You are on page 1of 6

San Lorenzo Ruiz Elementary School

PCH-1. Damilag, Manolo Fortich Bukidnon

Filipino 5

Name: _________________________________________ Date: __________________


Guro: Krislith June J. Aparre

Modyul 1: Pangngalan
Introduksyon:
Ang mga mag-aaral ay magkakaroon ng ganap na kakayahan na makipagtalastasan at
makaunawa ng narinig, nabasa at nabuo nilang kayariang pangwika sa pasalita at
pasulat. Sa modyul na ito ay matutunan ng mga bata ang gamit sa pangngalan mula
sa kuwento at sa iba pang mga pangungusap.

Layunin:
 Natutukoy ang mga gamit ng pangngalan mula sa kwento at sa iba
pang mga pangungusap.
 Natutukoy ang mga kasarian ng pangngalan.
 Natutukoy kung ano ang gamit ng pangngalan sa pangungusap

Paano kayo matuto mula sa modyul na ito:


1. Basahin nang mabuti ang mga item sa modyul

2. Ilahad ang mga direksyon habang binabasa ang mga materyales

3. Sagutin, ang lahat ng mga katanungan na nakatagpo mo. Sa pagdaan mo ng

modyul, makakahanap ka ng tulong upang masagot ang mga tanong na ito.

4. Upang maging matagumpay sa pagsasagawa ng modyul na ito, dapat kang maging

mapagpasensya sa isang masipag sa paggawa ng mga iminungkahing gawain.

5. Gawin ang iyong oras upang mag-aral at matuto! Maligayang Pag-aaral!

Nilalaman

Aralin Pamagat

1 Uri ng pangngalan

2 Kasarian ng Pangngalan

3 Gamit ng Pangngalan

Ano ang dapat gawin?


I. Panuto: Salungguhitan sa bawat pangungusap ang mga pangngalan.
Pagkatapos, tukuyin kung anong uri ng pangngalan ang mga ito. Isulat ang sagot
sa patlang.

1. Nagdasal si Maria sa Poong Maykapal na magkaanak.


_____________________________________________

2. May itim na balat sa mukha ang sanggol.


_____________________________________________

II. Panuto:   Isulat sa patlang ang B kung ang salita ay tumutukoy sa pangngalang
pambabae,L kung pangngalang panlalaki,  D kung pangngalang di-tiyak,  o W kung
pangngalang walang kasarian. 
_________1. itlog
_________2. guro
_________3. Sastre
III. Panuto:  Tukuyin ang gamit ng pangngalan na may salungguhit. Isulat ang sagot sa
patlang gamit ang mga titik na sumusunod: S (simuno o paksa), KP
(kaganapang pansimuno), P (panawag), PM (pamuno), TL (tuwirang layon),
o LP (layon ng pang-ukol).
____ 1. Si G. Teodoro ay kawani sa munisipyo ng kanyang siyudad.
____ 2. Si Maricel, ang panganay ni Gng. Romeo, ay magtatapos sa
susunod na taon.
____ 3. Ramil, magsaliksik tayo sa silid-aklatan mamayang hapon.
____ 4. Ang pulong na ito ay tungkol sa mga bagong panukala.
____ 5. Gumuhit ng napakagandang larawan ang tanyag na pintor.

Aralin 1: Uri ng Pangngalan


Ano ang dapat gawin?
Sumangguni sa iyong aklat Filipino Yaman ng Salinlahi p. 8 at paki sagutin sa mga tanong..

Pagtatalakay:
 Kunin ang aklat Basahin “Ang Batang si AKO” pp. 2-4
 Pagkatapos basahin sagutin ang pagtalakay p. 4

Pangngalang pantangi – tumutukoy sa tiyak ng ngalan ng tao, hayop, bagay, lugar, o


pangyayari. Ang pagsulat sa pangngalang pantangi ay sinisimulan sa malaking letra.
Tao Hayop Bagay Lugar Pangyayari
Ben Muning Oppo Damilag Kadayawan
Fiesta

Pangngalang pambalana – pangkalahatang ngalan ng tao, hayop, bagay, lugar, o


pangyayari. Hindi ito tiyak at sinisimulann sa maliit na letra.
Tao Hayop Bagay Lugar Pangyayari
guro pusa cellphone simbahan pista

Pagtataya:
 Basahin ang pahina 10
 Pagkatapos basahin ang pahina 10 at sagutin ang pahina12 A, B at C

Aralin #2: Kasarian ng Pangngalan


Ano ang dapat gawin?
Tingnan ang mga larawan na makikita mo

1.

Ano ang nakikita mo sa unang larawan? _________________ Tama!


Maaari bang magbigay ng pangalan ng isang lalaki? _______________
Magaling! Dumako tayo sa pangalawang larawan.
A n o a n g n a k i k i t a m o s a i k a l a w a n g larawan? _________________

2.

Mahusay! Maaari bang magbigay ng pangalan ng isang babae? _______________ Magaling!


Dumako tayo sa pangatlong larawan.
Ano ang nakikita ninyo sa ikatlong larawan? ____________________ Tama!

3.

P w e d e b a n g b a b a e o l a l a k i a n g i s a n g guro?____________ Mahusay!
N g a y o n a y d u m a k o t a y o s a h u l i n g larawan.

4.

Ano ang nakikita ninyo sa huling larawan? ________________ Tama!


