You are on page 1of 14

FILIPINO GRADE 8

Activity for the month of June week 1


Unang Markahan
Tema: Salamin ng Kahapon: Bakasin Natin Ngayon
Gawain Bilang 1
Aralin 1.1.1 : Karunungang- Bayan / Tula

Pamagat ng Gawain: Pagtukoy sa Mahalagang Kaisipan


Inaasahang Bunga: Nahuhulaan ang mga mahahalagang kaisipan at sagot sa
mga karunungang- bayang napakinggan (F8PN-Ia-c-20)
Sanggunian: Panitikang Pilipino, Filipino 8.
Konsepto:

Salawikain- isang maikli ngunit makabuluhang pahayag, na karaniwang may matulaing


katangian. Naglalaman ito ng mga aral, karunungan o katotohanan.
Hal. Kung tubig ay magalaw
Ang ilog ay mababaw

Bugtong- uri ng palaisipan na nasa anyong patula.


Hal. Isda ko sa Mariveles
Nasa loob ang kaliskis
Sagot: sili

Gawain A.
Panuto : Basahin ang tulang nasa ibaba.
Mga Ginto sa Putikan

Mayroon pang taong


Sobrang palapuna at palapintasin,
Sa mukha ng kapwa’y
Nakikita agad ang dumi o dusing;
Munting kapintasan
Ng kapwa niya taong laging pinapansin
Ang kamalian niya’t
Mga kasamaan ay ayaw aminin.
Dungis sa mukha mo’y pahirin mo muna
Bago ka mamintas ng mukha ng iba.

Tanong: Tukuyin ang salawikaing ginamit sa tula at ibigay ang kahulugan nito.

Sagot: __________________________________________________

Gawain B.
Panuto: Sagutin ang sumusunod na bugtong.

Bugtong Sagot
1.Kay lapit na sa mata, di mo pa rin Makita
2.Sa buhatan ay may silbi, sa igiban ay walang sinabi
3.Lumuluha walang mata, lumalakad walang paa
FILIPINO GRADE 8
Activity for the month of June week 2
Unang Markahan
Tema: Salamin ng Kahapon: Bakasin Natin Ngayon
Gawain Bilang 2

Pamagat ng Gawain: Pag- ugnay ng Kaisipan sa Karanasan sa kasalukuyan


Inaasahang Bunga: Naiuugnay ang mahahalagang kaisipang nakapaloob sa mga
karunungang- bayan sa mga pangyayari sa tunay na buhay sa
kasalukuyan (F8PB-Ia-c-22)
Sanggunian: Panitikang Pilipino, Filipino 8.

Gawain
Panuto: Basahing muli ang tula.Tukuyin ang mahalagang kaisipang nakapaloob dito at iugnay sa
kasalukuyang pangyayari.

Halaw sa tulang Mga Ginto sa Putikan


ni Gregorio G. Cruz

Mayroon pang taong


Sobrang palapuna at palapintasin,
Sa mukha ng kapwa’y
Nakikita agad ang dumi o dusing;
Munting kapintasan
Ng kapwa niya taong laging pinapansin
Ang kamalian niya’t
Mga kasamaan ay ayaw aminin.
Dungis sa mukha mo’y pahirin mo muna
Bago ka mamintas ng mukha ng iba.

Mga Kaisipan Pangyayari sa Kasalukuyan


1.

2.

3.
FILIPINO GRADE 8
Activity for the month of June week 3
Unang Markahan
Tema: Salamin ng Kahapon: Bakasin Natin Ngayon
Gawain Bilang 3

Pamagat ng Gawain: Pagbibigay kahulugan sa mga Matalinghagang Pahayag


Inaasahang Bunga: Nabibigyang- kahulugan ang mga talinghagang ginamit(F8 PT-Ia-c-19)
Sanggunian: Panitikang Pilipino, Filipino 8.

Konsepto:

Sawikain- ay mga matatalinghagang salita na karaniwang ginagamit sa pang araw araw na buhay. Ito ay
karaniwan ding tinatawag na idyoma.  Ito ay kadalasang salita o kalipunan ng mga salita na hindi
tuwirang inihahayag ang kahulugan o komposisyunal. Ito rin ay maaaring isang motto o
pagpapahayag ng damdamin.

Halimbawa:      
di - makabasag pinggan - mahinhin

Ang pakikipag-usap sa kapwa ay tulay sa pagkakaunawaan. Ngunit minsan naghahatid ito ng


hidwaan sa mga tao dahil sa paggamit ng mga salita o pahayag na nakasasakit ng damdamin. Sa iyong
palagay, nakatutulong ang sawikain upang maiwasan ang ganitong sitwasyon?

Gawain: Bigyang pansin ang mga sawikain na ginamit sa usapan. At bigyang kahulugan.

