You are on page 1of 14

Republika ng Pilipinas

Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyon IV – CALABARZON
Divisyon ng Cavite

BAITANG 7
IKAAPAT NA MARKAHANG PAGSUSULIT

Layunin: (F7PS-IVc-d-21) Nagagamit ang dating kaalaman at karanasan sa pag-unawa at


pagpapakahulugan sa kaisipan sa tula o akda.

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang inilalahad ng bawat saknong at piliin ang titik ng wastong
pahayag na naglalahad ng kaisipang ipinahihiwatig nito.
1.
Pagka’t marami sa puso
Talusira sa pangako
Sa pagsinta’y mapagbiro
Matuwaing masiphayo

a. Maraming lalaki ang mapagbiro


b. May mga lalaking gustong masiphayo
c. Marami ang lalaking di tumutupad sa pangako
d. May mga lalaking di tapat kung umibig

2.
Noon niya nakilala
Sa luma’t pangit pala
Tao’y huwag pakaasang
Walang tamis, walang ganda

a. Huwag umasa sa mga taong kakilala


b. Kilalanin muna ang tao bago manghusga
c. Ang bawat suliranin ay may kalutasan
d. Hindi dapat husgahan ang isang bagay sa panlabas na anyo

3. Manalig kang walang hirap


Na di nagtatamong-palad
Pag-masdan mo’t yaong ulap
Hinahawi ng liwanag

a. Ang bawat suliranin ay may kalutasan


b. Maniwala na di maghihirap
c. Kailangan manalig sa sariling kakayahan
d. Matutong magtiyaga at may mabuti itong ibubunga

4. Nasimulan nang Gawain


Ang marapat ay tapusin
Sa gawaing pabimbin-bimbin
Wala tayong mararating

a. Iwasan ang pagiging tamad


b. Ang mga gawaing naumpisahan ay dapat nating tapusin
c. Huwag ibitin at itigil ang mga gawaing naumpisahan
d. Upang magtagumpay sa buhay, ang adhikain ay gawin at tapusin
5.
Pagsapit ng katandaan
Nilakara’y tinitingnan
Pagsisisi ay tiyakan
Sa nagawang kamusmusan

a. Ang pagsisi ay laging nasa huli


b. Makikita ang kamalian sa katandaan
c. Dapat ay laging tingnan ang nilalakaran
d. Sa kamusmusan ay marami tayong nagagawang kamalian.

Layunin : (F7PN-Iva-b-18 ) Natutukoy ang mahalagang detalye at mensahe ng napakinggang


bahagi ng akda.

Panuto: Pakinggang mabuti ang ilalahad na pahayag o bahagi ng akdang tinalakay .Tukuyin ang
mahalagang detalye at mensahe nito sa pamamagitan ng pagpili ng tamang sagot mula sa mga
katanungang nakasulat sa ibaba.

(46) (47)
Nang sa haring mapakinggan Si Don Pedro’y tumalima
ang hatol na kagamutan, sa utos ng haring ama,
kapagdaka’y inutusan iginayak kapagdaka
ang anak niyang panganay. kabayong sasakyan niya.

6. Paano ipinakita ni Don Pedro ang kanyang tungkulin bilang isang mabuting anak?
a. Sa pamamagitan ng pakikinig sa amang hari
b. Sa pamamagitan ng pagsunod sa utos ng ama
c. Sa pamamagitan ng paghahanap sa gamot ng ama
d. Sa pamamagitan ng paghahanda sa kanyang mga gagamitin sa paglalakbay

(102) (103)
Nang makapamayagpag na Sa lambing ng mga awit
itong ibong engkantada, ang prinsipeng nakikinig,
sinimulan nang pagkanta mga mata’y napapikit
lubhang kaiga-igaya nakalimot sa daigdig.

7. Ayon sa saknong 103, ano ang nangyari sa prinsipe?


a. Ang prinsipe ay sandaling napaidlip.
b. Ang prinsipe ay nabingi sa awit ng ibon kaya’t ito ay napapikit.
c. Ang prinsipe ay inantok sa awit ng ibon kaya’t ito ay nakatulog.
d. Napigilan ng prinsipe ang kanyang antok kaya’t hindi siya nakatulog.

8. Anong kapangyarihan mayroon ang Ibong Adarna base sa mga saknong na napakinggan?
a. Ang Ibong Adarna ay nakakaawit.
b. Nakakapagpalit ng balahibo ang Ibong Adarna.
c. Kaya nitong gawing bato ang sinumang mapatakan ng kanyang dumi.
d. Nagagawa ng Ibong Adarna na patulugin ang sinumang makarinig sa awit nito.
Ang Bundok ng Armenya ay isang pook na maganda.Napaliligiran ito ng lahat ng
tanawing kaaya-aya. Ang mga punongkahoy dito ay punung-puno ng bunga na madaling
mapipitas.Kapag magbubukang-liwayway na,ang mga ibon ay nag-aawitan na.Sa damuhan
ay makikita ang mga maya,pugo’t kalaw na nagsasayawan.Kung malapit ka sa batisan,
maririnig mo ang hampas ng along wari mo ay nag-aawitan.

