You are on page 1of 8

MODYUL 12

PAGSULAT NG ULO NG BALITA


Kumusta na kayo? Ilang aralin na rin ang inyong nabasa at natitiyak kong marami na kayong natutuhan.
Sadyang inihanda ang modyul na ito para sa inyo at marami na naman kayong matututuhan sa bagong
aralin na ito. Kung naibigan ninyo ang nakaraan, tiyak na lalo ninyong magugustuhan ang inihandang
bago.
Inaasahang Pagkatuto:
Sa katapusan ng araling ito, kayo ay inaasahang:
A. Nalaman ang kahalagahan, iba't ibang uri, at mga tuntunin sa pagbuo ng ulo ng balita.
B. Nagkakaroon ng malawak na talasalitaan sa pag-uulo ng balita.

Inilaang oras: 45 minutes

I. SUBUKAN NATIN‘TO

“PAGPUNO SA PATLANG”
Bago tayo tumuloy, sagutan ang pagsusulit sa ibaba sa pamamagitan ng paglagay ng tamang sagot sa
patlang. Piliin ang tamang sagot sa loob ng kahon sa ibaba.

1. Ang _______________ ay naglalaman ng opinyon ng editor o patnugot ukol sa isang isyu.


2. Ang _______________ na seksiyon ay nagbibigay ng mga artikulo ukol sa mga laro at mga
atleta.
3. Ang _______________ na balita ang nagsasabi sa atin ng mga pangyayari sa iba’t ibang bahagi
ng mundo.
4. Ang _______________ ay naglalaman ng ulo ng balita at kadalasang naglalaman din ng balitang
internasyonal at lokal, panahon , at indeks.
5. Ang _______________ na seksiyon ay naglalaman ng mga balitang pinansiyal at nauukol sa
negosyo o kalakalan.

ulo ng balita kalakalan unang pahina


palakasan bandila editoryal
internasyonal lokal
II. PAG-ISIPAN NATIN!
PAGSULAT NG ULO NG BALITA
(WRITING HEADLINES)
Katuturan ng Ulo ng Balita
Ang ulo ng balita ay ang pamagat ng isang balita na nagtataglay ng lalong malaking titik kaysa
teksto o katawan nito.
Gamit ng mga Ulo ng Balita
1. Upang lagumin ang balita (To summarize the story)
2. Upang pagandahin ang pahina (To make the page attractive)
3. Upang bigyang antas ang bawat balita. (To grade the news)
Mga Uri ng Ulo ng Balita
1. Baner (Banner Headline)- ang ulo ng pinakamahalagang balita na may pinakamalaking titik at
pinakamaitim na tipo at matatagpuan sa pangmukhang pahina.
2. Bandereta (Streamer)- ang ulo ng balita na tumatawid sa kabuuan ng pangmukhang pahina.
3. Baynder (Binder)- ito ang ulo ng balita na tumatawid sa itaas ng panloob na pahina.
4. Kubyerta (deck, bank, readout o drophead)- ito ang bahagi ng banner na nagtataglay ng
maliliit na titik at naiibang tipo kaysa sa unang tipo.
5. Payong (Umbrella o Skyline)- ang tawag sa isang streamer na matatagpuan sa itaas ng pangalan
ng pahayagan.
6. Sabhed (Subhead)- ang tawag sa pantulong na pamagat na ginagamit upang mabigyan ng
espasyo ang mahabang istorya.
7. Taglayn (tagline),Kiker (Kicker) o teaser (teaser)- ito ay isang maikling linya na inilagay sa
kaliwa o sentrong itaas ng pinakaulo ng balita. May maliit na tipo at may salungguhit. Hammer
ang tawag kung ang kicker o tagline ay mas malaki kaysa sa ulo ng balita.
8. Nakakahong ulo (boxed head)- ginagamit ito upang mabigyang-diin ang kahalagahan ng balita
o maaari ring gawing panghiwalay sa dalawang magkalinyang ulo ng balita o tombstone heads.
9. Talon-ulo (jump head)- ang tawag sa ulo ng karugtong na istoryang hindi natapos sa pahinang
kinalimbagan dahil sa kakapusan ng espasyo.
Uri ng Ulo ng Balita Ayon sa Istilo (According to Style)
1. Malalaking Titik (All Caps)
TORCH NANGUNA SA PALIGSAHAN
2. Malaki-Maliit na Titik (Cap and Lower Case o Clc)
Torch Nanguna Sa Paligsahan
3. Pababang Istilo
Torch nanguna sa paligsahan
Uri ng Ulo Ng Balita Ayon sa Anyo (According to Structure)
1. Pantay-kaliwa- ito ay binubuo ng dalawa o mahigit pang linyang pantay ang pagkakahanay ng
unang titik sa kaliwa.
Halimbawa:
20 miyembro ng Tau Gamma
kinasuhan na
2. Pantay-kanan- ito ay binubuo ng dalawa o mahigit pang linyang pantay ang pagkakahanay ng
mga hulihang titik sa kanan.
Halimbawa:
4 mangingisdang Pinoy iniligtas
ng Chinese ship sa Palawan
3. Dropline- binubuo ito ng dalawa o mahigit pang linya na ang mga kasunod na linya ay may
palugit sa bawat linyang sinundan.
Halimbawa:
Algieri wala pang desisyon
kung lalabanan si Pacquiao
4. Bitin- Pantay (Hanging indention)- binubuo ito ng mahigit dalawang linya kung saan ang mga
kasunod sa unang linya ay may pantay na palugit.
Halimbawa:
Ex-Makati Vice Mayor
pinagbabayad ng P1-M
VP Binay wagi sa kaso
5. Baligtad na piramide- ito ay binubuo ng dalawa o higit pang linyang iniayos na parang piramide.
Halimbawa:
CIDG pinabulaanan ang 'suicide'
ni Deniece Cornejo
6. Crossline o barline- ito ay ilang linyang ulo ng balita na maaaring sumakop ng dalawa o tatlong
kolum.
Halimbawa:
Global award ng WB, ipinangalan sa Pinoy

