You are on page 1of 22

Ano ang Panitikan?

• Ito ay isang sangay ng karunungan na naglalahad ng mga damdamin, saloobin, gawi, paniniwala,
pananampalataya, at kultura sa pangkalahatan ng isang lipunan; isinatitik ng malikhain at
mahusay na binuo ng mayamang guni-guni at karanasan.
Ang salitang Panitikan ay nagmula sa panlaping PANG-na nagiging PAN-kapag inuunlapi sa salitang-
ugat na nagsisimula sa D, L, R, S,at T.Sa salitang-ugat na TITIK, na nakakaltasan ng T at nagiging [-ITIK]
kapag nauunlapian. At sa hunlaping –ANna ang ibig sabihin ay proseso o paraan Samakatuwid,
PANG+TITIK= PAN+TITIK= PANITIK+AN = PANITIKAN

• Mga Anyo ng Panitikan


1. tuluyan o prosa – tumutukoy ito sa maluwang na pagsasama-sama ng mga salita sa loob ng
pangungusap. Nasusulat ito sa karaniwang takbo ng pangungusap o pagpapahayag.
2. tula o panulaan – ito ay ang pagbubuo-buo ng pangungusap o parirala sa pamamagitan ng salitang
binibilang na pantig sa taludtod na pinagtugma-tugma
 
• Mga Genre o Uri ng Panitikan
Ang dalawang anyo ng panitikan ay binubuo ng mga uri ng panitikan. Ang tiyak na uri ng panitikan ay
tinatawag na GENRE. Bawat genre ay naglalahad at nagsasalaysay ng iba’t ibang layunin at pumapaksa
sa maraming uri ng bagay o pilosopiya.
1.KATHANG-ISIP (FICTION)
-ang mga manunulat ay gumagawa ng akda mula sa kanilang imahinasyon. Ang mga kuwento ay hindi
totoo kagaya ng maikling kuwento,nobela at iba pa.
2. HINDI KATHANG -ISIP
-ang mga panulat na batay sa tunay na pangyayari katulasng talambuhay, awtobiyograpiya, talaarawan,
sanaysay ang mga akdang pangkasaysayan
 
Mga akdang Tuluyan o Prosa
• Alamat – isang uri na kung saan nagkukuwento ito tungkol sa mga pinagmulan ng mga bagay-
bagay sa daigdig. Minsan sa mga pinagmulan nga mga hayop or mga halaman.
• Anekdota – akdang isinalasaysay ang mga kakaiba o kakatuwang nangyari sa buhay ng isang
sikat, o kilalang mga tao.
• Nobela – o tinatawag ding kathambuhay, ito ay isang mahabang kuwentong piksyon na binubuo
ng iba’t ibang kabanata.
• Pabula – akda kun saan mga tauhan ay mga hayop
• Parabula – o tinatawag ding talinhaga, ito ay mga maikling kuwentong may aral na kalimitang
hinahango mula sa Bibliya.
• Maikling Kuwento – ito ay hinggil sa isang mahalagang pangyayaring kinasasangkutan ng isa o
ilang tauhan ,may iisang kakintalan o impresyon at may kaakibat na suliranin nakapaloob sa
akda. Isa itong masining na anyo ng panitikan.
• Dula – uri na hinahati sa pamamagitan ng yugto at kadalasang isinalaysay sa mga teatro.
• Sanaysay – maiksing komposisyon na kalimitang naglalaman ngpersonal na kuru-kuro ng may-
akda.
• Talambuhay – isinalaysay ito ng kasaysayan ng buhay ng isang tao na base sa mga tunay na
impormasyon.
• Talumpati – isinalysay nito ang mga kaisipan o opinyon ng isang tao upang humikayat,tumugon,
mangatwiran, magbigay ng kaalaman o impormasyon at maglahadng isang paniniwala.
• Balita – nagpapahayag sa mga kasalukuyang kaganapan sa labas at/o loob ng isang bansa 
• Kwentong Bayan – uri na sumalaysay ng mga likhang-isip na mga tauhan na kumakatawan sa
mga uri ng mamamayan
 
Mga Akdang Patula
• tulang Pasalaysay – tumutukoy sa mga pinapaksang mahahalagang mga tagpo opangyayari sa
buhay, ang kagitingan at kabayanihan ng tauhan.
• Awit/Korido at Kantahin – musikang magandang pinakikinggan.
• Epiko – isinalaysay ang kabayanihan atpakikipagtunggali ng isang tao o mga tao laban sa mga
kaaway na kadalasang hindi mapaniwalaan dahil sa mga tagpuang makababalaghan at di-
kapani-paniwala.
• Balad – uri o tema ng isang tugtugin.
• Sawikain – tumutukoy ito sa:
– idioma – isang uri ng sawikain pagpapahayag na ang kahulugan ay hindikomposisyunal.
– moto – parirala na nagpapahiwatig ng sentimiento ng isang grupong mga tao
– salawikain – mga kasabihan o kawikaan.
• Bugtong – pangungusap o tanong na may iba o nakatagong kahulugan.
• Tanaga – tumutukoy ito sa mga maikling katutubong Pilipinong tula na naglalaman ng pang-aral
at payak na pilosopiyang ginagamit ng matatanda sa pagpapagunita sa mga kabataan. 7777
• Haiku. 575

“Ang limitasyon ng aking wika ay siyang limitasyon ng aking mundo.”


–  Ludwig Wittgenstein

Panahong Katutubo/PreKolonyal/
Bago Dumating ang mga Kastila
Ang panitikan sa panahong ito ay…
• Karaniwang pasalin-dila (oral)
• Tumatalakay sa paraan ng pamumuhay (way of life) ng ating mga ninuno
• Nagpapatunay na MAY SIBILISASYON/KABIHASNAN na ang mga katutubo sa Pilipinas bago pa
dumating ang mga Kastila
• Matatagpuan din sa mga palayok, banga, kawayang bumbong (isang species ng bamboo) atbp.
kung nakasulat

Anyo ng Panitikan sa
Panahong Katutubo
• Alamat
• Kwentong Bayan
• Epiko
• Awiting Bayan
• Bugtong
• Salawikain at Kasabihan

Iba’t Ibang Epiko


• Bidasari (Moro)
• Tatuang, Tulalang, Tuwaang (Bagobo)
• Parang Sabir (Moro/Tausug)
• Haraya (Bisaya)
• Maragtas (Bisaya)
• Kumintang (Tagalog)
• Biag (Buhay) ni Lam-Ang (Ilokano)
• Ibalon (Bicolano)
• Bantugan (Muslim/Maranao)
• Labaw Donggon (Ilongo)
• Handiong (Bikol)
• Hudhud (Ifugao)
• Alim (Ifugao)
• Hinilawod (Bisaya)
• Indarapatra at Sulayman (Magindanaw)

Awiting Bayan
• Oyayi/hele (pagpapatulog ng bata)
• Kalusan (paggawa)
• Kundiman (pag-ibig)
• Diona (kasal)
• Kumintang/tagumpay (pandigma)
• Dalit/himno (pagsamba sa anito/panrelihiyon)
• Dung-aw (pagdadalamhati/pagluluksa sa patay)
• Soliranin (pagsasagwan)
• Talindaw (pamamangka)

Mga Bugtong
• Gintong binalot ng pilak/pilak na binalot ng balat. (itlog)
• Hindi hayop, hindi tao/walang gulong tumatakbo.(agos ng tubig)
• Dahong pinagbungahan/bungang pinagdahunan.(pinya)
• Bumili ako ng alipin/mataas pa sa akin.
(sombrero)
• Pinihit ko si kaibigan, bumukas ang daanan.
(susi)
• Nang bata’y submarino, nang tumanda’y eroplano. (lamok)
• Natuwa ang nawalan, nagalit ang nakakuha.(utot)
• Prutas na kaysarap kainin, may itim na perlas kung hatiin.(papaya)
• Isang pindot ng daliri, impormasyo’y sari-sari.(internet)
• Tubig sa kaitaasan, ang ulo’y bilugan. (niyog/buko)

Salawikain at Kasabihan
• Ang hipong palatulog, inaanod ng agos.
• Kung may isinuksok, may madudukot.
• Ang magtanim ng hangin, bagyo ang aanihin.
• Kung may tiyaga, may nilaga.
• Umiwas sa baga, sa apoy nasugba.
• Ang maniwala sa sabi-sabi, walang bait sa sarili.

