iba. Ang ‘boses ng pagpapakita’ ay

magsasabing ‘huwag kang papatay’, ‘huwag kang gumawa ng masama sa kapwa.’ Sapagkat ang

pagpapakita sa mukha ay isang pagsunod sa kautusan ng Diyos na nagsasabing ‘gawin ang mabuti at

iwasan ang masama.’

Kagaya na lamang sa aking nararasanasan noong ako po ay naglalakad sa daan sa gilid ng

simbahan. Hindi ko kaano-ano ang tao na iyon o kaya’y isang kamag-anak subalit dahil sa boses na

nagsasabi nakikita ko ang kahalagahan nito sa aking sarili. Sa pamamagitan ng pagpapakita na ito

nakikita ko ang kahalagahan sa pakikipagkapwa. Pagkakaroon ng mabuting ugnayan sa iba na

nagsasaad huwag lamang ang sarili ko ang pahahalagahan. At napapatunayan sa sarili na hindi ako

maaaring buo kung wala itong iba. Sapagkat ‘ang pagpapakatao ng suheto (ko) ay hindi lamang

umiikot sa sarili nito (ko) kundi ito ay naka-ugat sa pakikipagkapwa’ (Cleofas 35). Hindi ako

maaaring buo kung wala itong iba na humuhubog sa aking buong katauhan. Sapagkat ‘kung wala

itong kabuuan ang ‘ako’ ay wala; na ang ‘ako’ ay hindi umiiral kung wala itong ‘iba’ (Peter Kropotkin
4). Dahil dito, nakikita ko ang kahalagahan ng iba sa aking sarili; na kung wala itong iba na

namamagitan sa relasyon ko sa Diyos at sa tao paano ko makikita ang kahalagahan ng etika.

Sa puntong ito, nakikita ko ang kahalagahan ng pakikipagkapwa. At kung pag-uusapan natin

‘ang pakikipagkapwa ito ay ginagawa’ (Padre Ferriols 58). Ang paggawa ay tumutugon sa aking

pananagutan sa iba nang sa gayon maisasabuhay ko ang etika na ‘ako bilang tao ay may pananagutan

sa kapwa.’ At ang pananagutan na ito ay walang hanggan (Calazanz 175). Sapagkat ako mismo ay

mulat sa sarili na kapag ako ay gumawa ng mabuti ito ay isang gawain ng pagpapakatao.

III. Ang Walang Hanggang Pananagutan (Infinite Responsibility) Ko sa Iba

Habang iniisip natin ang kabutihan ng iba ipinapakita na rin natin ang ating responsibilidad

sa kanila. Sapagkat sa pamamagitan ng kabutihan na ito nagkakaroon tayo ng lakas ng loob upang

gawin natin kung anuman ang ikabubuti sa iba. Ang kabutihan na ito ay likas na sa atin (San

Agustin). Ito ay nand’yan na sa atin simula ng tayo ay isinilang. Kung kaya’t kahit anuman na pilit

alisin ito sa buhay natin ang ating pananagutan sa iba upang sa gayon tayo ay maging malaya nito.

Hinding-hindi ito magagawa natin sapagkat ang kabutihan na mayroon tayo ang mag-udyok sa atin

upang gawin natin ang responsibilidad para sa iba. Ang pananagutan na ito ay nakatuon lamang sa

tawag ng iba, ang kanyang pagkameron ay isang pananagutan. Halimbawa, ang kahirapan na

nararanasan ng iba. Ang kalagayan na ito ay isang tawag na kailangan natin na tugunan. Isang tawag

na nangangailangan ng pagtugon sa sinuman na tao sapagkat sila ay nangangailangan ng tulong. At

ang pagtugon sa tawag na ito ay nangangailangan ng pag ‘oo’ sa ating sarili na tayo bilang tao ay

handang tumugon sa kapwa natin na nangangailangan. May dalawang salita ang ginamit ni Levinas sa

pagtugon sa tawag na ito:

“1. Narito ako. Ito ay galing sa salitang Pranses “Me voial.” Ito ay isang pagtugon na handa

tayong tumugon sa kung anuman ang pangangailangan ng iba. Subalit hindi sa lahat ng panahon na
ang salita na ito ay magagamit para sa pagtugon sa tawag ng pangangailangan. Sapagkat mayroong

mga pagkakataon na ang paghingi ng tulong sa iba ay nangangailangan din ng pagtanggi o pag-ayaw.

Halimbawa, may humingi sayo ng tulong upang tulungan siya na patayin ang iyong kapitbahay. Sa

simpleng pag-iisip alam natin na hindi ito tama. Kung hindi ito tama eh kailangan nating umayaw.

Kailangan natin na tumanggi. Hindi natin maaaring sabihin ‘narito ako’ tulungan kita. Iba ang tawag

ng pangangailangan ng isang pulubi sa taong humingi ng tulong para patayin ang iyong kapitbahay.

Samakatuwid, hindi sa lahat ng pagkakataon na ating tugunan ang pangangailangan ng kapwa.

