You are on page 1of 5

Proyekto

Sa
ESP
Barkada: Nand'yan Kahit Na May Problema

Mga Tauhan:
Russel Pialda bilang Damian – 19 taong gulang, mabait at mahilig gumala dahil naniniwala siyang ‘You
only live once’ kaya hindi niya pinapalampas ang mga pagkakataong kasama ang tropa.
Sean Derick Habana bilang Kenji – 19 taong gulang, masayahin, masikreto, at mahilig magbiro, siya
ang happy pill ng tropa.
Caryl Cabrera bilang Chandria – 18 taong gulang, responsable, maingat sa pagdedesisyon, at ang
madalas na umaayos ng mga problema ng tropa.
Jessica Singh bilang Zade – 17 taong gulang, ang pinakamapang-asar sa tropa ngunit siya ring
mapagmahal sa kanila.
Nicole Geronga bilang Frionne – 17 taong gulang, mapagpatawad, tahimik, at mahiyain pero madaldal
kapag kasama ang tropa.

Sa lugar ng San Alfonso may magbabarkadang mahilig maligo sa tinatawag nilang “Marahuyo
Falls”. Isang tahimik at malinis na lugar na ang tanging
nakakapagpaingay lamang ay ang tunog ng pagbagsak ng tubig. Natagpuan nila ito sa kanilang labis na
paggala dahil kay Damian. Simula noon, ito na ang nagging tambayan ng magbabarkada. Marami na rin
silang nabuong mga alaala rito. Isang beses ay nadatnan nila na may mga kalat na naiwan sa tambayan
nila.

“Hala, ano ang nangyari rito?” gulat na sabi ni Damian.