Panahon ng
Kolonyalismong Espanyol
Ang panitikan sa panahong ito ay…
• Karaniwang pasulat
• Tumatalakay sa paksang panrelihiyon
• Salamin ng kulturang Kanluranin (western)
• Karaniwang nakasulat sa wikang Espanyol

Mga Unang Aklat na Nilimbag


• Doctrina Cristiana (bilinggwal na katesismo; aklat ng mga panalangin atbp.)
Hal. “Ylan po ang Dios?” “Isa po laman, datapuat may tatlon persona.”
• Nuestra Señora del Rosario (novenario; aklat ng nobena/debosyon sa Mahal na Birhen)

Bersyon ng Pasyon
• Padre Gaspar Aquino de Belen
• Luis Guian
• Padre Mariano Pilapil (pinakagamitin ang kanya)
• Padre Aniceto dela Merced

• Mission
The University of Batangas provides quality education by promoting personal and professional growth
and enabling the person to participate in a global, technology and research driven environment.
• Vision
We envision the University of Batangas to be the center of excellence committed to serve the broader
community through quality education.
• Philosophy
The University of Batangas, a stock non-sectarian, private educational institution, believes in the pursuit
of knowledge, values and skills necessary for the preservation and improvement of the Philippine society.
It has faith in the dignity of the human person, in the democratic process, in the reward for individual
excellence, and in the freedom of a person to worship God according to his conscience. Thus, the
institution believes that the development of the individual as a person and worker is an effective means in
building a better family, community and nation, and a better world.
Objectives
The University of Batangas aims to:
1. Pursue academic excellence through a continuing search for and application of truth, knowledge
and wisdom via traditional and alternative modes of instructional delivery.
2. Promote morale and spiritual development through an integrated educational process that will
enhance human character and dignity;
3. Develop cultural, economic and socio-civic conscience through an educational content relevant to
national development needs and aspirations and;
4. Strengthen involvement in community services through varied economic and environmental
projects;
5. Attain institutional self-reliance through responsive programs for staff, facilities and system
development;
6. Ensure financial viability and profitability.

SOSYEDAD AT LITERATURA (PANITIKANG PANLIPUNAN


• PANITIKAN
- Ayon kay Arogante (1983),talaan ng buhay ang panitikan.
- Ayon naman kina Salazar (1995:2), ang panitikan ay siyang lakas na nagpapakilos sa alinmang
uri ng lipunan.
- Ayon naman kay Webster(1947), ang panitikan ay katipunan ng mga akdang nasusulat na
makikilala sa pamamagitan ng malikhaing pagpapahayag, aestetikong anyo, pandaigdigang
kaisipan at kawalang maliw.

Ano ang tunnay na panitikan?


• Ang tunay na panitikan ay pagpapahayag ng kaisipan, damdamin, karanasan at panaginip ng
sangkatauhan na nasusulat sa masining o malikhaing paraan, sa pamamagitan ng isang
aestetikong anyo at kinapapalooban ng pandaigdigang kaisipan at dahil nasusulat ang panitikan,
natitiyak ang kawalang maliw nito.

Uri ng panitikan
Batay sa paraan ng pagsasalin, ang panitikan ay maaaring pasalin-dila o pasulat.
• Pasalin-dila ang panitikan kung ito ay naisalin sa ibang henerasyon sa pamamagitan ng bibig ng
tao.
• Pasulat ang pagsasalin ng panitikan magmula nang matutunan ng tao ang ang sistema ng
pagsulat.
Batay naman sa anyo, ang panitikan ay maaring mauri bilang Tuluyan/Prosa o Patula.

MGA AKDANG TULUYAN O PROSA


-ang isang panitikan ay tuluyan kung ito’y nasusulat sa karaniwang takbo ng pangungusap at sa
patalatang paraan.

HALIMBAWA NG AKDANG TULUYAN O PROSA


NOBELA
- Ay isang mahabang salaysayin ng mga kawing-kawing na pangyayari na naganap sa mahabang saklaw
ng panahon, kinasasangkutan ng maraming tauhan at nahahati sa mga kabanata.

Uri ng Nobela batay sa isa o ilang sangkap nito


• Nobela ng pangyayari
-binibigyang-diin ang mga pangyayari
• Nobela ng tauhan
-binibigyang-diin ay ang katauhan o personalidad ng pangunahing tauhan
• Nobela ng romansa
- Kung ang nobela ay nakatuon sa pag-iibigan
• Nobela ng pagbabago
- Kung ang diin ng akda ay ang paghahangad ng may-akda ng mga pagbabago sa lipunan at
pamahalaan.
• Nobela ng kasaysayan
- Kung ang nagsasalaysay ng mga pangyayaring kaugnay ng kasaysayan ng isang bayan.

MAIKLING KWENTO
- Ay isang salaysay ng isang mahalagang pangyayaring kinasasangkutan ng isa o ilang tauhan at may
isang kakintalan o impresyon.

Uri ng maikling kwento batay sa sangkap na binibigyang-diin


• pangkatauhan
- Binibigyang-diin ang katauhan o ang personalidad ng pangunahing tauhan.
• makabanghay
- binibigyang-diin ay ang pagkakawing-kawing ng mga pangyayari sa katha.
• pangkapaligiran
- Kung ang kwento ay nakatuon sa tagpuan
• pangkatutubong-kulay
- Kung ang akda ay nakatuon sa paligid, kaayusang panlabas at kakanyahang pampook ng isang
lugar o komunidad
• pangkaisipan
- binibigyang-diin sa katha ay ang kaisipan o ang makabuluhang diwang taglay
• sikolohikal
- Kung ang akda ay nakatuon sa paraan ng pag-iisip ng pangunahing tauhan.

DULA
- Uri ng panitikan na isinusulat upang itanghal sa entablado o tanghalan.
ALAMAT
- Salaysaying nauukol sa pinagmulan ng mga bagay-bagay.
PABULA
- Salaysaying kinasasangkutan ng mga hayop, halaman at maging ng mga bagay na walang buhay na
kumikilos at nagsasalita na wari ba’y tunay na tao.
PARABULA
- Kwentong hango sa Banal na Kasulatan.
ANEKDOTA
- Maikling salaysaying may layuning umaliw o magbigay aral sa mga mambabasa.
SANAYSAY
- Pagpapahayag ng kuru-kuro o opinyon ng isang may-akda hinggil sa isang suliranin o paksa.
TALAMBUHAY
- Kasaysayan ng buhay ng isang tao.
BALITA
- Paglalahad ng mga pang-araw-araw na pangyayari sa lipunan, pamahalaan, sa mga lalawigan at
iba pa.
TALUMPATI
- Isang pagpapahayag na binibgkas sa harap ng mga tagapakinig.

MGA AKDANG PATULA


-yaong nasusulat sa taludturan at saknungan. Ang mga taludtod ay maaaring may sukat at tugmaan o dili
kaya’y malayang taludturan na nangangahulugang walang sukat at tugma.