2. Ikaw muna ( Pranses: Apres vous). Ang kabuuan sa puntong ito ay ang iba ay parating

mangunguna. Kung kaya’t nangangailangan ito ng pagpaparaya sa sarili para sa kapakanan ng iba.

Itong responsibilidad na ito kahit pa man, para sa iba ay hindi lamang ito isang pag-uugali bagkus ito

ay konkretong bagay na kailangan na gawin sa tao. Halimbawa, sa pagbibigay. Hindi lamang na

hanggang buksan lamang ang ating puso para sa iba sa pamamagitan ng pagsabi natin sa ating

pakikiramay sa anuman na problema ang mayroon sila. Kailangan din natin na mag-abot sa anuman

na bagay na mayroon tayo na inaakala natin na makakatulong sa kanila. Kung kaya’t nangangailangan

ito ng pagpaparaya sa sarili. Dahil dito masasabi natin na itong responsibilidad para sa iba (Narito ako

at Ikaw muna) ay ekonomiya” (Levinas 172 - 173).

Kung kaya’t itong responsibilidad na ito ay walang hanggan din. Sa ibang pagkasabi ito ay

walang katapusan. Ibig sabihin nito na ang ating responsibilidad sa kapwa hindi lamang titigil sa

relasyon ng ako at ikaw. Mayroon ding iba maliban sa ako at ikaw na kailangan natin na

pahahalagahan. At ang responsibilidad na ito ay hindi natin maaaring ipasawalang bahala. Kailangan

natin itong tugunan sapagkat may responsibilidad tayo sa kanila. At ang pagtugon natin sa ating

responsibilidad sa iba ay isang pag ‘oo’ na tayo bilang tao ay may pananagutan sa kapwa. At sa
pamamagitan nito ipinapakita natin ang kabutihan hindi lamang sa sarili pati na sa kapwa. Sapagkat

ito ay isang gawain ng pagpapakatao.

IV. Pangwakas

Ang sinuman na tao ay nagnanais na maipanatili ang sarili sapagkat ninanais nito ang

mabuhay. Kung kaya’t anuman ang kabutihan na kakailanganin na gawin natin para sa sarili ay

gagawin natin ito. Walang sinuman ang hindi gumagawa para sa kabutihan sa sarili. At ito’y hindi

masama bagkus ito pa nga ay nararapat gawin upang maipanatili ang kabutihan na gawa ng Diyos

para sa sariling pag-iral nito.

Subalit sa kabila ng ating pagiging makasarili huwag nawa sana nating kalimutan na may iba

na dapat din natin na pahahalagahan maliban sa atin. Ang pagpapahalaga na nararapat sana na ibigay

natin sa kanila ngunit hindi natin ito nagawa dahil mas nakatuon lamang tayo sa kung ano ang

ikabubuti sa sarili. Huwag nawa sana nating kalimutan na hindi tayo maging tao kung walang iba.

Hindi tayo maging buo kung walang kapwa na humuhubog sa ating buong pagkatao. At higit sa lahat

hinding-hindi natin makikita ang kabutihan ng Diyos at sa kanyang mga likha kung walang kapwa na

namamagitan sa ating relasyon sa Diyos. At sa pamamagitan nito nakikita natin ang kahalagahan ng

kapwa sa buhay natin at ang layunin natin sa mundo bakit po tayo ay naririto.

Ang kahalagahan nila (kapwa) ay nagsasabi sa atin na tayo bilang tao ay may responsibilidad

sa kanila. Tungkulin natin na alagaan sila at ipakita sa kanila na sila ay may karapatan na mabuhay

sapagkat sila ay mahalaga. Na hindi magkakaroon ng saysay ang buhay natin kung wala ang kanilang

pag-iral. At dahil dito, walang rason na itakwil natin sila bagkus mas lalo pa nga nating ipakita sa

kanila ang walang sawang pagtulong para sa kapwa natin na nangangailangan. Sapagkat anuman na

kabutihan na ipinapakita natin sa kanila ay isang pagpapakita ng kabutihan na mayroon tayo.


Bibliography

Bambrough, R.,The Philosophy of Aristoteles, New York and London: Oxford University Press, 1952, p

292-293.

Calazanz, E. D. E., Ethics With A Human Face, p 163-175.

Cleofas, J. A., An ethics of desire, p 35.

Kropotkin, P., Ethics: Origin and Development, p 4.

Philippine Daily Inquirer published 2012.

Strebel, W. P. J., Ang Konsepto ng Planetisasyon ni Teilhard de Chardin: Isang Pagsusumubok Bigkasin ang
Meron, p 58.
ninanais nito kailangan nito na gumawa ng paraan nang sa gayon magkakaroon ng katuparan ang

lahat na minimithi nito sa buhay. Sa bawat paghahangad ay parati itong nakatuon sa anuman ang

ikaliligaya nito. Ginawa niya ang isang bagay upang ito ay maging masaya. Ika nga sa isang

pilosopo, ‘Ang kaligayahan ay ang pinakamataas na layunin ng tao’ (Aristotles)1. Samakatuwid,

sa bawat pagnanais ng tao na gawin ang isang bagay ay parati na ang kaakibat nito ay ang

paghahangad nito sa sarili na maging masaya. Kagaya na lamang sa pagpapakita ng kabaitan sa

i‘Likas sa tao ang Ang bawat tao ay naghahangad na maging sentro sa lahat. Kaya upang

maisakatuparan ang sang bata sa kanyang mga magulang ipinapakita niya ito upang makitang

maging masaya ang mga ito. At ang kasiyahan na makita niya sa mga ito ay ang kasiyahan na rin

sa kanyang sarili.

