You are on page 1of 16

KABANATA 21

ANG
PANGALAWANG
PAG-UWI
AT PAGTATAG NG
LA LIGA FILIPINA
PAGDATING SA PILIPINAS, KASAMA ANG KANYANG
KAPATID NA BABAE
HUNYO 26, 1892
Dumating na ng Maynila si Rizal kasama ang kanyang kapatid na
si Lucia.

Nagtungo siya sa Malacañang para kausapin si Gobernador


heneral na si Eulogio Despujol, nagkaroon si Rizal ng pagka
kakataong makausap ito at pumayag na patawarin ang ama ni
Rizal ngunit hindi ang ibang miyembro ng kanyang pamilya
at sinabihan na siya ay bumalik sa Miyerkules.

Binisita niya rin ang kanyang mga babaeng kapatid


na nasa lungsod.
PAGBIBISITA SA MGA KAIBIGAN SA
GITNANG LUZON

HUNYO 27, 1892


Umalis si Rizal sa Maynila at binisita niya ang mga
kaibigan sa Malolos, San fernando, Tarlac at
Bacolor, mainit siyang sinalubong at inasikaso sa
mga tahanan ng kanyang mga kaibigan.

Ang mga ito ay mabubuting makabayan, na


nakikiisa at nakikisimpatiya sa krusadang
repormista, at kinuha niya ang oportunidad na
batiin sila nang personal at matalakay sa kanila ang
mga suliraning bumabagabag sa mga kababayan.
PAGTATATAG NG LA LIGA FILIPINA

HULYO 3, 1892

Dumalo si Rizal sa isang pulong ng mga makabayan


sa tahanan ng mestisong Tsino-Pilipinong si Doroteo
Ongjunco sa Kalye Ylaya, Tondo, Maynila.

Ipinaliwanag ni Rizal ang layunin ng La Liga


Filipina, isang ligang sibiko ng mga Pilipino, na
nilalayon niyang itatag at ang mga papel na
gagampanan nito sa panlipunan at pang-
ekonomiyang buhay ng taumbayan
MGA INIHALAL NA PAMUNUAN NG BAGONG
LIGA AY BINUBO NG MGA SUMUSUNOD:

Pangulo : Ambrosio Salvador

Kalihim: Deodato Arellano

Ingat – yaman : Bonifacio Arevalo

Piskal : Agustin De la Rosa


ANG KONSTITUSYON NG LA LIGA
FILIPINA
Ang layunin ng La Liga Filipina gaya ng isanasaad ng
konstitusyon nito ay ang mga sumusuonod:

 Mapag-isa ang buong kapuluan sa isang katawang buo,


malakas, at magkakauri
 Proteksiyon ng bawat isa para sa pangangailangan ng
bawat isa
 Pagtatanggol laban sa lahat ng karahasan at kawalang
katarungan
 Pagpapaunlad sa Edukasyon, agrikultura, at
pangangalakal
 Pag-aaral at pagpapairal ng mga pagbabago
Ang motto ng La liga Filipina ay: Unus Instar Omnium
(bawat isa’y katulad ng lahat)

Ang ma tungkulin ng mga miyembro ng


liga ang mga sumusunod:
Sundin ang mga utos ng Kataas-taasang Konseho
Tumulong sa pangangalap ng mga bagong
miyembro
Mahigpit na panatilihing lihim ang mga desisyon
ng mga awtoridad ng Liga
Magkaroon ng ngalang-sagisag na di maaring palitan
hanggang di nagiging pangulo ng kanyang konseho
Iulat sa piskal ang anumang maririnig na makaaapekto
sa Liga
Kumilos na matuwid na siyang dapat dahil siya’y
mabuting pilipino , at
Tumulong sa kapwa kasapi sa anumang oras .
PAGDAKIP AT PAGKULONG KAY RIZAL SA FUERZA
SANTIAGO

HULYO 6, 1892
Nagtungo si Rizal sa Malacañang upang
ituloy ang pakikinayam sa Gobernador Heneral,
sa panayam na ito, nagpakita si Despujol ng
mga ilang nailimbag na babasahin na di umano
ay natagpuan sa loob ng punda ng unan ni
Lucia.
Ang mga subersibong babasahin ay
pinamagatang “Pobres Frailes” na isinulat ni
Padre Jacinto . Mahigpit itong tinanggi ni Rizal
na ang mga babasahing iyon ay nasa kanya o
nasa bagahe ni Lucia, ngunit dinakip parin siya.
Dinala at sinamahan ni Ramon Despujol sa
Fuerza Santiago at dito ay naging inkomunikado
si Rizal.
HULYO 7, 1892

Nang sumunod na araw, inilathala ng


Gaceta de Manila ang pagkakadakip kay Rizal,
na nagdulot ng kaguluhan at pagkagalit sa
maraming Pilipino, lalo na sa mga kasapi ng
bagong tatag na La Liga Filipina.
PAGPAPATAPON SA DAPITAN
HULYO 15, 1892

Dinala si Rizal, na may mahihigpit na


tanod, sa barkong Cebu na papuntang
Dapitan, ang barkong ito ay nasa
pamamahala ni Kapitan Delgras, ang
barko ay dumaan ng Mindoro at
Panay at dumating sa Dapitan ng
Linggo ika -17 ng Hulyo.
Mga dahilan kung bakit ipapatapon si Rizal:

Naglathala si Rizal ng mga aklat at babasahin


sa ibang bansa, na nagpapakita ng kanyang
pagtataksil sa Espanya at hayag na nagpapakita
ng “pagiging Anti -Katoliko”

Natagpuan sa isa sa mga bagahe ang isang


bulto ng babasahing pinamagatang pobres
frailes kung saan nilibak ang mapagtimpi at
mapagkumbabang pagbibigay ng mga Pilipino.
Ang kanyang nobelang El Filibusterismo
nay inihandog sa tatlong traydor(Burgos,
Zamora, Gomez), at sa pamagat ng pahina.

Ang tunguhin ng kanyang pagsisikap at


pagsusulat ay mawasak sa mga tapat na Pilipino
ang mga yaman ng ating banal na
pananampalatayang katoliko.
Nang gabing iyon
sinimulan ni Rizal ang
buhay-desterado sa
malungkot na Dapitan na
magtatagal hanggang
Hulyo 31, 1896 sa haba
ng apat na taon.
MARAMING
SALAMAT SA MGA
NAKINIG!
^_^
BY: ROWNEL CEREZO GAGANI

You might also like