You are on page 1of 20

NOBELA

I. Pamagat
Titser ni Liwayway A. Arceo

Sa nobelang ito kapwa guro ang pangunahing tauhan, ang


mag-asawang Amelita at Mauro, na minamaliit ng sariling ina
ni Amelita. Gayunman, naipakilala nila ang tatag ng
paninindigan at pagpapasiya, sa pagtutuwang nila ay ginising
ang kanilang nayon upang bumalikwas at harapin ang
pagpapaunlad ng kanilang pamayanan.
Naipakita nila ang kadakilaan ng ipinalalagay na hamak na
propesyon, ang pagiging isang guro.

II. May-Akda

Ang estilo ng pagsusulat na siyang ginamit ng may akda ay


isang malikhaing pagsusulat sapagkat naging malikhain ang
porma ng piyesa ng panulat, ang pagiging malikhain ay
siyang pinakaugat ng teknikalidad. Dito pinapansin ang mga
ginagamit na mga pangatawan ng wika, mapapansin ang
henyo ng isang manunulat sa pag-gamit ng mga ibat-ibang
kasangkapang pampanitikan upang yumaman ang kanyang
gawa.

Na puna ko rin na parehong pormal at di pormal ang mga


salitang ginamit sa nobela, gumamit din ang may akda ng
kaunting wika ng mga banyaga na ginawa namang italisado.
III. Kabuuan ng Akda
A. Tema o Paksa

Ang tema o paksa ng nobela ay tungkol sa pag-iibigan ng


dalawang guro sa kabila ng kahirapan. Kung paano
pinanghahawakan nila ang isang desisyon at kung paano
ito pinaninindigan kahit na panghimasukan pa ng mga
magulang, lalong–lalo na sa larangan ng pagpili ng
gustong propesyon sa buhay at gayon na rin sa pagpili ng
mamahalin, sa pag-aasawa o pag-iibigan ng dalawang tao.

B. Tauhan

Aling Rosa- ina nila Norberto, Jose, Lourdes, Felisa at


Amelita. Isang ordinaryong ilaw ng tahanan na may
mataas na pangarap para sa kanyang mga anak. Ngunit
dahilan sa kanyang matatayog na pangarap na ito, ay
magagawa niyang maging mapagmataas at manghamak
ng propesyon.

Mang Ambo- isang tahimik at maunawaing haligi ng


tahanan, isa rin siyang mabait na asawa kay aling Rosa at
ama sa kanilang mga anak.

Amelita - ang protagonista sa nobela, bunso sa limang


magkakapatid, isang mabait at magandang guro sa
pampublikong paaralan sa haiskul sa kanilang nayon, l
arawan siya ng isang babaeng may sariling pagpapasya at
matapang na paninindigan.
Mauro- isang guro ng pampublikong paaralan sa haiskul sa
kanilang nayon, ang lalaking iniibig ni Amelita, may
sariling paninidigan at pagpapasya, bagama’t hinahamak
ang kanilang propesyon ay hindi parin ito nagsisisi sa
napiling larangan, dahilan sa likas at tunay ang hilig nito
sa pagtuturo.

Aling Idad- isang maunawain at maalalahaning ina nila


Peping, Dado at Mauro, bagama’t anak-dalita ang kanilang
pamilya, hindi parin ito naging hadlang upang sila ay
maging masaya.

Rosalida/Lida- panganay na anak nila Mauro at Amelita,


isang pantas at bibong bata.

Lety- siya ang batang pinalaki sa layaw ng mga magulang


at paboritong apo ni aling Rosa. Kung ikukumpara kay
Lida, maituturing na higit na nakakaangat si Lety sa
material na bagay, subalit taglay naman ni Lida ang
pinakamahalagang bagay na nagbubuklod sa kanilang
pamilya.