APAT NA URI NG AKDANG PATULA


• Tulang Pasalaysay
• Tulang Pandamdamin o Liriko
• Tulang Padula o Dramatiko
• Tulang Patnigan

TULANG PASALAYSAY
- Kwento ng mga pangyayari at nasusulat nang patula, may sukat at tugma.
• Uri ng Tulang Pasalaysay
EPIKO
- Tulang nagsasalaysay hinggil sa kabayanihan, katapangan at pakikipagsapalaran ng isang
pangunahing tauhan sa gitna ng mga pangyayaring hindi kapani-paniwala.
AWIT AT KORIDO
- Patulang salaysay na paawit kung basahin.
Ang awit ay may taludtod na labindalawahing pantig at ang korido naman ay may wawaluhing pantig
ang bawat taludtod.
• Tulang Pandamdamin o Liriko
- Tulang tumatalakay sa marubdob na damdamin na maaaring ng may-akda o di kaya’ ng ibang tao.
• Uri ng Tulang Pandamdamin o Liriko
AWITING-BAYAN
- Maikling tulang binibigkas nang may himig.
SONETO
- Tulang may labing-apat na taludtod hinggil sa damdamin at kaisipan at karaniwang naghahatid
ng aral sa mambabasa.
ELEHIYA
- Tulang nagpapahayag ng panimdim dahil sa pagyao ng isang minamahal.
DALIT
- Tulang inaawit bilang papuri sa Diyos o Mahal na Birhen.
PASTORAL
- Mga tulang naglalarawan ng paraan ng pamumuhay sa bukid.
ODA
- Isang tulang paghanga o pagpuri sa isang bagay.
• TULANG PADULA O DRAMATIKO
- mga tulang isinasadula sa entablado o iba pang tanghalan.
• TULANG PATNIGAN
- Ito ay mga laro o paligsahang patula na noo’y karaniwang isinasagawa sa bakuran ng mga namatayan.
• Kabanata I
Panahon bago dumating ang Kastila
• PANAHON NG KWENTONG BAYAN
Nakapaloob dito ang mga kwentong bayan kantahing bayan, at karunungang bayan.
• Mito
• tradisyonal na kuwento na binubuo ng isang partikular na relihiyon o paniniwala. Karaniwang
ipinaliliwanag sa kwento na ito kung paano nagkaroon ng hangin, mga karagatan at iba pang
likas na mga kaganapan.
• Naglalahad ito hinggil sa langit, lupa, anito, daigdig, hayop, ibon at maging diyos at diyosa.
• Mga kilala’t popular na mga mitolohiya sa Pilipinas
Bathala
kilala rin bilang Maykapal. Ang siyang lumikha ng lahat at ng buong sanlibutan. Inihahambing sa Diyos
ng mga Kristyano.
• Mga kilala’t popular na mga
mitolohiya sa Pilipinas
Aswang
pinaniniwalaang nakakasindak, maaaring diyos o tao na kumakain ng kapwa tao, pinapaniwalaan ng iba
na may mga pakpak at tanging gising kung gabi kung kailan madilim para maghanap na makakain gaya
ng mga sanggol at mga buntis.
• Mga kilala’t popular na mga
mitolohiya sa Pilipinas
Duwende
maliliit na tao na may mga mahiwagang kapangyarihan
• Mga kilala’t popular na mga
mitolohiya sa Pilipinas
Kapre
halimaw na higante at sobrang mabalahibo, nakakatakot at pinaniniwalaang mahilig sa tabako
• Mga kilala’t popular na mga
mitolohiya sa Pilipinas
Maligno
nilalang na nahahati sa mabuti at masama, nagbibigay sila ng gantimpala o kaya ay gumaganti.
• Mga kilala’t popular na mga
mitolohiya sa Pilipinas
Manananggal
may kakayahang magbago ng anyo tuwing kabilugan ng buwan, nahahati ang katawan at may pakpak.
• Mga kilala’t popular na mga
mitolohiya sa Pilipinas
Tikbalang
mala-kabayo o kaya ay kalahating kabayo-kalahating tao
• Mga kilala’t popular na mga
mitolohiya sa Pilipinasa
Tiyanak
sanggol na nagiging halimaw at sa tuwing sasapit dilim at kabilugan ng buwan, lalong mabangis. Para
makaakit ng bibiktimahin, iiyak ito na parang sanggol na itinapon kung saan, kaaawaan ng makakarinig at
susubukang sagipin.
• Mga kilala’t popular na mga
mitolohiya sa Pilipinasa
Amanikable
diyos ng karagatan
• Mga kilala’t popular na mga
mitolohiya sa Pilipinasa
Apolaki
diyos ng araw, patron ng mga mandirigma

• Alamat
Nagsasaad ito ng hinngil sa pinagmulan ng mga bagay, pook,pangyayari,. Ito ay kiihang isip lamang kaya
salat sa katotohananan at di*kapani*paniwala bagamat kakikitataan ng mga kaugaliang Pilipino.
• Mga haliimbawa ng Alamat
• Alamat ng pinagmulan ng Pilipinas
• Alamat ng Bayabas
• Alamat ng Pinya
• Ang Alamat Ng Buwan At Mga Bituin
• Ang Alamat ng mga Unang Alitaptap
• Ang Alamat Ng Pinagmulan Ng Lahi
• Ang Alamat ng Rambutan

• Panahon ng Epiko tulang Bayani


Ito ay isang tulang pasalaysay na ang karaniwang paksa ay tungkol sa pakikipagsapalaran, katapatan at
kabayanihan ng mga tao noong unanh panahon.
• Mga Halimbawa ng Epiko o Tulang Bayani
• Biag ni Lam* ang
• Inadarapatra at Sulayman
• Bantugan
• Bidasari
• Epiko ng mga Bisaya
• Maragtas
• Haraya
• Lagda
• Hari sa bukid

• Bugtong
Tinatayang siya ang pinaka matandanguri ng tula na binubuo ng mga piling salita na may talinhaga at
pinasasagot sa kausap sa pamamagitan ng paghuhula.

Halimbawa ng Bugtong
• Sa Pula, sa Puti Iskwelahang munti
• Kay lapit-lapit na sa mata, di mo pa rin makita.
• Dalawang punsu-punsuhan, ang laman ay kaligtasan.
• Tatlong bundok ang tinibag, bago narating ang dagat.
• Isang hukbong sundalo, dikit-dikit ang mga ulo.

Bulong
Tinatawag itong “Incantations”. Ginagamit ito bilang pangkukulam o pang eengkanto.

Pamahiin
Ang pamahiin o superstition ay  isang paniniwala o kasanayan na kadalasang na hindi batay sa dahilan at
walang pang-agham o siyentipikong katotohanan. Gayunpaman, ang mga pamahiin ng mga matatanda
ay nagagawang impluwensiyahan ang pag-uugali ng mga Pilipino sa iba’t ibang paraan
Ayon sa matatanda, ang hindi pagsunod sa mga pamahiin ay magdudulot ng kamalasan sa buhay ng tao.
Mula pa noong unang panahon, ang ating mga ninuno ay sinusunod na ito. Maging sa makabagong
henerasyon, lalo na yung mga nakatira sa mga malalayong lugar o probinsya ay isinasabuhay pa rin ang
mga pamahiing ito.

Halimbawa ng Pamahiin

Mga Pamahiin sa Patay, Burol at Libing


• Huwag lumapit sa patay kapag may sugat dahil hindi ito gagaling.
• Huwag matutulog na paharap sa pinto dahil hihilahin ni kamatayan.
• Iwasang mauntog ang kabaong kapag inilalabas ng bahay para hindi mahirapan ang kaluluwa ng
namatay.
• Kailangang gumising kapag may dumaang karo ng patay dahil baka isama ng namatay.
• Kapag mayroong pumasok na paniki sa loob ng inyong tahanan, ito ay nangangahulugang
mayroong taong mamamatay.
• Halimbawa ng Pamahiin

Mga Pamahiin sa Paliligo


• Huwag maliligo bago magsugal.
• Huwag maliligo kapag ikaw ay gutom.
• Huwag maliligo matapos kumain.
• Huwag maliligo ng gabi dahil puputi ang dugo.
• Huwag maliligo pagkatapos magsimba.
• Huwag maliligo sa araw ng Biyernes.

Palaisipan
Ang palaisipan ay isang suliranin o uri ng bugtong (enigma) na sinusubok ang katalinuhan ng lumulutas
nito. Sa karaniwang palaisipan, inaasahan na lutasin ang palaisipan sa pamamagitan ng pagsama-sama
ng mga piraso sa isang lohikal na paraan para mabuo ang solusyon. 