“Mga tao nga naman, hindi na marunong ingatan ang inang kalikasan ,” malungkot na sambit ni Zade.
“Ano na ang gagawin natin? Sino ang may kagagawan nito?” tanong ni Frionne.
“Hindi na `yun mahalaga. Ang mahalaga ay importante.” Biro ni Kenji upang maialis ang pagkadismaya
ng tropa. Nagtawanan sila.
“Huwag na muna nating alamin iyan, Frionne. Sa halip ay linisin na muna natin ang mga basura.” payo ni
Chandria.
Nilinis ng magbabarkada ang kanilang tambayan. Lubos ang pagmamahal nila sa Marahuyo Falls dahil
natatangi ang lugar na ito. Sa panahon ngayon ay walang katulad ang katiwasayan ng lugar na ito.
Matapos nito ay naghanda na sila Frionne at Kenji ng kanilang pagkain.
“Alam mo Frionne para kang fries. “ sabi ni Kenji.
“Bakit naman?” tanong ni Frionne habang piniprito ang mga fries.
“Kasi nasusurfries ako palagi sa ganda mo.” Pick-up line ni Kenji.
“Yieeeeeeeee, dyan nagsimula ang lolo`t lola ko.” pang-aasar ni Zace.
“Ewww.” Maarteng sambit ni Frionne.
“Grabe ka naman kay Kenji.” Pangongosensya ni Chandria.
“Nagugutom na ako. Tara, kain na tayo.” pang-aaya ni Damian habang papunta sa kanyang tropa. Habang
nakain ay nagkukwentuhan ang magbabarkada.
Dalawang linggo ang nakalipas, plano muli nilang pumunta sa Marahuyo Falls dahil malapit na ang
kaarawan ni Zade. Naghahanda sila ng gagamiting mga lamesa, upuan at tent pati na rin ang mga
dekorasyon at pagkain. Nais nilang isurpresa si Zade upang maging di-malilimutang karanasan ito para sa
kanya. Kaarawan na ni Zade. Si Kenji ang naatasang magdadala sa kanya sa Marahuyo Falls pagkatapos
mag-ayos doon nina Damian, Chandria, at Frionne. Habang naglalakad sila papunta roon, may naaninag
silang mga tao na mas matanda ng kaunti sa kanila. Bibihira na may ibang taong pumupunta sa Marahuyo
Falls sapagkat nasa tagong lugar ito. Nakita nila na may mga kalat sa paligid. Nilapitan nila ang mga
estranghero.
"Mga ate at kuya, kayo po ba ang nag-iwan ng mga kalat na ito?" malumanay na tanong ni Frionne.
"Oo, bakit?" pabalang na sagot ng isang babae.
"Anong pakielam mo? Sa'yo ba 'tong lugar na 'to?" pagsingit ng isang lalaki.
"Ops tama na 'yan, masama makipag-away sabi ni Manny." hinarangan ni Damian ang lalaking tila
dadaragin si Frionne.
"Sino ka naman? Nakikipag-usap pa ako sa kanya." reklamo ng lalaki na tinuturo si Frionne.
"Teka, ayaw po namin ng gulo. Ang gusto lang po namin ay maging responsable kayo at itapon sa tamang
basurahan ang mga kalat na 'yan." pag-awat ni Chandria.
"Dati pa po kaming naliligo rito, ayaw naming maging madumi at hindi na mapasyalan ang lugar na ito."
paliwanag ni Damian.
"Oo nga, tama sila. Tigilan niyo na 'yan Baron at Sam." pagsang-ayon ng isang babaeng nagluluto.
"Kaya mabuti pa po linisin na lamang natin ang mga basura." nakangiting sambit ni Chandria.
"Pagpasensyahan niyo na ang mga kaibigan namin." sabi ng isang lalaking katatapos lamang mag-ayos ng
tent.
Nagkaisa ang dalawang grupo at sabay-sabay na nilinis ang mga kalat. Sunod ay dali-dali silang nag-ayos
para sa kaarawan ni Zade.
"Saan ba tayo pupunta, Kenji?" tanong ni Zade. Nakapiring ang mga mata nito at kanina pa kinukulit si
Kenji.
"Sa bangin, ilalaglag na kita." pabirong sagot ni Kenji.
"Tumigil ka nga." sabi ni Zade at hinampas niya ito.
Hanggang sa marating na nila ang Marahuyo Falls.
"Isa, dalawa, tatlo." pabulong na pagbilang ni Chandria kay Frionne at Damian. Tinanggal ni Kenji ang
piring.
"Happy Birthday Zade!" sabay-sabay na sigaw ng magtotropa.
"Wow! Hindi ko inaasahan ito." humanga si Zade sa surpresa sa kanya.
"Nagustuhan mo ba?" malambing na tanong ni Frionne.
"Oo naman, kayo pa ba? Salamat pinasaya niyo 'ko." malaki ang ngiti sa mga labi ni Zade.
"Tara, kain na muna tayo bago tayo maligo." pag-aya ni Damian.
Makalipas ang dalawang buwan ay hindi na madalas napupuntahan ng magbabarkada ang Marahuyo Falls
dahil sa kanilang mga personal na ginagawa sa buhay. Magkakaaroon ng isang malaking proyekto ang
Sangguniang Kabataan sa fiesta ng kanilang barangay at si Chandria ang nahalal na SK chairwoman