Osmundo Olivarez- manliligaw ni Amelita, isang


mayamang binata, taga pagmana ng lahat ng kayamanan
ng kanilang pamilya, ipinagkasundo ni Aling Rosa para sa
kanyang anak na si Amelita, isang magandang lalaki at
sikat sa kanilang bayan, ngunit siya ay arogante,
makamundo at may kayabangan.
Norberto Martinez- kapatid nila Amelita na isang inhinyero.

Jose Martinez- dikong nila Amelita na isang abogado.

Lourdes Martinez- kapatid nila Amelita na isang


parmasiyutika.

Felisa Martinez-Castro- ditse nila Amelita na isang doktora.

Peping- kapatid ni Mauro.

Dado- bunsong kapatid ni Enteng at Mauro.

Nena- kaibigan ni Amelita.

Enteng- dating nakakulong sa bilibid, tinulungan ni


Osmundo na makalaya, inutusan siya ni Osmundo na
patayin si Mauro, subalit hindi niya ito nagawa, dahil utang
niya sa kabaitan ni Mauro ang pagpapa-aral sa anak.

Aling Tinay- matagal nang kusinera ni Osmundo, at


itinuturing na din siyang pamilya ng mayamang binata.

Cesar- anak ni Aling Tinay, at pinag-aral ni Osmundo


hanggang maging manananggol.

Mister Batac- isang punong guro na ang maybahay ay


kamag-anak ni Osmundo.
Doktora Cruz- isang mahusay na doktora sa kanilang
nayon.

Bien Castro - isang doktor na napangasawa ni Felisa.

Estela Martinez- isang abogada tulad ng kanyang kabiyak


na si Jose.

Mariana Martinez- isang propesora at ang maybahay ni


Norberto.

Poleng- kanayon nina Mauro at Amelita.

Bastian- engkargado ni Osmundo.

C. Tagpuan

Isang hindi sibilisadong pamayanan sa kanayunan

D. Tunggalian
Sasabihin ni Amelita na hindi siya maaaring magpakasal
kay Osmundo kahit na ito ang kagustuhan ni Aling Rosa
sapagkat mayroon na siyang ibang tinatangi sa katauhan
ni Mauro na kapwa niya guro.
E. Wakas
Napatunayan ni Aling Rosa na hindi lang pera ang
kailangan ng tao para maging masaya at makuntento sa
buhay. Napatunayan niya ito nang magkasakit siya,
walang ibang nariyan upang mag-alaga sa kanya kundi si
Amelita samantalang ang kanyang mga anak na
mayayaman at maraming salapi dahil may mga matataas
na propesyong tinapos ay nagpapadala lamang ng pera at
iba pang tulong na kanyang kakailanganin.

Sa huli ay nanumbalik ang pagmamahal ni aling Rosa sa


kanyang bunsong anak na si Amelita. Natanggap rin niya
ang naging desisyon ni Amelita na maging guro.
napagtanto ni aling Rosa na may mga bagay dito sa
mundo na hindi mabibili ng pera.

IV. Teoryang Pampanitikan

Teoryang Humanismo, sapagkat ipinapakita ang tao bilang


sentro ng mundo. Binibigyang tuon din ang kaasalan at
mabubuting katangian ng tao, gayon din ang magagandang
saloobin at damdamin ng mga tauhan sa nobela.
Si Amelita ang isang magandang halimbawa, sapagkat
mayroon siyang paninindigan. Sinunod niya ang kanyang
sariling desisyon na kung saan alam niyang doon siya
magiging masaya, sa propesyong kanyang napili gayon na rin
sa pagpili ng taong kanyang iibigin at mapapangasawa.
Teoryang Romantisismo, sapagkat dito rin ipinapakita ang
pag-iibigan nina Mauro at Amelita na nagbunga ng isang anak
na babae sa kabila ng pagtanggi ng ina ni Amelita sa kanilang
relasayon at lalo pa nilang pinatunayan na matibay ang
kanilang pag-mamahalan ng dumating si Osmundo,
pinatunayan nilang walang makakahadlang sa kanilang pag-
ibig sa isa’t isa.

