You are on page 1of 2

Filipino 11 Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino

Aralin 1. Mga Konseptong Pangwika

Ang opisyal na estadistika tungkol sa mga wika at diyalekto sa ating


bansa ay hango sa Census of Population and Housing (CPH) na
isinasagawa tuwing isa ng dekada ng National Statistics Office (NSO).
Ayon sa datos ng CPH noong 2000, may humigit-kumulang 150 wika at
diyalekto sa bansa. Tagalog ang nangungunang wika na ginagamit ng
5.4 milyong sambahayan.

Ang wika ay isang napakahalagang instrumento ng komunikasyon.


Ito ay mula sa pinagsama-samang makabuluhang simbolo, at tuntunin ay
ay nabubuo ang mga salitang nakapagpapahayag ng ng kahulugan o
kaisipan. Ito ay behikulong ginagamit sa pakikipag-usap at
pagpaparating ng mga mensahe sa isa’t-isa. Ito ay mula sa salitang Latin
na lingua na nangangahulugang “dila” at “wika” o “lengguwahe”

Ayon kay Virgilio Almario ang wikang opisyal ay ang itinadhana ng


batas na maging wika sa opisyal na talastasan ng pamahalaan. Ang
wikang panturo naman ang opisyal na wikang ginagamit sa pormal na
edukasyon.
Sa pagpasok ng K to 12 Curriculum, ang Mother Tongue o unang wika
ng mga mag-aaral ay naging opisyal na wikang panturo mula
Kindergarten hanggang Grade 3 sa mga paaralang pampubliko at
pribado man. Tinatawag itong Mother Tongue-Based Multi-Lingual
Education (MTB-MLE).

Aralin 2. Monolingguwalismo, Biingguwalismo, at Multilingguwalismo

Unang Wika (L1) ang tawag sa wikang kinagisnan mula sa pagsilang


at unang itinuro sa isang tao.
Tinatawag din itong katutubong wika, mother tongue, at arterial na
wika. Sa wikang ito pinakamatatas o pinakamahusay na naipahahayag
ng tao ang kanyang mga ideya, kaisipan, at damdamin.
Habang lumalaki ang bata ay nagkakaroon siya ng exposure sa iba
pang wika sa kanyang paligid na maaaring magmula sa telebisyon, o sa
iba pang tao. Dito ngayon umuusbong ang kanyang pangalawang wika
(L2).
Sa pagdaraan ng panahon ay lalong lumalawak ang mundo ng bata.
Dumarami pa ang mga taong nakasasalamuha niya, gayun din ang mga
lugar na kanyang nararating, mga palabas na kanyang napapanood sa
telebisyon, mga aklat na kanyang nababasa at tumataas din ang antas
ng kanyang pag-aaral. Ang wikang ito ang ginagamit niya sa
pakikiangkop sa lumalawak na mundong kanyang ginagalawan. Ito ang
ikatlong wika o L3.
Monolingguwalismo ang tawag sa pagpapatupad ng iisang wika sa
isang bansa tulad ng isinasagawa sa mga bansang England, Pransya,
South Korea, Hapon at iba pa. Maliban sa edukasyon, sa sistemang
monolingguwalismo ay may iisang wika ring umiiral bilang wika ng
komersyo, wika ng negosyo, at wika ng pakikipagtalastasan sa pang-
araw araw na buhay.
Bilingguwalismo ay paggamit at pagkontrol ng tao sa dalawang wika
na tila ba ang dalawang ito ay kanyang katutubong wika. Maituturing na
bilingguwal ang isang tao kung magagamit niya ang dalawang wika ng
matatas sa lahat ng pagkakataon.
Multilingguwalismo. Ang Pilipinas ay isang bansang multilingguwal.
Mayroon tayong mahigit 150 na wika at wikain.
Aralin 3. Mga Barayti ng Wika

Dayalek-ito ay ginagamit ng partiikular na pangkat ng mga tao mula sa


isang partikular na lugar tulad ng lalawigan, rehiyon, o bayan. Hal.
Dayalek ng wikang Tagalog ang barayti ng Tagalog sa Morong, Tagalog
sa Maynila, at Tagalog sa Bisaya.
Idyolek- Kahit iisang dayalek ang sinasalita ng pangkat ng mga tao ay
mayroon pa ring pansariling paraan ng pagsasalita ang bawat isa. Sa
barayting ito, lumulutang ang katangian at kakanyahang natatangi ng
taong nagsasalita. Hal. Kris Aquino, “Aha, ha, ha! Nakakaloka! Okey!
Darla!
Sosyolek- Ito ang barayti ng wika na nakabatay sa katayuan o antas
panlipunan o dimensiyong sosyal ng mga taong gumagamit ng wika. Hal.
Wika ng mga beki, wika ng mga conyo o sosyal, wika ng mga jejemon.
Etnolek- Ito ay barayti ng wika mula sa mga etnolongguwistikong grupo.
Mula sa pinagsamang etniko at dialek, taglay nito ang mga salitang
nagiging bahagi na ng pagkakakilanlan ng isang pangkat-etniko.
Register-Ito ang barayti ng wika kung saan naiaangkop ng isang
nagsasalita ang uri ng wikang ginagamit niya sa sitwasyon at sa kausap.
Nagagamit ng nagsasalita ang pormal na tono ng pananalita kung ang
kausap niya ay isang taong may mas mataas na katungkulan o
kapangyarihan, nakatatanda, o hindi niya masyadong kakilala.
Pidgin at creole- Ang pidgin ay umusbong na bagong wika o tinatawag
sa Ingles na ‘nobody’s native language’ o katutubong wikang di pag-aari
ninuman. Nangyayari ito kapag may dalawang taong nagtatangkang
mag-usap subalit pareho silang may magkaibang unang wika kaya’t di
magkaintindihan dahil hindi nila alam ang wika ng isa’t isa. Hal. Ang
nangyari nang dumayo ang mga Espanyol sa Zamboanga at makipag-
usap sila sa mga katutubo roon. Dahil pareho silang walang nalalaman
sa wika ng bawat isa kaya nagkaroon sila ng tinatawag sa makeshift
language. Sa kaso ng mga Espanyol at katutubo ng Zamboanga,
nakalikha sila ng wikang may pinaghalong Espanyol at wikang katutubo.
Pidgin ang tawag sa nabuo nilang wika.

You might also like