9. Ang talata ay nagpapahiwatig na ang Bundok ng Armenya ay ______________________.

a. Paraiso ang kaparis


b .Lugar para sa nagmamahalan
c. Magandang lugar na tirhan
d. Bundok na kaakit-akit pasyalan

“Hindi kaya bagaito


Ay sa Diyos na sikreto?
Anaki’y si Hesukristo
Ang banal na ermitanyo!”

10. Batay sa saknong kanino inihahalintulad ng nagsasalitang tauhan sa akda ang ermitanyo?
a. anghel
b. engkantado
c. Hesus
d. pastol

11.Mula sa saknong, ano ang masasalaming magandang pangyayari sa buhay ng isang tao?

O Birheng Inang marilag,tanggulan ng nasa hirap


Kahabagan di man dapat,ang aliping kapuspalad

a.kakikitaan ng katatagan ng loob at pagpapakumababa


b.Hindi nakakalimot manalangin sa Inang Birhen
c.Hindi naghihinanakit sa Lumikha
d. Hindi nawawalan ng pag-asa

12. Mula sa saknong ,tukuyin ang kahanga-hangang bagay na nangyari sa tauhan.

Sa libis ng isang bundok,may matandang sa susulpot


Mahinat uugud-ugod sa prinsipe ay dumulog

a.Hinayaan lang siya ng kanyang mga kapatid na maglakbay


b.Mayroon pa ring tao na handang tumulong sa kanya
c.Tumawag ng manggagamot ang kanyang mga kapatid
d.Tinulungan siya ng kanyang mga kapatid na maglakad

13. Mula sa saknong sa ibaba, anong ugali ang ipinakikita sa tula?

Hindi ko po mababata sa akiy ,malayo sila


Kaya po ibigay mo na,ang patawad sa kanila

a.Maunawain c.Mapagmahal
b.Matulungin d.Mapagpatawad
14. Malaki man po ang sala
Sa aki’y kanilang nagawa
Yaon po ay natapos na
Dapat kaming magkasama

Ayon sa saknong, paano naipahayag ang pagiging mapagmahal na kapatiid ni Don Juan?
a. Sa pamamagitan ng paghalik sa mga ito
b. Sa pamamagitan ng pagyakap sa kanyang mga kapatid
c. Sa pamamagitan ng pagpapatawad sa nagawang kasalanan ng kanyang mga kapatid
d. Sa pamamagitan ng paghingi ng tawad sa kanilang ama para sa kanyang mga kapatid.

15. Manalig kang walang hirap


Na di nagtatamong-palad
Pag-masdan mo’t yaong ulap
Hinahawi ng liwanag

Alin sa mga sumusunod, ang wastong mensaheng nais ipahayag ng saknong?


a. Maniwala na di maghihirap
b. Kailangan manalig sa sariling kakayahan
c. Matutong magtiyaga at may mabuti itong ibubunga
d. Ang bawat suliranin ay may kalutasan

Layunin:(F7PN – IVC- d – 9 )Nagmumungkahi ng mga angkop na solusyon sa mga suliraning naririnig mula
sa akda.
Panuto: Basahin ang ilang saknong sa ibaba at sagutin ang mga tanong.Piliin ang titik ng tamang sagot.

O birheng kaibig-ibig.
Ina naming nasa langit
Liwanagin yaring isip
Nang sa layo’y di malihis

Ako’y isang hamak lamang


Taong lupa ang katawan
Mahina ang kaisipan
At maulap ang pananaw.
16. Bakit kailangang maliwanag ang isip sa pagtupad ng mga layunin?
a. Upang malayo sa kapahamakan
b. Upang sa layunin ay di malihis
c. Upang makamit ang mga layunin
d. Upang di maaksaya ang panahon

17. Anong ipinakikitang katangian ng nagsasalita sa akda?


a. Siya ay mapanalanginin
b. Mahinang tao
c. Maawain sa sarili
d. Walang tiwala sa Diyos
18. Nabanggit sa saknong na siya’y hamak at mahina ang kaisipan. Anong katangian ang dapat taglayin ng isang
taong may gustong marating sa buhay?
a.May tiwala sa sariling kakayahan
b. Malaki ang pananalig sa Diyos
c.Masipag at matiyaga
d.Matalino at madiskarte
19. Sa dalawang saknong ng tula na binasa, mapapansin na ang nagsasalita ay may himig na pag-aalinlangan sa
sariling magagawa. Bakit mahalaga sa isang tao ang tiwala sa sarili?
a.Nagagawa ng tama ang mga gawain
b.Naiiwasan ang pagkakamali
c.Mas mabillis at may malilinis na kalalabasan
d. May maganda at tama na awtput

