You are on page 1of 3

DON MARIANO MARCOS MEMORIAL STATE UNIVERSITY

MID-LA UNION CAMPUS

CATBANGEN, SAN FERNANDO CITY, LA UNION

COLLEGE OF MANAGEMENT

SOSYO-LIT 101

ATEIJERA, CATHRINE ANTONETTE J.

DEINLA, ARJAY M.

MAPILI, BRENDA M.

NERI, JAYVIE ANNE H.

OBRA, VANESSA A.

OLIGO, KRISTINE B.

PADILLA, HAZEL A.

PIMENTEL, GWEN R.

BSBA II-A

1st Semester SY 2019-2020


LABAN SA INHUSTIYA

NI GREGORIO V. BUTUIN JR.

I.

Pagkakaisa ng manggagawa’y kailangan na

Upang baguhin itong bansa’t bulok na Sistema

Huwag hayaang maghari ang pagsasamantala

Wakasan na ang kabulukan ng trapo’t burgesya

II.

Manggagawa’y lagi ng pinagsasamantalahan

Batayang karapatan nila’y nilalapastangan

Ng mga tiwaling opisyal sa pamahalaan

Ah, dapat nang patalsikin iyang mga gahaman!

Hustisya sa lahat ng obrerong pinahirapan

III.

Anong dapat gawin sa mga may bitukang halang?

Na karapatan ng mga obrero’y hinaharang

Walang prinsipyo silang sinasamba’y pera lamang

Mga halang silang dapat sa apoy dinadarang


Karamihan ng mga manggagawa ngayon ay nasa hindi maganda at nakakaawang kalagayan –
pagkakaroon ng mababang sweldo, walang regular na trabaho at tinatratong parang hayop sa mga pagawaan
o kaya ng mga amo na nakakataas sa kanila. Ang mga manggagawa ay nagpapawis sa pagtatrabaho nguni’t
parang hindi ito napapansin at napapabayaan ng gobyerno. Lahat ng paksyon ng burgesya sa bansa ay
nananawagan ng pagkakaisa, pagmamahal sa bayan at pagpapaunlad ng bansa pero ito ay isang pantakip sa
kanilang pansariling hangarin upang madepensahan ang naghihingalong bulok na Sistema. Ipinapakita na
walang maaasahang paggalang sa karapatang pantao ng mga manggagawa lalong-lalo na sa magsasaka sa
gobyerno. Pang-aabuso sa kapangyarihan at pagsasantabi sa dignidad ng mga nasa laylayan ng lipunan. Gaya
nga ng sinabi ni Gloc 9 sa kantang Hari ng Tondo na “Sa kamay ng iilan umaabusong kikilan. Ang lahat ng
pumalag walag tanong ay kitilan, ng buhay, hukay, luha’y magpapatunay na kahit hindi makulay kailangang
magbigay pugay sa kung sino ang lamang mga bitukang halang”. Pera na lamang ang umiikot sa mga utak ng
mapanliit na gobyerno. Sariling kapakanan lamang ang iniisip hindi ng lahat ng tao.

You might also like