Lef: Hoy! Joan, kumusta ka na? Ibang-iba ka na ngayon. Halos di kita makilala para kang hinipang
lubo.
Joan: Mabuti naman. Naku, Oo nga eh napabayaan na kasi ako sa kusina. Aba! Iba na rin naman ang
hitsura mo. Ang tingin ko sa iyo ngayon tila ka ipinanganak na may gintong kutsara sa bibig.
Ang lakas ng dating mo.
Lef: Naku ha, pamporma lang ang mga ito. Anong balita sa’yo? Ipinagpatuloy mo ba ang kursong
Medisina? Ikaw ang may utak sa klase natin noong High School tayo di ba? Malamang kayang-
kaya mo ang kursong pinapangarap mo.
Joan: Heto nga’t patuloy akong nagsusunog ng kilay para matapos ko ang kursong noon pa’y
hinahangad ko na.
Lef: Masaya akong malaman yan. Talaga naman, sa buhay ng tao bago mo makamtan ang iyong
pangarap kailangan mo talagang dumaan sa butas ng karayom sa dami ng pagsubok na iyong
mararanasan.
Joan: Ganyan talaga ang buhay. Matamis ang bunga kapag pinaghihirapan.

Mga Salawikaing ginamit Kahulugan


Hal.Matamis ang bunga masarap

1.

2.

3.

4.

5.
FILIPINO GRADE 8
Activity for the month of June week 4
Unang Markahan
Tema: Salamin ng Kahapon: Bakasin Natin Ngayon
Gawain Bilang 4
Pamagat ng Gawain: Pagbibigay ng Sariling Kuro-kuro/Opinyon
Inaasahang Bunga: Naibabahagi ang sariling kuro-kuro sa mga detalye at kaisipang nakapaloob sa
akda batay sa: pagiging totoo o hindi totoo - may batayan o kathang isip lamang F8 PU-Ia-c-20 )
Sanggunian: Panitikang Pilipino, Filipino 8. Pahina 4-5
Konsepto:
Ang kwentong bayan ay may mga salaysay hinggil sa mga likhang isip na mga tauhan na kumakatawan
sa mga uri ng mamamayan. Katulad ng matandang hari, isang marunong na lalaki o kaya sa isang hangal na
babae. Karaniwang kaugnay ang kwentong bayan ng isang tiyak na pook o rehiyon ng isang bansa o lupain.
Kaugnay nito ang mga alamat at mito.
Ang Pilandok ay isa sa pinakamaliit na “hoofed animal.” Wala pang isang piye ang sukat nito kapag
nakatayo ito. Bagamat may pagkahawig sa usa, ang Pilandok ay mas may relasyon sa baboy at kamel, sa
baboy dahil sa hitsura ng paa nito at sa kamel naman dahil sa istraktura ng bungo at ngipin nito.

Gawain
Panuto: Basahin ang kwentong bayan na pinamagatang “Naging Sultan si Pilandok.”

Si Pilandok ay nahatulang makulong sa hawlang bakal at ipatapon sa dagat. Nagkasala di umano sa


kasalanang di nya ginawa. Pagkalipas ng ilang araw, ang Sultan ng kanilang lugar ay nagulat nang makita si
Pilandok. Ang Sultan ay magara ang suot. Nakasukbit pa ang gintong tabak nito.

"Hindi ba't ipinatapon na kita sa dagat?" saad ng nagtatakang Sultan.


"Opo mahal na Sultan" tugon naman ni Pilandok.
"Kung gayon, paanong nangyari na ikaw ay nasa aking harapan? dapat ay patay kana ngayon" saad
naman ng Sultan. Ipinaliwanag ni Pilandok na di sya namatay sapagkat nakita nya di umano ang mga ninuno
sa ilalim nang dagat at siya ay binigyan ng kayamanan.

"Marahil ay nasisiraan kana ng bait" saad muli ng Sultan.


"Kasinungalingan po iyan mahal na Sultan! Ako na ikinulong sa hawla at ipinatapon sa dagat ay muling
naririto. May kaharian po sa ilalim ng dagat ngunit ang tanging pagpunta roon ay ang pagkulong sa hawla at
magpatapon sa gitna ng dagat" mariing saad ni Pilandok
Nagpasyang umalis na si Pilandok at sinabing hinihintay na ng mga kamag anak. Ngunit di pa
nakakalayo ay pinigilan ito ng Sultan. Sinabing gusto rin nitong magtungo sa gitna ng dagat upang makita
ang mga ninuno. Pumayag naman si Pilandok at napagkasunduan nila ng Sultan na sya na muna ang
mamumuno habang wala ito. Pagdating nila sa gitna ng dagat ay inihagis ni Pilandok sa gitna nang dagat ang
Sultan na nasa loob ng hawla. Kaagad na lumubog ang hawla at namatay ang Sultan. Mula noon, si Pilandok
na ang naging Sultan.
Pagsasanay
Panuto: Sagutin ang sumusunod na tanong.
1. Ilarawan ang pangunahing tauhan.
Sagot: __________________________________________________________