20. Kanino ba dapat higit na magtiwala lalo na sa mga panahon ng pagsubok?


a.Magulang
b.Kaibigan
c.Pulitiko
d. Sa maykapal
Layunin:(F7PD-IVc-d-18) Nailalahad ang sariling saloobin at damdamin sa napanood na bahagi ng telenobela
o serye na may pagkakatulad sa akdang tinalakay

Panuto: Basahin ang mahahalagang pangyayari sa isang telenobela o serye at pagkatapos ay sagutin ang mga tanong.
Isulat sa patlang ang titik ng tamang sagot.

Isang taong mahiyain si Isaac. Lumaki siya na lagi na ay sunud-sunuran sa kanyang mga magulang. Dahil
sabi nila siya ay mahina, hindi kayang tumayo sa sariling paa. Dagdag pa rito nahihiya siyang makisalamuha sa
ibang tao. Natatakot siya na lokohin at pagtawanan.
Naiiba siya sa kanyang mga kapatid, sapagkat sila ay litaw ang katalinuhan at buo ang tiwala sa sarili. Sila
ang namamahala sa kanilang kumpanya na kung saan kung sino-sino ang nakakasalamuha nilang tao para sa ika-
uunlad ng kanilang kumpanya. Dahil dito nakakaramdam siya ng pagka-awa sa kanyang sarili.

21. Lumaking mahiyain si Isaac sapagkat_______________


a. Natatakot siya na lokohin
b. Baka siya ay pagtawanan
c. Nahihiya siyang makisalamuha sa ibang tao
d. Di niya masabi ang kanyang saloobin
22. Naiiba siya sa kanyang mga kapatid sapagkat ang kanyang mga kapatid ay_______________
a. Matatapang
b. Matalino at may tiwala sa sarili
c. Mainitin ang ulo
d. Mababait
23. Ang pinakamainam na gawin upang matanggal ang hiya o pagiging mahiyain ni Isaac ay _______________.
a. Makipag-usap ng makipa-usap sa mga tao
b. Isipin na “Walang mangyayari kung laging mahihiya”
c. Magkaroon ng tiwala sa sarili
d. Sumunod ng sumunod sa sinasabi ng mga magulang
24. Ang nagpapatunay na si Isaac ay mahiyain ay_________________.
a. Siya ay mahinang taong
b. Natatakot na baka siya ay pagtawanan
c. Nahihiya siya na makisalamuha sa ibang tao
d. Hindi kayang tumayo sa sarili niyang paa.
25. Sa kabuuan, lihim na nakakaramdam si Isaac ng ________________.
a. Pagkaawa sa sarili
b. Kalungkutan
c. Kasiyahan
d. Kabiguan
Layunin: .(F7PN-Iva-b-18)Natutukoy ang mahahalagang pangyayari sa nilalaman ng saknong.

PANUTO:Tukuyin at piliin ang titik ng tamang sagot na nagpapakita ng mahahalagang pangyayari batay sa mga
nakasulat na saknong.

_______26..
Sa laki ng kalumbayan
di na siya napahimlay
nalimbag sa gunamgunam
ang buong napanagimpan.

Mula noo’y nahapis na


kumain man ay ano pa!
Luha at buntung-hininga
ang aliw sa pag-iisa!

Dahil sa masamang panaginip ,ang mahal na Haring Fernando ay labis na ________________


a. nalungkot at nagdusa
b. nabalisa at labis na nag-alala
c. nalumbay at laging nag-iisa
d. nawalan ng ganang mabuhay

_______27.
Ngunit laking pagtataka Walang isa mang dumapo,
ni Don Pedro sa napuna pagtapat ay lumalayo
ang punong napakaganda di man lang marahuyo
sa ibo’y nangungulila. sa sanga muna’y maglaro.

Batay sa nakasulat na mga saknong, wala ni isa mang ibon ang dumadapo sa Piedras platas dahil __________
a. Ang mga ibon ay naiilang sa kagandahan at kislap ng puno
b. Natatakot ang mga ibon dahil sa engkantong taglay ng puno
c. Natatakot ang mga ibon na maging bato sa oras na dumapo sa puno
d. Hindi dumadapo ang mga ibon sa puno pagkat batid nilang tahanan ito ng engkantadong Adar na

_______28. Urung-sulong magsalita Kaya sa kauukilkil


tumutol ay di magawa ni Don Pedro’y sumagot din,
sa takot na mapalisya na kung ating lilimii’y
umayon nama’y masama umiwas sa sagutin.