Teoryang Realismo, sapagkat tumatalakay din ito a reyalidad


ng buhay, kaugnay ng mga kaganapan sa ating lipunan, tulad
ng pagiging isang guro, mahirap na propesyon sa kabila ng
maliit na suweldo ay nagtatrabaho ang mag-asawa ng buong
puso at nagagawa pa nilang tumulong sa kanilang mga mag-
aaral na nangangailangan.

V. Bisang Pampanitikan
A. Bisa sa Isip
Hindi lamang materyal na bagay ang maaring
makapagpasaya sa isang tao. Kundi ang totoong
pagmamahal, pag-agapay, pagtulong sa nangangailangan,
paninindigan at maging ang mga taong nakapalibot at
patuloy paring nagtitiwala at nagmamahal sa iyo, ay
maituturing na isa ng tunay na kayamanan na higit pang
mas mahal kaysa sa hiyas .

Nais din ng may-akda na ipakita na hindi mabuti sa isang


tao ang manghamak ng propesyon, dahil ang lahat ng
propesyon ay may kaakibat na paghihirap at pagtitiyaga ,
makamtan lamang ito.
Karamihan din sa pangunahing tauhan ay babae, sa
kadahilanang nais ng may-akda na ipakita ang
paninindigan at matatag na pakikipaglaban sa karapatan
ng mga kababaihan.

B. Bisa sa Damdamin
Hindi lahat ng bagay ay nakasalalay sa pagkakaroon ng
maraming salapi, sapagkat may mga bagay na hindi
kailanman mababayaran o mabibili ng pera.

C. Bisa sa Kaasalan
Ipinapakita sa nobelang ito ang kahalagahan ng isang buo
at masayang pamilya, kung gaano kahalaga na mayroong
malasakit sa bawat isa.

VI. Aral
Kung ano ang makakapagpasaya sa iyo ay dapat
mong sundin, sapagkat doon ka lamang magkakaroon ng
kakuntentuhan at magaiging masaya. Bawat isa sa atin ay
may karapatang magdesisyon para sa ating mga sarili,
dapat tayong matutong tumayo at manindigan sa mga
bagay-bagay ng sa huli ay wala tayong pagsisisihan.
MAIKLING KWENTO
I. Pamagat
Lura ng Demonyo salin ni Lualhati Bautista
The Demons Spittle (Japan) by Hiroshi Naito

Ang kwentong ito ay sumasalamin sa pananampalataya ng


isang tao sa kanyang Diyos. Sa kabila ng lura ng demonyo sa
kanya ay nagawa pa niyang makabalik ng buhay dahil sa
kanyang malalim na pananampalataya.

