You are on page 1of 41

KOMPILASYON NG

MGA AKADEMIKONG
SULATIN SA FILIPINO

Reyna Mae V. Tagalog


Pagsulat ng Abstrak
“Epekto ng paggamit ng impormal na wika sa social media
sa gawaing pagsulat ng mga mag-aaral na nasa ika-siyam na
baiting ng Zamboanguita Science High School”

Ang pag-aaral na ito ay tumatalakay sa epekto ng paggamit ng


impormal na wika sa social media sa gawaing pagsulat. Ang
instrumentong ginamit ng mga mananaliksik ay talatanungan
(survey questionnaire). Pinili ng mga mananaliksik ang mga mag-
aaral a ika-siyam na baitang na binubuo ng limampu’t lima na
mga mag-aaral. Naganap ang pag-aaral na ito sa Zamboanguita
Science High School na matatagpuan sa Del Pilar St.,
Zamboanguita, Negros Oriental. Ang layunin ng pag-aaral na ito
ay malaman ang epekto ng paggamit ng impormal na wika sa
social media sa gawaing pagsulat ng mga mag-aaral. Ayon sa pag-
aaral, maraming mag-aaral ang gumagamit ng social media at
karamihan dito ay gumagamit ng Facebook. Ang mga mag-aaral ay
sumasang-ayon na ang impormal na wika ang kalimitang
ginagamit nila sa social media. At ayon sa nakalap na kasagutan,
mula sa mag-aaral sa ika-siyam na baitang ng zamboanguita
science high school, mayroong positibo at negatibong epekto ng
paggamit ng impormal na wika sa social media sa gawaing
pagsulat. Ang positibong epekto nito ay mas madaling naisusulat
ang teksto dahil sa pagpapaikli ng mga salita.At ang nagging
negatibong epekto nito ay nagkakaroon minsan ng iba’t-ibang
interpretasyon sa mga impormal na salitang ginagamit sa teksto.
Pagsulat ng Bionote
Si Gelly Elegio ay nagtapos ng kolehiyo na Bachelor
of Science in Education- History ng Mindanao State
University sa General Santos City noong 1986 bilang
isang Cum Laude at bilang isang Academic
Excellence Awardee. Nagtapos din siya ng Master of
Arts in Educational- Educational Management sa
Notre Dame of Marbel University, Koronadal City
noong 1997. Sa kasalukuyan, siya ay tagapagsanay
at tagapanayam sa pahayagan at teatrong sining.
Siya ang may-akda ng pamahayagan aklat sa Ingles
ng Campus Journalism in the Generation at mga
Sanayang-aklat sa Filipino School Paper Adviser of
the Philippines sa Nations School Press Conference
noong 2004.
Pagsulat ng Talumpati
"Magsalita ng Wikang Ingles o Wikang Filipino?“

"Ang hindi magmahal sa sariling wika ay higit pa sa malansang isda", ayon kay
Jose Rizal. Pilipino ako! Pilipino kayo! Paano mapapanatili at mapagtitibay kung
hindi ito gagamitin? Wikang Filipino ang dapat at tama.
Wika ay ang pundasyon ng ating bansa. Nagbibigay buhay sa kultura at ating mga
tradusyon. At sa pagkakaroon ng sariling wika naipapahayag ng mga mamamayan
ang kanilang saloobin. Ngunit bakit? Bakit mas ginagamit ng mga tao ang wikang
Ingles. Wikang banyaga mula sa nanakop sa ating bansa. Nagpahirap at nagkait ng
kalayaan. Pero hindi natin maipagkakaila ang tulong nila lalo nasa larangan ng
edukasyon. Subalit tila nakakalimutan ng iba ang wikang Filipino, hindi ba't ito ang
dapat inuuna. Ipinatupad ng pamahalaan ang Executive Order No. 210 noong Marso
17, 2003 na muling nagtatakda sa wikang Ingles bilang pangalawang wika sa pribado
at pampublikong paaralan. Sa ordinansang ito ang wikang Ingles ay pangalawa
lamang, pero ngayon ito na ang inuuna. Bilang isang mamamayan sa Pilipinas mabuti
ang marunong ng wikang Ingles lalo nasa pakikipag-ugnayan ng mga banyaga at sa
ibang larangan. Dapat tandaan na ang wikang Filipino ang nagsisilbing
pakakakilanlan sa bansa. Maging kabataan na may bukas na isipan. Maging
instrumento sa pagpepreserba ng wika.