Ipinapakita ng saknong na ito na ______________

a. Hindi makapagsalita si Don Diego sa balak ni Don Pedro dahil sa takot.


b.Nalilito si Don Diego sa ibinulong na balak ni Don Pedro
c. Nagbago ng isip si Don Diego at tumanggi na gawin ang masamang balak
d. Napahinuhod at napapayag ng nakatatandang kapatid si Don Diego na bugbugin si Don Juan

_______29. Di takot na kagalitan, Bago mitak ang umaga


parusa ng magulang, Si Don Jua’y umalis na,
kundi paanong matatakpan wika’y “Ito ang maganda
ang nangyayaring kataksilan nagtatago ang maysala.”

Si Don Juan ay umalis upang __________________________


a. Hanapin ang Ibong Adarna at ibalik sa palasyo
b. Hanapin ang Ibong Adarna at iligtas mula sa kasalanan at parusa ang mga nakatatandang kapatid.
c. Magliwaliw kasama ang Ibong Adarna sa labas ng palasyo
d. Makaiwas sa galit at parusa ng amang haring si Don Fernando.
_________30.

Itinaas na ang kamay


at sa langit ang pananaw:
“Diyos na Makapangyarihan
ang bahala na po’y Ikaw.

“Ikaw,anak na suwail,
nawa’y makaalala rin,
sa ginawa mo sa akin
talaban ka ng dalangi.

_____________ni Haring Salermo sina Don Juan at Donya Juana nang ang mga ito’y di na niya naabutan.
a. Bingyan ng bendisyon
b. Isinumpa
c. Ipinagdasal na lamang
d. Kinawayan

Layunin: (F7PB-Ivg-h 23)Nakikilala ang positibo at negatibong katangian ng mga tauhan sa akda.

Panuto: Suriing mabuti ang bawat pahayag.Isulat ang P kung Positibo ang katangiang ipinakikita ng tauhan sa akda
at N kung ito’y Negatibo.

_______ 31. Sinusuri at nililimi ni Haring Fernando nang lubusan ang mga pangyayari bago magbigay ng
kahatulan.
_______32. Binigyan ng limos na tinapay ni Don Juan ang matandang leprosong kanyang nasalubong sa daan.
_______ 33. Napapayag di Don Pedro si Don Diego na bugbugin si Don Juan upang maagaw ang Adarna.
_______ 34. Sa gitna ng hirap at sakit ng katawan dahil sa pagtataksil ng mga nakatatandang kapatid ay iniisip pa
rin ni Don Juan ang kagalingan ng kanyang Ama .
_______ 35. Inggit at paghihiganti ang bumalot sa puso ng dalawang nakatatandang prinsipe habang
pinagmamasdan si Don Juan sa pagtulog.
_______ 36. Agad na umibig si Don Juan kay Donya Leonora matapos makilala at magpahayag ng pagliyag kay
Donya Juana.
_______ 37. Buo ang loob ni Don Juan na tinahak ang bundok na pupuntahan.
_______ 38. Dahil di na nakapagtiis kaya’t lumabas si Don Juan sa pinagkukublihan at ninakaw ang damit
ni Donya Maria .
_______ 39. Natagalan si Donya Maria sa paghahanap ng singsing kaya’t nakatulog si Don Juan sa paghihintay.
_______ 40. Gumawa ng lihim na sulat si Haring Salermo sa kapatid na nasa Inglatera na may pakanang
ipadadala doon si Don Juan upang ipakasal at kung di papayag ang binata ay ipapapatay.

Layunin:( F7PT-IVa-b-18)Naibibigay ang kahulugan at mga katangian ng korido.

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga pahayag.Ibigay ang mga katangian ng korido sa pamamagitan ng
pagbilog ng titik ng tamang sagot mula sa mga tanong na nasa bawat bilang.

