You are on page 1of 2

PAMAMARAAN, ISTRATEHIYA AT DULOG SA PAGTUTURO NG FILIPINO

Hinihingi ng mabisa at mabilis na pagtuturo ang pag-gamit ng mabubuting


pamamaraan ng pagtuturo. Nakasaalay sa mabuting pamaraan ng pagtuturo ang
matagumpay, kawili-wili at mabisang pagkatuto ng mag-aaral at pagtuturo ng guro.
Walang isang paraan lamang na masasabing sadyang mabisa para sa lahat ng uri ng
paksang aralin o isang pamamaraan kaya na angkop gamitin sa lahat ng pagkakataon.
Kaya ang guro ang nagbabalak at nagpapasya sa pamamaraang kanyang gagamitin na
angkop sa bunga ng pagkatuto na nais niyang makamtan ng mag-aaral, angkop sa
sitwasyon, angkop sa kakayahan ng mag-aaral at gayon din sa uri ng paksang-aralin at
asignaturang kanyang itinuturo.

 
1.      PAMARAANG PABUOD O INDUCTIVE METHOD
Ang pamaraang ito ay angkop na angkop gamitin sa pagtuturo kaugnay ng
pagbubuo ng tuntunin o pagkakaroon ng isang paaglalahat o generalization. Ang
pamamaraang ito, kung minsan ay tinatawag na “Limang Pormal na Hakbang sa
Pagtuturo” o dili kaya ay “Herbatian Method” sapagkat ipinakilala ito sa larangan ng
pagtuturo ni Herbert. Sinasabi rin ito na nagsimula sa nalalaman patungo sa hindi
nalalaman. Nagsisimula sa mga halimbawa patungo sa tuntunin kaya’t nasasabing ito
ay egrule na pamamaraan. Ang pamamaraang ito ay may limang hakbang 1)
paghahanda o preparation, 2) paglalahad o presentation, 3) paghahambing at paghalaw
o comparison and abstraction, 4) paglalahat o generalization at 5) paggamit o
application.

2.     PAMARAANG PASAKLAW O DEDUCTIVE METHOD


Ang pamaraang pasaklaw ay kabaligtaran ng pamaraang pabuod. Samantalang
ang pamaraang pabuod ay nagsisimula sa mga halimbawa patungo sa paglalahat o
pagbubuo ng tuntunin, ang pamaraang pasaklaw naman ay nagsisimula sa paglalahat ng
tuntunin patungo sa pagbibigay ng mga halimbawa kaya may taguring “rule” o “rule of
example”. May limang hakbang ito 1) panimula o introduction, 2) pagbibigay ng
tuntunin o katuturan o giving of rules/generalization 3)pagpapaliwanag ng tuntunin o
interpretation of the rule, 4) pagbibigay ng halimbawa o giving examples 5) pagsubok o
testing.

3.     PAMARAANG PABALAK O PROJECT METHOD


Ang pamaraang ito ay angkop na angkop gamitin sa pagtuturo ng Edukasyong
Panggawain. Angkop din naming gamitin sa pagtuturo ng anumang asignatura na may
nilalayong magsagawa ng proyekto. Sa pamamaraang ito, nalilinang sa mga mag-aaral
hindi lamang sa kakayahan at kasanayang pagpaplano, sa pagsusuri, sa pagpapahayag
at sa pagpapasiya kundi gayundin naman ang mga kapangkat at ang kakayahan sa
pagtanggap ng puna nang walang pagdaramdam o sama ng loob. Ito ay may apat na
hakbang 1) paglalayon o purposing 2) pagbabalak o planning 3) pagsasagawa o
executing 4) pagpapasiya o evaluating/judging.
4.     PAMARAANG PAGTUKLAS (Discovery Method)
Ang pamaraang pagtuklas ay isang pamaraaan ng pagtuturo na bukod sa
nagdudulot ng kawilihan ay humahamon pa sa kakayahan ng mga mag-aaral. Ang
pamamaraang ito ay nagbibigay ng pagkakataon sa mga mag-aaral na siyang
makatuklas ng kaalaman, konsepto, kaisipan, simulain at paglalahat. Ang mga mag-
aaral ay aktibong kasangkot sa pagtuklas ng karunungan at hindi basta na lamang
taagatanggap ng kung anu-anong mga idinidikta sa kanilang mga kaisipaan at
kaalaman.

5.     PAMARAANG PROSESO (Process Approach)


Ang process approach ay ginagamit sa pagtuturo ng mga asignatura sa aghaam at
iba pang disiplina. Ito ay isang pagdulog na ang binibigyang- diin ay hindi ang
pagkakamit ng mga mag0aaral ng maraming kabatirang ipasasaulo sa kanya kundi
manapa’y ang pag angkin ng mga mag-aaral ng mga batayang kasanayang intelektuwal
na kailangan niya sa pagkatuto.

You might also like