noong nakaraang SK election.
Kaya naman nais tumulong ng barkada sa proyekto. Magkakaroon ng parada ng banda sa umaga, feeding
program sa tanghali at mga palaro sa hapon sa kanilang covered court. Ang mga mananalo ay bibigyan ng
cash prizes galing sa barangay captain.
"Sa darating na fiesta ng Barangay Mapagkandili, ang mga barangay officials ay maglulunsad ng mga
proyekto upang maging masaya ang nalalapit na okasyon. Sa umaga, tulad ng tradisyon, ay magkakaroon
ng parada ng banda. Sa tanghali naman ay magkakaroon ng feeding program sa mga batang walang
kakayahang makakain ng tatlong beses sa isang araw. Sa hapon naman ay inaanyayahan ko ang mga
kabataang sumali sa mga palaro na proyekto ng Sangguniang Kabataan." anunsyo ng punong barangay.
Pagkatapos mag-usap ng mga inihalal na Sangguniang Kabataan ay pumunta si Chandria sa kanyang
barkada.
"Chandria, kami na lang ni Zade ang magluluto para sa feeding program." alok ni Frionne.
"Oo nga! 'Wag kang mag-alala dahil sasarapan namin para sa mga bata." pagsang-ayon ni Zade.
"Kami naman ni Kenji ang mag-aayos ng mga gagamitin sa feeding program." alok naman ni Damian.
"May volleyball ba sa palaro? Doon na lang ako tutulong, mukhang maraming chicks 'dun." pabirong sabi
ni Kenji.
"Hay na'ko, Kenji mas mabuti pang doon ka na lang sa feeding program." sambit ni Chandria.
Dumating ang araw ng kapistahan ng Barangay Mapagkandili at hindi mapakali ang lahat ng tao sa
kanilang mga gawain. Inaasahan ng mga tao na ang isa sa pinakamasayang pista na mararanasan nila
sapagkat nagsama-sama ang mga magagaling na lider na bumuo ng mga bonggang proyekto.
Sa umaga pa lang habang nagpaparada ay masaya na ang mga tao. Napakasigla ng musika na
pinapatugtog ng banda. Napakaraming tao na tila ba'y lahat ng tao ay gising na. Kitang-kita sa kanila ang
paghanga sa mga disensyo sa buong barangay. Sa tanghali, maingat na inihanda nina Zade at Frionne ang
mga adobo para sa mga bata samantalang maayos na ang covered court dahil kay na Damian at Kenji.
Ang hinihintay na lamang ay ang mga bata. Dumating na ang mga bata galing sa parada. Halatang pagod
sila kaya naman pinapila na kaagad sila at binigyan na isa-isa ng adobo.
Ngunit habang kumakain ang mga bata may isang bata ang sumigaw agad naman na tumakbo sina
Chandria upang tanungin ang nangyari.
“Bakit anong problema?” tanong ni Chandria.
“May salagubang po yung pagkain ko.” sagot ng umiiyak na bata.
“Hah? Bakit naman nagkaroon ng salagubang yung pagkain?” tanong muli ni Chandria.
“Hindi ko rin po alam.” sambit ng bata.
“Teka, malinis naman ang pinaglutuan naming ni Frionne naninigurado kami na walang insekto ang
pumupunta sa mga pagkain.” biglang sabi ni Zade.
Napansin ni Chandria na may isang bata ang nagtatago sa may gilid, lumapit siya dito at tinanong.
"Bata, anong ginagawa mo d'yan?" tanong ni Chandria.
"Po? W-wala po." gulat na sinabi ng bata.
"Sandali, ano 'tong hawak mo?" kinuha ni Damian ang kamay ng bata mula sa likod nito at may nakitang
dalawang salagubang dito.
"Bakit may hawak kang salagubang?" tanong ni Kenji.
Naiiyak ang bata at umamin.
"Napag-utusan lamang po ako. Pasensya na po." paghihingi ng tawad ng bata.
"Hindi sa lahat ng pagkakataon ay susunod tayo sa mga matatanda. Bata ka pa ngunit alam mo na ang
tama't mali. Kaya kung alam mong mali ang pinapagawa sa'yo, 'wag mong gawin ha?" payo ni Chandria.
Agad na pinalitan ni Frionne ang pagkain ng bata. Samantalang sila Zade naman ay pumunta sa
kinaroroonan ng taong nag-utos sa bata.
Sa tulong ng mga barangay kagawad ay nahuli ang salarin sa nangyari.
Naging masaya at payapa ang dumaang kapistahan sa Barangay Mapagkandili. Sobrang saya ng mga bata
at pati na rin ang mga matatanda. Makikita mo talaga sa kanilang labi ang tunay na saya, lalong lalo
naman sa magbabarkada. Tuwang-tuwa sila sa matagumpay na pista. May problema man ay nalagpasan
nila ito. Dito na nagtatapos ang kwento ng barkada.

You might also like