41. Ang Korido ay isang anyo ng tulang pasalaysay na ang mga tauhan ay may kapangyarihang supernatural o
kakayahang magsagawa ng mga kababalaghan na hindi magagawa ng karaniwang tao, tulad ng pagpatag ng
bundok, pag-iibanganyo at iba pa.Dahil dito,ito ay nabibilang sa isang anyo ng tulang _________.
a. Balagtasan
b. Pandamdamin o liriko
c. Pandulaan
d. Romansa

42. Alin sa mga sumusunod ang hindi maituturing na katangian ng korido?


a. Sadyang para basahin hindi awitin
b. May walong pantig sa bawat taludtod
c. Ang himig ay mabagal o banayad, tinatawag na andante.
d. Ang pakikipagsapalaran ng mga tauhan ay malayong maganap sa tunay na buhay

43. Ang korido ay naiba sa awit dahil sa anong kadahilanan ?.

a. Ang mga tauhan ay may kapangyarihang supernatural.


b. Maaring maganap sa tunay na buhay ang mga pangyayar I .
c. May labindalawang pantig sa bawat taludtod.
d. Sadyang para awitin, inaawitsa tanging pagtitipon.
44. Ang Ibong adarna ay ginamit na paraan ng mga prayleng kastila upang _______________.

a. hikayatin ang mga katutubong Pilipino na magbasa

b. turuan sumulat at bumasa ang mga katutubong Pilipino

c. ituro sa mga katutubo ang pagpapahalaga at pananampalataya sa Diyos

d. palaganapin ang relihiyong Kristiyanismo sa Pilipinas

45. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang hindi dahilan kung bakit ang Koridong Ibong Adarna ay
ituturing na di katutubong anyo ng panitikan.
a. Hindi ito nasusulat sa katutubong salita ng mga Pilipino

b. Ang mga kasaysayan at pangyayaring inilalarawan nito ay hango sa ibang bansa.

c. Ayon ito sa pananampalatayan at pamumuhay ng ating mga ninuno.

d.Ang mga tauhan at tagpuan nito ay hindi makatotohanan at batay sa sistema ng ating lipunan.

Layunin: .(F7PT-Ivc-d-20)Nabibigyang kahulugan ang mga salitang nagpapahayag ng damdamin.

PANUTO:Basahin at unawain ang mga pahayag /akda at bigyan ng kahulugan ang mga may salungguhit na salita.
Titik lamang ang isulat.

46. Utang ko sa inyong habag, ang buhay ko’y di nautas. Ano ang kahulugan ng salitang may
salungguhit?
A. nawala C.namatay
B. nasira D.nabuwal
47. Ano kaya ang nararapat,iganti ng abang palad.Kahulugan ng salitang abang palad ay____.
A. kahabag-habag C. kamangha-mangha
B. kalunos-lunos D. kahila-hilakbot

Ito baga ang adarna


naitanong sa dalawa
kung ito nga’y ano baga
pagkapangit pala niya

O Birheng Inang marilag,


tanggulan ng nasa hirap
Kahabagan di man dapat,
ang aliping kapuspalad

48.Mula sa taludtod na kung ito nga’y ano baga,pagkapangit pala niya,anong ibig ipakahulugan ng
pahayag?
A. hindi makapaniwala ang hari sa nakita C. ayaw ng hari sa ibon
B. mali ang inuwing ibon ng magkapatid D. nagalit ang hari sa dalawa

49 .Ibigay ang kahulugan ng pahayag na kahabagan di man dapat,ang aliping kapuspalad


A.maawa sa mahihirap C.Iahon sa kahirapan ang mga tao
B.tulungan ang mga naghihirap D.tulungan ang mga inaapi

Layunin( F7PT-IVc-d-21 ) Nabibigyang kahulugan ang salita batay sa kasingkahulugan at kasalungat nito.

Panuto: Suriin ang salitang may salungguhit sa bawat pangungusap. Iguhit ang bituin ( ) sa panaklong ng
salitang kasingkahulugan ng may salungguhit; kahon ( ) naman kung kasalungat.

50. Inutusan ng panganay na kapatid na ihugos siya gamit ang tali upang marating ang ibaba ng balon.

( ) iakyat ( ) ibaba ( ) ihulog ( ) ibaon

51. Nais ng magkapatid na tarukin ang hiwaga ng balon.

( ) tuklasin ( ) balewalain ( ) usisain ( ) alamin


52. Tinantang ng nauna ang lubid bilang tanda ng pagnanais na umahon mula sa ilalim ng balon.

( ) binatak ( ) pinawalan ( ) niyugyog ( ) tinali

53. Sadyang ayaw sa gawang pabimbin-bimb in,nagpasya ang binatang ituloy ang naumpisahang gawain.

( ) tuloy-tuloy ( ) pamaya-maya ( ) patigil-tigil ( ) pabugso-bugso

54. Binusbos niya ang kaniyang palad gamit ang labaha at pinatakan ito ng dayap.

( ) biniyak ( ) hiniwa ( ) kinagat ( ) sinira

55. Ang mga prinsipe’y hinainan ng masasarap na pagkain.

( ) dinulutan ( ) hinandaan ( ) inalayan ( ) pinagkaitan

56. Kapwa nanangis ang magsing-irog sa naging kapalaran ng pag-ibig nila.

( ) nabahala ( ) sumigaw ( ) umiyak ( ) dumaing

57. Nagpasya ang dalagang ilahad sa hari ang kanyang hinakdal laban sa Prinsipe.

( ) galit ( ) hinanakit ( ) pagkagusto ( ) sama ng loob

58. Ipinasya nina Don Juan at Donya Maria na pansamantalang tumahan sa isang maliit na nayon malapit sa Berbnya.

( ) huminto ( ) maglagi ( ) manatili ( ) tumira

59. Lalong nadagdagan ang pangingimbulong naramdaman ng dalawang nakatatandang prinsipe sa panibagong
tagumpay ni Don Juan.