Ang kailangan lang maging mamamayan na may pagpapahalaga sa sariling wika.


Maging daan sa pag-unlad. "Ang kabataan ang pag-asa ng bayan", ayon kay Jose Rizal.
Bigyan ng katotohanan ang salaysay na ito. Maraming Salamat.
Pagsulat ng Buod
"Ah Boy"
Si Ah Boy ay isang bata mula sa mahirap na pamilya. Mag-isa siyang
itinaguyod ng kanyang ina sa pamamagitan ng paghahatid ng mga
pahayagan na kalimitang dahilan bakit nahuhuli siya sa klase. Nagkaroon
siya ng oportunidad nang may nakita siyang kompetisyon. Kompetisyon sa
pagtakbo na may premyong 500RM na malaking tulong na sa kanyang
pamilya kung papalaring manalo. Nais niyang sumali ngunit may mga tao
talaga na humahadlang na ang dahilan kung bakit nasira ang kanyang
sapatos. Hindi siya nawalan ng pag-asa, naghanap siya ng paraan para
makabili ulit, nagtrabaho siya sa karinderya. Nang makabili na siya ng
bagong sapatos, natapon ito sa ilog dahil sa kaklase niyang walang magawa
sa buhay. Hindi makapaniwala si Ah Boy, lugmok na lugmok siya. Tinahi ng
kanyang ina ang luma niyang sapatos dahil alam niyang malungkot ito
ngunit nagalit si Ah Boy dahil nais niya ay sapatos na magagamit sa
kompetisyon. Nagsisisi siya kung bakit ipinanganak siya sa mahirap na
pamilya. Nasaktan ang kanyang ina pero nanaig pa rin ang kanyang
pagmamahal, ibinigay niya ang sapatos ng kanyang asawa na wala na. Sa
araw ng kompetisyon, kinakabahan siya pero masaya dahil alam niyang
nandiyan ang kanyang ina para sumuporta, ang kaniyang ina na
nagpapalakas ng kanyang kalooban. Dahil sa kanyang determinasyon at
pagpupursigi nakamit niya ang tagumpay at dahil din sa pagmamahal at
sakripisyo ng isang ina.
Pagsulat ng Repleksibong
Sanaysay
"My Beautiful Woman"

May mga bagay na hindi inaasahan. Bagay na higit pa sa lahat. Maraming


pagkakataon na dumadaan ka sa hirap ngunit walang kapantay ang hirap ng
isang ina. Ina na aagapay at mag-aaruga sayo. Ina na nandiyan para
sumuporta kahit na anong mangyari. At si Jane ay isang ina na kayang
tanggapin lahat ng hirap, huwag lang masaktan ang kaniyang anak.
Sa video clip na "My Beautiful Woman", ang pangunahing tauhan na si Jane
ay isang batang ina na napuno ng panghuhusgang natanggap sa lipunan
dahil sa kaniyang sitwasyon. Panghuhusga na naging daan upang mas
maging matibay at bumubuo sa kaniyang pagkatao. Saludo ako sa kaniya,
kaya niyang isakripisyo ang kaniyang sarili, huwag lang masaktan si June,
ang kaniyang anak. Hindi sila tinanggap ng publiko kahit hindi nila alam
ang buonf istorya. Mga masasakit na salita ang ibinabato sa kanya ngunit
patuloy na bumabangon dahil sa anak niyang kumukumpleto sa buhay niya.
Bukod tangi ang pagmamahal ng isang ina. Kagaya ni Jane na kahit hindi
mula si June sa kanyang dugo't laman, minamahal niya ito nang buong-buo.
Mga sakripiyong hindi mapapantayan. Panghuhusga mula sa mga taong
hindi bukas ang isipan. At mga sabi-sabing hindi ito tanggap sa lipunan. Ang
pagmamahal niya ay higit at hindi masusukat. Siya ay dakilang ina.
Pagsulat ng Photo Essay
“Pagkasira ng Yamang Tubig“