Nakasalalay sa pakikipagkapwa ang kahalagahan sa etika na kung saan pinatutunayan na

dati pa nina Sokrates, Platon at Aristoteles. May kanya-kanya man na pagpapaliwanag ang

ginawa ng mga sinaunang pilosopo tungkol dito ngunit ang kanilang paglalahad ay umiikot

lamang sa usapin kung bakit kailangan ng taong gumawa ng mabuti. Ang kabutihan ay likas na

sa tao na kahit anuman na pilit na tanggalin ito sa buhay tao ay hinding-hindi ito kayang alisin sa

sarili nito. Sapagkat ito ay naka-ugat na sa kanya. Subalit kung titingnan natin sa ating panahon

ngayon tila baga na nawala na sa tao ang sinasabing likas nito dahil imbis na gawin nito ang para

sa ikabubuti ng lahat ay tinitingnan lamang nito kung anuman ang ikabubuti sa sarili nito.

Nakalimutan ng tao na ang kabutihan ay hindi lamang nakasalalay sa kung anuman ang

ikabubuti sarili at kalimutan na lamang nito ang pananagutan niya sa iba. Ang kabutihan ay

1
Bambrough, R., “The extra makes an increment of good, and the greater good is lways preferable to the lesser.
Happiness therefore, seems to be something final and self-suffiecient, the ultimate object of matters of action”.
The Philosophy of Aristotle, New York and London: Oxford University Press, 1952, p 293.
parating nakasalalay sa kung anuman ang ikabubuti sa sarili at sa iba. Ang pagkakaroon ng

mabuting pakikitungo sa kapwa ay siyang pinakabatayan upang masabi ng tao na siya nga ay

namuhay ayon sa etika. Ang etika ay isinasagawa ayon sa kalikasan ng tao. At sa tuwing

sinusubukan ng tao na mamuhay ayon sa etika kailangan niya ring gawin ang ikabubuti sa

kanyang kapwa. Sapagkat walang ako kung wala itong sinasabi nating iba.

Sa isang pagninilay tungkol sa pangyayari na naganap sa hindi makatarungan na

pakikitungo ng tao sa kanyang kapwa, nagkakaroon ako ng lakas ng loob na pag-usapan ang

sinabi ni Levinas tungkol sa mukha. Ang mukha na ito ay tumutugon sa walang hanggang

pananagutan ng tao sa kanyang kapwa. At kahit anuman na pilit na alisin ito sa buhay ng tao dala

ng pagiging makasarili nito, hinding-hindi pa rin kayang itakwil o alisin nito ang kagyat ng

pagpapakita ng mukha (epiphany of the face) na kumakausap, nagsusumamo at nagmamaka-awa

sabay sabing, ‘huwag naman parati ang sarili ang pahahalagahan mo.’ Sa tingin ko, ang etika ay

tumutugon sa walang hanggang pananagutan ng tao sa kanyang kapwa kung kaya’t hindi kayang

itakwil nito ang kagyat ng pagpapakita ng mukha na parating nagpapaalala sa tao sa kahalagahan

ng iba.

Kaya napakalungkot isipin kung makarinig ako ng balita; kapwa sa kapwa ay

nagbabangayan hangga’t sa ito ay mauuwi sa pagpapatayan. Batay sa ganitong pangyayari

naging mulat ako sa kakulangan ng tao sa pagpapahalaga sa isa’t-isa na naging dahilan kung

bakit unti-unti nang nawala ang pagkakaroon ng mabuting ugnayan nito sa iba. Alam kong may

malaking kaugnayan ang sarili ko at ang kapwa. Kung gayon, ang papel na ito ay tungkol sa

kaugnayan ko sa iba; ang pagpapahalaga na unti-unti nang inalis sa buhay tao dala sa hangaring

pangmakasarili nito. Ang pamimilosopiya ni Levinas na tumutugon sa walang hanggang

pananagutan sa kapwa ang siyang gagamitin ko rin na paraan upang mailahad ko ang
kahalagahan ng pagpapakatao. Sa tingin ko walang sinuman ang hindi nagnanais nito, sapagkat

likas sa tao ang mabuti. Subalit, dahil sa matinding hamon ng pangangailangan ng tao sa sarili

hindi rin nito maiwasan na maging marahas ito sa iba, na nagpapawala sa tunay na kalikasan

nito.

Pakikipagkapwa: Nakabatay ang kahalagahan ng etika

Sa tuwing aking naririnig ang awit na pinamagatang ‘Walang Sinuman ang Nabubuhay

para sa Sarili Lamang’ hindi ko makaligtaan na itanong sa sarili, ‘ano ang kaugnayan ko sa iba?’

