You are on page 1of 6

Aralin 2: Karapatang Pantao

Mga Dokumentong naglalahad ng mga karapatang

pantao:
1. CYRUS’ CYLINDER
 Maging malaya ang mga alipin
 Karapatang pumili ng nais na relihiyon
 Pagkakaroon ng pagkakapantaypantay
2. MAGNA CARTA- hindi maaaring dakpin, ipakulong, at bawiin ang anumang ari-arian ng
sinoman nang walang pagpapasya ng hukuman
3. PETITION OF RIGHT
 Hindi pagpataw ng buwis nang walang pahintulot ng Parliament
 Pagbawal sa pagkulong nang walang sapat na dahilan
4. BILL OF RIGHTS- Karapatang pantao ng lahat ng mamamayan at iba pang nanirahan sa
bansa
5. Declaration of the Rights of Man and of the Citizen- Karapatan ng mga mamamayan
6. The First Geneva Convention
 Karapatan ng mga nasugatan at may sakit na sundalo
 Pagkakapantaypantay
7. Universal Declaration of Human Rights- Ito ay isa sa mahalagang dokumentong
naglalahad ng mga karapatang pantao ng bawat indibiduwal na may kaugnayan sa bawat
aspekto (Sibil, Sosyal, Kultural, Ekonomiko, Politikal) ng buhay ng tao.
 Nang itatag ang United Nations noong Oktubre 24, 1945, binigyang-diin ng mga
bansang kasapi nito na magkaroon ng kongkretong balangkas upang matiyak na
maibabahagi ang kaalaman at maisakatuparan ang mga karapatang pantao sa lahat
ng bansa.
 Ito ay naging bahagi sa adyenda ng UN General Assembly noong 1946.
 Nabuo ang UDHR nang maluklok bilang tagapangulo ng Human Rights Commission
ng United Nations si Eleanor Roosevelt – ang biyuda ni dating Pangulong Franklin
Roosevelt ng United States.
 Binalangkas ng naturang komisyon ang talaan ng mga pangunahing karapatang
pantao at tinawag ang talaang ito bilang Universal Declaration of Human Rights.
 Malugod na tinanggap ng UN General Assembly ang UDHR noong Disyembre 10, 1948
at binansagan ito bilang
“International Magna Carta for all Mankind.”
 Sa kauna-unahang pagkakataon, pinagsama-sama at binalangkas ang lahat ng
karapatang pantao ng indibiduwal sa isang dokumento.
 Ito ang naging pangunahing batayan ng mga demokratikong bansa sa pagbuo ng kani-
kanilang Saligang-batas.

UNITED NATIONS: UNIVERSAL DECLARATION OF HUMAN RIGHTS


1. We Are All Born Free & Equal. We are all born free. We all have our own thoughts and
ideas. We should all be treated in the same way.
2. Don’t Discriminate. These rights belong to everybody, whatever our differences.
3. The Right to Life. We all have the right to life, and to live in freedom and safety.
4. No Slavery. Nobody has any right to make us a slave. We cannot make anyone our slave.

