6th Week

You might also like

You are on page 1of 5

Republika ng Pilipinas

Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyon VI- Kanlurang Visayas
SANGAY NG LUNGSOD NG KABANKALAN
Lungsod ng Kabankalan
SALONG NATIONAL HIGH SCHOOL
Brgy. Salong, Kabankalan City, Negros Occidental
Banghay Aralin sa Filipino 9
02/17/2020
I. Layunin
Naipahahayag kung paano nakatulong ang karanasan ng mga tauhan upang mapabuti ang sariling ugali,
pagpapahalaga at buong katauhan. (F9PS-IVi-j-63)
II. Paksang Aralin
a. Paksa: NOLI ME TANGERE (Kabanata 21 Kasaysayan ng Isang Ina)
b. Sanggunian: ALAB NG LAHI; NOLI ME TANGERE ni: Jose Rizal; dd. 83-86
c. Mga Kagamitan: photocopies, manila paper
d. Balyu: pagpapahalaga sa aral na hatid ng aralin
III. Pamamaraan
A. Paghahanda
 Balik-sulyap
o Nagkaroon ng pulong sa tribunal upang pag-usapan ang piyesta ng San Diego. Nawalang-
saysay ang mainit na pagtatalo para sa karapat-dapat na mungkahi sapagkat iba ang gusto ng
Kura na siyang dapat masunod. Ano ba ang gusto ng Kura para sa pagdiriwang ng piyesta?
B. Paglalahad
 Talasalitaan: Palawakin Natin
o Bilugan ang mga salitang magkasingkahulugan sa bawat pangungusap.
 Pagbabasa ng Kabanata 21 ng Noli Me Tangere
C. Pagsasanay
 Talakayin Natin
1. Isalaysay sa pamamagitan ng Story Map ang mga nangyari kay Sisa mula sa pag-alis ng
kumbento hanggang sa pagbalik sa kanilang dampa.
2. Bakit nagmamadaling umuwi si Sisa mula sa kumbento?
3. Ilarawan si Sisa nang makita ang mga guardia civil.
4. Nang hindi makita ang magkapatid, ano ang ginawa ng mga guardia civil?
5. Ilarawan ang kuwartel.
6. Magbigay ng mga pangyayari o palatandaan na unti-unti nang nawala sa katinuan si Sisa.
D. Paglalapat

E. Paglalahat
 Ano ang mensaheng hatid ng aralin at paano ito gagamiti sa iyong buhay?
IV. Pagtataya
Magpangkatan sa anim. Ipakita ang buhay ni Sisa sa iba’t ibang pamaraan.
Pangkat I – Dance Drama Pangkat IV – Tula
Pangkat II – Maikling Dula Pangkat V – Radio Drama
Pangkat III – Tableau Pangkat VI – Monologo

V. Takdang Aralin
 Gumawa ng sariling repleksyon sa tinalakay na aralin.
Republika ng Pilipinas
Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyon VI- Kanlurang Visayas
SANGAY NG LUNGSOD NG KABANKALAN
Lungsod ng Kabankalan
SALONG NATIONAL HIGH SCHOOL
Brgy. Salong, Kabankalan City, Negros Occidental

Banghay Aralin sa Filipino 9


02/18/2020
I. Layunin
Nailalahad ang sariling pananaw, kongklusyon, at bisa ng akda sa sarili at sa nakararami. (F9PS-IVa-b-58)
II. Paksang Aralin
a. Paksa: NOLI ME TANGERE (Kabanata 22 Mga Liwanag at Dilim)
b. Sanggunian: ALAB NG LAHI; NOLI ME TANGERE ni: Jose Rizal; dd. 86-89
c. Mga Kagamitan: photocopies, manila paper
d. Balyu: pagpapahalaga sa aral na hatid ng aralin
III. Pamamaraan
A. Paghahanda
 Balik-sulyap
 Sa labis na paghihirap ng loob at masidhing pag-aalaala sa mga anak, ang isipan ni Sisa’y lubhang
naligalig. Kinabukasan, nakita na lamang siyang pagala- gala, ngumingiti-ngiti, umaawit, at kinakausap
ang lahat ng nilalang ng kalikasan. Ang kaawa-awang si Sisa ay nabaliw. Bakit siya nabaliw? Sino ang
dapat sisihin?
B. Paglalahad
 Talasalitaan: Palawakin Natin
 Piliin sa loob ng kahon ang mga salitang magkasingkahulugan. Itala ito sa kasunod na mga patlang.
 Pagbabasa ng Kabanata 22 ng Noli Me Tangere
C. Pagsasanay
 Talakayin Natin
D. Paglalapat