Nais kong tugunan ang tanong na ito hindi dahil para gumawa ng talakayan sa kababalaghan na

nangyari sa buhay ng tao kundi upang ipaalam sa tao na hindi siya nagiging tao kung wala itong

sinasabi nating iba. Sabi pa nga ni Peter Kropotkin, “kung wala itong kabuuan ang ‘ako’ ay wala;

na ang ‘ako’ ay hindi umiiral kung wala itong ‘iba’(4)”.2 Hindi kayang buhayin ng tao ang sarili

kung walang iba na namamagitan na humuhubog sa kanyang buong katauhan.

Hindi ito gaano napansin ng tao dahil mas nakatuon na lamang ito sa anuman ang

ikabubuti sa sarili na nakabase sa sistema na kinabibilangan nito. Nakalimutan ng tao ang

kahalagahan sa pagpapakatao at kung bakit ito tinatawag na tao. Kaya sa tuwing nakakita o

nakakarinig ako nang balita sa telebisyon, radyo at sa iba’t-ibang uri ng social media tungkol sa

hindi makatarungang kilos na ipinapakita sa iilan ng ating mga kababayan sa kanilang kapwa,

hindi ko maiiwasan na maitanong sa sarili, ‘saan nga ba ang puso sa mga taong yaon?’ Sa

2
Kropotkin, P. “Modern science taught him that without the whole the “ego” is nothing; that our “I” cannot even
come to a self-definition without the “thou”. Ethics: Origin and Development, p 4.
ganitong pangyayari, naging mulat ako sa katotohanan na kung minsan ang tao ay naging bulag

sa pagtugon sa anuman ang ikakabuti ‘di lamang sa sarili kundi pati na sa iba.

Totoo minsan na ang tao ay naging bulag sa mga pangyayari sa kanyang kapaligiran.

Nagiging bulag ito sapagkat sa sobrang pagpapahalaga sa sarili nakalimutan nito na may iba na

dapat din niyang pahalagahan. Ang pagpapahalaga na nararapat sanang gawin bilang tao; ang

ituring ang kapwa bilang katulad niya na nag-iisip, napapagod at nakakaramdan din ng sakit sa

tuwing pinapakitaan niya ito ng hindi maayos na pakikitungo sa sarili nito. Tao na

nangangailangan din ng pagpapahalaga, pagrerespeto at pagmamahal na katulad niya.

Nakalimutan ito ng tao dahil imbis na pahalagahan niya ang kapwa itinuturing na niya itong iba

sa kanya. Ang kakulangang ito ay nagdadala rin sa tao na mas mabuti pang panatilihing maging

pipi at bingi kaysa dumama at pakinggan ang anuman ang hinanaing sa iba at sabay sabi sa sarili

‘bahala sila, buhay nila iyon.’ Tila baga sinasabi nito na kaya nitong buhayin ang sarili na hindi

na nakasalalay sa kakayahan ng iba o hindi na hinahangad ang anuman na tulong na galing sa

iba. Tila baga nakalimutan nito na hindi siya magiging tao kung wala itong iba na kasa-kasama

niya sa paghubog sa kanyang buong katauhan. Ang kawalan ng kakayahan ng tao na dumama at

makinig sa hinanaing sa iba ay isang akto ng pagkilos na hindi makatao at nagpapababa ito sa

kanyang digninad. Ito ay nagdudulot sa kanya ng hindi pagkakaroon ng magandang ugnayan sa

kapwa na siyang pinakamahalagang gawain sa buhay tao. Ayon pa ni Cleofas, “Ang

pagpapakatao ng suheto ay hindi lamang umiikot sa sariling kagustuhan o layon nito; ang

pagpapakatao ay nakaugat sa kanyang pakikipagkapwa (35)”.3 Samakatuwid ang

pinakamahalaga na gawaing tao ay ang pagkakaroon ng mabuting pakikipagrelasyon sa iba na

kung tatawagin natin ay ang pakikipagkapwa.

3
Cleofas, J. A., An Ethics of Desire p. 35
Ang pakikipagkapwa ay likas sa tao

Hindi hiwalay ang tao sa daigdig kung kaya’t sa patuloy na pakikipagtagpo nito sa

daigdig kailangan din na isaalang-alang sa tao ang mga bagay na mayroon ito. Samakatuwid,

kapag pinag-uusapan natin ang kalikasan sa tao nakasalalay rin sa usapin ang kaugnayan nito sa

iba. Kung kaya’t sinasabi natin na hindi kayang bumuo ng tao sa sarili kung wala itong sinasabi

na iba. Dahil dito masasabi natin na kailangan ng tao ang kapwa sapagkat nakasalalay rito ang

kabuuan sa kanyang sarili. Ika nga ni Aristoteles, “Ang kabuuan sa sarili ay hindi ang

paghiwalay nito sa iba, ito ay nangangailangan ng mga tao na nakapaligid sa kanya, sapagkat

likas sa tao ang pakikipagkapwa (292)”.4 Itong pakikipagkapwa na ito ay may kaugnayan sa

relasyon ng tao sa tao at dito naka-ugat ang etika na sinasabi ni Levinas. Sinasabi na likas ito sa

tao sapagkat hindi kayang mabuhay ng tao kung wala itong iba na umiiral sa paligid nito. At sa

patuloy na pakikipagtagpo ng tao sa daigdig naging mulat ito sa katotohanan sa kahalagahan ng

iba sa kanyang sarili.

