Professional Documents
Culture Documents
EPP 5 Q1 Wk1 Lesson 4 Analiza Dominguez - July25
EPP 5 Q1 Wk1 Lesson 4 Analiza Dominguez - July25
A. Pamantayang Pangnilalaman Naipamamalas ang pagkatuto sa mga kaalaman at kasanayan sa mga gawaing pang-industriya tulad ng
gawaing kahoy, metal, kawayan, elektrisidad at iba pa.
B. Pamantayan sa Pagganap Naisasagawa ng may kawilihan ng pagbuo ng mga proyekto sa gawaing kahoy,metal, kawayan, elektrisidad,
at iba pa.
C. Mga kasanayan sa Pagkatuto Nasusunod ang mga panuntunang, pagkalusugan at pangkaligtasan sa paggawa. EPP5IA-0b-2
1. Mga Pahina sa Gabay ng Guro Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan 5 p 235-237; Banghay Aralin sa Edukasyong
Pantahanan at Pangkabuhayan VI
B. Iba pang Kagamitang Panturo Mga larawan tulad ng martilyo, lagari, turnilyo, at iba pang mga kagamitan, PowerPoint
presentation with downloaded pictures, laptop, LCD, flat TV, strips, activity cards
IV. PAMAMARAAN
B. Paghahabi sa Layunin ng A. Gamit ang objective board, babasahin ng guro ang layunin ng aralin.
Aralin at Paggaganyak Nasusunod ang mga panuntunang pagkalusugan at pangkaligtasan sa paggawa.
B. Ipakita ang mga larawan.
Itanong ang sumusunod.
1. Ano ang masasabi ninyo sa mga larawan sa ibaba?
2. Paghambingin at ipaliwanag.
Kuha ni: Analiza C. Dominguez (Gulang-Gulang ES, Lucena City)
Tanong:
1. Ano-ano ang pangkaligtasan at pangkalusugang gawi sa paggawa?
2. Bakit mahalagang sundin ang mga panuntunang pangkaligtasan at pangkalusugan sa
paggawa?
(Gawin sa loob ng 5 minuto) (Inquiry-Based Approach)
C. Pag-uugnay ng mga Sabihin sa mag-aaral na hindi lamang kaalaman sa paggawa ang kanilang matututuhan sa
Halimbawa sa Bagong Aralin gawaing pang-industriya. Bukod sa iba’t ibang kasanayan sa pagbubuo ng proyektong
napili, hinuhubog din ang maayos na pagkilos at mabuting pag-uugali. Malalaki, matatalim at
maseselang kasangkapan ang matututuhang gamitin sa paggawa kaya’t kailangan ang pag-
iingat upang makaiwas sa sakuna.
Pangkatang Gawain
a. Hatiin ang klase sa apat na pangkat.
b. Bigyan ng gawain o activity card ang bawat pangkat.
c. Ibigay ang pamantayan sa paggawa.
d. Patnubayan ang mga ito.
e. Ipaulat ang output.
Pangkat A
1. Basahin ang nakasulat sa ibaba, gawin at sagutin ang tanong.
2. I-ulat sa klase ang sagot.
Nagkalat ang mga kagamitan ni Darwin sa sahig na ginamit niya sa paggawa ng
proyekto. Hindi na niya halos makita ang gagamitin niya.
a. Ano ang nararapat niyang gawin upang madali niyang makita ang hinahanap?
b. Paano niya gagamitin ang mga kagamitang ito?
Pangkat B
1. Pag-aralan ang mga larawan. (batang nagpuputol ng kahoy gamit ang mapurol na lagari
at may kalawang; maluwag na turnilyo ng door knob; nakikipaglaro ang bata habang
naglalagari ng bakal)
https://www.google.com.ph/search?
q=clipart+carpenter&source=lnms&tbm=isch&sa=X&ved=0ahUKEwiquaC7prvcAhUKQN4KHR2iAlEQ_AUICigB&biw=1280
&bih=686#imgrc=hcuQ1S7WATY7_M:
2. Ano-ano ang posibleng mangyari sa mga nakita ninyo sa larawan?
3. Paano nila maiiwasan ang mga sakuna?
Pangkat C
1. Idikit ang mga strips ng papel sa mga larawan: martilyo, malyete, electric drill, balbike,
hack saw, kikil, long nose, plais.
