You are on page 1of 16

Kabanata I

ANG SULIRANIN AT SANDIGAN NITO

PANIMULA

Naniniwala ang mananalisik na ang lahat ng kakayahan ng tao ay biyaya ng

pakikipagtalastasan at ito ay pinakamakapangyarihan. Ang pakikipagtalastasan na ito sa tao

ay nabubuhay na may kalinangan ay mawawala lamang ito kung matitigil ang lahat ng

nabubuhay. Ang wika ay komunikasyon, ang komunikasyon ay wika, kadalasan ang

komunikasyon ay binibigyang kahulugan na ang pagbibigay at pagtanggap ng mga kuro-kuro

sa kapwa.

Ang tao ay kailangang makitungo sa kaniyang kapwa at makibagay sa kanyang

kapaligiran. Sinasabing pinakamahalaga at pinakamaunlad ang paggamit ng wika sa paraang

pasalita upang magkaunawaan at makamtan ang kanilang mga pangunahing pangangailangan

sa buhay.

Dahil dito ang mga mananaliksik ay bumuo ng isang pag-aaral na kung saan ilalahad

ang mga kahalagahan ng wikang Ingles sa barko lalo na sa paglalayag. Sinabing ang

epektibong seguridad sa paglalayag ay makukuha lamang kung ang mga tao dito ay

magkakaintindihan at nagkakaunawaan. Mahirap sa mga tripulante ng barko kung hindi mo

kayang makipagtalastasan sa dayuhan na kasama mo. Kaya naman naging intiresado ang

mga mananalisik na ang komunikasyon sa pagbabarko ay napakahalaga. Hindi lamang sa

pagbabarko kundi din sa ibang sector ng buhay.

1
LAYUNIN NG PAG-AARAL

1. Upang maipakita ang kahalagahan ng pag-gamit ng wikang ingles bilang segridad sa

paglalayag ng mga marino.

2. Upang maipakita kung paano tinanggap ng mga marino ang wikang ingles “English as a

universal language” na mayroong bernakular na wika sa pamamagitan ng kanilang

pakikipagtalastasan at pakikipagkomunika sa kapwa nila marino na may iisang bernakular na

wika.

3. Upang malaman na karamihan sa mga marino ay maaaring nakakaalam ng dalawa o higit

pang wika sa pakikipagtalastasan sa kapwa (Bilingguwalismo o multilingguwalismo).

4. Upang malaman kung ang sariling wika ba ng mga marino katulad ng hapon, Croasians,

Pilipino, Indiano at iba pa na hindi nagsasalita ng Ingles.

5. Upang malaman kung ang wikang ginagamit ba na magkakatulad na bernakular ang kanilang

unang wika sa kanilang pakikipagtalastasan ay nakakabuti ba sa seguridad ng paglalayag at mas

naiintindihan ba ng maayos.

Malinaw na isinasaad sa mga layunin na ito na ang pag-aaral na ito ay magbibigay sa

mga marino ng pag-iisip na kailangan natin ng isang wika ang wikang Ingles. Ito ay

makakatulong sa mga kaligtasan at lalo na sa pag-uugnayan na dapat pang palawakin ang pag-

aaral at kaalaman nila sa wikang Ingles sapagkat ito ang magiging batayan nila ng kanilang

pagiging isang tunay na nakikipagsabayang marino.

2
KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL

Sa pag-aaral nang English as a universal language na ginagamit ng mga marino ay

siguradong mag-aambag ng kaalaman sa larangan ng komunikasyon sa kontekstong ng mga

marino. Maipakikita sa pag-aaral na ito kung ano kahalagahan ng iisang lingwahe sa pagbabarko,

at mas lalong mapaganda ang relasyon ng mga marino na kung saan ay kinakatawanan ng halos

lahat ng marino ang paggamit ng wikang Ingles sa pakikipagtalastasan. Mahalagang malaman ng

mga Marino na ang wikang Ingles ay mabisa sa seguridad lalo na sa paglalayag.

SAKLAW AT LIMITASYON NG PAG-AARAL

Ang pag-aaral na ito ay inilimitahan lamang sa iisang mayoriyang wikang ginagamit ng

mga Marino sa pagbabarko. At ito ay ang wikang Ingles na magkatulad na ginagamit ng mga

Pilipino, Hapon, Indiano, Croatiano, Thai , Tsino, Indonesians, at mga bansang taga-Europa.