Pinag-usapan dati pa ang kahalagahan ng etika ng mga sinaunang pilosopo kagaya nina

Socrates, Platon at Aristoteles. Iba’t-iba ang ginawa nila na pagpapaliwanag tungkol dito ngunit

ito ay tumutugon sa katanungan, “bakit kailangan ng tao ang magpapakabuti?” Maraming paraan

ang paggawa ng tao sa sinasabing nating kabutihan. Maaaring dahil may hinahangad ito na

parangal o kaya’y papuri na galing sa iba. Maaaring ito rin ay dahil sa tungkulin na

kinabibilangan ng tao sa lipunan. Ngunit para kay Levinas ang pinakamataas na uri sa paggawa

ng mabuti ay ang ituring sa tao ang kapwa na hindi iba sa kanya. Ginagawa niya ang mabuti

sapagkat may kapwa. Anuman ang ninais nitong gawin para sa ikabubuti sa sarili ay nararapat

4
Bambrough, R., “The term ‘self-sufficient’ does not refer to anindividual living a hermit’s life; since man is
naturally a social animal.” The Philosophy of Aristoteles, New York and London: Oxford University Press, 1952, p.
292.
din na gawin niya ito sa iba. Halimbawa, ang kumain ay nakabubuti sa sarili. Dahil nakakabubuti

sa tao ang kumain; kinakailangan din niya na magbigay ng pagkain sa kapwang nagugutom.

Sapagkat paano nga ba masasabi ng tao na siya nga ay namuhay sa etika kung isinantabi niya

ang pangangailangan ng iba. Samakatuwid, nakasalalay sa pakikipagkapwa ang kahalagahan ng

etika. At ang pagpapakita sa kahalagahan ng iba ay ang pagtugon sa kanilang pangangailangan.

Ito ay tinatawag natin na responsibilidad o pananagutan. At ang pananagutan na ito ay walang

hanggan. Kung kaya’t masasabi natin na ang tao ay may walang hanggang pananagutan sa

kanyang kapwa. Kapwa ko, mahal ko ika nga.

Sa tingin ko dito nakasalalay ang kabutihan na sinasabi sa mga sinaunang pilosopo.

Sapagkat ang pagpapakabuti ay parating nakasalalay sa pagpapahalaga ng tao sa iba kung gaano

kalaki ang pagpapahalaga sa tao sa kanyang kapwa ay ganoon din kalaki ang ipinapakita na

kabutihan nito sa iba. Ito’y isang hindi matatawaran na kalagayan ng tao na kahit anuman ang

gawin na pagtatakwil nito dala ng kanyang pagiging makasarili ay hinding-hindi niya kayang

alisin sa buhay nito ang likas nito na kabutihan. Ang kabutihan na hindi lamang nakatuon sa

sarili kundi pati na sa kapwa. Sapagkat sa tuwing ginagawa lamang nito ang para sa ikabubuti sa

sarili ang kagyat ng pagpapakita ng mukha (epiphany of the face) ay parating nagsasabi “huwag

naman parati ang sarili ang pinapahalagahan mo”. Para baga isang boses na nagpapa-alala sa

kanyang pananagutan sa iba na sa tuwing pilit itong inalis sa buhay tao ay mas lalong hindi

magkakaroon ng katahimikan ang sariling kalooban nito. Ang boses na ito ay hindi nakikita kusa

lamang itong nagsasabi sa tuwing ginagawa ng tao ang hindi nararapat gawin sa kanyang kapwa

o sa iba pang bagay na umiiral na ipinagkaloob ng Diyos sa kanya. Ito ay nagpapa-alala sa

kahalagahan ng iba sa kanyang sarili. Na bilang tao siya ay may pananagutan sa anuman na

bagay na ipinagkaloob ng Diyos sa kanya. Sapagkat hindi kayang buhayin ng tao ang sarili kung
walang iba na humuhubog sa pagkatao nito. Parating may iba na pumupuna, nagmamaka-awa at

nagpapahawatig ng pagmamahal sa anuman na gawain na pinagkaka-abalahan nito.

Samakatuwid, isa sa pinakamahalagang gawain sa buhay tao ang pagkakaroon ng mabuting

pakikipag-ugnayan sa kanyang kapwa.

Pag-uunawa sa paggawa

Ang buhay ay isang gawain. Kapag sinasabi nating “buhay” ito ay kumikilos, nag-iisip at

sumasawika. Ang ganitong katangian ay tumutukoy lamang sa tao sapagkat siya lamang ang

nagtataglay nito. Ayon kay Aristoteles ang tao ay Zoon Logon. Ang zoon ay galing ito sa

salitang griyego na ‘zoe’ na ang ibig sabihin ay buhay samantalang ang ‘logon’ ay galing sa

salitang logos na kung isasalin natin ito salitang tagalong ay nangangahulugang ‘wika’ o ‘salita’.