E. Paglalahat
 Bilang mag-aaral paano magagamit sa totoong buhay ang aral na hatid ng araling
tinalakay?
IV. Pagtataya

V. Takdang Aralin
 Basahin ang Kabanat 23 at isulat ang mensahe at aral na hatid nito.
Republika ng Pilipinas
Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyon VI- Kanlurang Visayas
SANGAY NG LUNGSOD NG KABANKALAN
Lungsod ng Kabankalan
SALONG NATIONAL HIGH SCHOOL
Brgy. Salong, Kabankalan City, Negros Occidental
Banghay Aralin sa Filipino 9
02/19/2020
I. Layunin
Naipaliliwanag ang mga kaugaliang binanggit sa kabanata na nakatutulong sa pagpapayaman ng kulturang Asyano. F9PB-IVe-f-59
II. Paksang Aralin
a. Paksa: NOLI ME TANGERE (Kabanata 23 Ang Pangingisda)
b. Sanggunian: ALAB NG LAHI; NOLI ME TANGERE ni: Jose Rizal; dd. 90-95
c. Mga Kagamitan: photocopies, manila paper
d. Balyu: pagpapahalaga sa aral na hatid ng aralin
III. Pamamaraan
A. Paghahanda
Balik-sulyap
 Nagkaroon ng anas-anasan sa mga pagbabagong nakikita kay Padre Salvi. Bumalik naman si Ibarra sa bahay nina
Maria Clara pagkaraan ng ikatlong araw. Ibinalita ni Ibarra na matutupad na kinabukasan ang ipinangako niyang
piyestang pambukid. Bakit ayaw paanyayahan ni Maria Clara si Padre Salvi sa piyestang pambukid?
B. Paglalahad
Talasalitaan: Palawakin Natin
 Sagutin ang krossalita sa pamamagitan ng pagbibigay ng kahulugan sa mga salitang may salungguhit sa bawat
bilang.
 Isulat sa patlang ang MKH kung magkasingkahulugan ang pares ng salita; MKS naman kung magkasalungat.
 Gamitin sa sariling pangungusap ang mga salitang binigyan ng kahulugan.
Pagbasa sa Kabanata 23 ng Noli Me Tangere
C. Pagsasanay
Talakayin Natin
1. Isalaysay ang mga pangyayari sa kabanata sa pamamagitan ng sumusunod na elemento.
2. Ilarawan ang mga tauhan sa kabanata.
3. Ipaliwanag kung bakit kinakailangan pang ihiwalay ng mga magulang ang mga dalaga sa mga binata.
4. Bakit nagkagulo sa unang bahagi ng paglalakbay?
5. Bakit nangahas ang piloto na hulihin ang buwaya?
6. Paano nailigtas ni Ibarra ang piloto?
7. Ano ang ibig sabihin ng pahayag ni Ibarra na, “Kung di na ako lumitaw at ako’y sinundan mo, nakapiling ko na
sana ang aking pamilya sa ilalim ng lawa”?
D. Paglalapat
Suriin at Gawin Natin
1. Anong pagpapahalagang Pilipino ang ipinakikita sa kabanatang ito? May kahalagahan ba ito sa ating buhay?
Pangatuwiranan.
2. Sa iyong palagay, tama ba ang ginawa ng piloto na hulihin ang buwaya? Bakit?
3. Ipaliwanag ang sumusunod na pahayag mula sa binasang kabanata.
a. “Ipinalalagay ko pong may pugad ang mga ibong iyan sapagkat kung wala, sila’y magiging
pinakasawimpalad.”
b. “May nagsasabi pang ang pugad ng mga ibong iyon ay di nakikita, sa gayo’y may galing na di
makikita ang sinumang nag-iingat niyon.”
c. “Ang mga pugad namang iyan ay nakikita lamang sa salamin ng tubig.”
4. Makatuwiran ba ang paghihigpit ng mga magulang sa mga anak na babae? Ipaliwanag.
E. Paglalahat
Anong aral ang hatid ng kabanatang binsa?
Paano mo ito gagamitin sa iyong buhay?
IV. Pagtataya
Sagutin ang sumusunod na gawain sa bawat bilang;
1. Itala sa tsart ang mga dapat na maging gawi at asal ng mga kabataan sa sumusunod na sitwasyon:
2. Sa tulong ng Venn Diagram, paghambingin ang mga paraan ng pagdiriwang ng piyesta noon at ngayon.
3. Dugtungan ang sumusunod na pahayag. Ipaliwanag pagkatapos.