Hindi na saklaw ang mga banyagang salita maliban sa Ingles. Ang wikang Ingles ang

siyang naging batayan at pangunahing wikang ginagamit ng mga Marino kaya malinaw na

naipakita sa pananaliksik na ito na ang Ingles ay ginagamit bilang midyum sa komunikasyon sa

barko upang sa ganun ay magkaroon ng interaksyon ng ibat-ibang Marino kahit pa anung lahi

nito at magkaroon ng tamang komunikasyon sa ibang tao.

Sa pag-aaral na ito ang wikang ginagamit ng mga Marino na nasa barko ang sasaklawan

lamang nito at ang mismong mga taong sangkot sa kaganapan walang iba kundi ang mga marino

naglalayag. Ngunit ang lahat ng pag-aaral ay kailangang may limitasyon upang mas maging

tumbok ang kasagutan sa problemang kinakaharap ng mananaliksik. Ang limitasyon sa pag-

aaral na ito ay ibabatay sa seguridad sa paglalayag o ang mismong lugar ang barko, wikang

3
ginagamit, panahon o oras na sila ay kailangan makipagtalastasan at mga Marino na kasangkot

sa pagsasaliksik. Ang panahon o oras ay ibabatay sa kasalukuyang panahon, at sapagkat ang

pag-aaral ay magaganap sa ikalawang semestre ng taong 2017-2018, ito lamang ang

pagbabasehang haba ng panahon ng pag-aaral at dahil na rin sa kakulangan sa oras ay sinadyang

ito na lamang ang gawing limitasyon sa panahon, at barko na kung saan nagaganap ang ganitong

pangyayari, bagamat sa barko nakalahad lahat ng pag-aaral magaganap ang lahat pananaliksik at

pag-aaral sa lupa na kung saan kasama ang mga marinong kabababa lamang katulad ng kapitan

na siyang komander ng barko, mga engineer, at mga ilang ratings at mga taong eksperto sa pag-

gamit ng “universal language” tulad ng mga guro sa paaralan ng nagtuturo ng wikang Ingles.

PAGLALAHAD NG SULIRANIN

Ang pag-aaral na ito ay tuwirang sasagutin ang mga sumusunod na mga

katanungan na binuo ng mananaliksik.

1. Bakit Wikang Ingles ang ginagamit sa pangkalahatang talastasan?

2.Bakit ang maling komunikasyon ay pinagmumulan ng hidwaang personal sa barko?

3. Bakit takot sa ibang taong makipag-usap sa Wikang Ingles Ingles?

4
DEFINISYON NG MGA TERMINOLOHIYA

1. WIKA Ang salita o lingguwahe na ginagamit ng isang grupo ng tao na kung saan ay

madali silang nagkakaunawaan at nagkakaintindihan. Ang bawat nilalang sa mundo

ay may sariling grupo ng wika na kinabibilangan. Hal. Pilipino(tagalong),

Hapon(nihongo), indiano(Islamic), chino(mandarim) at iba pa.

2. KOMUNIKASYON o pakikipagtalastasan, batay sa katuturan at kahulugang ibinigay ni

Webster, pagpapahayag, pagbabatid o pagbibigay ng impormasyon sa mabisang paraan,

isang pakikipag-ugnayan pakikipagpalagayan o pakikipag-unawaan. Ang bagong

American College Dictionary nina Barnhart ay nagsasaad ng ganito: ang komunikasyon

ay pagpapahayag at pagpapalitan ng ideya, opinyon, o impormasyon sa pamamagitan ng

pagsasalita, pagsulat o pagsenyas.

3. WIKANG INGLES - Wikang ipinakilala sa ating mga Pilipino ng mga Amerikano, at

siyang ginagamit nilang wika at itinuro sa atin sa pamamagitan ng edukasyon at

magpasahanggang ngayon ay ginagamit pa rin wikang batayan ng mataas na katayuan sa

lipunan. Tinatawag natin tung universal language na nagsisilbing daan sa pakikipag-usap

sa mga tao anu man ang lahi nito.

4. BILINGUWAL Ayon sa inihanda ni Jersen (1962) at makikita sa artikulo ni Ramos

(1970) sa dyornal ng Arellano University. Ang Bilinguwal ay

5
1) ang pagiging lantad sa dalawang wika, halimbawa, kapag may maririnig na

dayuhang wika sa tahanan;

2) ang pag-unawa sa dalawang wika;

3) and kakayahang magsalita sa dalawang wika;

4) ang pagkatutuo ng dalawang wika mula sa kamusmusan (ayon kay Arsenian

(1957); and magkasunod na pagkatuto ng dalawang wika na humantong sa

paggamit nito nang sabay (Leopold 1949);

5) ang pagkatuto ng ikalawang wika matapos masanay nang lubusan sa

katutubong wika;

6) at ang kaalaman sa dalawang wika na katumbas ng kahusayan ng isang

katutubo sa bawat wika (Christophersen 1948).