Ang ating bansa ay sagana sa likas na yaman at isa na ang ating


yamang tubig. Sagana sa mga isda at iba pa. Pinagkukunan natin ng
pagkain at hanapbuhay.
Subalit unti-unti na itong nasisira dahil
din sa mga taong walang pakialam sa kalikasan.
Walang pakialam
Subalit unti-unti kung ano nasisira
na itong ang maaaring
dahil din sa mga
taongmaging epekto nito
walang pakialam sa ating lahat.
sa kalikasan. Walang pakialam kung ano
ang maaaring maging epekto nito sa ating lahat.
Malaki ang naging epekto nito lalong-lalo sa mga hayop
na naninirahan. Namamatay sila dahil sa pag-aakala na
nakakakain ang mga plastics na itinatapon ng mga tao.
Malaki ang naging epekto nito lalong-lalo sa mga hayop na
Namamatay ang mga hayop at nawawalan na ang mga
naninirahan. Namamatay sila dahil sa pag-aakala na nakakakain ang
tao ng hanapbuhay.
mga plastics na itinatapon ng mga tao. Namamatay ang mga hayop at
nawawalan na ang mga tao ng hanapbuhay.
Ang mga tao na higit na may kasalan, ay higit
na may kasalanan ay sila din ang higit na
naaapektuhan dahil sa kanilang iresponsableng
aksyon.

Ang mga tao na higit na may kasalan, ay higit na may kasalanan


ay sila din ang higit na naaapektuhan dahil sa kanilang iresponsableng
aksyon.
Sana ay muling maibalik ang ganda ng ating kalikasan at
muling maging malinis ang mga katubigan. Magsimula sa
ating sarili. Magbago para sa ikakaunlad ng ating bansa at
para sa kinabukasan nito.
Photo Credits:

https://encrypted-tbn0.gstatic.com/images?q=tbn:ANd9GcQhweiIux0Xk_juCL0OCFzVOfwCQ-
ktbG9qLRHAt6HssprajlCtMw
https://encrypted-tbn0.gstatic.com/images?q=tbn:ANd9GcTnPg9u9EOLlWB3FN1SyqgUr2SnA--
FvqGcu7uVcr2F51GqBHmHvA
https://encrypted-tbn1.gstatic.com/images?q=tbn:ANd9GcSkKgbRSqRI1OF-x7O-
Vcq4fUT25AnblHUg_olPkOkzNpB-ck1S6-F3zg
https://encrypted-tbn2.gstatic.com/images?q=tbn:ANd9GcQz4yt3xUlYc8FnuL-
Im4pwKKL0k0RPb4dRirWfB677IA9z3PZsU1b8gg
https://encrypted-
tbn1.gstatic.com/images?q=tbn:ANd9GcTy4kdsaAzXbVAG_Pf8WWuhGzzW2ZUvxB0CP3tBxoSCPMVGy
ZSsZpkviw
https://encrypted-
tbn1.gstatic.com/images?q=tbn:ANd9GcSyttUE3ScYMl95ZX9snSa_0_2IdddYEVp0ShrgWUeptP55VFKF
-cMngQ
https://encrypted-
tbn3.gstatic.com/images?q=tbn:ANd9GcTIUsxEwmi0oHQV0RCf6CTbUIBokSwtD6oADgYqcLDpfNx4yY
hWuKtb0w
https://encrypted-
tbn2.gstatic.com/images?q=tbn:ANd9GcQEX3CUs64hKTZ_4hY0Q6eyBPmLw0dapGy04h_Q6JUQ7edv-
fssrLyWFQ
Pagsulat ng Lakbay-
Sanaysay
"Siquijor“