Samakatuwid, masasabi natin na ang tao ay isang nilalang na sumasawika. Ngunit ayon kay

Gadamer na hindi naman talaga hiwalay ang pag-iisip at ang salita sapagkat kung babalikan natin

ang pinanggaling ng salitang ‘logos’ ay galing ito sa salitang ‘logic’ na tumutukoy naman sa

‘katuwiran’. Sa pahayag na ito pinatunayan ni Aristoteles na ang tao ay isang nilalang na

nakapag-iisip (qtd. in Bambrough, R. 229).5 Samakatuwid ang taong nag-iisip ay ang tao na

sumasawika rin. Ang katangiang ito ay ang nagpapa-iba sa tao sa iba pang umiiral na nilikha ng

Diyos.

5
Bambrough, R., “The functions of feeding, growling, and reproducing, which are the sole functions of plants, are
found in animals, which are capable further activities of feeling, sensation, and locomotion, Man has all these
attributes in common with the lower creatures, but he is distinguished from them by his faculty of reason.” The
Philosophy of Aristotle, New York and London: Oxford University Press, 1952, p 229.
Sa tuwing pinag-uusapan natin ang buhay tao ito ay may pakay o layunin. Ang pakay na

ito ay parating nakatuon sa kung paano ito maging masaya. Sabi pa ni Aristoteles, “Ang

pinakatugatug na kabutihan ay ang nakakapuno sa sarili at ang nakakapuno sa sarili ay ang

kaligayahan (293)”.6 Sa pahayag na ito ni Aristoteles pinapatunayan dito na ang kaligayahan ay

ang sukatan sa paggawa ng kabutihan. Subalit ang anuman na pagnanais ng tao upang maging

maligaya ay kailangan ng tao na mag-isip at umuunawa sa kanyang paggawa. Sapagkat

nakasalalay sa pag-unawang paggawa o arête ang inaasam-asam nito na kaligayahan. Ganoon

din ang pagkakaroon ng mabuting ugnayan ng tao sa iba na kung tatawagin natin ay ang

pakikipagkapwa. Kinakailangan ng tao na mag-isip at umu-unawa sa kanyang pakikitungo sa iba

nang sa gayon ay magkakaroon ito ng mas malalim na pag-uunawa sa anuman na kahinaan at

kalakasan na mayroon ang iba. Samakatuwid, sa bawat kilos ng pakikipagkapwa ay

nangangailangan ito ng pag-uunawa sa kanyang paggawa. Kung sa pag-unawang paggawa

nakasalalay ang kaligayahan at dito rin nakasalalay ang kilos ng pakikipagkapwa masasabi natin

na hindi hiwalay ang kaligayahan at ang pakikipagkapwa. Sapagkat hindi pwedeng magkakaroon

ng kaligayahan ang taong walang kapwa.

Dagdag pa sa sinabi ni Aristoteles, “Ang likas sa tao ay ang mangatuwiran at ang

pangangatuwiran nang maayos ay naaayon sa birtud (23).”7 Likas sa tao ang mag-isip subalit

anuman na gawaing isip ay kinakailangan na ito ay nakasalalay sa birtud ng paggawa. At sa

tuwing pinag-uusapan natin ang birtud ng paggawa ay kailangan na gumagalaw ito sa tamang

sukat na kung tatawagin natin ay ‘mesotes.’ Sapagkat kung kulang ito o sobra ang pagkilos

6
Bambrough, R., “The extra makes an increment of good, and the greater good is always preferable to the lesser.
Happiness therefore, seems to be something final and self-sufficient, the ultimate object of matters of actions.”
The Philosophy of Aristotle, New York and London: Oxford University Press, 1952, p 293.
7
Stokes, P., “The natural function of man is to reason and to reason well is to reason in accordance with virtue.”
Philosophy: The world’s greatest thinkers, London: Arcturus Publishing Limited Press, 2007, p 13.
matatawag natin ito na bisyo. Dito umiikot ang etika ni Aristoteles. Sa aking palagay ganito rin

ang pananaw ni Levinas tungkol sa etika. Kailangan na gumawa ang tao ayon sa natura nito. Ang

natura na gawin ang mabuti. Ang kabutihan na hindi lamang ang sarili nito ang makikinabang

bagkus kasama ang iba. Sapagkat kung ang tinitingnan lamang ng tao ang pansariling kabutihan

nito at walang paki-alam sa kapakanan ng iba tiyak na hindi dumaan ang tao sa mesotes sa

pagiging tao. Halimbawa, ang pagtutulak ng druga. Alam ng tao na ang pagbibinta ng druga ay

nakakasama sa iba ngunit dahil sa paghahangad nito na magkakaroon ng maraming pera ay

ginagawa pa rin niya ito. Hindi masama ang pagkakaroon ng maraming pera ika nga ngunit kung

may kapwa naman na nasisira sa iyong ginagawa. Masasabi ba ng tao na dumaan ito sa mesotes?