5. MULTILINGGUWAL - Isang tao na bihasa sa aspeto ng komunikasyon ang

pagbabasa, pagsusulat, pagsasalita at pag-uunawa ng tatlo o higit pang wika.

6
KABANATA II

Mga kaugnay na pag-aaral

Tatlong artikulong ginamit sa loob ng bansa:

Mahigit 2000 seafarer ang natuto na nagtapos sa Language Learning Program–Plus

Upang mabigyan ng angkop at napapanahong kaalaman at kasanayan sa paggamit ng wikang

Ingles. Sa layuning ito nakatutok ang pagpapatupad ng Language Learning Program ng

Pamahalaang Pilipinas sa ating mga OFW kabilang na dito ang marinong nagtratrabaho sa ibang

bansa.

Sa nabanggit na bilang, 1779 na marino ang nagtapos na sa Specialized English Enhancement

and others Language Users, 121 sa English Language Proficiency (ELP), Ang Language

Learning Program – Plus ay pinangangasiwaan ng gobyerno at mga sektor na layuning magtaas

ng kalidad ng ating mga marino, hindi lang pangloob hangang sa labas ng bansa upang maging

competitive ang ating mga marino at iba nating mga kababayan lalo na sa paggamit ng wikang

Ingles na nagsisilbing universal language. Mas may bentahe ang ating mga manggagawa kung

mayroon silang sapat at napapanahong kaalaman sa paggamit ng wikang Ingles, lalo na iyong

may mga planong magtrabaho sa ibayong dagat.

Ang Kahalagahan ng Wikang ingles sa Pagbubuo ng Kakayahang Pilipino

Hindi natin maitatatwa na ang isang wikang Ingles o dayuhan lingwahe na nagsisilbing

daan ng pagkakaintindihan ng mga tao, ay mahalaga sa pagkakaroon ng sariling kakanyahan.

7
Ang simbolo ng isang mataas na karunungan, isang lipol ng grupong di kilala ang isat-isa

bagamat nagkakaroon ng tulay sa pagkakaintindihan, isang panibangong kasuotan na makabunga

ng lahat ng katuturan sa pagkatuto at tanda ng kakanyahan at pagsasarili.

Wikang Ingles ang ginagamit sa pangkalahatang talastasan

Sa lahat ng lingwaheng pwede namang gamitin bakit wikang Igles pa ang napili? Ito ang

tanung ng mga ibang tao sa kanilang pag-aaral ng wikang Ingles. Kasagutan sa mga tanung ng

ilan sa ating mga kababayaan ang paggamit ng wikang Ingles na syang sentro ng komunikasyon

sa ibang dayuhan. Bukod sa mahirap talagang pag-aralan ang mga ibang salita nito masyado

pang malalalim ang mga kahulugan nito. At mas maganda pa ang wikang kinagisnan. Kung ang

lahat ng tao ganun nalang ang iniisip panu nalang tayo sa pakikipagtalastasan? Mahirap ang

ganun kaya sa pag-aaral ng Ingles ay mapapasabak tayo sa anu mangyayari sa paligid natin.

Magiging updated tayo sa lahat, walang hidwaan sa ibang tao o ibang lahi at magiging maganda

ang seguridad ng ating pamumuhay.

Dalawang artikolung ginamit ng ibang bansa:

Miscommunication Creates Personal Conflict onboard a vessel?

(Ang maling komunikasyon ay pinagmumulan ng hidwaang personal sa barko?)

8
Panu nangyayari ang miscommunication sa barko? Isang kadahilanan ay ang pagamit ng

“universal languge” na pinagmumulang ng personal na away sa mga trepulante ng barko.

Madami ng ganitong pangyayari na nababalita sa mga dyaryo o sa panonood ng television. At

pinagmumulan ng sakuna sa ating lugar o sa kadahilanang paglubog n gating barko.

Maling akala ika nga sa Pilipino, mga ibang termenong kasing ginamit sa pakikibag-usap

na iba sa pandinig ng ibang dayuhan sa dayuhan. Minsan kung hindi matimpi ng ibang tao an

ung mga nasabi ay ayaw ang gusto. Ung iba naman ay hindi kana pinapansin hangang matapos

ang iyung trabaho sa pagbabako. Ung iba dinadaan nalang sa pag-eevaluate ng iyong

performance sa trabaho.

Fear to communicate with others? ( takot sa ibang taong makipag-usap)

Takot ay isa sa hadlang sa buhay ng tao, takot makipag-usap, nahihiya, pakiramdam ay talo

kapag makikipag-usap, pag-tatawanan, ipapahiya. Isa ito sa hadlang sa buhay marino.