Maraming magagandang isla na matatagpuan sa Pilipinas, isa na ang Siquijor. Ang Siquijor ay
isang maliit na isla na makikita sa Visayas. Sagana sa yamang tubig na pinagkukunan ng
hanapbuhay ng mga tao. Bukod sa malinaw na tubig at magagandang baybayin may iba't ibang
lugar sa Siquijor na tiyak na mapapamangha ka.
Maliit na isla ngunit punong-puno ng iba't ibang magandang bagay. Maraming nakakamanghang
lugar sa isla at magbabanggit ako ng iilan at isa na ang Lugnason Falls ang 13th Falls sa Zodiac
Falls. Ang Zodiac Falls ay ang serye ng mga talon na matatagpuan sa isla. Sunod naman ang St.
Francis of Assisi Church, ito ang nagsisilbing landmark ng isla. Ano ang mas nakakainteresado
dito ang belltower na makikita kaunting distansya lamang mula sa simbahan. Ang belltower ay
nasa gitna ng plaza na nagsisilbing tagabantay ng mananakop sa Siquijor. Sunod ay ang Coco
Grove Resort at kilala dahil sa kakaibang serbisyo. Ang lokasyon ng resort at matatagpuan sa
harap ng marine sanctuary na kilala sa magandang diving spot. Hindi ordinaryoang ganda ng
resort mula sa lugar hanggang sa mga pasilidad nito. Meron silang restaurant, bar, spa, 2
swimming pools at maraming aktibidad na maaaring gawin. Busog na ang mata sa mga lugar
ngunit hindi ba't mas maganda kung busog ka din. Ang Kamp Aninipot ay kilala dahil sa
masasarap nilang pagkain tulad ng nilagpang, ito ay manok na may malunggay, meron din silang
sisig, laug sa Baruto at iba't ibang putahi na may isda na bubusog sayo. Maraming kainan na
pasok na pasok din sa bulsa. Sagana rin ang isla sa niyog na pinagkukunan nila ng hanapbuhay.
Ginagawa nila itong virgin coconut oil. At nagagawa ang niyog sa iba't ibang produkto, walang
nasasayang sa niyog.
Napakagandang lugar na hindi mo nanaising umalis. Lugar na tatatak sa pyso at isipan. Kahit sino
ka pa, siguradong gugustuhin mong bumalik dito. Nakakamangha at kaaya-ayang isla na bubusog
sa iyong mata at syempre iyong sikmura. Maliit na isla ngunit punong-puno ng magandang lugar
na hindi mo malilimutan. Halina't bisitahin ang isla ng Siquijor at mamangha sa taglay na ganda
at makaranas ng kakaibang karanasan na hindi mo malilimutan.
Pagsulat ng Resume
09262157818
reynamaetagalog@gmail.com
Reyna Mae V. Tagalog

Layunin :
Posisyon bilang isang nurse
Kwalipikasyon :
Board Certified, 11 years
Maalam sa mga pasyente
Qualified Patient Educator
Tapat na medical professional

Personal na Datos :
Araw ng kapanganakan : May 18, 2001
Lugar ng kapanganakan : Zamboanguita Negros Oriental
Sibil Status : Walang asawa
Nasyonalidad : Filipino
Relihiyon : Penticostal
Timbang : 40 kg.
Tangkad : 5'3
Pangalan ng Ama : Terry Q. Tagalog
Pangalan ng Ina : Emma V. Tagalog
Edukasyon :
BS Nursing 2019-2023
Cum Laude
UP Diliman, Manila
Karanasan :
Volunteered Nurse sa Bacoor, Cavite 2024-2025
Assistant Nurse 2026- 2028

Skills :
Maaasahan
Mapagkakatiwalaan
Marunong makisama
Malawak ang kaalaman

Personal na Sanggunian :
Dr. Phoebe Carpio
Private DoDocto
Bacoor, Cavite
Pagsulat ng Application
Letter
September 3, 2018

Bb. ANA MELISSA T. VENIDO


Hospital Director
PHMED Hospital
Bacoor, Cavite

Mahal na Bb. Venido,

Pagbati!
Nabasa ko po sa Philippine Daily Inquirer na nangangailangan kayo ng isang nurse sa
inyong hospital. Naniniwala po akong ang aking abilidad at karanasan ay angkop sa
posisyong ito.
Naniniwala po ako na ang aking natapos na degree sa BS Nursing sa UP Diliman ay
nararapat sa posisyon. Pinarangalan ako bilang Cum Laude at isang rehistradong
nurse. Isang karapat-dapat at maayos sa anumang posisyon. Isa akong volunteered
nurse sa Bacoor, Cavite at naging assistant ng isang doctora.
Naghahanap ako ng panibagong karanasan kung saan maipapakita ang aking abilidad.
Handa po akong magtungo sa inyong tanggapan para sa isang panayam, sa oras at
petsang inyong nanaisin at maari niyo akong tawagan sa numerong +639262157818.
Kalakip ng liham na ito ang aking resume.

Lubos na gumagalang,
REYNA MAE V. TAGALOG
Pagsulat ng Agenda
Petsa: Nobyembre 8, 2018
Para sa: Mga Kasapi ng Earth Club
RE: Buwanang Pulong
Mula kay: Reyna Mae Tagalog, President ng Earth Club

Saan: School Office


Kailan: Nobyembre 10, 2018
: Ika-8 ng uumaga

Layunin: Mapag-usapan ang mga napapanahong isyu na kinakaharap ng karagatan

Agenda:

Pagsismula
Attendance
2. Pag-apruba sa katitikan ng nakaraang pagpupulong o minutes of the meeting
3. Mga isyu o usapin sa katitikan ng nakaraang pagpupulong ba kailangan linawin o iwasto
Isyu tungkol sa water pollution
Pagdami ng mga basura sa kakaragatan
4. Regular Report
Epekto ng water pollution
Clean- Up Drive
Aktibidad sa karagatan
5. Mga pangunahing puntong tatalakayin
Mga solusyon ukol sa problemang hinaharap
6. Iba pang bagay na nais pag-usapan
Mga gagawing aktibidad at budget para sa Earth Club.
7. Petsa ng susunod na pagpupulong
10-08-18
Katitikan ng Pulong
Mga Dumalo:
James Rey Banua Apple Jan Valencia
Faye Nicole Generoso Karylle Louise Cafino
Angiela Dini-ay Clint Mar Davad
John Kenneth Verano Shainah Aro
James Tumazar Jennis Rossel Valdez
Lovely Angel Aday Andrea Nadine Credo
Clifford Ventula Nina Nathalie Elnasin
Christina Faye Banua Ailene Alegre
Milward Rhey Udtohan Shin Jin Partosa
Hannah Jane Eltanal Mary Joy Bautista
Reyna Mae Tagalog Joilyn Abejero
Arren Paul Hortiz Rodny Parao

Mga Di-Dumalo:
Marites Delasas
Christine Mae Elnas
Joel Partosa Jr.
1. Pagsisimula ng Pulong
Nagsimula ang pulong sa ika- 9:06 ng umaga. Pinamunuan ito ni James Tumazar,
President ng Grade 12- Generoso.
2. Pagpapatibay ng Panukalang Agenda
Iminungkahi ni James Tumazar ang pagpapatibay ng adyenda.
3. Pagbasa at pagpapatibay ng katitikan
Iminungkahi ni Mary Joy Bautista na pagtibayin ang katitikan ng pulong tungkol sa Green
Project noong Ika-7 ng Setyembre na pinangalawahan naman ni James Tumazar na
gawing Setyemvre 22, 2018.
4. Mga dapat pag-usapan batay sa nakaraang katitikan
Kailan mangyayari ang Greening Project
Tungkulin ng bawat mag-aaral
- Napagdesisyonan na limang lalaki ang gagawa ng bakod at ang natira nama'y
pagtutulungan ng babae.

5. Pagtatalakay sa Panukalang Proyekto


Pinagbotohan na Class Activity
Vacation Trip - 17 na estudyante ang bumuto
Team Building - 1 na estudyante ang bumuto
Tree Planting - 7 na estudyante ang bumuto
Karamihan sa nagparticipate ang pumili ng vacation trip, ngunit iminungkahi ni Jennis
Rossel Valdez ang P.I.O ng naturang klase ay pumili ng tree planting sapagkat angkop
ito sa nakaraang aktibidad na greening project. Nagsalita naman ag Secretary nasi
Shainah Aro na lahat ng aktibidad na nabanggit ay maaaring gawin sa vacation trip.
Kailan at saan idaraos ang nasabing Vacation Trip
Limang araw ang ilalaan sa darating na sembreak para sa class activity na magsisimula
sa Oct. 22- Nov. 5, 2018
Nasang-ayunan ng buong klase nasa Siargao mangyayari ang vacation trip
Para saan ang Vacation Trip
Magkaroon ng mas matibay na samahan ang bawat isa.
Mga kailangan sa Vacation Trip
Transportation - Clint Mar Davad at James Tumazar
Private Bus - Joilyn Abejero
Lugar na tutuluyan - Rodny Parao sa kanyang Villa de Barny
Permission Slip
6. Iba pang pinag-usapan
Oras sa pagpunta- 5:00 a.m.
7. Pagkatapos ng Pulong
Nagtapos ang pulong sa oras na 9:44 ng umaga

REYNA MAE TAGALOG


KALIHIM
Pagsulat Ng Memorandum
REPUBLIKA NG PILIPINAS
KAGAWARAN NG EDUKASYON
REGION VII, CENTRAL VISAYAS
DIVISION OF NEGROS ORIENTAL
ZAMBOANGUITA SCIENCE HIGH SCHOOL

MEMORANDUM
PARA SA: Grade 12- Generoso
MULA KAY: REYNA MAE TAGALOG
PETSA: Setyembre 19, 2018
PAKSA: ANG GAGAWING CLASS ACTIVITY SA DARATING NA SEMESTRAL BREAK
_______________________________________________________________________________
_________
Batay sa napagdesisyunan ng klase sa nakaraang pagpupulong tungkol sa gagawing class activity
sa Siargao ngayong darating na semestral break. Sa aktibidades na ito napagsang-ayunan na may
limang araw na vacation simula October 22, 2018 - October 27, 2018.
Bilang bahagi ng nasabing vacation trip sa Siargao pangunguluhan ito ng mga Class Officers ng
Grade 12- Generoso sa pagtataguyod ng mga actibidades kasama ang mga naatasang tao sa iba't
ibang gawain
Transportation - Clint Mar Davad at James Tumazar
Private Bus - Joilyn Abejero
Lugar na tutuluyan - Rodny Parao sa kanyang Villa de Barny