Halimbawa ng palaisipan
• Nang aking bilhin ito ay parisukat, nang aking buksan ito ay naging pabilog, At nang aking kainin
ito ay naging tatsulok. Ano ito?
• Si Pedro ay ipinanganak sa Canada Ang tatay niya ay Pinoy, Ang Nanay niya ay Chinese Siya ay
biniyagan sa Spain, Lumaki siya sa Italy, Nagkapamilya siya sa India namatay siya sa Hongkong.
Anong tawag sa kanya?

Salawikain
Ang mga salawikain, kawikaan, kasabihan
Wikain o sawikain ay mga maiiksing pangungusap na lubhang makahulugan at naglalayong magbigay
patnubay sa ating pang-araw-araw na pamumuhay. Naglalaman ito ng mga karunungan.

Halimbawa ng Salawikain
Salawikain: Pagkahaba-haba man ng prosisyon sa simbahan din ang tuloy.
Kahulugan: Sa tinagal-tagal man ng samahan ng magkasintahan, sa bandang huli ay humahantong din
ito sa kasalan.
Salawikain: Nasa Diyos ang awa, nasa tao ang gawa.
Kahulugan: Hindi sapat na tayo ay humingi ng awa sa Diyos, kailangan din natin na pag-ukulan ng sikap
at gawa upang matamo ang mimithing biyaya.

Kasabihan
• Mother Goose Rhymes
• Naglalahad ng mga malilikot na kaisipang bata na masaya at mapanudyo.
• Ang kasabihan ay bahagi na ng kulturang Pilipino. Ang mga itoy sabi sabi lamang ngunit nagiging
palasak na sa paglipas ng panahon.
• Halimbawa ng Kasabihan
• Ang batang makulit, napapalo sa puwit.
• Ang batang matalino, nag-aaral ng husto.
• Ang batang iyakin, nagiging mutain.
• Ang gumagawa ng kabutihan, hindi matatakot sa kamatayan.
• Dapat lahat tayo ay magpakabuti, sapagkat ang kamatayan ay nakasunod parati.
• Ang batang matapat, pinagtitiwalaan ng lahat.
• Ang batang hindi matapat, ay masahol pa sa isang ahas sa gubat.
• Ang gumagawa ng kabutihan, hindi matatakot sa kamatayan.
• Ang nagsasabi ng tapat, ay nagsasama ng matagal.

PANAHON NG KASTILA

LAYUNIN NG MGA KASTILA SA PAGSAKOP SA PILIPINAS


 palaganapin ang katolisismo
 palawakin ang kapangyarihan sa mga sakop na bansa
 paghanap ng mga “spices” o pampalasa, yamang-likas at hilaw na materyales para matustusan
ang mga isinusulong na ekspedisyon

MGA AMBAG NG KASTILA SA PANITIKANG PILIPINO


• Romanisasyon ng Alibata o Baybayin
• Pagsulat ng gramatika ng iba’t-ibang wika sa Pilipinas (Tagalog, Ilokano, Cebuano, Ilonggo)
• Pagpasigla ng panulat sa ilalim ng pamamahala ng simbahan
• Pagtitipon ng mga panitikan mula sa saling-bibig na naabutan na nakasulat pa sa mga dahoon,
bumbong o balat-kahoy
• Pagdadala ng mga alamat ng Europa
• Paggamit ng Wikang Kastila
• Papasok ng kalinangang Kastila at Europeo
KATANGIAN NG PANITIKAN SA PANAHON NG KASTILA
 sari-sari ang kaanyuan at pamamaraan (mga tuluyan, tulang liriko, awit, korido at iba pa)
 mga panitikang panrelihiyon o pansimbahan at pangkagandahang asal ang karaniwang paksa
 marami sa panitikan ay halaw sa anyo, paksa o tradisyong kastila

MGA AKLAT SA GRAMATIKA


• Arte Arte y Reglas dela Lengua Tagala
• Compendio del Arte dela Lengua Tagala
• Arte dela Lengua Taga y Manual Tagalog
• Ensayo de Gramatika Hispano Tagala
• Lecciones de Gramatica Hispano-Tagalog

MGA DIKSYUNARYO
1. Diksyunaryo
 sinulat ni Padre Agustin Albuquerque buhat sa Mexico ngunit hindi nailimbag.
 sinasabing sinasalungat ng mga pransiskano ang tungkol sa pagkakasulat sapagkat inangkin
nila ang karangalang sila ang unang nagsulat.
2. Arte y diccionario de Tagala (1581)
 sinulat ni Padre Juan de Placencia na isang pransiskano.
 ito ay nanatili lamang na manuskrito.
3. Vocabulario Tagala
 sinulat ni Padre Miguel Ruize na isang dominiko
 taong 1580 ang petsang inilagay na sinasabing mali sapagkat noong 1581 lamang dumating ang
mga dominiko.
4. Arte y Reglo dela Lengua Tagala
 unang akdang napalimbag tungkol sa tagalong
 sinulat ni Padre Francisco Blancas de San Jose
5. Vocabulario dela Lengua Tagala
 unang diksyunaryong nailimbag
 sinulat ni Padre Pedro de San Buenaventura
6. Vocabulario (1703)
 sinulat ni Padre Domingo delos Santos
7. Vocabulario (1754)
 nina Padre Pedro de San Lucas at Padre Juan de Placencia
8. Diccionario Tagalog-Espanyol (1854)
 sinulat ni Rosalio Serrano
9. Diccionario Hispano Tagalo (1889)
 sinulat ni Padre Serrano Laktaw
 ang kauna-unahang diksyunaryong gumamit ng makabagong abakada
10. Vocabulario de la Lengua Iloca (1630)
 sinulat ni Francisco Lopez
11. Vocabulario de la Lengua Pampanga
 sinulat ni Diego Bergano
12. Vocabulario de la Bicol (1754)
 sinulat ni Marcos Lisbon
13. Diccionario Moro o Magindanaw Espanyol (1892)
 sinulat ni Jacinto Juanmarti

MGA AKLAT PANSIMBAHAN O PANRELIHIYON


1593: Doctrina Cristiana
 kauna-unahang aklat na nailimbag sa pamamagitan ng silograpiko.
 sinulat ni Padre Domingo Nieva sa Kastila at si Padre Juan de Placencia sa Tagalog.
(Ama Namin, Aba Ginoong Maria, Sumasampalataya, Aba Po Sta. Mariang Hari, Labing-Apat na
Artikulo ng Pananalig, Ang Sampung Utos ng Diyos, Ang Utos ng Sta. Iglesia o Simbahan, Ang
Pitong Sakramento, Ang Mga Kasalanang Mortal, Ang Labing-Apat na Pagkakawanggawa,
Katesismo)
1602: Libro del Rosario o Las Excellencias de Nuestra
Senyora del Rosario
 sinulat ni Padre de San Jose
 ikalawang aklat na nailimbag sa palimbahan ng UST sa tulong ng mestisong instik na si Juan de
Vera.
1603: Libro de los Sacramentos
1604: El Libro delos Quatro Postrimeras del Hombre
 sinulat ni Padre Blancas de San Jose
 unang nailimbag sa pamamagitan ng tipograpiya
1605: Memorial dela Vida Christiana
1608: Librong Pinagpapalamnan (Tagalog)
1610: Confesionario en Tagalog Preparasyon para Comulgar

• DALIT
 nanguna sa pagsulat ng mga dalit kay Maria noong 1852 si Padre Mariano Sevilla:
Flores de Mayo
 naisulat ang Flores de Mayo noong 1865
 halaw sa awit ng italyanong si Muzzarelli
 inaawit habang nag-aalay ng bulaklak kay Birheng Maria
 nagaganap ang Flores de Mayo tuwing buwan ng Mayo

• NOBENA
 katipunan ng mga panalangin na kailangang ganapin sa loob ng siyam na araw
 iniaalay kay Birheng Maria bilang pasasalamat sa lahat ng biyayang natatanggap,
pagpapagaling, mga khilingan at iba pang mga idinudulog.
 ginaganap tuwing Miyerkules
HALIMBAWA: Ang pagdiriwang o ritwal ng mga katutubo

• PASYON
 tungkol sa buhay at pagpapakasakit ng Panginoong Hesukristo.
 ito ay isinulat nang patula subalit inaawit kung basahin sa panahon ng Kuwaresma
hanggang Biyernes Santo.
 isinulat nina Padre Gaspar Aquino de Belen 1704, Don Luis Guian 1750, Padre Mariano
Pilapil 1814, at Padre Aniceto dela Merced.