( ) pagdaramdam ( ) pagkainggit ( ) pagkayamot ( ) pagseselos

Layunin: ( F7PB-IVh-i-24 ) Natutukoy ang napapanahong mga isyung may kaugnayan kaugnayan sa mga
isyung tinalakay sa napakinggang bahagi ng akda.

Panuto: Tukuyin kung anong napapanahong isyu ang ipinakikita sa mga sumusunod na saknong. Piliin ang titik ng
tamang sagot mula sa HANAY B.

HANAY A Hanay B
________ 60.Pagkat marami sa puso
talusira sa pangako. a. Maraming kabataan sa kasalukuyan ang
sa pagsinta’y mapgbiro’t di marunong sumunod sa payo ng mga
mga tuwaing sumiphayo. magulang

________ 61. Kaila kaya sa inyo b. Ang pagkaiingit ng tao ay nagbubunga ng


na rito ang mga tao pagtataksil sa kapwa.
kapatid man at katoto
ay lihim na kaaway mo?
c. May mga lalaking mangingibig ang hindi
_______62. Kaya naging kasabihan tapat sa kanilang pagsuyo at ang pag-ibig
ng lahat na ng lipunan, sa dalaga ay isang biro.
sa langit ang kabanalan
sa lupa ang kasalanan.

________63. Datapwa’t O! ang inggit! d. Ang tao pagkaminsa’y di marunong


Sawang maamo’y malupit makuntento sa buhay
pag sinumpong na mangganid
panginoo’y nililingkis.
e. Maraming mga tao sa kasalukyan ang
________64. Tayo’y hindi masiyahan animo mabait ngunit mapagkunwari
sa abot na ng pananaw, at gumagawa ng masama sa kapwa.
iniimbot pa rin naman
ang lahat na ay malaman. f. Ang kapatid man at kaibigan kung minsan
ay di dapat pagkatiwalaan dahil nagiging
lihim na kaaway
________65. Sadyang ganyan tayong tao
habang bata’y walang tuto, g. May mga taong malulupit sa kapwa
labang-laban sa pagtungo’t
laging taas yaong ulo.

Layunin: ( F7PN-IVe-f-21 ) Nabibigyang-kahulugan ang napakinggang mga pahayag ng isang tauhan na


nagpapakilala ng karakter na ginagampanan nila.

Panuto: Suriin at bigyang –kahulugan ang mga pahayag na mapakikinggan na nagpapakilala sa mga karakter ng
akda.Piliin ang tamang sagot mula sa mga salitang nasa loob ng kahon.

a. pagkaduwag f. mapangahas
b. pagiging mabuting hari g. matulungin sa kapwa
c. may determinasyon h. pagiging taksil
d. matapat sa pag-ibig i. pagtulong na di naghihintay ng kapalit
e. mapanlinlang j. maunawaain at mapagpatawad

_______ 66. Sa kanyang pamamahala _______ 71. O, hindi ko natagalan


kaharia’y nanagana ang dilim na bumalabal
maginoo man at dukha sa sindak at katakutan
tumatanggap ng wastong pagpapala. para akong sinasakal!

_______ 67. Ugali ko pagkabata _______ 72. Nasimulan nang gawain


na maglimos sa kawawa, ang marapat ay tapusin
ang naipagkawanggawa sa gawang pabimbin-bimbin
bawiin pa’y di magawa. wala tayong mararating

_______ 68. Kaya ngayon ang magaling _______ 73. Pag-asa ko,aking giliw
si Don Juan ay patayin, buhay ka at darating din,
kung patay na’y iwan nati’t darating ka at hahanguin
ang Adarna nama’y dalhin. si Leonora sa hilahil.

_______ 69. Sila nawa’y patawarin _______ 74. Gayon pa ma’y tingnan natin
ng Diyos na maawain; sa bago kong hihilingin,
kung ako man ay tinaksil sa bigat nito marahil,
kamtan nila ang magaling. buhay niya’y makikitil

_______ 70. Kawanggawa’y hindi gayon _______75. Huwag ko pong maging sala
kung di iya’y isang layong ang sa damit mo’y pagkakuha
ang damaya’y walang gugol. ugali ng may pagsintan g
maging pangahas sa pita.
Layunin : ( F7PN-IVe-f-22 ) Nahihinuha ang maaaring mangyari sa tauhan batay sa napakinggang bahagi
ng akda.