7. Flushline o full line- binubuo ito ng dalawa o mahigit pang magkasinghabang linyang pantay sa
kanan o kaliwa.
Halimbawa:
Pamamaril sa dating PTA chief,
kinondena ni VP Jejomar Binay

Mga Dapat Tandaan sa Pag-uulo ng Balita


1. Basahin ang istorya upang makuha ang pangkalahatang kaisipan.
2. Kunin ang mahahalagang salita upang gawing batayan sa pag- uulo.
3. Ang mga salitang gagamitin sa pag-uulo ay karaniwang nasa patnubay
4. Gamitin ang pinakaikling mga salita sa pag-uulo.
5. Gamitin lamang ang tuldok – padamdam kung kinakailangan
6. Iwasan ang nagbanggaang ulo o dalawang ulo ng balitang magkalinya at may magkasinlaking
tipo.
7. Huwag maglagay ng tuldok sa katapusan ng ulo ng balita.
8. Lagyan ng simuno at pandiwa ang ulo ng balita. Simulan ito sa simuno at huwag sa pandiwa.
9. Maglagay ng kuwit sa dulo ng simuno bilang pamalit sa ay.
10. Huwag gumamit ng mga pantukoy sa panimula.
11. Huwag paghiwalayin ang mga tambalan o mga salitang magkaugnay.
12. Gamitan ang kuwit, bilang pamalit sa at.
13. Ang unang titik lamang ng ulo at ng mga tanging pangalan ang ilimbag sa malaking titik.
14. Kung gagamit ng tahasang sabi bilang ulo, lagyan ng isang panipi lamang.Ngunit kung ang
pinagkunan nito ay ibinigay, huwag nang lagyan ng panipi. Lagyan na lamang ng gatlang ang
huling titik ng ulo at ibigay ang apelyido o dinaglat na pangalan ng kilalang taong nagsabi.
15. Gamitin lamang ang mga kilalang daglat tulad halimbawa ng RP para sa Republika ng
Pilipinas,Pnoy para kay Pres. Aquino at iba pa.
16. Huwag magtapos sa pang-angkop, pantukoy o pang- ugnay sa dulo ng unang linya.
17. Huwag bumanggit ng pangalan maliban kung tao ay kilala.
18. Iwasan ang masaklaw na pagpapahayag. Iwasan ang opinyon sa ulo ng balita.
19. Iwasan ang masaklaw na pagpapahayag.
20. Iwasan ang paggamit ng negatibong pandiwa.
21. Gumamit ng mabisa at makatawag-pansing pandiwa.
22. Iwasan ang paghihiwalay ng pang-ukol sa layon nito.
Mga Tuntuning Tradisyunal sa Pagsulat ng Ulo ng Balita
1. Iwasan ang magdikit-dikit na titik o salita.
Hal. ArawangMakakaisangBansa,ipinagdiwang
2. Iwasan ang madadalang na titik.
Hal. O p e r a t i o n L i n i s S i n i m u l a n
3. Iwasan ang ulong walang pandiwa.
Hal. Limang guro sa Seminar
4. Iwasan ang ulong pang-etika.
Hal. Linggo ng Wika
5. Iwasan ang pag-uulit ng salita o ideya sa ulong may higit ng isang kubyerta.
Hal. Mali- Aklasan sa UST, nalutas
Nagsipag aklas, bumalik
Tama- Aklasan sa UST, nalutas
guro, kawani nagsibalik
6. Huwag gagamit ng pangalan maliban kung ang tao’y tanyag o kilalang kilala.
7. Maging tiyak, iwasan ang masaklaw na pagpapahayag
8. Iwasan ang opinion sa balita. Ibigay ang tunay na pangyayari
9. Lagyan ng pandiwa ang bawat ulo, lantad man o tago
10. Iwasan ang paggamit ng negatibong pandiwa
11. Gumamit ng mabisa at nakakatawag-pansing pandiwa

