Professional Documents
Culture Documents
Isang Pananaliksik Ukol Sa
Isang Pananaliksik Ukol Sa
Ganap ng Mga
Magulang Ukol Sa
Edukasyon Sa Droga at
Bawal na Gamot
Inihanda nila: Mga Guro
Raymond Solar Gng. Salita
Alejandro Rey Bb. Vivas
Seksyon:
IV – San Danilo
I. Panimulang Pahayag
Ang sulating ito ay inihanda upang malaman ng sino mang makababasa lalo na ang mga
magulang, ang kanilang ganap sa pagtuturo sa kanilang mga anak ang tungkol sa droga at bawal
na gamot nang sa gayo’y mabigyan sila ng tamang konsepto tungkol sa nasabing paksa.
Ang isang gamot ay isang kemikal na karaniwang nasa pormang likido, o tabletas. Ito ay
nakakapagpabago sa pakiramdam ng tao. Ang wastong gamit ng isang gamot ay para
makapagpagaling ng sakit na nararamdaman ng isang tao. Kapag hindi nagging wasto ang
paggamit ng isang uri ng gamot ay maaari itong maging sanhi ng hindi ninanais na epekto sa
katawan at maaari ring magdulot ng malaking pagbabago sa pag-iisip ng isang tao. Ang maling
paggamit rin ng gamot ay sanhi ng pagkamatay.
Ang mga magulang ang itinuturing na unang guro ng kabataan. Sila ang umaantabay at
gumagabay sa kanilang paglaki. Darating ang panahong sila’y magtatanong tungkol sa bawal na
gamot. Kaya dapat sila ay may sapat na kaalaman tungkol sa usaping ito at ipaintindi sa kanila sa
pinaka-epektibong paraan ang mga epekto ng paggamit ng droga, ang tamang paggamit nito at
ang dapat na iwasang maling paggamit ng droga.
II. Mga Suliraning Gustong Sagutin Sa Pananaliksik Na Nais
Ang kabataan ang pag-asa ng bayan, kaya dapat lamang na sila’y maalagaan at mahubog sa
tamang paraan. Ang problema tungkol sa pang-aabuso ng droga ay hindi lamang nagaganap s
Pilipinas ngunit pati sa karamihan ng mga bansa. Buti at mayroong mga organisasyong
pandaigdig na patuloy na lumalaban rito.
Maraming suliraning dulot sa lipunan ang pag-abuso sa droga at ang ilan ay ang mga
sumusunod.
1. Paunti unting nababawasan ang mga kabataang dapat ay nasa mga paaralan.
2. Maraming kabataan ang napupunta sa paggawa ng krimen.
3. Marami ang namamatay dahil sa sobrang paggamit ng pinagbabawal na droga.
4. Dumarami ang mga kabataang pakalat-kalat sa lansangan.
5. Dagdag sa prosyento ng mga taong walang trabaho at hindi produktibo ang mga
umaabuso sa droga.
6. Dahil sa epekto ng gamot sa pagiisip ng tao ay nakagagawa sila ng mga maling desisyon
at gawain tulad ng pagnanakaw at pagpatay.
7. Ang pagrerebelde ng mga kabataang nasa impluwensya ng droga ay nagdudulot sa
kanilang magpalaboy-laboy sa kalsada o di naman kaya’y tumira rito.
8. Marami pang mga kabataan ang nahihikayat na mag-droga.
III. Artikulo na May Kinalaman sa Pananaliksik
Ang mga kabataang naturuan ng mga panganib ng bawal na gamot sa bahay ay sinasabing may
42 porsyentong tsansang hindi gumamit nito ayon sa website na www.Antidrug.com.
Nasasabirin sa site na dalawa sa tatlong teenedyer ang naniniwalang mawawala sa kanila ang
tiwala at respeto mula sa magulang kapag sila ay sumubok gumamit ng bawal na gamot. Hindi
na nakapagtataka na ang nasasabing “antidrug” ay ang mga magulang. Matibay ang koneksyon
ng mga magulang na magling makipag usap sa kanilang mga anak tungkol sa masasamang
epekto ng paggamit ng bawal na droga at ang mga anak na umiiwas sa panganib na ito.
Sa panahong umabot ang mga bata sa kanilang pagiging binata at dalaga, sila siguradong naka
engkwentro na ng maraming usapin at mga material na may nasasabi tungkol sa droga at alkohol.
Ayon naman sa site na www.talkingwithkids.org na ang pop culture ay punong puno ng mga
bagay na may kinalaman sa masamang bisyo, paggamit ng bawal na gamot at paginom ng
alkohol. Ngunit ang kanilang representasyon ay kadalasaang mali. Kadalasang ipinapakita sa
mga palabas sa t.v., pelikula, mga bidyogeyms na ang paggamit ng mga ito ay magandaat
maganda nang hindi ipinapakita ang mga masasamang epekto tulad ng maging lulong sa droga,
at ang mga kasamaang pisikal at mental.
Hindi natin maiiwasnag hindi gumamit ng gamot, pero kung tama lamang ang paggamit rito ay
makukuha natin ang pinakamagandang epekto nito. Kung ito naman ay gagamitin sa masama,
datapawat may mga epekto itong nakakapagpabuti ng pakiramdam ay makasisira naman sa ating
kalusugan.
Ang mga magulang ang siyang dapat na maging gabay ng kabataan upang sila ay magkaroon ng
mabuting kaalaman tungkol sa wastong paggamit ng gamot. Sila ang dapat magturo ng mga
masasamang epekto ng paggamit na pinagbabawal na gamot. Hindi man maiiwasan ang
magkaroon ng kaalaman ang kabataan tungkol sa mga epekto nitong nakapagpapabuti ng
pakiramdam, kung mayroon naman silang sapat na kaalaman tungkol sa masasamang epekto
nito, siguradong hindi na nila susubukan pang gumamit nito.
Kaya dapat magsimula ang laban kontra sa paggamit ng bawal na droga sa tahanan. Sapagkat
ang koneksyon ng magulang sa anak ay isang koneksyong mahirap putulin at matibay. Ang
pagmamahal ng isang magulang sa kanyang anak, at ang respeto naman ng anak sa kanyang
magulang ang nagbibigay lakas sa koneksong ito at dapat gamitin ito ng magulang upang
mapabuti ang kinabukasan ng anak at hindi mapunta sa maling landas.
X. Rekomendasyon
Dapat ay gumamit ang mga magulang ng mga katotohanan, hindi upang manakot kundi
upang paalalahanan sila.
Dapat ay isulong kasabay ng budget sa edukasyon ang pagdagdag sa budget upang
labanan ang bisyon ito.
Dapat makiisa ang mga magulang sa mga programang ginagawa ng mga LGU sa
kanilang komunidad laban sa drug abuse
Hikayatin ang kabataan na mag sports na lamang imbes na magdroga sa pamamagitan ng
programang katulad ng mga pa liga o sports fest sa baranggay.
XI. Pagpapasalamat/sanggunian
Nais pasalamatan ng mga may akda ang mga taong tumulong sa kanila sa paggawa ng
pananaliksik na ito. Maraming salamat sa mga guro na sila Gng. Salita at Bb. Vivas.
www.antidrug.com
www.talkingwithkids.org
www.teen-drug-abuse.org/read-more.htm