Panuto : Pakinggang mabuti at suriin ang mga sumusunod na bahagi ng akda.Piliin ang titik ng tamang sagot na
nagpapakita ng maaaring mangyari sa mga tauhan.

________ 76. Oh, Birheng kaibig-ibig a. Kasisiyahan siya ng Birhen dahil sa pag-ibig
Ina naming nasa langit b. Magkakaroon ng kaliwanagan ang isip dahil sa Birhen
liwanagin yaring isip c. Magkakaroon ng kaayusan ang isip dahil sa patnubay
nang sa layon di malihis. ng Birhen
d. Natutunan ang paghanga at pag-ibig sa Birhen.

________ 77. Sa pag-ibig sa magulang a. Magiging matalino ang mga anak ng hari
mga anak ay dumangal, b. Magiging mabuting magulang ang hari sa mga anak.
maagang pinaturuan c. Magkakaroon ng karunungan ang mga anak magagamit
ng dunong na kailangan. sa magandang kinabukasan
d. Magiging mabuting mamamayan ang mga anak ng hari.

________ 78. Sa lambing ng mga awit a. Nahalina ang prinsipe sa tamis ng awit ng adarna
ang Prinsipeng nakikinig b. Nananaginip nang gising ang prinsipe habang nakikinig
mga mata’y napapikit c. Tinablan ng engkanto ang prinsipe at siya’y nakatulog
nakalimot sa daigdig. d. Nawala na sa katinuan ng isip ang prinsipe dahil sa awit
na narinig.
_________79. Hindi ka na nabalisa, a. Nagtatanong si Leonora kung nasaan na si Don Juan
gayong ako’y nasa dusa,
walang gabi at umagang b. Nakaramdam ng paghihinampo at pagtangis si Leonora kay
di ikaw ang aking pita. Don Juan

Ano’t iyong natitiis c. Nagdadalawang-isip si Leonora sa pag-ibig ni Don Juan


ako, sa ganitong sakit
di ba’t ikaw,aking ibig d. Nawala na ang pag-ibig ni Leonora kay Don Juan
ang aliw ko kung may hapis?

_______ 80. Hari sa sama ng loob a. Labis na nagdamdam ang hari sa pagkawala ni Donya
namahay na sa himutok Maria
araw-gabi’y walang tulog b. Nagkaroon ng matinding karamdaman ang hari dahil
ang hininga’y nangangapos. sa sama ng loob
c. Napagod ang hari dahil sa paghabol na ginawa kay
Don Juan at Donya Maria
d. Nawalan ng gana sa pagkain ang hari

Layunin: ( F7PB-IVg- h-23 ) Nasusuri ang mga katangian at papel na ginagampanan ng pangunahing tauhan
at mga pantulong na tauhan.

Panuto: Ibigay ang katangiang taglay ng mga sumusunod na tauhan .Piliin at isulat ang titik ng tamang
sagot mula sa mga katangiang nakatala sa ibaba.

A. Mapagmahal na anak at mapagpatawad na kapatid


B. Mapagmahal at ulirang asawa
C. Mainggitin, Taksil na kapatid
D. Madaling mapahuniho,walang paninindigan
E. Marangal at mabuting Reyno
F. Tapat na Kasintahan
G. Lilo at mapanlialang na Reyno
H. Matulungin
I. Maalalahanin at matapang na ipinaglaban ang pag-ibig
J. Mahiwagang nilalang
K. Mapaghiganti

_______ 81. Haring Fernando ________ 86. Prinsesa Leonora


_______ 82. Reyna Valeriana ________ 87. Donya Maria
_______ 83. Don Pedro ________ 88. Haring Salermo
_______ 84. Don Diego ________ 89. Ermitanyo
_______ 85. Don Juan ________ 90. Ibong Adarna

Layunin: (F7PU-IVc-d-19) Nakasusulat ng tekstong nagmumungkahi ng solusyon sa isang suliraning


panlipunan na may kaugnayan sa kabataan.
Panuto: Sumulat ng isang (1 ) talata na nagmumungkahi ng solusyon sa isang suliraning kinakaharap
ng mga kabataan –Ang Pag-iwas sa Droga o Ipinabababawal na Gamot. Isaalang-alang ang mga
Rubriks o Pamantayan sa pagsulat na nakatala sa ibaba. ( 10 PUNTOS )
Kaisahan ng Paksa……………………….. 3
Kaayusan sa pagsulat…………………….. 2
Malinaw na paglalahad ng mungkahi…….. 3
Orihinalidad………………………………..2
_________
KABUUAN 10
SUSI SA PAGWAWASTO