5. No Torture. Nobody has any right to hurt us or to torture us.


6. You Have Rights No Matter Where You Go. I am a person just like you!
7. We’re All Equal Before the Law. The law is the same for everyone. It must treat us all fairly.
8. Your Human Rights Are Protected by Law. We can all ask for the law to help us when we are
not treated fairly.
9. No Unfair Detainment. Nobody has the right to put us in prison without good reason and keep
us there, or to send us away from our country.
10. The Right to Trial. If we are put on trial this should be in public. The people who try us
should not let anyone tell them what to do.
11. We’re Always Innocent Till Proven Guilty. Nobody should be blamed for doing
something until it is proven. When people say we did a bad thing we have the right to show it is not
true.
12. The Right to Privacy. Nobody should try to harm our good name. Nobody has the right to
come into our home, open our letters, or bother us or our family without a good reason.
13. Freedom to Move. We all have the right to go where we want in our own country and to travel
as we wish.
14. The Right to Seek a Safe Place to Live. If we are frightened of being badly treated in our
own country, we all have the right to run away to another country to be safe.
15. Right to a Nationality. We all have the right to belong to a country.
16. Marriage and Family. Every grown-up has the right to marry and have a family if they want
to. Men and women have the same rights when they are married, and when they are separated.
17. The Right to Your Own Things. Everyone has the right to own things or share them.
Nobody should take our things from us without a good reason.
18. Freedom of Thought. We all have the right to believe in what we want to believe, to have a
religion, or to change it if we want.
19. Freedom of Expression. We all have the right to make up our own minds, to think what
we like, to say what we think, and to share our ideas with other people.
20. The Right to Public Assembly. We all have the right to meet our friends and to work
together in peace to defend our rights. Nobody can make us join a group if we don’t want to.
21. The Right to Democracy. We all have the right to take part in the government of our
country. Every grown-up should be allowed to choose their own leaders.
22. Social Security. We all have the right to affordable housing, medicine, education, and
childcare, enough money to live on and medical help if we are ill or old.
23. Workers’ Rights. Every grown-up has the right to do a job, to a fair wage for their work, and
to join a trade union.
24. The Right to Play. We all have the right to rest from work and to relax.
25. Food and Shelter for All. We all have the right to a good life. Mothers and children, people
who are old, unemployed or disabled, and all people have the right to be cared for.
26. The Right to Education. Education is a right. Primary school should be free. We should
learn about the United Nations and how to get on with others. Our parents can choose what we
learn.
27. Copyright. Copyright is a special law that protects one’s own artistic creations and writings;
others cannot make copies without permission. We all have the right to our own way of life and to
enjoy the good things that art, science and learning bring.
28. A Fair and Free World. There must be proper order so we can all enjoy rights and freedoms
in our own country and all over the world.
29. Responsibility. We have a duty to other people, and we should protect their rights and
freedoms.
30. No One Can Take Away Your Human Rights.

Tatlong Uri ng Karapatan


 Karapatang Likas o Natural
 Constitutional Rights
 Statutory Rights
Karapatang Likas o Natural
• Ang bawat tao ay may karapatang mabuhay na likas at wagas para sa lahat
• Mga karapatang taglay ng bawat tao kahit hindi ipagkaloob ng Estado
• Halimbawa nito ay mabuhay ng puspos; ang magkaroon ng sariling pangalan, identidad,
pagkakakilanlan at dignidad; at ang paunlarin ang iba’t-ibang aspekto ng pagiging tao gaya ng
pisikal, mental at ispiritwal.
Constitutional Rights
• Karapatang kaloob at pinangangalagaan ng ating konstitusyon
• Maaaring baguhin, dagdagan at alisin ang mga ito sa pamamagitan ng mga susog sa konstitusyon
Apat na Klasipikasyong ng Constitutional Rights
A. Karapatang Pampolitika
1. Karapatan na makilahok sa pagtatakda at pagdedesisyon sa pamumuno
2. Proseso ng pamamahala sa bansa (pagboto at pagkandidato sa eleksiyon)
3. Pagwewelga bilang bahagi ng pagrereklamo sa gobyerno
4. Pagiging kasapi ng anumang partidong politikal

B. Karapatang Sibil o Panlipunan


Karapatang magkaroon ng kalayaan sa :
• tiwasay at tahimik na pamumuhay
• pananalita
• pag-iisip
• pag-oorganisa
• pamamahayag,
• malayang pagtitipon
• pagpili ng lugar na titirhan
• laban sa diskriminasyon
• makapaglakbay
C. Karapatang Sosyo-Ekonomik
• Karapatan sa pagpili, pagpupursige at pagsusulong ng kabuhayan, negosyo, hanap-buhay at
disenteng pamumuhay nang ayon sa nagustuhang karera
• Karapatan na magkaroon ng ari-arian, maging mayaman, at gamitin ang yaman at kapangyarihan
sa anumang nais basta’t ito ay naaayon sa batas

