You are on page 1of 4

Mark Daniel P.

Tupaz
ABM 11
1. Antas Ng Wika

Ang tao ay nilalang na may pinakamataas na antas ng kaanyuang pisikal at intelektwal. Dahil
dito tayo rin ay nabiyayaang ng kakayahan na makapag-pahiwatig ng ating mga saloobin gamit ang
sari-saring uri ng wika. Wika na daan sa pagkakaisa, pakikisalamuha, pakikipagtalastasan at higit sa
lahat, paglilinang ng katalinuhan ng buong sangkatauhan. Ang bawat indibidwal ay nabibilang sa
iba’t-ibang uri ng antas sa lipunang kanyang ginagalawan. Tandaan na walang parehong indibidwal
ang mayroong eksakto o parehong uri o istilo ng pananalita. Nababatay ang pagkakaiba sa antas
sa mga sumusunod na aspeto:
1. Katayuan o estado sa buhay
2. Edad
3. Kasarian
4. Grupo o pangkat etniko na kanyang kinabibilangan
5. Antas ng natapos
6. Kasalukuyang propesyon
7. Pagiging dayuhan o local

Impormal na Wika
Mula sa pagsilang ng isang tao mayroon na tayong mga unang salita na natututunan. Nauuri ang
mga salitang ito bilang mga impormal na wika. Ang impormal na wika ay kinabibilangan ng mga
salita na karaniwang ginagamit na pang araw-araw.
Mga wika na kadalasan nating naririnig at ginagamit sa loob ng bawat tahanan. Impormal ang
tawag natin sa mga salitang ito dahil hindi kailangan na pumasok sa isang paaralan para ito ay
matutuhan.

Lalawiganin
Naayon ang wika na ginagamit ng isang indibidwal depende sa lugar na kanyang tinitirahan. Ang
bawat probinsiya o rehiyon ay may sariling wika o lenggwahe na kanilang gingamit. Lalawiganin
ang tawag sa mga salitang ito. Sa pamamagitan ng mga wikang lalawigan, ang bawat indibidwal na
gumagamit nito ay nagkakaroon ng sariling tatak o pagkakakilanlan saan man dako sila mapadpad.
Halimbawa ng Lalawiganin na Wika
 Aahon ka ba? – Gamit ng mga Taga-Nueva Ecija tuwing magtatanong kung aakyat ba ng isang
mataas na lugar (Halimbawa: Baguio at Tagaytay)
 Buang! – Madalas itong marinig sa telebisyon at sa radio ngayon dahil sa madalas na
pagbanggit nito ng ating Presidente. Ang ibig sabihin ng buang at baliw. Ito ay ginagamit
madalas ng mga Bisaya.
Balbal at Kolokyal

Mula sa mga wikang panlalawigan na sariling gamit, ang mga indibidwal ay natuto at gumgamit rin
ng mga wilkang kolokyal at balbal. Ang mga wikang ito ay karaniwan na gingamit pang araw-araw
ng mga ordinaryong indibidwal.
Ito ay kadalasang naririnig lalo na sa mga makabagong milenyal ng ating panahon. Sa mga
matatanda sa lipunan, hindi masyadong tanggap ang ganitong uri ng mga salita dahil brutal at
mayroong mga magaspang na kahulugan ang mga wikang kolokyal at balbal.

Gamit ng Balbal at Kolokyal


Sa mga kabataan lalo na yong mga tambay sa kanto, mabenta sa kanila ang mga salitang balbal at
kolokyal. Sila-sila na rin mismo ang mga nag-iimbento ng bawat wika na kanilang mga ginagamit.
Salitang kanto kung tawagin ito ng ilan.
Hindi man ito makikita sa ating mga diksionaryo ay sikat ito at patuloy na ginagamit sa sirkulasyon
ng mga kabataan pati na rin mga iba pang mga tumatamambay sa kanto. Ang kanilang prinsipiyo
sa, buhay ay hindi sila “in” o kabilang sa grupo kapag hindi sila marunong gumamit ng kanilang
mga wika.