Ang sagot: hindi. Sapagkat, hindi natura sa tao na sirain ang kanyang kapwa.

Ang Walang Hanggang panunugatan ng tao sa kapwa

Sinabi ni Levinas, “na ang lahat ng tao ay nagnanais na maipreserba ang sarili, bilang

sarili”. Ito ay tinatawag na Conatus essendi. Sa tingin ko walang sinuman na tao ang hindi

nagnanais nito. Kahit sa simpleng paggawa ng tao sa araw-araw na gawain sa kanyang

pakikitungo sa iba makikita natin nito ang pagnanais na mapanatili ang sarili. Sapagkat ang

bawat isa ay nagnanais na mabuhay. Mabuhay na gamit ang kakayahan ng iba maipanatili

lamang ang sariling pag-iral nito. Halimbawa, ang pagpapakita ng kabutihan sa isang politiko. Sa

unang tingin siguro sasabihin natin ‘wow ang bait naman sa politiko na iyon.’ Ngunit kung

titingnan natin ng maigi hindi dahil sa kanyang kabaitan kung bakit ginagawa niya ang kabutihan

na iyon kung hindi dahil may gusto ito na makuha sa iba. Maaari na ito ay ang kanyang boto o

kaya’y mapanatili ang pagtingin ng tao sa kanya bilang isang makapangyarihang politiko na

naghahangad na mapanatili ang anuman na katungkulan mayroon ito sa estado na ginagalawan

nito. Hindi ko sinasabi na masama ito sapagkat ang tao ay may pagnanais na makilala at maging
dakila sa lahat. Ngunit sa ganitong pangyayari hindi namalayan ng tao na naging marahas na pala

ito sa iba. Nabura sa isipan ng tao ang kahalagahan sa pagpapakatao dahil sa pangkamakasariling

hangarin nito.. Samakatuwid, nawala ang kahalagahan ng pakikipagkapwa sapagkat naging

alienado ang tao sa kanyang kapwa dahil nakatuon na lamang ito sa sariling pagpapahalaga..

Kung kaya’t sa sobra na pagpapahalaga ng tao sa sarili hindi maiiwasan na may karahasan na

nangyari sa loob nito. Nagiging marahas ang tao dahil sa paggiging makasarili nito. Sa paanong

paraan naipakita ito sa tao? Ang paggawa ng hindi ayon sa katarungan at pantay ay isang gawain

na hindi makatao. Samakatuwid, labag ito sa natura ng tao. Ang natura na gawin ang mabuti at

iwasan ang anuman na makakasama sa iba. Ano ang maaaring gawin? Ituring ng tao ang kapwa

na katulad nito. Na kung anuman ang kabutihan na mayroon ito ay dapat na ibabahagi niya rin sa

iba. Sapagkat sa tuwing ginagawa ng tao ang nakakasama sa kanyang kapwa isang boses

magpapaalala nito; na gawin ang mabuti at iwasan ang masama. Ito ay tinatawag ni Levinas na

pagpapakita ng mukha.

Ang mukha na bumubulaga sa tao upang magpapa-alala sa kanyang walang hanggang

pananagutan sa iba; na gawin ang mabuti ‘di lamang sa sarili pati sa kapwa at iwasan ang

anuman ang nakakasama nito. Sapagkat walang sinuman ang nabubuhay para sa sarili lamang.

Ang sinuman na nagnanais mamuhay ayon sa etikahay ay parati itong nakasalalay sa kapakanan

din ng iba. Samakatuwid, wala ako kung wala ang iba. Hindi kayang buhayin ng tao ang sarili

kung walang iba na pumapaligid sa kanya. At ito ang nais na iparating ni Levinas sa kanyang

pahayag, “ang ideya ng kalooban ay hindi lang sa sarili kung hindi sa kabuuan nito – ano po

yong nasa tao hindi ito bahagi ng kanyang pagkatao mismo kundi sa kabuuan.”8 Samakatuwid,

8
Calazans, E. J., “the notion of the loob itself is also a metenomy – a part is substituted for the whole is not just a
part of a person but stands for the whole.” Ethics with a Human Face, p 167.
ang pakikipagtagpo ng tao sa tao ay hindi lang pakikipagtagpo sa sarili mismo kundi sa kabuuan

nito. Ang tawag ni Levinas sa pakikipagtagpo na ito ay epiphany na galing sa salitang Griyego

pagpapakita o pagpapahayag na kung tatawagin natin ay kagyat ng pagpapakita ng mukha. Ang

kagyat na ito ay nagsasaad na sa tuwing ginagawa natin ang hindi makataong gawain may isang

boses na bumubulaga sa tao na nagsasabing, “huwag kang papatay.” Para bagang boses na

nagpapaalala sa pananagutan ng tao sa kapwa. Ang boses na ito ay isang utos na kailangang

gawin sa tao sapagkat ito ay nararapat. Nararapat sapagkat ito ay sumasang-ayon sa batas etika.

