You are on page 1of 11

1.

A.) Vertical Analysis - A technique for analyzing financial statements that uses

percentages to show the relationships of each stated item to the total, which is 100 percent of the

figure in a single statement.

B.1) Surindig – Patindig na Pagsusuri (Surihalang pag Horizontal Analysis)

B.2) Patayo na pagsuri sa Pahayag ng Kita

C.1) Dinamikong Paglikha ni Almario at Malayang Pagsasalin ni Newmark

C.2) Isahang pagtumbas at Pagdadagdag o Pagbabawas ni Newmark

D.) Analysis – Batay sa aking pagdadalumat ay masyadong simple ang salitang Vertical

Analysis kapag isinalin ng isa-isang tumas, kaya naman ay ginamitan ko ito ng malayang

pagsasalin ng sa ganon ay mag tunog natatangi at astetiko ang tunguhing wika. Gayunpaman, ay

hindi ito nalalayo sa orihinal na konteksta. Paano? Dahil ang salitang Surindig ay pinagsamang

salita na Pagsusuri at Patindig o sa ibang salita ay Patindig na Pagsusuri na siyang magsisilbing

ginhawa sa komunikasyon ng mga nangangasiwa sa korporasyon at ng kanilang tagatuos sa

tuwing hihiling ng taunang pagsusuri sa pahayag ng kita.

2.)

A.) Volatile - Tending to rapid and extreme fluctuations.

B.) Pabago-bago

C.) Gamiting Katumbas o Pagdedekulturalisa ng Wika ni Newmark


D.) Analysis – Batay sa aking pagdadalumat, ang salitang volatile ay malalim na salitang

pinagmulan dahil ang volatil ay nagmula pa sa wikang espanyol na volare kung saan ang ibig

sabihin ay to fly na siyang naging salin sa larangan ng pagtutuos kasi tinutukoy nito ang pagtaas

ng halaga sa pera na siyang nagreresulta sa pagbabago-bago.

3.)

A.) Volume - Total number of stock shares, bonds, or COMMODITIES futures contracts

traded in a particular period.

B.) Kabuuan

C.) Leksikal na Sinonim, Gamiting Katumbas at Kinikilalang Salin ni Newmark

D.) Analysis – Batay sa aking pagdadalumat ay tanyag ang salitang volume dahil isa

itong generic term. Mahirap isalin kung hindi pagbabatayan ang leksikal at gamit nito. Bagkus

ay maari tinutukoy nito ay ang bulto o parte ng mga pahayagan o di kaya ay tumutukoy ito sa

lakas ng tunog sa pakikinig ng musika. Kaya naman ay naisipan kong gamitin ang katumbas

nitong gamit at leksikal na sinonim upang maisalin ng wastos ang salitang Volume na tumutukoy

sa Kabuuan o dami nito kung ang pagbabatayan ay pumapatungkol sa pagtutuos.


4.)

A.) Wholesale - The sale of goods in large quantities, especially to a person or

COMPANY that plans to sell them at retail.

B.) Lansakan

C.) Dinamikong Paglikha ni Almario, Malayang Pagsasalin at Modulasyon ni Newmark

D.) Analysis – Batay sa aking pagsusuri ay minarapat kong gamitan ng modulasyon o

punto de bista ni Newmark ang salitang wholesale dahil ayon sa kahulugan nito ay nasa pananaw

ng nagbebenta (seller) ang nasabing salita at kung ilalapat ito sa kabilang punto de bista ay

magbibigay ng ibang kahulugan at salin ito kasi ang pagbili naman ang pandiwa. Lansakan na

galing sa salitang Lansak na kumakatawan sa isang grupo o maramihan at dinugtungan ko na

lamang ng -an na kadugtong ng salitang bagsakan. Kaya’t kung pagsasamahin ay Lansakan o

maramihang pagbili ng isang bagsakan lamang.


5.)