Halimbawa ng mga Salitang Balbal at Kolokyal na Ginagamit ng Milenyals


Noong mga naunang mga dekada, nauso ang pagbabaligtad nila ng mga salita tulad na lamang ng
erpats at ermats na ibig sabhin at tatay at nanay. Ngayon, nakikita ang pagbabalik ng ganitong
estilo ng mga pananalita tulad na lamang sa mga pauso sa telebisyon na “Lodi” at “Werpa”.
Buhat ng pag-usbong na pagbabaliktad ng mga salita, naririning ulit ang mga sumusunod:
 Erap o repapeps para sa salitang pare
 Tomguts kapag gutom naman
 Sugbo o “solve na” ang tawag naman nila pag busog na
Napakaarami pang mga ibang balbal na salita na minsan ay nakakainis at mahirap intindihin pero
sa kalaunan ay nagiging bahagi na rin ng ating mga pananalita mapabata, matanda, babae man
o lalaki.
Halimbawa ng mga Salitang Balbal at Kolokyal na Ginagamit ng Bakla
Ang gay lingo, at ang mga salitang konyo ay karaniwan rin nating naririrnig lalo na sa mga grupo
ng mga bakla. Nauuri ang pananalita ng gay lingo ayon sa antas ng buhay na kanilang kinalakihan
at kinabibilangan.
Mayroong mga gay lingo na talagang magaspang at brutal at mayroon namang mga medyo sosyal.
Maging sa istilo ng kanilang pagbigkas ng mga gay lingo, iba ang mga pangmahirap at iba rin ang
gamit ng mga mayroong kaya sa buhay.
Ang mga ibang gay lingo na wika ay may halo pang mga banyagang salita at mga karakter para
lamang maiba ang dating ng kanilang mga salita.
 “Chaka chaka ng junakis mo.” – ang ibig sabihin nito ay ang pangit naman ng anak mo.
 “Naku baka ma Miss Colombia ka,” – Naalala mo pa ba ang pangyayari noong Miss Universe
2015, kung saan nagkamaling kinoronahan si Miss Colombia? Buhat noon ay nauso ang
kasabihan na ito. Ang ibig sabihin ay baka magaya ka kay Miss Colombia na umuasa sa wala.
Pambansang Wika/Lingua Franca
Ang bawat bansa ay mayroong sariling wikang pambansa. Ito ay tatak na sumisimbolo at
sumasalamin sa kung anong lahi at bansa nabibilang ang isang indibidwal. Ang bansang Pilipinas
ay may pambansang wika – ito ay ang wikang Pilipino.
Bagamat binubuo ang bansang ito ng maraming kapuluan, rehiyon, probinsiya, bayan, siyudad at
mga barangay, lahat ay nagkakaisa pa rin sa paggamit ng kanilang wikang pambansa.
Sa paglipas ng panahon at pagdaan ng iba’t-ibang salin lahi naging mas produktibo ang paggamit
sa wikang pambansa. Andiyan ang pagkakaroon ng mga batas sa ating lipunan, na Pilipino ang
dapat gamitin sa paglimbag ng mga aklat sa halos lahat ng mga asignatura sa paaralan,
mapapubliko man o pribado. Layunin nito na maipreserba ang wikang pambansa at patuloy itong
tangkilikin lalo na ng mga makabagong henerasyon.
Halimbawa ng Pambansang Wika
 Anak
 Asawa
 Ina
 Ama
 Sambayanan
 Experto
 Baliw
 Eskwelahan
 Pagsusulit

