You are on page 1of 29

ETIKAL NA

PA N A N A L I K S I K AT M G A
RESPONSIBILIDAD NG
MANANALIKSIK
ARALIN 10
PA G B A S A AT PA G S U S U R I N G
I B A’ T I B A N G T E K S T O T U N G O
S A PA N A N A L I K S I K
LAYUNIN NG TALAKAYAN:
•Maisa-isa ang mga gabay sa etika sa
pananaliksik
•Maunawaan ang ibig sabihin ng
plagiarism
•Matukoy ang mga responsibilidad ng
mananaliksik
DALOY NG
TAL AK AYAN :
 M G A G A B AY S A E T I K A L N A
PA N A N A L I K S I K

 P L A G I A R I S M AT M G A
RESPONSIBILIDAD NG
MANANALIKSIK
ETIKAL NA
PANANALIKSIK
- Naitala ang pinakaunang paggamit ng
salitang etika noong ika-14 siglo ayon
sa diksyonaryong Merriam Webster
(2014). Nagmula ang salita sa Middle
English na ethik, mula sa griyegong
ethike, na galing naman sa katagang
ethiko.

- Ang lahat ng ito ay tumutukoy sa


nakaugaliang pamamaraan ng
pamumuhay at pakikipag-kapuwa.

- Ayon sa Free Dictionary (2014), ang


etika ay tumutukoy sa mga
pamantayan ng pagkilos at paguugali
batay sa mga katanggap tanggap na
ideya sa kung ano ang tama at mali.
ETIKAL NA PANANALIKSIK