Masasabi ba natin na babae o lalaki ang isang kwaderno? _______________ Mahusay!
Alam mo ba na ang mga pangngalan ay may kasarian? _____________

Pagtatalakay
 Sumangguni sa iyong aklat Filipino Yaman ng Salinlahi at basahin ang Pagsubok na
Pagkakaisa pp. 15-17.
 Sagutin ang Pagtalakay p.17
 Basahin ang makabuluhang Pang-unawa pp. 22-23

Paglalahat:
 Ang pangngalan ay may kasarian. May pangngalang panlalaki, pambabae, di-tiyak, at
walang kasarian.

Mga halimbawa ng pangngalang panlalaki. Tinutukoy nito ang mga pangngalang


panlalaki.
- abogado
- ama
- doktor

Mga halimbawa ng pangngalang pambabae:


- abogada
- ale
- ate

Mga halimbawa ng pangngalang di-tiyak


-bata
-kaibigan
-kalaro
-kapatid
-kamag-anak

Mga halimbawa ng pangngalang walang kasarian


-aklat
-baso
-damit

Panuto: Isulat sa patlang ang kasarian ng pangngalan na may salungguhit. Gamitin ang
mga sumusunod na titik: PB (pambabae), PL (panlalaki), DT (di-tiyak ang kasarian), at
WK (walang kasarian).
__________1. Malugod na nagpakilala ang bagong kapitbahay.

__________2. Ang alkansya na gawa sa kawayan ay puno na ng barya.

__________3. Suot ng binata ang pinakamagara niyang damit.

__________4. Ang mga lalaki ay dapat nakasuot ng Barong Tagalog.

__________5. Nakaabang sila sa labas para batiin ang mga panauhin.

__________6. May pinadalang pasalubong ang ninang mo na galing sa Maynila.

__________7. Pinili siya na maging pangunahing artista sa isang pelikula.

__________8. Maghahanap ako ng magaling na modista para sa iyong kasal.

Pagtataya:
 Sumangguni sa iyong aklat Filipino Yaman ng Salinlahi at sagutin ang Karagdagang
Pagsasanay sa pp. 24-25 A, B, at C.

Aralin #3: Gamit ng Pangngalan


Ano ang dapat gawin?
Isulat ang sagot sa patlang,
Paano maipamalas ang pagmamahal sa ating mga magulang?

___________________________________________________

Pagtatalakay
1. Sumangguni sa iyong aklat Filipino Yaman ng Salinlahi at basahin ang kuwento “Inay, Itay,
Mahal ko Kayo” pp. 48-50
2. Sagutin ang Pagtalakay sa p. 50
3. Basahin ang Kaukulan at Gamit ng Pangngalan sa p. 56

Paglalahat
1.Simuno— Kung ang pangngalan ay paksa sa pangungusap.

Halimbawa:  Ang Coron ay matatagpuan sa Palawan. 

2. Pantawag — Ito ay pangngalang tinatawag o binabanggit sa pangungusap.

Halimbawa: Mama, maari po bang magtanong?


 
3.Pamuno — Kung iisa lamang ang simuno at isa pang pangngalang  parte ng paksa, ito ay
tinatawag na pangngalang pamuno. 

Halimbawa: Ang Kuwebang Tabon, ang tirahan ng mga sinaunang tao sa Palawan, ay dinadayo ng
mga turista. 
 Ang salitang tirahan ay bahagi ng paksa ng pangungusap at tinutukoy ang simuno. Ang
Kuwebang Tabon at tirahan ay iisa lamang. 

4.Kaganapang Pansimuno — Kung iisa lamang ang simuno at isa pang pangngalang parte ng
panaguri, ang pangngalang ito ay tinatawag na kaganapang pansimuno.

Halimbawa: Ang Kuwebang Tabon ay tirahan ng mga sinaunang tao sa Palawan. 

Ang mga salitang Kuwebang Tabon na makikita natin sa simuno at salitang tirahan na makikita natin
sa panaguri ay iisa lamang. 

5.Layon ng pandiwa (Tuwirang Layon) — Ang pangngalang tumatanggap ng kilos ay siyang layon
ng pandiwa. 

Halimbawa: Gumawa ng hakbang ang mga mamamayan upang mapanatili ang kalinisan sa paligid
ng lawa.

 Ang pangngalang hakbang ang siyang tumatanggap ng kilos ng   salitang gumawa. 

6.Layon ng Pang-ukol — Ang pangngalan na  kasunod ng pang-ukol ay ang layon ng pang-ukol.


Kinukumpleto nito ang kahulugan ng pang-ukol. 

Halimbawa: Tungkol sa Palawan ang aklat na ito. 

 Sumangguni sa iyong aklat Filipino Yaman ng Salinlahi at sagutin ang Karagdagang


Pagsasanay pp. 57-58 A at B

Pagtataya:
Panuto: Tukuyin ang gamit ng pangngalang nakasalungguhit sa pangungusap. Isulat ang sagot sa
patlang.
Kaganapang Layon ng Layon ng
Simuno Pantawag Pamuno Pansimuna Pandiwa Pang-ukol

1. Si Jose Rizal ay isang bayani na dapat tularan ng mga kabataang Pilipino.


_________________________________________
2. Kabataang Pilipino, kailangan ninyong magising at magsimulang kumilos para sa Pilipinas.
_________________________________________

3. Nagsulat ng mga nobela at nanggamot ng mga maysakit si Jose Rizal.


________________________________________
4. Ang Noli Me Tangere at El Filibusterismo, mga nobelang isinulat ni Rizal, ay tumuligsa sa mga
pang-aabuso ng mga Kastila.
____________________ _____________________

5. Jose Rizal, sana ay maraming kabataan ang sumunod sa mga yapak mo. Ikaw ay isang kahanga-
hangang bayani.
____________________ ___________________

You might also like