II. Buod

Isang relihiyosong lalaki ang naninirahan sa Kyoto, madalas


siyang pumupunta sa Rokkaku-do o dambanang heksagonal
at bumibisita kay Kannon – sama ang diyosa ng awa upang
mag-alay ng taimtim na panalangin. Bisperas ng bagong taon
noon at naglalakad pauwi ang lalaki mula sa bahay ng isang
kaibigan. Nang siya’y papatawid na sa Modoribashi ay
nakarinig siya ng mga yabag ng tao na inakala niyang isang
grupo ng opisyales kaya agad-agad siyang nagtago sa ilalim
ng tulay. Sa pagtataka niya kung sino ang mga taong iyon ay
bahagya siyang sumilip at nagulat sa kanyang nakita. Mga oni
o demonyo pala ang naroroon at siya’y nakita at naging
bilanggo ng mga ito. Sinabi ng isa sa mga oni na hindi siya
maaaring kainin kaya’t pinagduduraan na lamang siya ng
mga ito at saka iniwanan. Nagmadali siyang umuwi sa
kanilang bahay ngunit tila hindi siya nakikita ni naririnig ng
kanyang pamilya at kaanak. Dumaan ang bagong taon na
nagmistulang araw ng trahedya para sa kanyang mga kaanak
dahil sa kanyang pagkawala. Agad-agad siyang pumunta sa
dambana ni Kannon-Sama upang humingi ng tulong. Sa
kanyang pananampalataya ay hindi niya sinasadyang
makatulog. Sa kanyang panaginip ay nakatagpo siya ng isang
budistang pari at sinabi sa kanyang umalis siya ng dambana
bukas ng umaga at sundin ang sasabihin ng kauna-
unahang taong kanyang makakasalubong. Nang siya’y
magising ay maliwanag na kaya agad niyang nilisan ang
dambana. Sa kanyang paglalakad ay nakasalubong siya ng
isang pastol at naisip niyang iyon na marahil ang isinasaad ng
budistang pari sa kanyang panaginip. Sumunod siya sa pastol
at pumunta sila sa isang palasyo kung saan mayroong isang
matanda ngunit may sakit na prinsesa ang tila malapit nang
malagutan ng hininga. Sinabi ng pastol na pukpukin niya ng
martilyong kahoy ang ulo ng prinsesa, at sa bawat pag
pukpok niya ay namimilipit naman sa sakit ang prinsesa.
Nabahala ang mga kaanak ng prinsesa kaya nagpatawag ito
ng budistang pari. Naghanda ng isang ritwal ang pari at ito’y
kumanta upang itaboy ang mga masasamang espiritu.
Habang nakikinig ang lalaking relihiyoso ay nabigla siya sa
biglang pag-apoy ng kanyang suot na kimono kaya
nagpagulong gulong siya sa sahig. Di naglaon ay namatay na
ang apoy at lumabas ang kanyang kabuuan kasabay ng
paggaling ng prinsesa. Himala na ituring ng mga taga-palasyo
kaya’t nagpasalamat ang mga ito sa lalaki. Umuwi naman ito
sa kanilang bahay at di matumbasang tuwa ang naramdaman
ng kanyang mga kaanak nang siya’y makita. Sa kabilang
banda ang pastol naman na tumulong sa lalaki ay nagsilbing
misteryo sa mga tao hanggang ngayon ngunit
pinaniniwalaang isa rin siyang kaluluwa.

III. May-Akda

Epektibo ang pagkakagamit ng mga salita, kahit na gumamit


sila ng mga matatalinhagang salita upang higit na maging
maganda at nakakaakit sa mga mambabasa.

IV. Kabuuan ng Akda


A. Tema o Paksa
 Ito ay tungkol sa isang lalaki na biglaang naglaho ng
dahil sa lura ng demonyo. Ngunit sa tulong ng D’yos
ng awa ay muling nakabalik sa dati, at namuhay ng
payapa.
 Patungkol din ito sa prinsesang natulungan ng
relihiyosong tao.

B. Tauhan
 Relihiyosong lalaki
 Kannon Sama – Diyosa ng awa
 Mga pamilya at kaanak ng lalaki
 Mga oni o demonyo
 Ang pastol
 Ang butihing pari
 Ang senyor
 Ang prinsesa
C. Tagpuan
 Noong unang panahon sa Rokkaku-do sa Kyoto.
 Bisperas ng bagong taon sa Modoribashi (isang tulay
na daang pauwi sa bahay ng lalaki)
 Sa palasyo at sa bahay ng lalaki

D. Tunggalian
Natuklasan ng lalaki na hindi siya nakikita ng kanyang
pamilya dahil sa mga lura ng demonyo, dahil dito ay
nanalangin siya sa Diyos ng awa at siya naman ay
pinagbigyan.

E. Wakas
Masayang umuwi ang lalaki at tuwang-tuwa ang kanyang
pamilya ng makita siyang muli.

F. Talinhaga at Tayutay
Taimtim – buong puso
Itinalaga – inialay o inihandog
Lura – dura, dinuraan
Gumagambala – umaabala, abalahin
Misteryoso – hindi kapani-paniwala

V. Teoryang Pampanitikan
Teoryang Dekonstruksyon
VI. Bisang Pampanitikan
A. Isip
Maayos at kawili-wili ang ang naging takbo ng kwento.
Nakakadala at nakakapanabik ang bawat eksena.

