You are on page 1of 1

LEARNING MODALITY OPTIONS NA MAAARING PAGPILIAN

S.Y. 2020-2021
1. Face to face modality- ito ay isang paraan upang ang bata ay papasok sa paaralan araw-araw
upang maisagawa ang social distancing. 15 (estudyante sa isang classroom lang) sa mga
paaralang ligtas, very low or no-risk containment ayon sa IATF o ng local na pamahalaan.
2. Home-Based Modality- may dalawang paraan; On line at modular
Ang On line- ang bata ay mag-aaral gamit ang gadget (laptop, desktop computer, smart
phone na may internet connectivity. Dito gagawin ang kanilang pag-aaral. On line Learning
Activity na may guro bawat learning area. Ngunit ito ay nangangailangan ng mga magulang o
nakatatanda na gagampanan ang mga activities.
Ang Home Based Modular Modality- ay isang approach na ang bata ay mag-aaral gamit
ang printed modules na tinatawag na self-paced modules. May guro pa rin na naka assign sa
bawat mag-aaral na maaari nilang tawagan para sa consultacion period na maaaring kontakin
ang guro gamit ang mga sumusunod: Viber, facebook, social media plat form, ngunit mas
malaki ang papel ng gagampanan ng mga magulang o nang nakatatandang kasama sa bahay
upang magabayan ang kanilang mga anak sa kanilang pag-aaral.
3. BLENDED Learning Modality-ay ang kombinasyon ng 2 o higit na modalities katulad ng mga
sumusunod:
* Pinagsamang Home –Based (On line) at Face to face modality-papasok sa paaralan ng isang
araw, at isasagawa ang learningactivities sa natitirang araw sa kanilang tahanan gamit ang self
faced modules.
* Mahalagang isa alang-alang ang kaligtasan, pangangailangan at maglaan ng oras sa pagkatuto
ng ating mga anak.
* Nais nating maging tulong-tulong ang pagkatuto sa kabila ng mga pagbabago na ito.
* Kalidad na edukasyon sa gitna ng maraming hamon.
* Ang success ng modality na iyong pipiliin ay nakasalalay sa magkatuwang na paggabay ng
guardian at guro.

You might also like