• PASYON
 pinakapopular ang pasyon ni Pilapil na may limang taludtod bawat saknong at ang
bawat taludto ay may wawaluhing pantig.
HALIMBAWA:
O’ Diyos sa kalangitan,
Hari ng sangkalupaan,
Diyos na ealng kapantay,
Mabait lubhang maalam,
At puno ng karunungan.

• BUHAY-BUHAY NG MGA SANTO’T SANTA


 binibigyang diin ang pagpapakasakit upang matamo ang walang hanggang kaluwalhatian kaya
marapat na magpakasakit ang tao upang huwag mabulid sa impiyerno ang kanilang kaluluwa.
HALIMBAWA:
• “Vita de Rita” (1747) ni Padre Francisco Buencuchillo
• “Buhay at Novena” ni San Juan de Dios at isinalin ni Francisco Valencia

ANG MGA NOBELA


• BARLAAN AT JOSEPHAT
 kauna-unahang nobelang tagalog na buhat sa isang salaysay sa Bibliya na isinalin sa Tagalog ni
Padre Antonio de Borja mula sa Wikang Griyego. Isinalin din ni Padre Agustin Mejia.
 layunin ng nobelang ito na palaganapin ang Katolisismo.

• SI TANDANG BACIO-MACUNAT
 sinulat ni Padre Miguel Lucio Bustamante noong 1885
 sinasabing kuwento sa loob ng isang kuwento

• URBANA AT FELIZA
 isinulat ni Padre Modesto de Castro na tinaguriang “Ama ng Tuluyang Klasika”
 ang aklat na ito ay binubuo ng mga tagubilin para sa mabubuting asal at pagwawaksi sa
masasamang kilos at ugali na dapat ipakita ng tao sa kanyang pakikipagkapwa.
 nakapaloob dito ang mabuting aral para sa mga anak, magulang at kapatid.

MGA AKDANG PANRELIHIYON SA ILOKANO


 isang talasanggunian sa Panitikang Ilokano ang inihanda ni Juan F. Burgos nanaglalaman ng:
• Doctrina Cristiana sa Ilokano – salin ni Padre Francisco Lopez
• Pasion Mahal ni Jesucristo – salin ni Padre Agustin Mejia
• Sermones Morales ni Padre Jacinto Guerrero
• Escurdos del Cristiano ni Padre Guillermo Sebastian
• Novena de Nuestra Senyora dela Caridad ni Padre Juan Baustista Arenas

MGA AKDANG PANRELIHIYON SA BISAYA


• LAGDA
 siyang pinagbatayan ng mg paring Kastila sa kanilang pagtuturo ng Katolisismo sa mga Pilipino.
 itinuturo ang paghalik sa kamay ng matatanda, pag-aantanda kung umaalis ng bahay,
pagdarasal ng rosaryo at pag aayuno kung Mahal na Araw.
• MORO-MORO O KOMEDYA
 kilala ang akda ni Eriberto Gumban na pinamagatang:
 “Ang Mutia nga Matin-ao” (Ang Makinang na Alahas)
 “Ang Yawa Nga Bulawan” (Ang Demonyong Ginto)
 “Ang Salamin San Pamantan-on” (Ang Salamin ng Kabataan)

MGA AKDANG PANRELIHIYON SA BIKOL


• MARIANO PERFECTO
 “Ama ng Panitikang Bikol”
 nagsulat siya ng mga dasal, novena at talambuhay ng mga santo
HALIMBAWA:
• “Talambuhay ni San Dimas”
• “Mga naghihirap na Kaluluwa sa Purgatoryo”
• “Sining ng Buhay”

MGA UNANG TULANG TAGALOG


 noon lamang 1610 nagsimula ang inters ng mga Tagalog sa tula.
 TOMAS PINPIN – “Ama ng Manlilimbag na Pilipino” at unang naglathala ng mga tulang naisama
niya sa kanyang aklat na “Librong Pag-aaralan ng mga Tagalog ng Wikang Castila”
 ang mga paksa ng mga tula sa panahong iyon ay pawang panrelihiyon.
 gumagamit ng dalawang wika – Kastila at Tagalog na tinatawag na DITSO.

ANG DUNGAW
 lumang tula ng mga Ilokano at mga Igorot.
 ito ay inaawit bilang panaghoy para sa isang namatayan, katumbas ito ng panambitan ng mga
tagalog.
 inaawit ito samantalang nakaburol ang patay.
 binabanggit dito ang kabutihan ng taong pumanaw.

ANG MGA KORIDO


 mula sa salitang “corrido” na nangangahlugang “kasalukuyang pangyayari”
 ito ay may sukat na walo o labindalawang pantig sa taludtod na may paksang kababalaghan at
sinasabing maalamat.
 ang mga karamiha’y hiram at halaw sa paksang Europeo na dala rito ng mga Kastila.

Kilalang manunulat ng korido:


• Jose dela Cruz (Huseng Sisiw, 1746-1829)
• Ananias Zorilla
• Francisco Baltazar(Balagtas)

Mga koridong nasulat:


• Ibong Adarna
• Don Juan Tenorio
• Cay Cabalaza
• Ang Haring Patay
• Mariang Alimango
• Awit ni Rolando

ANG MGA AWIT


Batay sa “metrical tales” kapwa ang korido at awit.
KORIDO – walong pantig bawat taludtod
AWIT – labindalawang pantig bawat taludtod

Mga manunulat ng awit:


1. Francisco Baltazar 3. Jose dela Cruz
2. Aranias Zorilla 4. Eulogio Juan de Tandiama

•FRANCISCO BALAGTAS
 pinakamatayog na taluktok ng Panitikang Pilipino.
 ang kanyang obra maestra na “Florante at Laura” ay nilimbag noong 1838 at isinalin sa iba’t-
ibang wika (Kastila, Ingles, Pranses, Aleman)
MGA AKDA
• Orosman at Zafira
• Clara Belmari
• Nudo Gordeano

ANG MGA TULANG PANDULAAN


1. Panubong
 isang tula na nagpaparangal sa isang magdaraos ng kaarawan, kapistahan o panauhin.
 paawit na isinasagawa at nahahati sa tatlong bahagi:
UNANG BAHAGI – inaawit sa may tarangkahan pa lang o sa may unahan
ng hagdanan.
IKALAWANG BAHAGI – inaawit habang pumapanhik sa baitang , sila’y hihinto na sa pagkanta
at doon ay kunwari’y nahihiyang tumuloy dahil sa kanilang kapangahasan na pumunta ng walang
imbitasyon.
IKATLONG BAHAGI – await muli sa loob o sala ng bahay, pauupuin sa isang silya ang may
kaarawan o pararangalan sa pagitan ng dalawang anghel.

2. Karagatan
 larong patula ng mga dalaga’t binata at ang paksa ay pagliligawan o pagsisintahan.

3. Duplo
 ginaganap ito tuwing ikasiyam ng gabi pagkatapos mailibing ang yumao upang mapawi ang
lungkot ng mga kaanak ng namatay.

4. Tibag
 hinahanap nina Reyna Elena at Prinsipe Constantino ang krus na pinagpakuan kay Kristo.
 tuwing buwan ng Mayo ginaganap ang dulang ito sa Bulakan, Nueva Ecija, Bataan at Rizal.

5. Panunuluyan
 ito ay isang prusisyon na ginaganap tuwing bisperas ng Pasko.
 isinasadula rito ang paghahanp ng bahay na matutuluyan ng Mahal na Birhen sa kanyang
panganganak.