Mapapasama ang buhay o kalusugan mo at ng ibang kasama mo. Isang kaylangan ng competitive

seafarer ay ang kayang makipagtalastasan sa pag-gamit ng wikang engles sa barko. At maari ring

magkamali o magiging malaking sakuna ang mangyayari.

9
Kabanata III

Metodolohiya

Paraaan ng Pananaliksik

Ang mananaliksik ay gagamit ng diskriptibong pamamaraan ng pananaliksik kung saan siya

ang kukuha ng mga impormasyon sa mga libro, magasin, pamplets, internet at iba pang uri ng

babasahin kung saan siya makakakuha ng mga datos ukol sa kanyang paksa.

Kukuha ang mga mananaliksik ng 50 katao sa eskwelahan upang sumagot sa mga

katanungan na kanilang gagawin upang makabuo ng datos para sa konklusyon at

rekomendasyon.

10
KABANATA IV

PRESENTASYON, ANALISASYON AT INTERPRETASYON

Bakit Wikang Ingles ang ginagamit sa pangkalahatang talastasan?

Tsart Blg. 1

30

25

20

15

10

0
Oo Hindi Ewan

Sa tsart blg. 1, ipinakikita rito na 50% o 25 ang sumagot ng “OO”, para sa kanila na

mainam na gamitin pakikipagtalastasan ang Wikang Ingles sa mga taga ibang bansa para mabilis

na magkaintindihan. May 15 o 35% ang sumagot ng “HINDI” sapat ang kanilang dahilan dahil

sa hindi magandang epekto ang paggamit ng Wikang Ingles para sa pakikipagtalastasan dahil sa

bukod na mahirap itong gamitin meron naman daw tayong sariling lingwahe at karamihan naman

daw sa mga seaman ngayon ay mga Pilipino. May mga nagsabi naman na 10 o 15% ang

nagsabing “EWAN” dahil hindi naman daw sakop ng kanilang propesyon ang paggamit ng

Wikang Ingles Bilang Pamantayan ng pakikipagtalastasan.

11
Bakit ang maling komunikasyon ay pinagmumulan ng hidwaang personal sa barko?

Tsart Blg. 2

30

25

20

15

10

0
OO Hindi Ewan

Sa tsart blg. 2,Ipapakita dito Bakit ang maling komunikasyon ay pinagmumulan ng hidwaang

personal sa barko?.

Dahil sa walang iisang wikang ginagagamit nagkakaroon ng hidwaang personal sa barko.

Sabi nila, sa barko, mahirap magkaunawaan kung ang kakausapin mo ay ibang banyaga dahil

dito hindi makuha ang tamang komunikasyon sa paksang pinaguusapan. May 30 o 80% ang

sumagot na kailangan may Universal Language(Wikang Ingles) na gagamitin para

magkaunawaan ang magkaibang banyaga sa barko. May 10 katao o 10% ang sumagot na hindi

naman kailangan ng Universal Language dahil sa mga hand sign lang at simpleng body

movements lang ay magkakaintidihan sila. May mga pagkakataon daw kasi na ang ginagamit na

lingwahe na Ingles ay mali mali o sa atin ay barok na salita kaya di kailangan ng Universal

Language lalu pa kung mahirap itong matutunan

May 10 katao o 10% ang sumagot ng wala silang pakialam dahil hindi naman daw sakop

Ng kanilang trabaho.

12
Bakit takot sa ibang taong makipag-usap sa Wikang Ingles Ingles?

Tsart Blg. 3

25

20

15

10

0
OO Hindi Ewan

Ipinakikita sa tsart blg.3 na may 40% o 20 ang sumagot ng “OO”, na nakaranas sila ng

“fear” sa pagsasalita ng Wikang Ingles. Minsan ay hindi na nila ito pinapansin upang wala na

lang gulo at alam nila na hindi rin sila papansinin. Natatakot sila na baka ito pa ang sanhi ng

kanilang pagkatanggal sa kanilang trabaho kung hindi mali-mali ang kanilang pahayag. May 25

o 50% ang sumagot ng “HINDI” marahil ay alam na rin ng kanilang mga kasama na di na rin

matawaran ang kakayanan ng mga Pilipinong magaling sa pagsasalita ng Wikang

Ingles.Paminsan mas Nakikita rin ng mga dayuhan kung paano magtrabaho ang isang Pilipino at

minsan ay kahit hindi na nila trabaho ay ginagampanan nila ito kaysa sa kanilang pagsasalita ng

Wikang Ingles. Samantalang 5 o 10% naman ang sumagot ng “EWAN”, at ang mga ito marahil

ay hindi rin nakakaranas pa ng pagsasalita ng wikang Ingles sa Pakikipagtalastasan.

