You are on page 1of 5

Linangin ang salitang pista sa pamamagitan ng concept map.

Nakadalo na ba kayo sa isang pista? ________________________

Ano-ano ang inyong nakita o naranasan? Isulat ito sa concept


map.

Nakapunta ka na ba sa isang pistahan?

Hayaang magbahagi ang mga bata ng sariling karanasan.

Ang Kwento natin ngayon ay “Ang Pistang Babalikan Ko”

Ano ang nais ninyong malaman sa kuwento?


__________________________________________________________________
__________________________________________________________________

1. Ano ang pamagat ng kuwento?


2. Ano-ano ang pangyayari sa kuwentong binasa?
3. Ano ang katapusan ng kuwento?
4. Anong okasyon ang inilalarawan sa kuwento?
5. Ano-anong kaugaliang Pilipino ang nabanggit sa kuwento?
6. Ginagawa pa ba ang ganito sa inyong lugar?
7. Dapat pa ba ito ipagpatuloy? Bakit?
8. Paano natin mapapahalagahan ang mga kaugaliang sariling
atin?

Ang Pistang Babalikan Ko

Araw ng Sabado noon. Isinama ako ni Nanay sa Lucban,


Quezon upang dumalo sa Pahiyas Festival. Malugod kaming
tinanggap n gaming mga kamag-anak. Maraming tao ang
bumibisita sa kanilang lugar sa ganitong araw. Bigla akong
napalabas ng bahay nang marinig ko ang sigawan.

“Hayan na! Hayan na! Magsisimula na ang parade!” ang


sigaw ng mga tao. Ang daming tao sa kalsada! Lahat sila gusting
manood. Dahil ako ay maliit, wala akong masyadong Makita.
Natuwa ako sa isang dayuhan nang yayain niya akong lumipat sa
kanang pwesto sa unahan. Agad akong nagpasalamat sa kanya.

Naging kapana-panabik sa bawat isa ang panonood ng


parada ng makukulay na karosa na may palamuting mga
produkto ng bayan. Bawat karosa ay talagang napakaganda.
“Wow! Nakakatuwa talaga ditto. Sana ay isama uli ako ni
Nanay sa susunod na taon,” ang sabi ni Rodel.

“Naku! Lalo kang malilibang kapag nakita mo ang maririkit


na palamuti sa kanilang mga bahay. Talagang malikhain ang mga
taga-Lucban,” sambit naman ni Nanay.

Hinding-hindi ko malilimutan ang pistang ito. Babalik ako.

Linangin Natin

Punan ng angkop na salita ang mga pangungusap ayon sa sariling


karanasan. Isulat ang sagot sa iyong kuwaderno.

1. Dumalo ako sa kaarawan ng aking kamag-aral. Marami


akong kinain tulad _______________,_______________, at
_____________. Nagkaroon din ng mga palaro.
2. Tuwing buwan ng __________________, nagdiriwang ang aming
baryo ng kapistahan . Dito masaya ang mga _____________ at
_________________. Maraming handang pagkain tulad ng
____________,_______________, at __________________ sa halos
lahat ng bahay.
3. Tuwing araw ng Pasko, masaya kami sa aming
_______________. Naghahanda ang aking Ina ng masasarap na
_______________. Sabay-sabay kaming nagtutungo sa
______________________ upang magpasalamat sa Dakilang
Lumikha. Nagpupunta rin kami sa aming
___________________,____________________,_________________,___
___________________,__________________, at ___________________
upang humalik sa kanilang kamay.

Sabihin ang kahulugan ng may salungguhit na salita na


matatagpuan din sa loob ng pangungusap.

1. Si Kaka Felimon ang pinakamatanda sa pamilya kaya


maraming humihingi ng kaniyang payo.
2. Ipinagmamalaki ng mga Bikolano ang Bulkang Mayon sa
kanilang lugar.

3. Ang pamahalaang lokal ay nagbigay ng mahalagang anunsiyo


tungkol sa padating na bagyo sa kanilang lugar.

4. Marami palang malilikhang kapaki-pakinabang na bagay mula


sa indigenous materials tulad ng basket na gawa sa kawayan.

Ano ang
pangalan mo?

Saan ka nag- Ilang taon


aaral? kana na?

Pagpapakilala
sa Sarili

Nasa anong Saan ka


baitang kana? nakatira?

You might also like