6. Karilyo
 tau-tauhang karton na ginamitan ng pisi ang gamit sa palabas na ito na pinagagalaw ng mga
taong nasa itaas ng tanghalan.

7. Cenaculo
 inilalarawan sa dulang ito ang buong buhay hanggnag sa muling pagkabuhay ng ating
Panginoong Hesukristo.
 ang bersyon nito ay karaniwang tigwa-walong pantig.

2 URI NG CENACULO
• Hablada – patula ang usapan
• Cantada - inaawit
• ANG MGA TULANG PANDULAAN

8. Moro-Moro
 ang paksa nito ay lagi nang paglalaban ng Muslim at Kristiyano na nagwawakas sa pagwawagi
ng Kristiyano.

9. Pangangaluluwa
 ang mga batang babae at lalaki ay nagpupunta sa mga bahay-bahay bilang mga kaluluwang
nagbuhat sa purgatoryo at humihingi ng indulhensiya para sa kaligtasan ng mga kaluluwa.

9. Pangangaluluwa
 bersong binibigkas at inaawit:
Kaluluwa kaming tambing
Sa purgatoryong nanggaling
Kung kami po’y lilimusan
Dali-dalian po lamang
Baka kami mapagsarhan
Ng pinto ng kalangitan

10. Pananapatan
 ginagawa ito tuwing Mahal na Araw sa mga pabasa; pagkarinig sa mapanglaw na witin mula sa
loob ng bahay o kapilya.
 ito ay sasagutin ng mga mang-aawit na gumagala hanggang ang lahat ay kasali na sa pag-awit
nang sabay-sabay.

11. Bulaklakan
 isang mimetikong laro na ginagawa kapag pasiyam o bilasyon.
 nagging palasak ito sa katagalugan.
 nagsisimula ang laro sa pagpapahayag ng hari na siya ay may alagang paruparo na lumipad at
dumapo sa isang prutas o bulaklak

12. Sarsuwela
 isang dulang musikal na unang umunlad sa Espanya noong ika-17 siglo.
 binubuo ito ng mga salaysay na sinamahan ng sayaw at tugtugin na may paksang mitolohikal at
kabayanihan.

13. Salubong
 dula ito ng mga parokong Katoliko at Aglipay.
 ito ay pagsasadula ng pagsasalubungan nina Birheng Maria at ang nabuhay na si Kristo sa
umaga ng Linggo ng Pagkabuhay na sinasaliwan ng awit at sayaw.

14. Juego de Prenda


 ang mga manlalaro ay nagkakabit-kabit nang pabilog at nasa gitna.
 sinisimulan ito sa pagsisindi ng kandila o posporo at ipapasa ito pakanan; magpapatuloy ang
pasahan at ang manlalarong aabutan ng pagpatay ng kandila o posporo ay bibigkas ng ilang
bersong nagsasaad ng pangako sa hari.

15. Santakrusan
 ito ay dulang panlansangan na may temang panrelihiyon.
 isinasadula dito ang paghahatid ng krus sa simbahan.
 ang mga kalahok dito ay mga sagala at konsorteng may magagarang kasuotan at kumakatawan
sa iba’t-ibang tauhan sa bibliya.
 kabilang ditto sina: Reyna Sentinsyada, Maria Magdalena, Reyna Esther, Infanta Judith, Reyna
delos Flores, babaeng may hawak na bandila, Reyna Elena at Constantino.

Panahon ng Propaganda at Himagsikan


PANAHON NG PROPAGANDA AT HIMAGSIKAN

• Ang maging malaya ay nasa puso ng bawat Pilipino simula nang payagan ng Espanya ang
Pilipinas na makipagkalakan sa labas ng bansa.
• Nagbukas din ang Suez Canal noong 1896
• Ang idolohiya ng mga pag-aaklas ng Americano at Pranses at ang mga pananaw sa panulat nina
Montesquieu, Rousseau, Voltaire, Locke at iba pa ay nagpasigla sa hangarin ng mga Pilipino na
magkamit ng Kalayaan.
• “middle class” o ilustrado -ang grupong ito ng kabataan ay namulat sa mga pang aapi’t
pagsasamantala sa mga Pilipino.
• Carlos Ma. Dela Torre- liberal na Gobernador Heneral sa Pilipinas
• Gobernador Heneral Rafael de Isquierdo- Ipinalit kay Dela torre.
• Fernando Lamadrid- namuno sa pag-aaklas ng mga manggagawa ng Kabite noong 1872
• Isinangkot sa pag aalsang ito sina Gomburza, kaya sila ay pinarusahan sa pamamagitan ng
garote.
• Maraming Pilipino ang ipinatapon sa Hongkong, Barcelona, Singapore, Madrid at Londres at iba
pang pook.
• Maraming Pilipino na humiling at naghain ng pagbabago at nagging daan sa pagkakatatag ng
Kilusang Propaganda.

ANG KILUSANG PROPAGANDA


• Walang pakay na maghimagsik o maglunsad ng karahasan ang mga propagandista
• Pagbabago ang hinihiling nila, mga reporma na kikilalanin ng pamahalaang Espanya.

MGA REPORMA:
 Pantay na pagtingin sa mga Pilipino at Kastila sa harap ng batas
 Gawing lalawigan ng Espanya ang Pilipinas
 Pagkakaroon ng Pilipinong kinatawan sa Kortes ng Espanya
 Pagtatalaga ng mga Pilipino bilang kura-paroko
 Kalayaan sa pagpapahayag, pagsasalita, pagtitipon, pagpupulong at pagkakaroon ng hustisya.

ANG MGA PROPAGANDISTA


• Matatalino, may angking katapangan at lakas ng loob, nangagsipag-aral at may damdaming
makabayan.
• Ang kanilang mga simutain ay naipalaganap sa pamamagitan ng pagsapi sa samahang
Masonarya at La Liga Filipina.
• Nagpalimbag sila ng mga pahayagan, aklat at babasahin kung saan ang kanilang mga artikulo ay
tumuligsa sa pamamahala at pagmamalabis ng mga Kastila.

Ang mga Propagandista ay kinabibilangan nina:


• Dr. Jose Rizal
• Marcelo H. Del Pilar
• Graciano Lopez Jaena
• Mariano Ponce
• Antonio Luna
• Juan Luna
• Felix Resurreccion Hidalgo
• Pedro Paterno
• Jose Ma. Panganiban
• Jose Alejandrino
• Pedro Serrano Laktaw
• Isabela delos Reyes
• Dr. Dominador Gomez