1. D 41. D 81. E
2. D 42. C 82. B
3. A 43. A 83. C
4. D 44. D 84. D
5. D 45. C 85. A
6. B 46. C 86. F
7. C 47. A 87. I
8. D 48. A 88. G
9. A 49. D 89. H
10.C 50. – IBABA 90. J
11.A 51 - BALEWALAIN
12. B 52. – BINATAK PAGSULAT - ( 10 Pts.)
13. D 53. – TULOY-TULOY Kaisahan ng Paksa…………3
14. D 54. - HINIWA Kaayusan sa Pagsulat- …….2
15. D 55. - PINAGKAITAN Kalinawan sa Paglalahad
16. B 56. - NABAHALA ng Mungkahi…….. 3
17. A 57. - PAGKAGUSTO Orihinalidad ……………….2
18. A 58. – HUMINTO ________
19. A 59. - PAGKAINGGIT KABUUAN 10
20. D 60. C
21. A 61. F
22. B 62. E
23.A 63. B
24.C 64. D
25. B 65. A
26.B 66. B
27.D 67. G
28.D 68. H
29.B 69. J
30.B 70. I
31. P 71. A
32. P 72. C
33. N 73. D
34. P 74. E
35. N 75. F
36. N 76. C
37. P 77. C
38. N 78. C
39. N 79. B
40. N 80. B
Republika ng Pilipinas
Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyon IV – CALABARZON
Divisyon ng Cavite

TALAHANAYAN NG ISPESIPIKASYON
Ikaapat na Pangkagawarang Pagsusulit
Baitang 7

Layunin Antas ng Aytem Domeyn Kinalalagyan

(F7PS-IVc-d-21)
Nagagamit ang dating kaalaman at
Katamtaman Pag-unawa 1- 5
karanasan sa pag-unawa at
pagpapakahulugan sa kaisipan
sa tula o akda.

(F7PN-Iva-b-18 )
Natutukoy ang mahalagang detalye at
Pagtukoy 6 - 15
mensahe ng napakinggang bahagi Mahirap
ng akda.

(F7PN – IVC- d – 9 )
Nagmumungkahi ng mga angkop na 16- 20
Katamtaman Pagtukoy
solusyon sa mga suliraning naririnig
mula sa akda.

(F7PD-IVc-d-18)
Nailalahad ang sariling saloobin at
damdamin sa napanood na bahagi ng Pagtukoy 21- 25
telenobela o serye na may pagkakatulad sa Madali
akdang tinalakay

(F7PN-Iva-b-18)
Natutukoy ang mahahalagang pangyayari sa Pagtukoy 26 - 30
nilalaman ng saknong. Mahirap

(F7PB-Ivg-h 23)
Nakikilala ang positibo at negatibong katangian Pagkilala 31- 40
ng mga tauhan sa akda. Madali

( F7PT-IVa-b-18)
Naibibigay ang kahulugan at mga katangian ng 41- 45
korido. Katamtaman Pagbibigay

(F7PT-Ivc-d-20)
Nabibigyang kahulugan ang mga salitang Madali Pagtukoy 46 - 49
nagpapahayag ng damdamin.

( F7PT-IVc-d-21 )
Nabibigyang kahulugan ang salita batay sa Madali Pagtukoy 50 - 59
kasingkahulugan at kasalungat nito.

( F7PB-IVh-i-24 )
Natutukoy ang napapanahong mga isyung may
kaugnayan kaugnayan sa mga isyung Katamtaman Pagtukoy 60 - 65
tinalakay sa napakinggang bahagi ng akda.
Layunin Antas ng Aytem Domeyn Kinalalagyan

( F7PN-IVe-f-21 )
Nabibigyang-kahulugan ang napakinggang
mga pahayag ng isang tauhan na Katamtaman Pagkilala
66 - 75
nagpapakilala ng karakter na ginagampanan
nila.

( F7PN-IVe-f-22 )
Nahihinuha ang maaaring mangyari sa tauhan Pagsusuri
Katamtaman 76 - 80
batay sa napakinggang bahagi ng akda.

( F7PB-IVg- h-23 )
Nasusuri ang mga katangian at papel na
Madali Pagsusuri 81 - 90
ginagampanan ng pangunahing tauhan
at mga pantulong na tauhan.

PAGSULAT
(F7PU-IVc-d-19)
Nakasusulat ng tekstong nagmumungkahi ng Mahirap Pagsulat
91 -100
solusyon sa isang suliraning panlipunan Komprehensyo
na may kaugnayan sa kabataan. n

______
100

You might also like