B. Damdamin
Hindi tayo dapat matakot sa kasamaan at hindi dapat
mawalan ng pag-asa sa bawat pag-subok na dumarating
sa ating buhay.

C. Kaasalan
Kung nagtitiwala ka at nanampalataya sa Diyos, kahit
kailan ay hindi ka niya pababayaan.

VII. Aral

Maging madasalin at palaging humungi ng gabay sa


Panginoon, sapagkat hindi niya tayo pababayaan.
TULA
I. Pamagat
Kung Ibig Mo Akong Makilala ni Ruth E. Mabanglo

Sa unang pagbasa, pag-ibig at pagtuklas sa sarili ang sentral


na tuon ng tula. Hinahamon ng persona ang kanyang
mangingibig o ang mambabasa na kilalanin ang buo niyang
pagkatao tulad ng pagkakatuklas niya sa kanyang sarili. Sa
tulang ito humahaginit ang kanyang mga talinghaga na
nagbibigay ng impresyong makapuwing at makapag-iwan ng
hamon sa mga mambabasa. Punong-puno ng angas ang
tulang ito, kakaibang hamon ang naidulot nito hindi lang sa
mga mambabasa kundi sa iba pang makata ng kanyang
panahon at ng kasalukuyan.

II. May-Akda
Sa kalipunan ng kanyang mga tula ay mababakas ang mga
sentimyento ng isang indibdwal, partikular ang babae bilang
persona, patungkol sa kanyang lipunan. tumatalakay sa
katauhan ng babae at ang iba’t ibang papel na ginagampanan
nito sa lipunan.

III. Kabuuan ng Tula


A. Tema
Dito ay hinihikayat ng persona (kababaihan) na siya’y i-
respeto, ang kanyang sarili, nakaraan at maging ang
kanyang pagiging mahina bilang isang babae. Kahinaang
mayroong kalakip na sakit at panaghoy. At ang kanilang
nais at panghihikayat na sila’y unawain at tanggapin at
maging i-respeto bilang isang babae na kaakibat na
pagtanggap sa kanilang kakayahan.

B. Anong Uri ng Tula


Tulang Liriko –naglalarawan sa karakter at aksyon, ang
makata ay direktang sinasabi sa mambabasa, ang kanyang
sariling damdamin, iniisip, at persepsyon.

C. Paano Sinulat ang Tula


Pormal at matalinhaga ang mga salitang ginamit, punong-
puno ng mga tayutay ang mga saknong ng tula at
mayroon din naming idyoma.

D. Persona
Unang Persona

Dito hinihikayat ng persona na alamin ang nasa kanyang


kalooban, hindi yaong maganda niyang kaanyuan. Na
tingnan ng lipunan at ng kalalakihan ang kanyang diwa,
ang kanyang malinis na kaluluwa na maipagmamalaki
hindi ang kanyang labas na anyo na lumilipas sa pagdating
ng panahon. Ang kanyang pag-uugali, pag-iisip at
malawak na pang-unawa ay ang kanyang karangalan na
maipagmamalaki ng kanyang magiging karelasyon.

E. Talinhaga at Tayutay, Simbolismo


Sinisimbolo nito ang mga kababaihan, hindi dapat tingnan
lamang ang mga kababaihan bilang isang mahina dahil
maraming mga kakayahan ang mga kababaihan na maari
din naming makapantay sa mga kalalakihan. Huwag
husgahan ang mga kababaihan base sa kanilang anyo
bagkus kilalanin din ang kanilang kalooban.

