You are on page 1of 2

Work Immersion: Community Service (Leadership Training)

Pedro T. Orata National High School

Day 1:
Nag flag ceremony muna tapos pumunta sa room ng meeting (MC SI JERIC) tapos
nagkaroon ng konting lecture about sa leadership and kung ano ang mga kailangan na
gawin upang maging isang mabisang leader (NAUNANG NAG REPORT SILA JUL AT
MEG).pagkatapos nun ay nagkaroon ng ice breaker na pinangungunahan ni Clemente
Kristian B, Godoy. Pagkatapos noon ay sumunod na nagreport sila MIKA at
JOHANNAN. Si Ben ay ang taga video habang sila Anj,Phoebe,Villoria ang isa sa mga
Facilitator sa sumunod na activity pagkatapos ng short lecture patungkol sa leadership.
Kinahapunan ng aming Community Service ay nagkaroon pa kami ng Culminating
activities mula 1:00pm – 3:00pm at pagkatapos ng break noong 3:30pm ay nagkaroon
ng ‘’Candle Lighting’’ ceremony sa mga SSC Officers ng Pedro T. Orata National High
School. Nang matapos ito ay lubos kaming nagpasalamat sa kanilang paglahok at
pagsali at kami ay nag Picture taking kasama ang mga ‘’Target Audience’’

Day 2:
KInaumagahan ng Day 2, ay nagkaroon muna kami ng konting Ice Breaker, Ako ang
Naging In-charge sa mga Ice breaker ng aming Community Service, parang Zumba ang
ginawa ko kaninang umaga habang nagpre-prepare ang iba sa bawat station para sa
mangyayari mamayang hapon na Eco Challenge, Ang Eco Challenge ay isang laro na
kung saan mayroong sampung istasyon. Bawat Station ay mayroong iba’t ibang
pagsubok na kailangan nilang matapos upang makaalis at ituloy ang laro, Ang mahirap
dito ay hindi naming sasabihin kaagad kung saan ang bawat station ng laro, sila mismo
ang dapat na kusang magtatanong saamin kung aling station ang aming Finafacilitate.
Ako ay inatasang maging Facilitator sa Station 4: Caterpillar Walk. Ang Caterpillar walk
ay isang laro na kung saan ang bawat miyembro ng grupo ay uupo at maghahawakan
ng kamay mula sa ilalim ng kanilang puwet at sila ay magpapaunahang maglalakad
mula sa kanilang posisyon hanggang sa Finish line ng karera. o-Orasan ng facilitator
kung kaninong grupo ang may pinaka mabilis na oras upang matapos ang pagsubok.
Apat na grupo ang aking Finacilitate at masasabi kong sila ay natuwa at nasayahan sa
hinanda naming laro para sa kanila. Lahat naman ay nagkakaisa kahit na ang iba ay
wala dahil mayroong sinalihan na iba pang mga paligsahan (tulad ng Folk Dance,
Mobile Legends Tournament etc..) at nang matapos ang aming palaro ay nag Lunch
kami at pinabalik namin sila ng 2:00pm para sa mga huling activities at para saaming
Share of Realization at pasasalamat. Masasabi kong talagang nakaka-buo ng araw
dahil nagbigay sila ng kanilang pasasalamat din saamin dahil ikinagagalak nila na sila
ang naging “Target Audience” namin sa aming Community Service.
Day 3:
Ngayon ay wala na kaming inihandang mga gawain para sa mga estudyante subalit
kami ay tumulong na mag-ayos ng mga kailangang ayusin para bukas na mga
kaganapan. Sa umaga ay pinagpintura nila kami ng mga Styrofoam na nakahugis ng
mga letra. Pagkatapos naming doon ay ipinagpahinga nila muna kami at nanood kami
ng Zumba Choreographed contest. Kami ay natuwa dahil ang mga estudyante ay
talagang naghanda para sa patimpalak na iyon. Natapos iyon ng mga bandang 11:30
kaya’t kami muna ay kumain. Habang kami’y kumakain ay nakasalubong namin sila Sir
Kristian at ang iba pang mga Guro kami ay ikinamusta saaming Community Service.
Pagkatapos noon ay nagkaroon po ng programa sa hapon. At mayroong naganap na
laro ng lahi sa hapon. Sa programang iyon ay nagkaroon po ako “Intermission Number”
para mayroong konting pahinga ang mga kalahok sa bawat laro. At nang natapos ko
ang Intermission number ko ay sumunod ang isang estudyante sa PTONHS at
sumayaw. Nang dahil doon, Nagyaya ang mga estudyante ng PTONHS ng showdown
saaming dalawa ng estudyanteng iyon. Nang natapos iyon ay kami ay naging Facilitator
para sa mga laro sa Laro ng Lahi. Nang matapos ang laro ng lahi ay nagsipag-uwian na
ang estudyante at kami ay naiwan para magligpit at maglinis ng kalat na naiwan ng
estudyante.

Day 4:
Ngayong araw ay kami’y tumulong ulit sa pag-aayos ng para sa Coronation night
mamaya. Noong kinaumagahan ay nagkaroon ulit ng Patimpalak na tinatawag na
“Orata’s GOT TALENT” at ang patimpalak ay mayroong labing apat na kalahok. Lahat
sila ay nagpakita nang kanilang mga natatagong talent at kami at natuwa dahil nakikita
naming sakanilang mga mukha na masayang masaya sila na sila ay nabigyan ng
tyansang ipakita ang kanilang mga talento. Kami rin ay natuwa sa mga ipinakita nilang
mga talento, may ibang nagpatawa, Sumayaw, Kumanta at mayroon pang nag-
“Beatbox”. Natapos din ito ng mga bandang 11:30 at kami ay nananghalian na muna.
Kinahapunan ay kami ay tumulong sa Stage Décor para sa okasyon mamayang gabi.
Tumulong kami sa pag aayos ng lamesa at sa table settings. Kami rin ay tumulong sa
pagbuhat ng mga lamesa at iba pang mga gawain.

Day 5:

You might also like