D. Mga Karapatan ng Akusado o Nasasakdal


• Pinangangalagaan nito ang mga akusado o nasasakdal sa anumang paglabag ng batas
Ilan sa mga karapatang ito ay karapatang ipalagay na walang sala hangga’t hindi napatutunayan ang
kasalanan at karapatan laban sa hindi makataong pagpaparusa.
Statutory Rights
• Ito ang mga karapatang kaloob ng mga batas na pinagtibay ng kongreso o tagapagbatas
• Halimbawa nito ang mga karapatang tumanggap ng naaayon sa pinakamababang sahod,
karapatang magmana ng mga pag-aari at karapatang makapag-aral ng libre.
Tanyag na pandaigdigang organisasyong nagbibigay-proteksiyon sa karapatang pantao
Amnesty International – ito ay isang pandaigdigang kilusan na may kasapi at tagasuportang umaabot
sa mahigit pitong milyong katao. Ang motto nito ay “It is better to light a candle than to curse the
darkness.” Pangunahing adhikain nito ang magsagawa ng pagsasaliksik at kampanya laban sa pang-
aabuso ng mga karapatang pantao sa buong daigdig. Gayundin ang mabigyan ng katarungan ang mga
biktima ng paglabag sa karapatang pantao. Aktibo Aktibo ang organisasyong ito sa Pilipinas.

