You are on page 1of 3

San Beda College

Kolehiyo ng mga Sining at Agham

KAGAWARAN NG FILIPINO

Maynila

Pangalan :

Camille B. Villaruz

Samuel M. Villena

Konseptong Papel sa pananaliksik sa Filipino 2

Paksa: Pinakamabisang Paraan ng Pag-iipon ng Pera Para sa mga Estudyante ng 1-AMC (SY:2014-
2015)

Rasyunal

Bilang mga estudyante ng Financial Management ay mahalaga na malaman naming ang tamang paraan
ng pagpapahalaga sa pera. Ayon sa Merriam Webster Dictionary, ang pera ay isang bagay na
pangkalahatang tinatanggap bilang isang daluyan sa pagpapalitan.Ito ay isang sukatan ng halaga o isang
paraan ngpagbabayad. Sa panahon ngayon, alam naman natin lahat na importante ang pera sa pang
araw- araw nating buhay. Sa darating na panahon , ang magiging trabaho naming ay tungkol sap era.
Kung kaya’t naisipan naming isagawa ang pananaliksik tungkol sa pag iipon. Dito aalamin namin ang
pinakamabisang paraan na ginagamit upang makapag-ipon ang mga estudyante.

Ang mga kabataan ang susi sa kaunlaran n gating bansa, kaya dapat habang bata pa lamang sila ay
matutunan na nila ang pag-iipon. Kaya naisipan naming gawing panauhan ang mga estudyante ng
marketing na nasa unang baiting, ikalawang semestre, taong 2014-2015. Ito ay upang malaman kung
ilan ba sa mga kabataan ngayon ang may tyaga o kakayahan, na makapag-ipon , kung sa anong paraan
nila isinasagawa ang pag-iipon , at bakit ito ang kanilang napiling paraan o sistema.
Ayon sa articulo ni Melchor V. Cayabyab, na pinamagatang PAG-IIMPOK: Ang Ating Puhunan sa
Kasaganaan , Gaano man kalaki ang kita natin sa ngayon ay mauuwi din ito sa wala kung hindi tayo
magiging masinop. Ang pag-iimpok ay isang salitang katulad din ng pag-iipon. Sinasabi din sa
artikulong ito na ang pag-iipon ay para sa tatalong bagay, ito ay para sa proteksyon ng kabuhayan, para
sa kinabukasan , at para pagtanda.

Ang pag-iipon o pag-iimpok ay may maaring isagawa sa iba’t ibang paraan, tulad ng , pagpapatago ng
pera sa kaibigan, pagpapatago ng pera sa magulang, paggamit ng alkansya, pagpapatago sa bangko na
walang ATM o pagpapatago sa bangkong mayroong ATM. Ang Automated teller machine o mas kilala
bilang ATM , ay ginagamit upang mas mapadali ang proseso ng pagkuha ng pera kahit malayo ka sa
mga bangko.

Layunin

Ang pangkalahatang layunin n gaming pag-aaral ay upang malaman ang pinakamabisang paraan ng pag
iipon para sa mga estudyante

Ang mga Tiyak na layunin ay

1. malaman kung nag iipon ang mga estudyante ng 1-AMC


2. malaman sa kung anong sistema nila isinasagawa ang kanilang pag iipon

Metodolohiya

Ang paraan ng aming pagsasaliksik ay palarawan.Bago mag simula ang pagsasaliksik ay hinati kami ng
guro ayon sa aming mga kurso.Sa unang araw ng aming pag aaral, binigyan kami ng aming guro ng
panahon upang makapagsaliksik sa kung anong paksa ang aming maaring talakayin na may kaugnayan
sa aming kurso. Pagkatapos naming makakuha ng paksa ay binigyan kami ng oras upang makahanap ng
mga impormasyon ukol sa paksang aming napili. Pagkaraan ng pagsasaliksik ng mga impormasyon ay
tinuruan kami n gaming guro kung paano gumawa ng isang konseptong papel.Nagsimula na kaming
gumawa ng indibidwal na konseptong papel at pinagsama-sama naming ang aming mga ideya upang
mabuo ang aming ipapasang konseptong papel.Pagnatapos na naming ang konseptong papel ay isa-isang
ituturo saamin kung paano gawin ang bawat parte ng aming pananaliksik. Kapag naipaliwanag na ng
mabuti ang bawat prosesong aming dapat pagdaanan upang maisagawa ang aming pag aaral ay
sisimulan na naming ang pag gawa ng “sarbey form”. Dito nakasulat dapat ang mga katanungan na kung
sila ba ay nag iipon, kung sa anong paraan nila iniipon ang pera at bakit ito ang paraan na kanilang
napili upang makapag ipon. Kapag natapos na namin ang pag papasagot ng sarbey ay maaari na naming
simulan ang aming pananaliksik. Hahatiin naming ng aking kagrupo ang mga dapat gawin sa
pananaliksik upang mag mapabilis ang paggawa nito. Ipapakita namin ang gawa naming sa aming guro
upang makapagbigay siya ng komento sa aming gawa. Babaguhin namin ang mga dapat baguhin sa
aming papel ayon sa komento ng guro at ipapasa ito ng malinis at maayos. Kapag naipasa na naming ito
sa guro at ito ay amprubado na ng guro ay magsisimula na kaming maghanda para saaming
pagpepresenta sa harap ng guro. Kami ay maghahanda ng mga tanong na maaring itanong ng aming
guro sa araw ng presentasyon na may kaugnayan sa aming paksa.Kami ng aking kagrupo ay mag
tatanungan upang masukat an gaming kaalaman sa paksa. Ito ang magiging estilo naming upang
makapaghanda sa darating na presentasyon. Gagawa din kami ng “powepoint presentation” upang
magsilbing “visual aids” sa aming presentasyon. Sa gabi bago kami humarap sa guro ay mag hahanda
kami ng pormal na damit na aming susuotin sa aming presentasyon.Aaralin naming ang bawat detalye n
gaming tatalakayin at ang mga salitang aming gagamitin. Matutulog kami ng maaga , kakain ng agahan ,
mag-aayos ng sarili nang magmukang malinis at mananalangin sa Dyos upang maging handa sa araw na
iyon. Sisiguraduhin naming darating kami ng maaga pa sa oras na itinakda samin ng guro at
sisiguraduhing nasunod ang mga plano at paghahanda naming sa araw na iyon. Papasok kami sa loob ng
silid-aralan kung saan nakaupong mag-isa ang guro upang makinig sa aming paksa. Babatiin naming
siya bilang pag galang at sisimulan ng ayusin ang mga kagamitang aming gagamitin sa pagtatalakay.
Kami ay magsisimulang magtalakay at ang guro ay mag tatanong sa kung anong gusto niyang linawin sa
aming tinatalakay , at sasagutin naming siya sa abot ng aming makakaya.Kapag natapos an gaming
pagtatalakay at wala naman ng karagdagang tanong ang guro ay magpapaalam kami ng pormal sa guro
at lalabas na ng silid.

Inaasahang Bunga

Sa katapusan ng aming pagsasaliksik ay inaasahan naming makuha ang mga opinyon ng mga estudyante
kung sila ba ay nag iipon at kung ano ba ang pinaka mabisang paraan ng pag iipon para sakanila. Ito ay
magsisilbing basehan ng mga tao upang makapag isip sila ng mas epektibong paraan ng pag iipon ng
pera.

You might also like