https:// www.google.com.ph/search?biw=1280&bih=686&tbm=isch&sa=1&ei=hvpYW7brK4vu-
Qbzp4uQCw&q=martilyo&oq=martil&gs_l=img.1.0.0i67k1j0l2j0i67k1l2j0l2j0i67k1j0l2.103613.105134.0.108
183.6.6.0.0.0.0.180.775.0j6.6.0....0...1c.1.64.img..0.6.768...35i39k1.0.UWaPNX3GMAI#imgrc=gESXTyjmme2nAM
2. Basahin ang tagubilin sa paggamit ng mga kasangkapan bago ito gamitin.
3. Makabubuting gamitin ang mga ito sa ilalim ng patnubay ng guro.
4. Maglagay ng panakip sa mata, ilong at bibig kung gagamit ng mga kasangkapan at
kagamitan tulad ng welding machine, lathe machine at mga kemikal na nakapipinsala sa
katawan.
5. Bakit ginawa ng bata ang mga ito?
Pangkat D
1. Tingnan ang larawan (batang may guwantes, apron, damit pantrabaho at panakip ng
ilong at bibig habang gumagawa)
Kuha ni: Analiza C. Dominguez (Gulang-Gulang ES, Lucena City)
2. Isulat sa papel ang mga nakikita sa larawang nagsasaad ng gawaing pangkalusugan,
pangkaligtasan at pangkalinisan sa paggawa.
3. Kung ikaw ang batang nasa larawan, gagawin mo rin ba ang kanyang ginawa? Bakit?
(Gawin sa loob ng 15 minuto) (Collaborative Approach)
F. Paglilinang sa Kabihasahan Isulat kung Pangkalusugan, Pangkaligtasan o Pangkalinisan ang mga panuntunang dapat
(Tungo sa Formative sundin.
Assessment) _______ 1. Iwasan ang paggamit ng mga kinakalawang, mapupurol at may sirang
kasangkapan.
_______ 2. Tiyaking walang tao sa iyong likuran o malapit sa iyo na maaaring matamaan
nang di-sinasadya.
_______ 3. Linising mabuti ang ilang bahagi ng katawan na narumihan habang gumagawa.
_______ 4. Maglagay ng takip sa bibig at ilong kung gumagamit ng mga pambombang
pamatay kulisap.
_______ 5. Gumamit ng damit pantrabaho kung gumagawa.
(Gawin sa loob ng 5 minuto) (Reflective Approach)
G. Paglalapat sa Aralin sa Pang- Pangkatin ang klase sa apat. Ibigay ang activity card na naglalaman ng gawain ng bawat
Araw-Araw na Buhay pangkat.
Pangkat 1:Isulat ang wastong paraan ng pagsunod sa mga panuntunang pagkalusugan at
pangkaligtasan sa paggawa.
Pangkat 2: Ipakita ang wastong paraan ng pagsunod sa mga panuntunang pagkalusugan at
pangkaligtasan sa paggawa sa pamamagitan ng maikling dula-dulaan.
Pangkat 3: Gumawa ng tulang naglalaman ng pagsunod sa mga panuntunang
pagkalusugan at pangkaligtasan sa paggawa.
I. Pagtataya ng Aralin Isulat ang TAMA kung ang isinasaad ng pangungusap ay sumusunod sa panuntunang
pangkalusugan at pangkaligtasan at MALI kung hindi. Salungguhitan ang salitang
nagpamali at isulat sa patlang ang wastong sagot.
_______1. Piliin ang klase at laki ng disturnilyador na gagamiting panghigpit o pantanggal
sa
turnilyo.
_______2. Hawakan ang lagari ng iyong kanang kamay o kaliwang kamay. Ilagay ang apat
na daliri sa labas na bahagi ng hawakan at ang isang daliri ay sa loob.
_______3. Patayin ang pangunahing swits bago gumawa kung magkukumpuni ng mga
sirang kagamitang de-kuryente
_______4. Maglagay ng takip sa mata, ilong o bibig habang gumagawa sa tuwi-tuwina.
_______5. Ilagay sa likod o bulsa ang kagamitan habang di pa ito ginagamit.
(Gawin sa loob ng 5 minuto) (Reflective Approach)
B. Bilang ng mag-aaral na
nangangailangan ng iba pang
gawain para sa remediation