You are on page 1of 2

ASIGNATURA Araling Panlipunan Baitang 5

MARKAHAN Ikatlo Pangkat


PAMANTAYAN SA Natatalakay ang impluwensya ng CODE AP5KPK-IIIc-
PAGKATUTO mga Espanyol sa kultura ng mga 3
Pilipino

MGA PAGBABAGO SA KULTURA


Maraming pagbabago rin sa kultura ang naganap mula nang sakupin ang ating ng mga
dayuhan. Maaaring saabihin lumago ito at napagyabong dahil sa ambag na impluwensiya ng mga
Espanyol. Angmga pagbabagong ito ay malinaw na naaninag at patuloy nakikita hanggang sa
kasalukuyan ang mga impluwensiyang naiambag ng mga dayuhan upang upang mapayaman ang
natura na kultura mayroon ang ating bansa.

Sining
Nang dahil sa impluwensiya ng mga Espanyol, nakilala sina Juan Luna sa kanyang Spoliarium
na nagkamit ng gintong medalya at Felix Hidalgo sa larangan ng pagpipinta sa kanyang Las
Virgenes Christianas Expuestas al Populacho na pinarangalan ng pilak na medalya sa kanyang
iginuhit. Kalimitang ang tema ng kanilang mga pinta noon ay may kinalaman sa mga mayayamang
Pilipino at ang kanyang paniniwalang Kristiyano.

Paglililok
Ang mga prayle ang nagturo sa mga Pilipino ng paglililok at paggawa ng mga palamuti,
estatwa, at imahen para sa simbahan. Umusbong at nanguna ang mga pangalan nina Romualdo
Teodoro De Jesus, Manuel Asuncion, IsabeloTampico at Cipriano Bacay sa larangang ito.

Musika
Palibhasa ay likas sa mga Pilipino ang pagkahilig sa musika at wala man silang pormal na
pag-aaral tungkol dito ay madali nilang natutuhan ang tungkol sa musika. Madali rin nila natutuhan
ang mga awit at sayaw ng mga Espanyol. Ang tanyag na organong kawayan sa Las Piñas ay
ginawa ni Padre Diego Cerra noong 1818.

Wika at Panitikan
Likas na matatalino ang mga Pilipino kaya madali nilang natutuhan ang pagsasalita at
pagsusulat ng salita Espanyol gayon din ng Latin. Itinuro ng mgaEspanyol sa mga Pilipino ang awit
at korido. Ang awit ay isang salaysaying patula na may 12 pntig sa bawat taludturan. Ito ay
nagsasalaysay ng ng kagitinga at kabayanihan ng mga Pilipino. Samantalang ang korido naman
ay may walong pantig sa baat taludtod at ang paksa nito ay tungkol sa buhay ng mga santo.
Kilala ang mga pangalang naging tanyag sa larangang ito ay sina Jose Dela Cruz (Huseng
Sisiw), Francisco Baltazar (Balagtas, sumulat ng Florante at Laura), Modesto Castro (may-akda ng
Urbao at Felisa, Pedro Bukaneg (may-akda ng Biag ni Lam-ang), at JoseRizal ( sumulat ng Noli
Me Tanger at El Felibusterismo).
Ang kauna-unahang aklat na nailimbag sa Pilipinas ay ang Doctrina Christiana na naglalaman
ng tungkolsa Kristiyanismo, primaryang alpabeting Espanyol, matandang abakadang Tagalog,
mga dasal at saligang aral ng simbahang Katoliko.

Tanghalan
Ang pagtatanghal ng moro-moro at komedya na kung saan ay ipinapakita ang pagalaban ng
Muslim at Kristiyano ay isinasadula ang pagpapakita ng pagpapabinyag ng Muslim upang maging
Krisyano ay makikita sa huling bahagi ng palabas. Samantala, ang sarswela naman ay dramang
isinasaawit at ang senakulo ay pagsasadula ng buhay ni Jesukristo. Ang senakulo ay itinatanghal
tuwing Mahal na Araw.

Pananamit
Ang pananamitng ating mga ninuno ay naimpluwensiyahan rin ng mga Espanyol, Ang mga
lalaki ay nagsuot ng tuxedo at gumamit ng baston. Samantalang ang mga babae ay nagsuot
naman ng baro’t saya at sinamahan pa ito ng blabal na panwelo sa kanilang balikat. Gumamit rin
sila ng panyo at panyeta at nagsuot din sila ng tsinelas at sapatos.
Pag-uugali
Malaki ang nagawang impluwesiya ng mga Espanyol sa lahat ng mga Pilipino lalo’t higit sa
pag-uugali. Ang pag-uugali na hindi man aminin ng lahat ay dala-dala nating mga Pilipino
magpasa-hanggang ngayon. Ito marahil ang matinding naitanim sa ating lahat nang matagal na
pananakop sa atin ng mga dayuhang Espanyol. Maituturing nating magandang pamana sa ating
lahat. Sila ang naging dahilan ng mahigpit na pagkakabuklod nating mga Pilipino lalo na at pamilya
ang punag-uusapan. Sa kanila rin natin namana ang pagsunod sa awtoriad at kapangyarihan,.
Dahil din sa kanila mas naging mapagkawanggawa tayo at handang laging tumulong sa mga
nangangailngan.
Subalit, nang dahil din sa kanila ay nabawasan ang karapatan ng mga kababaihan at naging
sunud-sunuran lang sila sa kanilang mga asawa. Nalimitahan ang mga karapatan ng mga
kababaihan na hanggang pantahanan lamang sila nang daail naikintal sa kanilang isipan na ang
paggawa ay pang-mahirap lamang na dapat ikahiya. Kung kaya dahil dito ay naging tamad ang
mga Pilipino.

Test I. Punan ang ladder web ng mga naging pagbabago sa kulturang Pilipino noong panahon ng Espanyol.

Mga Aspekto ng Kulturang Pilipino na Nagbago sa Panahon ng mga Espanyol

You might also like