13
Kabata V

BUOD, KONGKLUSYON AT REKOMENDASYON

BUOD:

Ang Universal Language ay higit na epektibo para sa seguridad ng paglalayag ng barko. Kahit

anong gawin natin ito ay pangalawang linggwahe na sinasalita ng maraming tao sa buong

mundo, ang ating mga ninuno ay nagustuhang gamitin ito hindi lang dahil sa medaling

matutunan bagkus ito ay epektibo sa pakikipagusap sa mga taga ibang bayan. Ang mga seaman

ngayon ay nagsimulang gamitin ang wikang Ingles bilang Midyum sa Pakikipagtalasan. Ito ay sa

kadahilanan Nang pagsimula ng hindi pagkakaunawaan at mga disgrasya sa dagat na parami ng

parami, lalong naging masigasig ang mga Pilipinong seaman na gamitin ang Wikang Ingles Para

Sa payapa at tiyak na pagpapahayag ng saloobin sa mga taong may mga katutubong salita na

kagaya natin.

Pero Dahil sa Kakulangan ng mga kaalaman sa pagsasalita ng Lingwahe na to may mga

ibang seaman na nahihiyang gamitin ito dahil sa natatakot na magkamali pero ang iba naman ay

hindi takot salitain ang linggwaheng ito dahil sa sapat nilang kaalaman hinggil dito.

May mga pagkakataon din naman na nakakatulong ang pagkakaroon ng Wikang Ingles Bilang

Universal Language para maiwasan ang hindi pagkakaunawaan na maaring mauwi sa malaking

hidwaang pang personal.

14
KONKLUSYON:

Bagama’t ang barko ang tahanan ng mga ibat-ibang lahi ng marino, may 195 na mga

bansa sa mundo at may 195 na ibat-ibang wikang ginagamit ng mga marino, ang dahilan kung

bakit mayroon itong universal language ay mas naipapahayag ng mga marino ang kanyang sarili

sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan sa iisang lingwahe.

_____________________________________________________________

“Like in any major culture, language is what links one individual to another in the same

social setting.”

-Gigi Galang, (1988, p.70).

(Katulad ng ibang kultura, ang wika ay ang nag-uugnay sa isang indibiduwal sa kanyang

kapwa sa isang magkahalintulad na sosyal na lugar.)

Sa mga pagkakataon may iisang wikang ginagamit naiiwasan ang hidwaan personal na

maaring maging banta sa paglalayag ng barko.

Base sakin pananaliksik ang mga Pilipinong marinong ay hindi din papahuli sa

pagsasalita ng Wikang Ingles ngunit may mga iba din naman na natatakot sa mga kadahilanan

hindi pang personal na aspeto. Sa kabila ng maraming Pilipinong mas epektibo ito kung matuto

silang magsalita ng Wikang Ingles para na rin sa tiyak na pagkakaintindihan lalu na kung ang

pinaguusapan ay ang seguridad ng barko.

15
REKOMENDASYON:

Marami sa ating mga Pilipinong Marino ang hindi ganun kagaling magsalita ng Wikang

Ingles na sinasabing Universal Language.

Dapat sana ay magkaroon ng programa ang ating pamahalaan na naglalayong masanay ang

mga Pilipinong Marino na makapagsalita ng tiyak na salita ng wikang Ingles o pambararila na

pahayag, lalung-lalo na kung karamihan sa mga nasakyang nilang barko ay mga banyagang

nagsasalita at nakakaunawa lamang ng salitang Ingles.

Sa mga pagkakataon na Nagkakaunawaan ang lahat ng banyaga sa ibat-ibang barko sa

iisang wika tiyak ang seguridad ng barko sa paglalayag sa kabilang dako nilalayon din dapat ng

mga Marino ang maingat at pasensosyong paguugali na isa rin mahalagang salik sa paglalayag

ng barko.

Sa mga simpleng programa ng gobyerno at ng ibang mga pribadong sector ang pagpapaigting

ng pagaaral ng Wikang Ingles ay sapat na kaukulang tulong para sa mas produktibong

pagtratrabaho ng mga Pilipinong Marino. Dapat lang na mabigyan sila ng kaukulang

pangangalaga dahil sila ang “dollar earner “ ng ating bansa at dahil na rin sa kanilang angkin

kakayanan sa kanilang trabaho,

minsan ay nabibigyan sila ng parangal at ito ang nag-aakyat ng karangalan sa ating bansa

16

You might also like