a. Ang tunay na ganda ng isang pagsasama-sama ay kababakasan……………….
b. Anumang panganib na haharapin ay may katapat…………………………………….
c. Kaasalang ipinamamalas ng bawat anak, salamin ng…………………………………
V. Takdang Aralin
Basahin ang kabanata 24 ng Noli Me Tangere at alamin ang mensahe nahatid nito sa mga mambabasa.
Republika ng Pilipinas
Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyon VI- Kanlurang Visayas
SANGAY NG LUNGSOD NG KABANKALAN
Lungsod ng Kabankalan
SALONG NATIONAL HIGH SCHOOL
Brgy. Salong, Kabankalan City, Negros Occidental
Banghay Aralin sa Filipino 9
02/20/2020
I. Layunin
Naipahahayag kung paano nakatulong ang karanasan ng mga tauhan upang mapabuti ang sariling ugali,
pagpapahalaga at buong katauhan. F9PS-IVi-j-63
II. Paksang Aralin
a. Paksa: NOLI ME TANGERE (Kabanata 24 Sa Gubat)
b. Sanggunian: ALAB NG LAHI; NOLI ME TANGERE ni: Jose Rizal; dd. 96-101
c. Mga Kagamitan: photocopies, manila paper
d. Balyu: pagpapahalaga sa mensahe na hatid ng aralin
III. Pamamaraan
A. Paghahanda
 Balik-sulyap
 Masayang nagkita-kita ang mga dalaga’t binata sa piyestang pambukid ni Ibarra. Sumakay
sila sa dalawang malaking bangkang magkakabit. Nagtungo sila sa unang baklad upang
kumuha ng mga isdang kanilang lulutuin. Gayon na lamang ang pagtataka nila nang
walang isda ang baklad. Bakit wala silang nakuhang isda sa baklad?
B. Paglalahad
 Talasalitaan: Palawakin Natin
 Magtala sa mga kahon ng iba pang salita na kasingkahulugan ng punong salita sa bawat
bilang. Gamitin sa pangungusap ang salitang binigyan ng kahulugan.
 Pagbabasa ng Kabanata 24 ng Noli Me Tangere
C. Pagsasanay
 Talakayin Natin
1. Isalaysay ang pinag-uusapan ng mga dalaga sa may batis na narinig ni Padre Salvi.
2. Sa pamamagitan ng Events Organizer, isalaysay ang mga pangyayari at napag-usapan mula sa
kainan hanggang sa pagdating ng sarhento.
3. Bakit nagkakainitan ang Alperes at Kura?
4. Paano napigilan ni Ibarra ang pagtatalo ng Alperes at Kura?
5. Bakit nagalit ang mga kabataan kay Padre Salvi?
6. Paano natapos ang piyesta sa kagubatan?
D. Paglalapat
 Suriin at Gawin Natin
1. Ano ang ibig sabihin ni Sinang sa kaniyang ipinahayag na, “Nais mo bang parisan ang pagmamanman
ng Kura sa iyo? Mag-ingat ka! Nakapag papapayat ang panibugho?”
2. Ano naman ang maibibigay na kahulugan sa pahayag na sinabi ni Maria Clara na, “Nais kong
makatagpo ng isang pugad ng tagak. Gusto ko siyang tingnan nang di niya ako nakikita. Ibig ko siyang
masundan sa lahat ng dako.”
3. Batay sa mga pangyayari sa kabanata, anong pagkatao ang maaaring makita kay Ibarra? Ipaliwanag.
4. Sa iyong palagay, bakit natakot at nagtatakbo si Sisa nang makita ang Kura at Alperes?
5. Makatuwiran ba ang pagpunit ng Kura sa aklat ng Gulong ng Kapalaran? Pangatuwiranan.
6. Anong kulturang Pilipino ang ibig patunayan ni Dr. José P. Rizal sa paglalaro ng Gulong ng Kapalaran
ng mga dalaga sa binasang kabanata?
E. Paglalahat
 Ano ang mensaheng hatid ng aralingtinalakay?
 Paano mo ito mapapahalagahan?
IV. Pagtataya
 Ipahayag kung paano nakatulong ang karanasan ng mga tauhan upang mapabuti ang sariling ugali,
pagpapahalaga at buong katauhan ng mga mambabasa.
V. Takdang Aralin
 Basahin ang Kabanata 25 ng Noli Me Tangere at isulat iyong repleksyon tungkol rito.

You might also like