A.) Wholesaler - Middleman or distributor who sells mainly to retailers, jobbers, other

merchants, and industrial, commercial, and institutional users as distinguished from consumers.

B.) Mamamakyaw

C.) Leksikal na Sinonim at Semantiko ni Newmark

D.) Analysis – Batay sa aking pagsusuri ay may dalawang pwedeng salin ang salitang

wholesaler maaring mamamakyaw o di kaya ay tagapagtinda, magtitinda, o tindero. Ngunit mas

minabuti ko na gamitin ang mamamakyaw dahil sa astetiko nitong tunog at gamit. Ang tindero

kasi ay tumutukoy sa maliliit at hamak lamang ang mga paninda, sapagkat ang mamamakyaw ay

matapang ang tunog na kapag pinakinggan ay kasing-katulad ng salitang swapang dahil sa

inaako nito sa pagbebenta ay pang maramihan na hindi katulad ng tindero na kakaunti lamang.

6.)

A.) Work in Progress - INVENTORY account consisting of partially completed goods

awaiting completion and transfer to finished inventory.

B.) Bahagyang ganap na paninda

C.) Leksikal na Sinonim at Pagdadagdag o Pagbabawas ni Newmark

D.) Analysis – Batay sa aking pagdadalumat ay malayo ang sinimulang wika sa magiging

tunguhing wika bagkus ito ay tumukoy sa paninda ng isang industriya ng pagmamanupaktura.

Kung isasalin ng isahang tumbas ay magiging “kasalukuyang pagtatrabaho” o “tuluyang

pagtatrabaho” na malayong-malayo sa kahulugan nitong tumutukoy sa imbentaryo o paninda.


Kaya naman ay gumamit ako ng leksikal upang matumbasan ang kahulugan ng salita at

nagdagdag ng salita upang hindi mawala ang layunin at konteksto nitong pagtukoy sa paninda.

7.)

A.) Working Interest - Direct participation with UNLIMITED LIABILITY, as

distinguished from passive LIMITED PARTNERSHIP shares.

B.) Kabahagian ng kinita

C.) Gamiting Katumbas at Deskriptibong Panumbasan ni Newmark

D.) Analysis – Makikita ang pagkakalayo ng simulaang wika sa tunguhing wika sa unang

basa, ngunit hindi. Batay sa aking pagdadalumat ay maraming posibleng kahulugan ang

sinimulaang wika at pwede itong maging “Nagtatrabahong tubo” o di kaya ay “Gumagalaw na

patubo”. Kaya naman ay minarapat ko na gumamit ng paraang katumbas nito ang gamit at

katumbas din nito ang ibinigay na deskripsyon. Kabahagian dahil tumutukoy ito sa bahagi ng

isang namumuhunan sa kinikita ng kanyang pinundar na interes sa isang paggawa.


8.)

A.) Wrap-Around Mortgage - Second MORTGAGE which conveniently expands the

total amount of borrowing by the mortgagor without disturbing the original mortgage.

B.) Labis na singil ng tubo

C.) Deskriptibong Panumbasan at Pagdadagdag o Pagbabawas ni Newmark

D.) Analysis – Batay sa aking pagsusuri ay isa lamang sa mga pinahabang salita ito na

generic lang din naman ang kahulugan nito. Gayunpaman ay ginamit ko ang deksriptibong

pagtumbas sa salitang wrap-around mortgage. Hindi pwede na gamitin ang Isa-isang

pagtutumbas o ang sinonim nito dahil magiiba ang depinisyon ng tunguhin wika kung

mangyayari, ang resulta ay Paikot na pagbalot sa isinangla.

9.)

A.) Working Papers - (1) Records kept by the AUDITOR of the procedures applied, the

tests performed, the information obtained, and the pertinent conclusions reached in the course of

the AUDIT. (2) Any records developed by a CERTIFIED PUBLIC ACCOUNTANT (CPA)

during an audit.

