You are on page 1of 4

TELESFORO SINGSON NATIONAL HIGH SCHOOL

Megkawayan, Calinan Davao City

Banghay Aralin sa Aralin Panlipunan 8


Detailed Lesson Plan

Petsa: Enero 20 – 24, 2020

I. LAYUNIN
A. Pamantayang Pangnilalaman
Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa kahalagahan ng pakikipagugnayan at sama-
samang pagkilos sa kontemporanyong daigdig tungo sa pandaigdigang kapayapaan,
pagkakaisa, pagtutulungan, at kaunlaran
B. Pamantayan sa Pagganap
Aktibong nakikilahok sa mga gawain, programa, proyekto sa antas ng komunidad at bansa
na nagsusulong ng rehiyonal at pandaigdigang kapayapaan, pagkakaisa, pagtutulungan, at
kaunlaran
C. Mga Kasanayan sa Pagkatuto
1. Nasusuri ang mahahalagang pangyayaring naganap sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig.
AP8AKD-IVf6
2. Natataya ang mga epekto ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig. AP8AKD-IVg73.
3. Natataya ang pagsisikap ng mga bansa na makamit ang kapayapaang pandaigdig at
kaunlaran. AP8AKD-IVh-8
4. Nasusuri ang mahahalagang pangyayaring naganap sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig.
AP8AKD-IVf6
D. Mga Tiyak Na Layunin
1. Nakakapagpahayag ng maliwanag na kaisipan kung paano nagsimula ang Unang
Digmaan Pandaigdig.
2. Napapahalagahan ang pakikipagkapwa-tao upang maiwasan ang hindi
pagkakaunawaan.
3. Naituturo o natuntun ang sa mapa ng daigdig ang lugar na pinagmulan ng Unag
Digmaan ng Daigdig.
II. NILALAMAN
A. Paksa: Ang Unang Digmaan ng Daigdig
B. Batayang Aklat: Aralin Panlipunan : Kasaysayan ng Daigdig p. 446-455
C. Kagamitan: Aklat, Mapa ng Mundo, Chalk, Mga Larawan

III. PAMAMARAAN
A. Panimulang Gawain

a. Pagdarasal
b. Pagbati ng guro
c. Pagtatala ng Liban
d. Balitaan
e. Balik-aral

B. Paglinang ng Gawain

1. Pagganyak

Konseptong Nais ko, Hulaan Mo

Basahin ang mga clue sa bawat bilang. Tukuyin ang mga konseptong inilarawan sa
pamamagitan ng pagpupuno ng wastong letra sa loob ng kahon.

1. Pagkakampihan ng mga bansa

2. Pagpapalakas ng mga bansang sandatahan ng mga bansa sa Europe

3. Panghihimasok ng makapangyarihang bansa sa mahinang bansa

4. Pagmamahal sa bayan

2. Paglalahad

Sasagutin ng mga mag-aaral

1. Ano ang iyong nahihinaha sa salitang iyong nabou?


2. Ano ang kaugnayan nito sa naganap na Unang Digmaang Pandaigdig?
3. Sa palagay moa no kaya ang paksang tatalakayin natin sa araw na ito?
3. Pagtatalakay
Anu-ano kaya ang mga sanhi sa pagsiklab ng Unang Digmaang Pandaigdig?

Mga Sanhi ng Unang Digmaang


Pandaigdig

Nationalismo Imperyalismo Militarismo Pagbou ng


Alyansa

Nasyonalismo – Ang damdaming ito ay nagbunsod ng pagnanasa ng mga tao upang maging
Malaya ang kanilang bansa. May mga bansang masidhi ang paniniwalang Karapatan nilang
pangalagaan ang mga kalahi nila kahit nasa ilalim ng kapangyarihan ng ibang bansa.

Imperyalismo – Isa itong paraan ng pag-aangkin ng mga kolonya at pagpapalawak ng


pambansang kapangyarihan at pag-unland ng mga bansang Europe.

Militarismo – Upang mapangalagaan ang kani-kanilang teritoryo, kinakailangan ng mga bansa sa


Europe ang mahuhusay at malalaking hukbong sandatahan sa lupa at Karapatan, gayundin ang
pagpaparami ng armas.

Pagbou ng Alyansa – Dahil sa inggitan, paghihinalaan at lihim na pangamba ng mga bansang


makapangyarihan, dalawang maksalungat na alyansa ang nabubou.

4. Paglalapat

Tuntunin sa mapa ang lugar ng pagsisimulang paglaganap ng Unang Digmaang


Pandaigdig

5. Pagpapahalaga

Bilang mamayang Pilipino, paano mu pinapahalagahan ang iyong kapwa tao upang
maiwasan ang hindi pagkakaunawaan.

IV. Pagtataya
Sagutin ang mga katanungan:
1. Ano ang pangyayaring nagbunsod sa Unang digmaang Pandaigdig?
2. Alyansang binubuo ng Autralia, Hungary at Germany.
3. Kasunduang nagwakas sa Unang Digmaang Pandaigdig.
4. Bansang kaalyado ng France at Russia.
V. TAKDANG ARALIN
Sagutin ang mga sumusunod na katanungan:
1. Ano ang nagging bunga nga Unang Digmaang Pandaigdig?
2. Bakit angkakaroon ng sigalot ang mga Bansa? Paano ito maiiwasan?

Inihanda ni: Pamela T. Reyes


SST-1

Inaprobahan ni: Jaypee P. Joromat


Office In-Charge/HT1

You might also like