Lgd.
JAMES TUMAZAR
PANGULO
Liham Pahintulot
October 02, 2018
GNG. MELISSA A. LERO
Officer-in-charge
Zamboanguita Science High SchooL

Magandang araw po sa inyo!

Kami po ay mag-aaral na kasalukuyang kumukuha ng asignaturang Filipino sa Piling Larang. Nais po


naming magsagawa ng isang orientation tungkol sa STEM strand bilang kailangan sa akademikong pagsulat ng
Panukalang Proyekto. Hihingi kami ng oras sa susunod na linggo mga bandang 3:00 hanggang 4:00 PM sa mga
mag-aaral na nasa ikasampung baitang ng Grade 10-Elnar at 4:00 hanggang 5:00 sa Grade 10-Catanus.
Ang inyong pagpapahintulot sa amin ay kikilalanin, pasasalamatan at tatanawing utang na loob.
Maraming salamat!

Inihanda nina: Lgd.


Marites Delasas
Lgd.
Clint Mar Davad
Lgd.
Shin Jin Partosa
Lgd.
Reyna Mae Tagalog

Iminungkahing pinagtibay ni:


Lgd.
Bb. Ana Melissa Venido
Guro- Filipino XII
Pinagtibay ni:
Lgd.
Gng. Melissa A. Lero
Officer-in-charge
Panukalang Proyekto
Republic of the Philipinnes
Department of Education
Region VII, Central Visayas
Zamboanguita Science High School

I. Pamagat ng Proyekto:
Orientation tungkol sa STEM strand

II. Proponent ng Proyekto:


Mga Grade 12- Generoso (Ikatlong Grupo)

III. Ang orientation tungkol sa STEM strand ay pinangungunahan ng ikatlong grupo ng Grade 12-
Generoso na kung saan namamahagi ng kaalaman tungkol sa strand na Science, Technology,
Engineering, and Mathematics (STEM). Ang mga kaalamang kanilang ibabahagi sa Grade 10
students ay batay sa kanilang karanasan bilang nga estudyante ng STEM.
Ang orientation ay sa silid aralan mismo ng Grade 10-Elnar at Grade 10-Catanus.

IV. Makikinibang sa Proyekto:

Ang mga makikinabang sa orientation na ito ay ng nga Grade 10 students ng Zamboanguita


Science High School na hindi makapagdesisyon kung ano ang strand na pipiliin.

V. Layunin:

Pangkalahatang layunin ng proyekto:


Ang layunin ng orientation na ito upang mabigyan ng ideya ang mga estudyante tungkol sa strand
na STEM at para magkaroon sila ng gabayung anong strand ang pipiliin nila para sa senior high
school.
Tiyak na layunin:

Maibahagi ang aming karanasan at kaalaman bilang estudyante sa STEM.


Magbigyan ang mga estudyante sa Grade 10 ng kaalaman tungkol sa STEM strand.

VI. Kakailanganin ng Proyekto

Kakailanganin Mga Mapagkukunan ng


Kagamitan

TV Silid aralan mismo ng Grade


10
Laptop Grade 12-Generoso

Permission Slip Punong guro

Powerpoint Presentation Mga tagapagpanukala mismo


VII. Talatandaan ng mga Gawain:

Petsa Mga Gawain Mga Magsasagawa

Orientation Tagapanukala mula sa


Grade 12-Generoso

Introduction Marites Delasas


October 8, 2018
Advantages Reyna Mae Tagalog

Subjects Clint Mar Davad

Opinions Shin Jin Partosa


Inihanda nina:
Lgd.
Marites Delasas
Lgd.
Reyna Mae Tagalog
Lgd.
Shin Jin Partosa
Lgd.
Clint Mar Davad
Mga tagapanukala

Iminungkahing pinagtibay ni:


Lgd.
Ms. Ana Melissa Venido

Pinagtibay ni:
Lgd.
Mrs. Melissa Lero
Officer-in-charge
Maraming Salamat!

You might also like