Dr. Jose Rizal


• Hunyo 19, 1861- isinilang si rizal
• 3 taong gulang- natutong magbasa ng alpabeto
• 5 taong gulang- nakakapagsalita ng wikang kastila
• 8 taong gulang- nakasulat ng isang dula
• 15 taong gulang- natutong magpinta, maglilok at magsulat ng tula
• 18 taong gulang- nagwagi ang kanyang tulang “La Juventud Filipino”
• 22- bilang ng wika na kanyang sinasalita.
• Nakakapaglakbay siya sa silangan, Amerika at Europa.
• UST- kung saan siya nagaral ng medisina
• Unibersidad ng San Carlos sa Madrid Espanya- kung saan niya tinapos ang medisina.
• Pamantasan ng Berlin Leipzig at Heidelberg- kung saan niya kinuha ang kanyang “post
graduate” at naging katuwang niya ang mga siyentipiko tulad nina Wecker, Ross, Meyer,
Virshow at Blumentritt.
Mga akda ni Rizal:
Noli Me Tangere
 “huwag mo akong salingin”- ibig sabihin nito.
 1887- inilimbag
 Maximo Viola- may hawak ng orihinal na manuskrito at tumulong sa kanya sa paglilimbag
 Tinatalakay ang kaapihan ng Pilipinas at kabulukan ng lipunan sa pananakopng kastila.
 Iniaalay para sa inang bayan
El Filibusterismo
 “ang pagsusuwali”- ibig sabihin
 Inihahandog para sa tatlong paring martir
 Valentin Ventura-may hawak ng orihinal na manuskrito at tumulong sa paglilimbag ng aklat.
 Naglantad ng sakit ng lipunan, pagsupil sa karapatang pantao, pagmamalabis sa kapangyarihan
ng pamahalaan at simbahan at tinatalakay ang buhay ng Plipino.
Sobre La Indolencia de los Filipinos (hinggil sa katamaran ng mga Pilipino)
 Isang malalim na pagsusuri ni Rizal sa mga dahilan ng dayuhan kung bakit tamad ang mga
Pilipino.
 Ipinagtaggol niya ang mga Pilipino sa mga paninirang-puri.
Sa Mga Kabataang Dalaga sa Malolos (Pebrero 22, 1889)
 Marcelo H. Del Pilar- humiling kay Rizal na sulatan ang mga kabataang babae sa Malolos upang
pasiglahin pang lalo ang kanilang nag aalab na damdamin para sa kanilang paninindigan at
pagnanais na matuto.
 Tinagubilin ni Rizalang pagkakaisa, pagkakapantay-pantay, at pagtitimbang sa
pananampalataya, paggalang sa sarili at kapwa paalala sa gampanin ng isang ina ng tahanan.
El Consejo delos Dioses (Ang kapulungan ng mga bathala 1880)
 Dulang nagpapahayag ng paghanga kay Cervantes.
Brindis
 Talumpating inihandog sa dalawang pintor na nagkamit ng gantimpla sa Madrid:
 Juan Luna- “Spolarium”
 Felix Ressurection Hidalgo- “Mga dalagang kristiyanong itinambad sa nagkakagulong mga
tao”
Mi Piden Versos
 Circulo Hispano- Filipino- samahan ng Kastila at Pilipino kung saan sumapi si Rizal.
“Hinihiling ninyong tugtugin ang lira.
Na malaon nang napipi at nasura;
Gayunpama’y di ko magising ang bating
Pati na Musa’y sa aking nagtampo!
Nananasan, nanginginig na tono
Tila aking kaluluwa ang pinipiga,
At kapag ang tunog ay tila pagtawa
Sa sarili na ring dinadalang dusa
Kaya nga dito sa lungkot, pag-iisa
Aking kaluluwa, di makadama ni makakanta”
Kundiman
 Tulang nagpapahayag na ang baying inapi ay ililigtas sa darating na panahon dumanak
man ang dugo.
Tunay ngayong umid yaring dila’t puso,
Bayan palibhasa’y lupig at sumuko
Sa kapabayaan ng nagturong puno.
Datapuwa’t muling sisikat ang araw,
Pilit maliligtas ang inaping bayan,
Magbabalik mandin at muling iiral
Ang ngalang Tagalog sa sandaigdigan.
Ibubuhos namin ang dugo’t babaha
Matubos nga lamang ang sa amang lupa
Habang di ninilang panahong tadhana,
Sinta’y tatahimik, iidlip ang nasa.
Sa aking mga kababata
 Isinulat niya ang tulang ito para sa kanyang mga kababata noong siya’y 8 taong gulang pa
lamang
A La Juventud Filipina (Sa kabataang Pilipino)
 Isinaad dito ang katangian ng mga kabataan para sa pag-unlad ng bayang tinubuan.
 1879- naisulat ito noong nag aaral pa siya sa UST.
 Nagkamit ng gantimpala sa patimpalak ito.
Filipinos Dentro de Cien Años (Ang Pilipinas sa loob ng sandaang taon)
 Isang sanaysay na nagpapahiwatig na ang interes ng Europa sa Pilipinas ay
mababawasan samantalang ang impluwensiya ng Estados Unidos ang nararamdaman.
 Hula ni Rizal na kung may bansang sasakop sa tain yun ay ang Estados Unidos.
Junto Al Pasig (Sa tabi ng Pasig)
 Isinulat noong siya ay 14 na taong gulang.
Notas a la Obra Sucesos de las Filipinas por el Dr. Antonio de Marga (1889)
 Tula mula sa akdang “Mga pangyayari sa Pilipinos” ni Dr. Antonio de Morga.
P. Jacinto Memorias deun Estudiantes de Manila (1882)
 Akda hinggil sa mga gunita angisang mag-aaral sa Maynila
Mi Ultimo Adios (huling paalam o pahimakas)
 Isinalin sa iba’t-ibang wika sa Pilipinas maging sa iba’t-ibang lenggwahe sa mundo.
 Andres bonifacio- kauna unahang nagsalin ng tulang ito.

Marcelo H. Del Pilar


• a.k.a Piping Dilat, Plaridel, Dolores Manapat, Pupdoh
• Pinamatnugutan  niya ang Diariong Tagalog na kanyang itinatag at hinalinhan niya sa pagka-
patnugot ng La Solidaridad ni Graciano Looez Jaena

Mga kinikilang akda:
 Caiingat Cayo
- Isang akdang nangangantiyaw sa ginawang pagbaba ni Padre Jose Rodriguez sa
pagbabasa ng Noli Me Tangere.
 Kalayaan
- Binibigyang-diin ang tunay na kahulugan ng kalayaan.
 "La Fraiclocracia sa Filipinas" at "La Soberaña  Monaccal en Filipinos"
- Mga sanaysay ito na nagpapakita ng dinaranas na kaapihan, mga katiwalian at di-
makatwirang pamamalakad ng mga kastila
 Dupluhan... Dalit... Mga Bugtong 1907
- Ito'y kalipunan ng mga maiigsing tugma at tula ni Marcelo H. Del Pilar na inilathala
ni Cagingin sa akdang "Life of Marcelo H. Del Pilar.
 Dasalan at Tocsohan
- Tinuturing na mabangis na akda ni Marcelo na gumising sa damdamin ng mga
Pilipino.
 Isang Tula sa Bayan
- Tulang Inihandog niya sa bayan.
 Paciong Dapat Ipag-alab nang Puso ng Taong Babasa
 Ang Cadaquilaan ng Dios-
- Isang sanaysay na tumutuligsa sa mga Prayle.
 Sagot ng España sa Hibik ng Pilipinas (1889)
- Binubuo ito ng 82 taludtod.

Graciano Lopez Jaena


 Matapang na mamamahayag
 Patnugot ng La Solidaridad
 Fray Botod – kinilalang pinakamahusay niyang isinulat na tumutuligsa sa kamangmangan at
pagmamalabis ng mga prayle.
 “BOTOD" – malaking tiyan na patungkol sa mga prayle
 Nagsulat din siya sa mga pahayagang Los Dos Mundos, Circulo Hispana- Filipino, El
Pearvenie, Espana en Filipinas.
 Maapoy, walang takot , dakila ang kanyang panulat, kaisipa’y nagpaligtad sa sa bayan at
nakapukaw sa mga mamamayang Pilipino, ang umaagos sa kanyang labi ay parag lava mula sa
bungangang bulkan.