Ang batas na nagpapahayag na hindi dapat lamang ang sarili ang nakikinabang kundi pati na ang

iba. Sa tingin ko ito ang nais na iparating ni Cleofas tungkol sa mukha na sinasabi ni Levinas,

“ang pagpapakatao ng suheto ay hindi lamang umiikot sa sariling kagustuhan o layon nito; ang

pagpapakatao ay naka-ugat sa kanyang pakikipagkapwa.” Kapag sinasabi natin na kabuuan ito’y

nagsasaad kung anuman ang kabutihan na nakikita sa tao kanyang sarili ito ay kabutihan din sa

iba. Samakatuwid, ang utos na ito ay pangkalahatan.

Subalit hindi lang sa salitang tayo nagtapos ang ugnayan sa tao sa kanilang kapwa. Ang

pakikipagkapwa ay may malalim na pakikipag-ugnayan na hindi lamang nakatuon sa ugnayan ng

ako at ikaw kundi sa sinuman na tao na kanyang makakasalamuha. Halimbawa, sa isang ama.

Ang ama bilang haligi ng pamilya ay upang maipakita ang pagiging responsableng ama nito sa

kanyang pamilya ay kailangan niyang matugunan ang anuman na pangangailangan sa loob ng

kanyang pamilya. Subalit, bilang bahagi sa isang komunidad ay hindi lamang nagtapos sa

kanyang asawa at mga anak ang pananagutan nito kundi pati na sa mga tao na nasa labas sa

kanyang pamilya. Ganito rin ang pakikipag-ugnayan ko bilang isang seminarista; ang pakikipag-

ugnayan ko sa tao ay hindi lamang nagtapos sa mga tao na kasama ko sa loob ng seminaryo

kundi pati na sa labas sa seminary. Kung kaya’t ang pakiki-ugnayan na ito ay walang hanggan.
Walang hanggan sapagkat ang tao ay patuloy na nakikipagtagpo sa daigdig. At sa patuloy nito na

pakikipagtagpo maging mulat ito sa katotohanan na siya ay may pananagutan sa mga bagay na

ipinagkaloob ng Diyos sa kanya. Samakatuwid ako bilang tao ay may walang hanggang

pananagutan sa iba. Walang hanggan sapagkat ito ay nakasalalay rin sa aking walang hanggang

pananagutan sa Diyos. Samakatuwid mahalaga ang kapwa sa sarili kong pag-iral sapagkat

walang sinuman ang nabubuhay para sa sarili lamang.

Pangwakas

Nakasalalay sa pakikipagkapwa ang etika. Ang sinuman na tao na nabuhay sa mundo ay

kinakailangan na mamuhay ayon sa etika na ang naging batayan ay ang paggawa ng kabutihan.

Ang kabutihan na naaayon sa pagpapakatao. Ang pagpapakatao ay isang gawain na kailanman ay

hindi matatanggal sa buhay tao; na ang naging batayan ay ang pakikipagkapwa. Ang

pakikipagkapwa ay ginagawa kung kaya’t nakasalalay ito sa pag-uunawa at paggawa ng tao.

Anuman na uring paggawa ay parati itong nakasalalay sa pag-uunawa nang sa gayon

matamo ng tao ang ina-asam-asam nito na kaligayahan. Ngunit ang kaligayahan ay hindi lamang

matagpuan ng tao na mag-isa. Parati itong may kasama na katulong niya sa pag-abot sa mga

bagay na itinuring nito na nagpapaligaya sa kanya. Samakatuwid, anumang ninais ng tao na

kaligayahan ay parati rin itong nakasalalay sa kapakanan ng iba. Sapagkat ang kaligayahan ay

hindi lamang matatamo sa sariling sikap ng tao parati may iba na kasama na nagpapaligaya sa

kanya.

Ganito rin ang pagnanais ng tao na mamuhay sa etika. Ang pagnanais ng kabutihan ay

ang pagkakaroon din ng mabuting pakikipag-ugnayan sa iba. Kung kaya’t mahalaga sa tao ang
usapin ng pakikipagkapwa sapagkat dito nakasalalay ang gawain ng etika. Ang gawaing

pakikipagkapwa ay walang hanggan sapagkat habang ang tao ay nabubuhay pa ay patuloy ito na

nakikipagtagpo sa daigdig. At sa patuloy na nakikipagtagpo ng tao sa daigdig maging mulat ito

sa katotohanan na siya ay may walang hanggang pananagutan sa mga bagay nito. Kung kaya’t

sinasabi natin na ang pananagutan na ito ay walang hanggan sapagkat gawain ng tao ang

makilahok sa gawain ng walang hanggang Diyos.

Bibliography

Kropotkin, P. Ethics: Origin and Development, p 4.

Cleofas, J. A., An ethics of desire, p 35.

Bambrough, R.,The Philosophy of Aristoteles, New York and London: Oxford University

Press,1952, p. 292-293.

Stokes, P., Philosophy: The world’s greatest thinkers, London: Arcturus Publishing Limited

Press, 2007, p 13.

Calazanz, E.D.E, Ethics of the Human Face, p 163-167.

You might also like