IV. Teoryang Pampanitikan


Feminismo

Ang Teoryang pampanitkang ito ay tumatalakay sa kalakasan


ng isang babae. Ninanasa ng dulog na ito na maging pantay
pantay ang tingin ng bawat parte o kabilang sa lipunan ang
karapatan ng isang babae na mamuhay ng may kalayaan.
Makikita ito sa saknong sa ibaba.

Kung ibig mo akong makilala,


lampasan mo ang guhit ng mahugis na balat,
ang titig kong dagat—
yumayapos nang mahigpit sa bawat saglit
ng kahapon ko’t bukas.

V. Mensahe

Ganito dapat ibigin ng lalaki ang isang babae, nakakulong ang


ilang Pilipino sa konseptong ang babae ay maganda.
Nagugustuhan ng mga lalaki ang babae sa kanilang
kaanyuan. Kaayuang lumilipas, subalit hindi nila napapansin
ang kanilang kalooban.
Ang pamatayan ng ilang lalaki sa relasyon o magiging
karelasyon ay kinakailangan ng maganda. Bakit hindi
palawakin ang isipan sa makabagong depenisyon o
deskrispsyon nito na kung saan ang pagkakapantay-pantay
ay namumutawi sa dalawang tao.
SANAYSAY
I. Pamagat
Pagkakaisa sa Likod ng Pagkaka-iba

Pinapaksa ng pamagat na dapat magkaroon ng pagkakaisa sa


kabila ng pagkakaiba-iba ng mga wikang ginagamit sa ating
bansa.

II. May-Akda
Julius Cesar Pocaan

Nagbibigay ng kaalaman ang paksa ng sanaysay,


nanghihikayat din itong magkaisa sa kabila ng wikang
ginagamit na magka-iba.

III. Banghay ng Sanaysay


A. Panimula
Ang dayuhang wika ay kailangan natin upang makasabay
saa makabagong panahon subalit ang sarili naman nating
wika ay hind maaaring ipagpalit, sapagkat ito ay an gating
pagkakakilanlan at ito at nakatatak na sa atin sa habang
panahon.

B. Nilalaman o Gitna

Ang bansang Pilipinas ay binubuo ng napakaraming


dayalekto ayon sa mga taong gumagamit nito sa bawat
lugar. Mabilis na nagkakaroon ng pagbabago sa ating
lipunan lalo na sa pag-usbong ng mga makabagong
teknolohiya,subalit ang paggamit sa sariling dayalekto ay
hindi kailanman magbabago. Bagamat may mga bagong
wika rin ang umuusbong at ginagamit, natuto rin tayong
gumamit ng iba’t iba pang mga wika at kahanga-hanga
ang mga taong may kaalaman sa maraming wika tulad na
lamang ng pambansang bayani na si Dr. Jose Rizal.

C. Konklusyon o Wakas

Marami mang dayalekto ang ginagamit, hindi naman ito


nakakasagabal sa pag-unlad ng ating bansa sapagkat isa
itong mahusay at kahanga-hangang kapasidad ng isang
bansa.

Gayunman hindi sapat na marami lamang tayong alam na


wika, lalo na sa mabilis na pag-usbong ng teknolohiya at
ekonomiya, ang kailangan ng ating bansa ay
mamamayang may pagkakaisa sa kabila ng pagkaka-iba
ibang wika, magiging matatag tayo kung sama-sama at
magtutulungan sa hangaring mapalago an gating bansa.

IV. Mensahe

Iba-iba man ang kinalakhan nating wika, tayong lahat ay


Pilipino marapat na makiisa at magtulungan tungo sa
pagbabago.
V. Implikasyon
Nagpapahiwatig lamang ito na sa kasalukuyan tayo ay
napapangibabawan parin ng wikang sumakop sa atin.
Bagama’t tayo ay pisikal ng malaya ngunit an gating
mentalidad na pag-iisip ay sakop parin ng dayuhan. Hindi
ganap an gating pag-unlad kung hindi natin sisikaping
magka-isa para sa ating bansa.

You might also like