You are on page 1of 2

BRILLANTES, CATHELYN BLANCHE S.

CRIM 2-B

Bb. Gina Santos

ANG GURYON
1. ANYO NG TULA

Ito ay isang TRADISYUNAL NA TULA dahil ito ay may sukat, tugma at mga salitang may
malalim na kahulugan.

2. Kasiningan nito ayon sa

A. TUGMA

Tumaang di-ganap

Tugmaang matalinghaga

Tugmaang kariktan

Tugmaang bayan

B. SUKAT

Ang tulang “Ang Guryon” ay may teoryang lalabindalawahin sa bawat taludtod.

C. TONO O HIMIG

Nakapaloob sa tulang ito ang pagkamahinahon o pagkamababa ng salita dahil


naibibigkas nang madamdamin ang tulang isinulat.

D. PERSONA

Ang awtor ng tulang “Ang Guryon” ay si Ildefonso Santos ay gumamit ng ikalawang


persona.

E. IMAHE AT LARAWANG DIWA

Ang tulang ito ay gumamit ng simpleng lipon para mas higit na maintindihan ng
mambabasa. Sapagkat ito ay nakabatay sa Teoryang Imahismo, dahil mayaman sa imahe
ang tulang aking nabasa na may karaniwang ideya lamang at upang mas madaling
maunawaan ng mga mambabasa ang ano mang damdamin, kaisipan, ideyan o saloobin
ng nais ipahayag ng tula. Ang tulang ito ay sumisimbolo sa buhay ng tao.

3. MENSAHE O PANGUNAHING KAISIPANG NAIS IPARATING


Ang tulang “Ang Guryon” ay tungkol sa pangangaral ng ama sa kanyang anak.
Inihahalintulad ng guryon o saranggola ang buhay ng tao na kung saan ang guryon ang
pangarap ng tao na gustong makamit sa buhay. Tulad ng ng guryon ang buhay ay
marupok, malikot, minsan mababa at mataas, ung paano ang tamang pagbalanse nga
mga bagay sa buhay ng tao. Maraming maaaring kaharapin ang bawat isa sa atin.
Katulad ng isang guryon maaaring ang buhay ng tao ay dumaan sa maraming pagsubok
na tiyak susubok sa atin. Pero tulad din ng guryon tayo rin dapat ay magpatuloy sa
paglipad patungo sa ating pangarap. Hindi dapat tayo sumuko kung may mga unos man
tayong kakaharapin bagkos dapat nating tatagan ang ating oob at magpatuloy sa buhay.

“Ang mapagkumbaba ay kinalulugdan ng Diyos, kaya huwag magmataas.” (Santiago 4:6)

You might also like