Pamamaraan sa Pagsulat ng Ulo


Pagkatapos makabuo ng ideya para sa ulo ng balita, ang kasunod na hakbang na gagawin ng editor ng
kopya kung paano ito pagkasyahin sa nakalaang espasyo sa pahina. Upang maisagawa ito, kailangan
magbigay ng tagubilin sa tagapag- anyo kung anong tipo ng pagkasulat ang ilalapat sa teksto at kung
paano ito isasaayos sa pahina.
Hal. 3-20TNRB Ang unang bilang na 3 ay para sa ulo ng balita na pagkasyahin sa tatlong kolum sa
pahina. Ang bilang na 20 ay ang laki ng tipo ng titik na gagamitin. Ang TNR naman ay para sa Times
New Roman, ang tipo ng titik na gagamitin ay B na nangangahugang bold o maitim na tipo ng titik. *Ang
dalawang linya sa ibaba ay tumutukoy sa bilang ng dek o linya ng ulo ng balita kung lalagyan ng kiker o
panimulang ulo ang balita,
 Lalagyan lamang ng bar pagkatapos ng B at ilagay ang salitang kiker.
Hal. 3-20 TNRB/Kiker *Ang pampaaralang pahayagang tabloid na may sukat na 12” x 8” ay magtataglay
ng limang kolum na ang bawat sukat ay 12 ems o dalawang pulgada.
Mga Tuntunin sa Paggamit ng Bantas
1. Huwag gumamit ng tuldok upang wakasan ang ulo ng balita
2. Gamitin ang kuwit sa halip na ang pangatnig na “at”
San Juan, Cruz napiling tagapagsalita
3. Gumamit ng tuldok-kuwit sa pag-uugnay ng dalawang kaisipan
Halalan sa YMCA itinuloy;
Rey Malonzo, napiling pangulo
4. Huwag gamitan ng gatlang (dash) sa malalaking tipo.
Maaaring gamitin ito sa maliit na kubyerta lamang.
5. Iwasan ang paggamit ng dobleng panipi (double quotation).
Gamitin ang bugtong na panipi (single quotation)
Sa ulo ng balita:
Mahalin ang sariling Wika’
_Pineda
Pagbilang ng Yunits
Bawat pahayagan ay may takdang sukat ng kolum. Ang karaniwang pampaaralang pahayagan na sukat
tabloid (12” x 18”) ay nagtataglay ng limang kolum na ang bawat sukat ay 12 ems (dalawang pulgada o
dali). Bawat laki at estilo ay may tiyak na bilang para sa espasyong kalalagyan.
½ yunit –jiltf at lahat ng bantas, maliban sa (emdash), dobleng panipi (double quotation marks) at sa
tandang pananong (question mark)
1 yunit- ?, espasyo, lahat ng numero (0-9), malalaking titik maliban sa M at W (dalawang yunits)
n.b. Kung computer ang gagamitin sa pag layout hindi na kailangang magbilang ng yunits. Gagampanan
na ng computer ito subalit kailangan ding malaman ang basic ng headline writing. Hindi lahat ng paaralan
ay may computer.
Mga halimbawa
Ipinatuturo
1/2 1 1/2 1 1 1/2 1 1/2 1 1 1=12