Mga Akda
 La Hija del Fraile (Ang anak ng prayle)
- Inilantad niya dito ang kahalayang ginagawa ng mga prayle. Inilahad niya ang kalunos-
lunos na kalagayan ng ng mga Pilipino kung mapakasal sa kastila
 Ang lahat ng pandaraya
- Lathaing hinggil sa isang Pilipina ba ipinagmalaki ang kanyang pagiging kondesa kapag
nagpapakasal sa isang konde na ubuhat sa maharlikang pamilya at lahing kastila, ngunit
ng ma aplaa nito ay isang sapatero at nakatira sa isang abang lugar sa isang distrito ng
Madrid.
 Sa mga Pilipino (1891)
- Isang talumpating naglalayong mapabuti ang kalagayan ng Pilipino sa pagiging
maunlad, malaya, nagtatanggol at natatamasa ang kanilang karapatan.
 Ang kahirapan sa Pilipinas
- tumutuligsa sa maling pamamalakad ng pamahalaang Espanya at maling Sistema ng
edukasyon sa Pilipinas.
 En Honor del Presidente dela Assosacion Hispano Filipino-
- Pinapurihan ni Jaena si Heneral Morayta sa pantay-pantayna pamamalakad.
 En Honor de los Filipinas (Ang dangalng Pilipinas)
- Talumpating nagbibigay-pugay sa ttalong Pilipinong nagwagi sa Eksposisiyon sa Paris
noong Mayo 6, 1889; Juan Luna at Felix Resureccion Hidalgo (mga pintor ) at
Joaquin Pardo de Tavera (iskultor)
 Fray Botod
- hinggil sa paglalarawan sa isang prayle na payat na payat nang dumating sa Pilipnas at
pagkaraa’y nagging mukhang tao. Tumutuligsa sa di magandang asal ng prayle.
 Si Fray Botod ay magaslaw, nag-aanyong mapagkumbaba ngunit pagkaraan ng ioang
taong pagkain ng saging, papaya ay nagging kura paroko na nila at naging
mapagmataas at mayaman. Malaking tao, bilgan ang mukha na parang buwan ,malaki
ang pisngi, makapal ang labi, maliliit ang mata, mapula ang ilong at dahil malaki ag butas
ay madaling makaamoy, mamula-mula ang buhok, bilugan ang ulo na parang bao ng
niyog, kunot ang noo at malas tumingin, Malaki ang tiyan na nakausli at Malaki ang leeg.
Matakaw, mahilig sa magagarang regalo, nagpapahiram ng pera, mahilig sa babae,
isang patabaing baboy-kumakain, umiinom, natututlog at walang iniisip kundi ang sarili

Antonio Luna
 Taga ilog ang kanyang sagisag panulat
 Dinakp at pnatapon sa Espanya
 Sumanib sa Propaganda at nag-ambag sa La Solidaridad

Mga Akda
 Noche Buena
- naglalarawan ito ng aktwal na buhay ng Pilipino “La Tertulla Filipina (Ang Piging ng
Pilipino) — nagsasaad ito ng kabigtan at kabutihan ng kaugaling Pilipino kaysa Kastila
 La Maestra de Mi Pueblo
- namintas ito sa sistema ng edukasyon para sa kababaihan –
 Todo Por El Estomago
- Tumuligsa ito sa patakaran ng pagbubuwis. –
 Impresiones
- Inilarawan ang kahirapang naranasan ng isang mag-anak nang maulila sa amang kawal.
 La Tertulia Filipina (Ang Piging na Pilipino)
- Inilarawan dito ang isang kaugaliang Pilipino na sa palagay ni Luna ay mas mabuti sa
kaugaliang Kastila
 Se Divierten
- Isa itong pagpyna sa sayaw ng Espanya na parang du mahulugang sinulid ang
nagsasayaw dahil sa labis na pagdikit ng mga katawan ng mananayaw. Sinabi niyang
magaganda ang mga Española subalit sila’y haluang anghel at demonyo.
 Por Madrid
- isang pagtuligsa sa mga kastila g nagsasabing ang Pilipinas ay isang lalawigan ng
Espanya ngunit ipinalalagay na banyaga kapag sinisingilan ng selyo.

Pedro Paterno
 Dramaturgo (mandudula)
 Iskolar
 Nobelista
 Mananaliksik
 Sumapi sa Mason at Assosacion Hispano-Pilipino
 

Associano Hispano-Pilipino
 Kapatiran upang itaguyod ang layunin ng mga repormista
 Kinabibilangan ng mga Piipinong nasa Europa, mga kilalang iskolar, estadista ng iba’t-ibang
nasyonalidad

Mga Akda
 A Mi Madre
- Nagpahayag ng kalungkutan kung wala ang ina
 Ninay
- Kauna-unahang nobelang panipunan sa wikang Kastila na sinulat ng isang Pilipino
 El Cristianismo y la Antigua Civiization Tagala
- Nagsasaad ng impuwensiya ng Kristiyanismo sa kabihasnan at kalinangan ng mga
tagalog bagamat sinabi rin niyang marami pa ring kaugaliang Pilipino ang hindi nababago
ng Kristiyanismo.
 La Civiizacion Tagala, El Alma Filipino at Los Itas
- Mga pananaliksik tungkol sa katutubong kultura ng Pilipino
 Sampaguita y Poesias Varias
- Koleksyon ng kaniyang mga tula

Pascual Poblete
 Ama ng Pahayagan”
 Nagtatag ng El Resumen
 Nagsalin ng kauna-unahang Noli Me Tangere
 Ipinatapon sa Africa dahil sa pagtuligsa sa katiwalian ng pamahalaang Kastila
 Itinatag niya ang El Grito del Pueblo at Ang Tinig ng Bayan

Mga akda at isinalin


 “Ang Conde Ni Monte Cristo” (salin mula kay Aexander Dumas)
 “Buhay ni San Isidro Labrador” (salin mula kay Francisco Butina)
 “Lucrecia Triciptino”
 “Ang kagila-kagilalas na Buhay ni Juan Soldado”
 “Mga Manunulat sa Wikang Tagalog”
 
 
Mariano Ponce
 Tikbalang, Nanding at Kalipulako- sagisag panulat
 Katuwang siya ni Rizal, Del Pilar at Lopez Jaena
 Naging tagapamahalang patnugot, manunulat at mananaliksik sa Kilusang Propaganda.
 Gamit niya ang wikang Ingles, Kastila at Tagalog
 Namatay noong 1918

Mga akda
 Mga Alamatng Bulakan- kalipunan ng mga lamat at kuwnetong bayan ng Bulacan
 Pagpugot kay Longino- isang dulang nahihingil kay Longino
 Sobre Filipinos
 Ang mga Pilipino sa Indo Tsina
 Historical Study of the Philippines
 Ang Oaniyakan ng kilusang Propaganda
 

Pedro Serrano Laktaw


 Isang pangunahing mason na nakasama ni Antonio Luna na umuwi ditto upang itatag ang
Masonarya
 Nagtatag ng Lohiyang “Nilad”
 Unang sumulat ng Diccionario Hispano- Tagalog na nalathala noong 18809
 Naging batayan ni Lope K. Santos sa kanyang pagsulat ng baralita ng wikang tagalog ang
Estudios Gramaticles at Sobre Le Lengua Tagala ni Laktaw

Jose Maria Panganiban


 Jomapa- sagisag panulat
 Nakilala sa pagkakaroon ng memoria fotograpica
 Nagtapos ng Batsilyer sa Agham sa Sanjuan de Letran at medisima saUST
Mga tula
 A Nuestro Obispo
 Noche de Mambulao
 Ang Lupang Tinubuan
 Sa Aking Buhay
Mga sanaysay
 El Pensamiento
 La Universidad de Manila
 Su Plan de Estudio

Isabelo Delos Reyes


 Nagtatag ng Iglesia Filipina Independiente
 Nagtamo ng gatimpala sa exposisyon sa Madrid sa akdang “El Folklore Filipino”
 Napalibang sa tatlong panahon ng panitikan; panahon ng propaganda, himagsikan at amerikano
Mga akda
 “Las Islas Bisayas en la Epoca de la Conquista”
 “Historia de Ilocos”
 “La Sensacional Memoria Sobre La Rovolucion Filipino”

Jose Maria Panganiban


 Jomapa- sagisag panulat
 Nakilala sa pagkakaroon ng memoria fotograpica
 Nagtapos ng Batsilyer sa Agham sa Sanjuan de Letran at medisima saUST
Mga tula
 A Nuestro Obispo
 Noche de Mambulao
 Ang Lupang Tinubuan
 Sa Aking Buhay
Mga sanaysay
 El Pensamiento
 La Universidad de Manila
 Su Plan de Estudio

Isabelo Delos Reyes


 Nagtatag ng Iglesia Filipina Independiente
 Nagtamo ng gatimpala sa exposisyon sa Madrid sa akdang “El Folklore Filipino”
 Napalibang sa tatlong panahon ng panitikan; panahon ng propaganda, himagsikan at amerikano
Mga akda
 “Las Islas Bisayas en la Epoca de la Conquista”
 “Historia de Ilocos”
 “La Sensacional Memoria Sobre La Rovolucion Filipino”

You might also like