You are on page 1of 1

Si Mang Domeng ay mahilig magtanim ng mga gulay at bulaklak sa

kanyang hardin. Ito ang kanyang pinagkakaabalahan sapagkat ito’y


nagdudulot sa kanya ng labis na kasiyahan. Mayroon siyang pananim
na pechay, kamote at okra. Sa bandang bakod naman ay may tanim
siyang gumamela at kumpol na mga rosas. Sa labis na pagkatuwa niya
sa paghahardin ay naisipan n’ya ring umukit ng mga disenyo na yari sa
bato, piraso ng kahoy, kawayan, inukit na mga pigura at orkids. Ang
kanyang hardin ay tila baga isang paraiso.

You might also like