• Ang pagiging etikal ay tumutukoy sa pagiging matuwid,


makatarungan, matapat, at mapagpahalaga sa kapuwa ng
isang tao. Kung ilalapat ito sa pagsasagawa ng pananaliksik,
mahihinuha na ang pagiging etikal sa larangang ito ay
pagsunod sa mga pamantayang may pagpapahalaga sa
katapatan, kabutihan, at pagpapanguna sa kapakanan ng
MGA GABAY SA
ETIK AL
NA PANANALIKSIK
S U N D I N PA R A _ _ _ _
1. Pagkilala sa Pinagmulan ng mga
Ideya sa Pananaliksik
 Gaya ng nabanggit sa unang bahagi ng aralin, ang
pananaliksik ay maihahalintulad sa paglahok sa isang
pampublikong diyalogo. Ibig sabihin, bukod sa
mananaliksik ay maaaring marami nang naunang nag-isip
tungkol sa partikular na paksang nais mong unawain at
pagyamanin. Mahalaga ang pagbanggit at pagkilala sa iba
pang mananaliksik at iskolar na naging tuntungan at
pundasyon ng iyong pananaliksik. Sa pamamagitan ng
diyalogong ito, nakalilikha ng isang komunidad ng mga
mananaliksik na may malasakit at iisang layunin.
2. Boluntaryong Partisipasyon
ng mga Kalahok
 Kinakailangang hindi pinilit ang sinomang kalahok o
respondente sa pagbibigay ng impormasyon o anomang
partisipasyon sa pananaliksik. Bago simulan ang pagsagot
sa sarbey, pakikipanayam, o eksperimento, kailangang
maging malinaw muna sa mga tagasagot ang kabuuang
layunin ng pananaliksik at halaga ng kanilang partisipasyon.
Kung eksperimental, mahalagang maunawaan din ng
kalahok ang bigat o inaasahang peligro ng eksperimento at
kailangang buong-loob ang kaniyang paglahok sa kabila
nito.
3. Pagiging Kumpidensiyal at
Pagkukubli sa Pagkakakilanlan ng
Kalahok
 Kailangang ipaunawa sa mga kalahok na ang anomang
impormasyon na magmumula sa kanila ay gagamitin lamang
sa kapakinabangan ng pananaliksik. Dapat ding pag-isipan ng
mananaliksik kung paano ikukubli ang pagkakakilanlan ng
tagasagot lalong-lalo na sa mga pananaliksik na may
sensitibong paksa. Sa mga pagkakataong kailangang
isapubliko ang resulta ng pananaliksik o kaya’y ibahagi sa
colloquium o publikasyon, kailangan pa ring ipagpaalam at
hingin ang permiso ng mga tagasagot na pangunahing
pinagmulan ng datos ng pananaliksik.
4. Pagbabalik at Paggamit sa
Resulta ng Pananaliksik
 Mahalagang ipaalam sa mga tagasagot ang sistematikong pagsusuri ng
mananaliksik sa kinalabasan ng pag-aaral. Madalas na nararamdaman
ng mga kalahok, lalo na yaong mga nasa komunidad, na ginagamit
lamang sila ng mananaliksik upang kumuha ng datos at pagkatapos ay
parang bulang nawawala ang mga ito. Ito ay dahil sa mangilanngilan
lamang na mananaliksik ang bumabalik upang ibahagi sa mga kalahok
ang kinalabasan ng pag-aaral. Kung may awtput tulad ng modelo,
pagbuo ng polisiya, o iba pang mahahalagang rekomendasyon ang
pananaliksik, makabubuti kung ipaalam ito sa kinauukulan upang
makatulong sa kapakinabangan ng komunidad o kaugnay na institusyong
pinag-aaralan.
P L A G I A R I S M AT
ANG MGA
RESPONSIBILIDAD
N G M A N A N A L I KS I K
PLAGIARISM? NO, NO, NO, NO, NO CHECK!
Ayon sa Purdue University Online Writing Lab (2014), ang
plagiarism ay ang tahasang paggamit at pangongopya ng
mga salita at/o ideya ng walang kaukulang pagbanggit o
pagkilala sa pinagmulan nito.
IBA PANG ANYO NG PLAGIARISM:
 pag-angkin sa gawa, produkto o ideya ng iba;
 hindi paglalagay ng maayos na panipi sa mga siniping
pahayag;
 pagbibigay ng maling impormasyon sa pinagmulan ng
siniping pahayag;
 pagpapalit ng mga salita sa katulad na wika o kaya ay
pagsasalin ng teksto ngunit pangongopya sa ideya nang
walang sapat na pagkilala;
 ang pangongopya ng napakaraming ideya at pananalita sa
SUPER PLAGIARISM
 Isa pang kaso ng plagiarism ang pagsusumite ng papel o anumang
produkto na gawa ng iba o kaya ay sabay na pagsusumite papel sa iisang
kurso (Council of Writing Administrator 2003).
Itinuturing na rin na paglabag ang redundant publication kung saan
nagpapasa ang isang mananaliksik ng iisang pagaaral sa dalawang
magkaibang referred journal para sa publikasyon.
Kasama rin dito ang self-plagiarism kung saan ang bahagi ng pananaliksik
ay inuulit sa isa pang pananaliksik nang walang sapat na pagbanggi kahit
pa sarili ring ideya ang pinagmulan nito; at
Maging ang gawain ng ilang mananaliksik na pagpaparami ng listahan ng
sanggunian kahit na hindi naman talaga ito nagamit sa pananaliksik ay
porma rin ng plagiarism.
PAGKOPYA NI KAREN DAVILA SA ILANG BAHAGI NG AKDA
NI ANGELA STUART SANTIAGO PARA SA KANIYANG
DOKUMENTARYO TUNGKOL SA PAGKAMATAY NI CORY
AQUINO
PLAGIARISM NI KAREN DAVILA
PAGGAMIT NI MANNY V. PANGILINAN, ISANG
MAKAPANGYARIHANG NEGOSYANTE, NG MGA KATAGA
MULA SA MGA KILALANG PERSONALIDAD SA KANIYANG
TALUMPATI NANG WALANG PAGKILALA
PAGKOPYA NI MVP SA ISANG SIKAT
NA MANUNULAT NA SI J.K ROWLING
PAGKOPYA NI MVP SA ISANG SIKAT
NA TV HOST NA SI OPRAH WINFREY
PAGKOPYA NI MVP SA COMMENCEMENT
ADDRESS NI CONAN O’BRIEN SA
HARVARD UNIVERISITY NOONG 2000
PAGGAMIT NI SENADOR TITO SOTTO NG ILANG
MAHAHALAGANG SINABI NI ROBERT F. KENNEDY SA
KANYANG TALUMPATI SA SENADO NG WALANG
KAUKULANG PAGBANGGIT SA PINAGMULAN NITO
DIREKTANG PAGSALIN NI TITO SOTTO SA
FILIPINO NG MGA SINABI NI ROBERT
KENNEDY
PAGKOPYA NI MELANIA TRUMP SA
ISANG TALUMPATI NI MICHELLE OBAMA
BAKIT NGA BA MARAMI
ANG MADALAS NA
GUMAGAWA NG
PLAGIARISM?
A.
KAMANGMANGAN
O KAWAL AN NG
IDEA
B . K A M A L AYA N S A
PA N U N T U N A N N G U N I T
S A D YA O H I N D I S A D YA N G
BINABALEWAL A ANG MGA
ITO
C. L A BIS NA
PAGMAMADALING
MATAPOS S A
PA NA NALIKS IK
D.HINDI NABIBIGYAN
NG S A PAT NA
PA GTAL AK AY UKOL
S A PL AGIARISM
B ATAYA N G A K L AT :
PA G B A S A AT
PA G S U S U R I N G I B A ’ T
IBANG TEKSTO TUNGO
S A PA N A N A L I K S I K
C R I Z E L S I C AT - D E L A Z A
M AY - A K D A

You might also like