Human Rights Action Center (HRAC) – Itinatag ito ni Jack Healey na isang kilalang human rights
activist. Naging tagapagtaguyod ito ng mga karapatang pantao sa buong daigdig at nagsilbing-boses
ng mga walang boses at tagapagtaguyod ng karapatang pantao sa buong daigdig. Nakikipag-ugnayan
din ang HRAC sa mga pinuno ng pandaigdigang sining tulad sa musika, teatro, pelikula, at maging ng
printed material upang maipalaganap ang kahalagahan ng karapatang pantao.
Global Rights –Pangunahing layunin ng pandaigdigang samahang ito na itaguyod at pangalagaan ang
karapatan ng mga taong walang gaanong boses sa lipunan at pamahalaan. Pinalalakas din nito ang
mga aktibong kalahok ng samahan na itala at ilantad ang mga pang-aabuso sa karapatang pantao at
makapagtaguyod ng mga repormang patungkol sa karapatang pantao at makapagbigay ng serbisyong-
legal
Asian Human Rights Commission (AHRC) – Itinatag ito noong 1984 ng mga tanyag na grupong aktibo
sa pakikipaglaban para sa karapatang pantao sa Asya. Layunin ng samahang ito ang magkaroon ng
higit na kamalayan tungkol sa karapatang pantao at pagsasakatuparan nito sa buong Asya.
African Commission on Human and People’s Rights – Ito ay isang quasi-judicial body na pinasinayaan
noong 1987 sa Ethiopia. Layon nitong proteksiyonan at itaguyod ang karapatan ng mga tao at
magbigay ng interpretasyon sa African Charter on Human and People’s Rights.
Sa Pilipinas, ang Commission on Human Rights (CHR) ang may pangunahing tungkulin na pangalagaan
ang mga karapatang pantao ng mga mamamayan. Kinikilala ang CHR bilang “National Human Rights
Institution (NHRI)” ng Pilipinas. Nilikha ito ng Konstitusyon ng Republika ng Pilipinas alinsunod sa
Seksyon 17 (1) ng Artikulo XIII.
Nagkakaloob ang CHR ng mga pangunahing programa at serbisyo upang maprotektahan ang
karapatang pantao ng bawat Pilipino. Ilan sa mga ito ay pagdodokumento at pangangasiwa ng mga
reklamo tungkol sa paglabag sa karapatang pantao, pagbigay ng tulong at serbisyong legal sa mga
biktima, pagsubaybay sa kalagayan ng mga piitan at rehabilitation center kung may kaso ng paglabag
sa karapatang pantao, at pagsasagawa ng mga forensic at medico-legal service.
Philippine Alliance of Human Rights Advocates (PAHRA) – itinatag ang alyansang ito noong 1986 at
nilahukan ng mahigit sa 100 organisasyon mula sa iba’t ibang bahagi ng bansa. Nilalayon ng PAHRA
na itaguyod, pangalagaan, at isakatauparan ang tunay na pag-iral ng mga karapatang pantao sa
bansa.
Philippine Human Rights Information Center (PhilRights) – isang organisasyon na nakarehistro sa SEC
simula pa noong 1994. Konektado ito sa United Nations Department of Public Information (UNDPI) at
sa UN Economic and Social Council. Hangad ng PhilRights na magkaroon ng bansang may kultura ng
pagkaka-pantay-pantay ng tao.
KARAPATAN: Alliance for the Advancement of People’s Rights – ito ay alyansa ng mga indibidwal,
organisasyon, at grupo na itinatag noong 1995. Itinataguyod at pinangangalagaan nito ang mga
karapatang pantao sa Pilipinas. Ilan sa mga programa ng alyansa ang magkaroon ng mataas na antas
ng kamalayan ang mga mamamayan sa kanilang mga karapatan, maging aktibo sa pagsuporta sa mga
gawaing magtataguyod sa karapatang pantao.
Free Legal Assistance Group (FLAG) – ito ay isang pambansang grupo ng mga human rights lawyer na
nagtataguyod at nangangalaga ng mga karapatang pantao. Itinatag ito noong 1974 nina Jose W.
Diokno, Lorenzo Tanada Sr. at Joker Arroyo. Ilan sa mga adbokasiya ng FLAG ay ang paglaban sa pag-
usig sa mga indibidwal sa kadahilanang politikal, pang-aabuso ng militar at kapulisan, at parusang
kamatayan.
Task Force Detainees of the Philippines (TFDP) – Itinatag ito noong 1974. Sinimulan ito na may
adhikaing matulungan ang mga political prisoner. Nagkakaloob din ang samahan ng suportang legal,
pinansiyal, at moral sa mga political prisoner at kanilang pamilya.
Mga Karapatan ng Bata
Ayon sa United Nations Convention on the Rights of the Child (UNCRC), tumutukoy ang children’s
rights o mga karapatan ng mga bata sa mga karapatang pantao ng mga indibiduwal na may gulang
na 17 at pababa, maliban sa mga bansang may sariling batas sa pagtukoy ng “legal age” ng
mamamayan nito. Ang mga karapatang ito ay kailangan ng mga bata upang magkaroon ng mabuti at
ligtas na buhay, at mahubog ang kanilang kakayahan upang magtagumpay sa buhay at maging yaman
ng bansa sa hinaharap. Dagdag pa rito, bawat bata, anuman ang kasarian at katayuan sa buhay ay
nararapat na taglay ang mga karapatang ito.
■ Artikulo 1 Paglalahad sa kahulugan ng bata
■ Artikulo 2 Pagbibigay-diin sa pagkakapantay-pantay ng bawat bata anuman ang kaniyang lahi,
kultura, relihiyon, kakayahan, o kalagayan sa buhay
■ Artikulo 3 Pangunahing pagbibigay ng pansin sa nararapat na kalagayan at kapakanan ng mga
bata sa pagtakda ng mga batas at polisiyang makaaapekto sa kanila
■ Artikulo 4 Pagtatakda sa pamahalaan ng tungkulin nito na tiyakin ang paggalang,
pangangalaga, at pagpapatupad ng mga karapatan ng mga bata
Artikulo 5 Paggalang ng pamahalaan sa mga karapatan at tungkulin ng mga pamilya na turuan at
gabayan ang kanilang mga anak na matutuhan ang wastong pagganap sa kanilang mga karapatan

You might also like