B.) Talaan ng Pasiya

C.) Gamiting Katumbas ni Newmark

D.) Analysis – Batay sa aking pagdadalumat, ang working papers ay hindi literal na

nagtatrabahong mga papel kapag isinalin. Kaya ay ginamit ko ang paraan ni Newmark sa

pagsasalin na kung saan ibinibigay ng depinisyon ang gamit nito. Sa talaan ng pasiya naka lagay

lahat ng katibayan sa mga nakuwenta ng auditor. Pasiya ang aking napiling salin dahil ang
pinaka huling produkto ng isang auditor ay ang kanilang opinion o pasiya na nakatala sa working

papers.

10.)

A.) Worksheet - A type of working paper used as a preliminary step in the preparation of

FINANCIAL STATEMENTS.

B.) Talaan ng Sagot

C.) Modulasyon

D.) Analysis – Batay sa aking pagsusuri ay ginamit ko ang modulasyon ni Newmark na

kung saan nakabatay ang pagsasalin sa punto de bista ng magsasalin. Dito ay ginamit ko ang

papanaw ng isang estudyante ng batsilyer ng agham sa pagtutuos bagkus ay gamit-gamit nila ang

worksheet para sa paglalapat ng sagot sa mga sinasagutang problema ng korporasyon.

11.)

A.) Write-Off - Charging an ASSET ACCOUNT to EXPENSE or LOSS.

B.) Tanggalin sa listahan

C.) Leksikal na sinonim, Isahang Pagtutumbas at Pagwawasto ni Newmark

D.) Analysis – Batay sa aking pagdadalumat ay simple lamang ang salita ngunit may

iba’t-ibang kahuluan kaya na mas minarapat ko na gamitin ang leksikal. Halimbawa ay ang

Write na ang ibig sabihin ay magsulat, ngunin taliwas ito sa kung ano ang tunay na konteksto
nito. At gumamit din ako ng paraan ng isahang pagtutumbas na may kasamang pagwawasto

upang hindi magtunog mangmang ang naisaling salita pag pinakinggan.

12.)

A.) Wage - Payment for services of employees at an hourly rate.

B.) Sahod at Paga

C.) Kinikilalang Pagsasalin at Modulasyon ni Newmark

D.) Analysis – Batay sa aking pagdadalumat ay madalas na naririnig ang salitang ito sa

araw-araw na pamumuhay. Napili kong gamitin ang paraan ng modulasyon dahil pwedeng naka

batay ang salin sa punto de bista ng nagpapasahod o ng sumasahod. Galing sa salitang latin na

salarium ang salitang sahod na nangangahulugang salt o asin na siyang naging midyum sa

palitan ng kalakal noon. At sa punto de bista naman ng nagpapasahod, ang salin nito ay Paga na

ang ibig sabihin ay bayad o pagbabayad. (dacion en pago)

13.)

A.) Voidable - CONTRACT that can be annulled by either party after it is signed because

FRAUD, incompetence, or another illegality exists or because a right of rescission applies.

B.) Naiiwasan

C.) Gamiting Katumbas at Deskriptibong Panumbasan ni Newmark


D.) Analysis – Batay sa aking pagdadalumat ang isang kontrata na voidable o annullable

ay wasto maliban kung napatunayang ng hukuman na nagkasala ang taong iyon, at dahil dito ay

maaring maiwasan ng taong naapektuhan ang kontrata at ibalik ng taong nagkasala ang mga

nakuha niya sa taong naapektuhan. Ginamit ko ang gamiting katumbas na pamamaraan dahil ito

ang may pinakamalapit na saling maibibigay para sa salitang voidable, bagamat galing ito sa

salitang void ngunit ay may mas malakas pang katangian ito kaysa sa voidable na magsasanhi

nang taliwas na ideolohiya at konteksto. Ginamit ko rin ang paraan ng Deskriptibong

Panumbasan dahil nakasaad sa deskripsyon na pwede itong i-annul o sa madaling salita ay

maiwasan.

