You are on page 1of 3

Dulang Tagalog

I. Bago dumating ang Kastila

Bago paman dumating ang mga Kastila sa Pilipinas, maroon


nang dining at panitikan ang mga Sinaunang Pilipino. Karamihan sa
mga panitikan nila’y yaong mga pasalin-dila gaya ng mga bulong,
tugmang-bayan, bugtong, epiko, salawikain at awiting-bayan na
anyong patula; mga kwentong-bayan, alamat at mito na anyong
tuluyan at ang mga katutubong sayaw at ritwal ng babaylan bilang
pinakaunang anyo ng dula sa bansa.

May mga panitikan ring nasulat sa mga piraso ng kawayan,


matitibay na kahoy at makikinis na bato. Ngunit iilan na lamang ang
natagpuan ng mga arkeologo (archeologist) sapagkat batay sa
kasaysayan, pinasunog at pinasira ito ng mga prayle nang dumating
sila sa bansa sa paniniwalang ang mga ito’y gawa ng demonyo.

Dalawang Bahagi ng Matandang Panitikan

 Kapanahunan ng mga Alamat


Ang panahon ng mga alamat at sumasakop mula sa panahon ng
pagdating ng ikalawang pangkat ng Malay. Ang kanilang panitikan ay
pasalita lamang na binubuo ng mga mitolohiya, alamat, kwentong
bayan, mahiya, seremonya sa pananampalataya. Sumasambala sila sa
punong kahoy, araw at iba pang mga anito. Naniniwala din sila sa
pamahiin.
 Kapanahunan ng mga Epiko
Nagsimula sa pali-palibot ng mga taong 1300 A.D. at nag tatapos
sa panahon ng pananakop ni Legazpi noong taong 1565.

II. Panahon ng mga Kastila

Sa loob ng mahigit tatlong daang taon pananakop ng mga Kastila


ay namayani ang iba’t-ibang uri ng dulang secular at panrelihiyon.
Ayon kay Dr. Nicanor Tiongson, ang mga dulang secular ay idinaraos
bilang bahagi ng pagdiriwang sa pistang bayan, samantalang ang
mga dulang panrelihiyon ay napapanood bilang makulay na
paglalarawan ng mahalagang kapistahan at panahon sa liturhiya ng
simbahang Katoliko.

Ang mga uri ng dula na palasak sa panahong ito ay lubos na


mauunawaan kung muling susuriin ang tunay na dahilan ng
pagkakasakop ng mga Kastila sa ating bansa. Hindi kaila sa atin na
isa sa mga layunin ng mga Kastila ay ang gawing Kristiyano ang mga
Pilipino. Dahil namutiktik ang mga komedya na itinuturing na
pinakamahalaga at pinakasikat na dulang secular noong panahong
yaon. Samantala, pumalaot at nagningning ang senakulong batay sa
pasyong heneses, ang tulang-kasaysayan ng buhat at kamatayan ni
Hesukristo.

2
3

You might also like