pagpaplano
111111 1/2 111 = 9 1/2

ng pamilya
1 1 1 1 1 1/2 1/2 1/2 1 = 9 1/2

III. SUBUKIN NATIN ANG INYONG NATUTUNAN!


PAMIMILIAN: Basahin at unawaing maiigi ang bawat pahayag. Piliin ang pinakatamang
sagot at isulat ito sa unahan ng bawat bilang.
1. Alin sa mga sumusunod ang gamit ng ulo ng balita?
a. Upang lagumin ang balita
b. Upang pagandahin ang pahina
c. Upang bigyang antas ang bawat balita.
d. Lahat ng nabanggit ay tama

2. Tawag sa isang streamer na matatagpuan sa itaas ng pangalan ng pahayagan.


a.Bandereta c. Payonng
b. Baynder d. Sabhed
3. Uri ng ulo ng balita na ginagamit upang mabigyang-diin ang kahalagahan ng balita o
maaari ring gawing panghiwalay sa dalawang magkalinyang ulo ng balita o tombstone
heads.
a. Baner c. Nakakahong ulo
b. Sabhead d. Talon-ulo
4. Anong uri ng ulo na balita ang nasa ibaba?
TORCH NANGUNA SA PALIGSAHAN
a. Malalaking Titik (All Caps)
b. Malaki-Maliit na Titik (Cap and Lower Case o Clc)
c. Pababang Istilo
d. Wala sa nabanggit
6. Isang maikling linya na inilagay sa kaliwa o sentrong itaas ng pinakaulo ng balita. May maliit na
tipo at may salungguhit.
a. Bandereta c. Taglayn
b. Baner d. Kubyerta

7. Tawag kung ang kicker o tagline ay mas malaki kaysa sa ulo ng balita.
a. Hammer c. Bandereta
b. Baner d. Talon-ulo

8. Ang tawag sa ulo ng karugtong na istoryang hindi natapos sa pahinang kinalimbagan dahil sa
kakapusan ng espasyo.
a. Talon-ulo c. Ulo ng balita
b. Nakakahong ulo d. Wala sa nabanggit

9. Alin sa ibaba na ulo ng balita ang halimbawa ng baligtad na piramide?

a. 4 mangingisdang Pinoy iniligtas


ng Chinese ship sa Palawan
b. 20 miyembro ng Tau Gamma
kinasuhan na
c. Ex-Makati Vice Mayor
pinagbabayad ng P1-M
P Binay wagi sa kaso

d. CIDG pinabulaanan ang 'suicide'


ni Deniece Cornejo
10. Ang flushline o full line ay binubuo ng dalawa o mahigit pang magkasinghabang linyang pantay
sa kanan o kaliwa. Alin sa ibaba ang halimbawa ng flushline?

a. Pamamaril sa dating PTA chief,


kinondena ni VP Jejomar Binay
b. Pamamaril sa dating PTA chief
Kinondena ni VP Jejomar Binay

c. Pamamaril sa dating PTA chief


Kinondena ni VP Jejomar Binay
d. Pamamaril sa dating PTA chief
Kinondena ni
VP Jejomar Binay
IV. HULI NA ‘TO
PAGKILALA
Isulat ang salitang TRADISYUNAL kung ang pahayag ay isang halimbawa ng Tuntuning
Tradisyunal sa Pagsulat ng Ulo ng Balita at isulat naman ang salitang BANTAS kung ang pahayag ay
halimbawa na napapabilang sa mga Tuntunin sa Paggamit ng Bantas.

1. Iwasan ang magdikit-dikit na titik o salita.


2. Iwasan ang pag-uulit ng salita o ideya sa ulong may higit ng isang kubyerta.
3. Gamitin ang kuwit sa halip na ang pangatnig na “at”
4. Huwag gamitan ng gatlang (dash) sa malalaking tipo.
Maaaring gamitin ito sa maliit na kubyerta lamang.
5. Iwasan ang paggamit ng dobleng panipi (double quotation).
Gamitin ang bugtong na panipi (single quotation)

You might also like