14.)

A.) Volatility - Characteristic of a SECURITY, commodity, or MARKET to rise or fall

sharply in price within a SHORT-TERM period.

B.) Pagkasumpungin

C.) Kultural na Katumbas

D.) Analysis – Batay sa aking pagdadalumat ay maihahambing ang salitang volatility sa

isang pag-uugali ng mga Pilipino, bagaman ay tumutukoy ito sa mga pera. Kultura at asal na ng

mga Pilipino ang pabago-bagong mood o kalooban, may oras na masaya ka at bigla-bigla ka na

lamang malulungkot na kung tawagin sa kulturang Pilipino ay Sumpong. Kaya naman

naihalintulad ko ito sa salitang volatility kasi tumutukoy ito sa biglaang paggalaw sa presyo ng

salapi o ng mga sapi (stocks). Ngayon ay mataas yan, mamaya ay babagsak din iyan.
15.)

A.) Weighted-Average-Cost Method - An AVERAGE-COST METHOD procedure for

determining the cost of ENDING INVENTORY under the PERIODIC INVENTORY SYSTEM

B.) Weighted-Average-Cost Method

C.) Transference o Adapsyon ni Newmark

D.) Analysis – Batay sa aking pagsusuri ay mas magandang mapanatili ang salita at

hiramin ito ng buo at walang pagbabagong gagawin, dahil kung isasalin ito ay magkakaroon ng

panibagong kaisipan at malamang sa malamang ay magbabago rin ang kahulugan at malinaw na

iba na ang magiging gamit kung mangyari. Hindi naman pwede na isalin ito ng isahang

pagtutumbas halimbawa ay “Gitnang Halaga ng Naguguol na Pamamaraan”, mawawala ang

pinaka diwa nito.

16.)

A.) Working Capital - Excess of CURRENT ASSETS over CURRENT LIABILITIES.

B.)

C.)

D.) Analysis -
Sa mga papel na ito ay iyong matutuklasan ang kakaiba at natatanging katangian ng Wiking
Filipino. Karagadan ay iyong matutunghayan din ang mga pagsasalin ng wika na pumapatungkol
sa disiplina ng pag-aaral sa agham ng pagtutuos.

17.)
A.) Vesting
B.) Ginampanang Ginahawa
C.) Semantiko at Pagdadagdag
D.) Batay sa aking pagdadalumat ay pumapatungkol ang salitang vesting sa benepisyong
natatanggap ng trabahador sa maypagawa. Ginamit ko ang semantiko at pagdadagdag sa
pamamaraan ng pagsasalin dahil mas malapit ito sa orihinal na depinisyon ng sinimulaang wika.
Ginampanan dahil nakipagsundo ka sa tagapangasiwa mon a gagampananan mo ang natitirang
taon sa pagtatrabaho kapalit ng ginahawang makakamit sa pagreretiro.

18.)
A.) Walkthrough - The most effective means for an AUDITOR to confirm his
understanding how internal control over financial reporting is designed and operates to evaluate
and test its effectiveness.
B.) Pagunawa sa Sistema
C.) Pagdadagdag, Gamiting Katumbas at Deskriptibong Panumbasan ni Newmark
D.) Batay sa aking pagdadalumat ay malayo ang naitalagang salita sa kanyang
depinisyon, Kung gagamitan ito ng literal na pagsasalin ay magiging “Lakad sa pamamagitan
ng” – walang saysay. Makikita wala ni kahit anong relasyon ang mga salita at tanging ang pag-
intindi lang sa kahulugan ang makakatalung sa pagsasalin. Kaya ay gumamit ako ng katumbas na
gamit nito at dinagdagan upang maging madulas ang bigkis.

19.)
A.) Warrant - Option to purchase additional SECURITIES from the issuer.
B.)
C.)
D.)

You might also like