Pampanitikan
Maging sa larangan ng medya, radio man o telebisyon, wikang pambansa pa rin ang karamihan sa
ginagamit.Sa larangan ng mga sining, sa pinilakang tabing lalo na sa paggawa ng mga kanta hindi
rin mapag-iiwanan ang wikang pambansa. Pilit na itinataguyod ng ating mga mang-aawit ang
pagtangkilik sa “original Pilipino music” o ang OPM.
Gumagamit rin ang mga manunulat ng mga mabubulaklak at mga matatalinhagang mga salita. Ito
ang kanilang mga panghikayat sa kanilang mga parokyanos. Ang mga matalinhagang salita ay puno
ng mga misteryo na lalaong nagbibigay ng interes sa mga nakakabasa nito. Kaya sa mga panitikang
Pilipino ito ang kadalasan na nakikita mula sa mga may akda.
Tanyag dito ang mga gawa ni Francisco Baltazar na Florante at Laura. Hindi rin dito pahuhuli ang
limbag na aklat ni Jose Rizal na Noli mi Tangere at El Filibusterismo. Mga aklat na tunay na klasikal
at lalong sumisikat sa pagtagal at paglipas ng panahon. Sa pagtangkilik at paggamit ng sariling
pambansang wika ay napapahalagahan ito, naprepreserba upang hindi ito tuluyang mawala sa
sirkulasyon ng komunikasyon.
Halimbawa ng Pampantikang Wika
 Kabiyak ng aking puso – “Si Teresa ang kabiyak ng akin puso.” Ang ibig sabihin nito ay
kasintahan niya si Teresa.
 Ilaw ng tahanan – “Ang ilaw ng tahanan ang siyang nag-gagabay sa paglaki ng mga anak.” Ang
ilaw at ay tumutukoy sa ina
 Bunga ng aming pagmamahalan – “Si Brian ang bunga ng aming pagmamahalang mag-asawa”.
Ang ibig sabihin nito ay anak.
 Mababaw ang luha – “Sadyang mababaw ang luha ng akin Ina. Lagi siyang umiiyak kapag
nanonood ng soap opera.” Ang ibig sabihin nito ay madaling umiyak.
 Bukas palad – “Bukas palad kaming tinanggap sa bahay ng mag-asawang doctor noong
bumabagyo.” Ang ibig sabihin ng bukas palad ay malu-wag sa pusong pagtulong.

Sa paghubog ng katalinuhan ng bawat tao, ang wika ang pinakamabisang sandata para hasain ito.
Maging ang mga salat sa paningin ay kayang ipaintindi at makapag-pahayag ng kanilang mga
damdamin sa pamamagitan ng wika.
Kapos man sa salita ay wika pa rin ang gamit sa bawat kumpas gamit ang mga kamay. Ang wika ay
hindi lamang bahagi ng kultura ng isang bansa bagkus ito ay natatanging biyaya sa atin hindi
lamang para sa paglinang ng sangkatauhan ay para sa pagkakaunawaan.
Kasabay ng pagbabago ng antas ng bawat indibidwal ay nagbabago rin ang antas ng wika na
mayroon at ginagamit natin.Malaki ang impluwensiya na ating kapaligiran. Kung ano ang ating
naririnig ay siya ring ating ginagaya. Pormal, inpormal, lalawiganin, kolokyal, balbal, wikang
pambansa o anu pa mang antas ng wika ang mahalaga ay maging mapanuri tayo sa bawat salita
na ating binibitawan.

2.

SALITA BALBAL KOLOKYAL LALAWIGANIN PAMBANSA PAMPANITIKAN


1. ama erpat, pudra Itay, tatay tatang ama haligi ng
(ilokano) tahanan
2. kaibigan aport, kosa katoto higala kaibigan kahiramang
(cebuano) suklay
3. baliw asha baliw lateg (ilokano) baliw nasiraan ng
bait
4. pulis parak, lespu pulis pulis pulis alagad ng batas
(kapampangan)
5. pera datung kwarta Pirak (bikolano) pera salapi

3.

 Kita - ang pagkakataon ng pagkonsumo o pag-iimpok na nakakamit ng isang entidad o “katawan”


sa loob ng isang tiyak na balangkas ng panahon.
 Interes - ang tubo o kita mula sa puhunan mo na ginamit para sa isang negosyo o perang pinahiram.
 Pagtutuos - ang pagsukat, pagproseso, at pagbalita ng impormasyong pinansyal ng mga ekonomikong
entidad tulad ng mga kumpanya at korporasyon.
 Badyet - paglilista sa mga kinikita at ginagastos sa isang tukoy na panahon.
 Ipon - ang iyong pera na sobra o Hindi gagastusin.

You might also like