2. Sa iyong palagay, kung ikaw ang Sultan, maniniwala ka rin ba sa sinabi ni Pilandok na may
kaharian sa ilalim ng dagat?
Sagot:__________________________________________________________

3. Pumili ng tig-iisang pahayag na nagpapahiwatig ng pagiging totoo at hindi totoo. Patunayan


Sagot: _________________________________________________________

FILIPINO GRADE 8
Activity for the month of July week 1
Unang Markahan
Tema: Salamin ng Kahapon: Bakasin Natin Ngayon
Gawain Bilang 5

Pamagat ng Gawain: Pagsulat ng Sariling Karunungang-Bayan


Inaasahang Bunga: Naisusulat ang sariling bugtong, salawikain o kasabihan na angkop sa
kasalukuyang kalagayan (F8 PS-Ia-c-20 )
Sanggunian: Panitikang Pilipino, Filipino 8.
Konsepto:
Halimbawa

Bugtong
Kung kailan mo pinatay, saka pa humaba ang buhay
Sagot: Kandila
Halimbawa
Salawikain /Kasabihan
May tainga ang lupa, may pakpak ang balita

Gawain
Panuto: Bumuo ng sariling Karunungang- bayan.

A.Bugtong

B.Salawikain/ Kasabihan


FILIPINO GRADE 8
Activity for the month of July week 2
Unang Markahan
Tema: Salamin ng Kahapon: Bakasin Natin Ngayon
Gawain Bilang 6

Pamagat ng Gawain: Paghahambing ng Tula sa Karunungang- Bayan


Inaasahang Bunga: Naihahambing ang katangiang taglay ng Tula sa Karunungang- Bayan
Sanggunian: Panitikang Pilipino, Filipino 8.

Konsepto:
Ang Tula ay isang anyo ng sining o panitikan na naglalayong maipahayag ang damdamin sa
malayang pagsusulat. Binubuo ito ng mga saknong at taludtod.
Mga Karunungang-Bayan:
a.Salawikain – Ito ay mga butil ng karunungang hango sa karanasan ng matatanda, nagbibigay
ng mabubuting payo tungkol sa kagandahang-asal at mga paalala tungkol sa batas ng mga
kaugalian at karaniwang patalinhaga.
b.Bugtong- Inilarawan ang bagay na pinahuhulaan, ito ay nangangailangan ng mabisang pag-
iisip.
c.Palaisipan- ito ay nakapupukaw at nakahahasa ng isipan ng tao, katulad ng bugtong, ito ay
nangangailangan ng talas ng isip.
d.Kasabihan o kawikaan- ang mga salawikain, kawikaan, at kasabihan ay mga maiiksing
pangungusap na lubhang makahulugan at naglalayong magbigay patnubay sa ating pangaraw-araw
na pamumuhay.

Gawain
Panuto: Paghambingin ang Tula at Karunungang- Bayan batay sa mga katangiang taglay ng mga ito
bilang akdang pampanitikan.

TULA KARUNUNGANG-
BAYAN

PAGKAKATULAD

KATANGIAN KATANGIAN
FILIPINO GRADE 8
Activity for the month of July week 3
Unang Markahan
Tema: Salamin ng Kahapon: Bakasin Natin Ngayon
Gawain Bilang 7
Aralin 1.1.2: Alamat / Maikling Kuwento
Pamagat ng Gawain: Paglalahad ng Sariling Pananaw sa Pagiging Makatotohanan/di-makatotohanan ng mga
Pahayag
Inaasahang Bunga: Nailalahad ang sariling pananaw sa pagiging makatotohanan/di-makatotohanan ng mga
puntong binibigyang diin sa alamat (F8 PN-Id-f-21)
Sanggunian: Panitikang Pilipino, Filipino 8. Pahina 2- 4

Konsepto:
Alamat- mga kuwentong-bayan na maaring kathang-isip lamang o hango sa isang tunay na
pangyayari. Ito’y tungkol sa mga pinagmulan. Maaaring pinagmulan ng isang pook, isang halaman o punong
kahoy, ng ibon, ng bulaklak at iba pang mga bagay. Maaari ring tungkol sa mga pangyayaring di kapani-
paniwala, kaya’y tungkol sa pagkakabuo ng pangalan ng lugar, bagay at iba pa.
Gawain: Basahin at suriin ang Alamat na nasa ibaba.
Mina ng Ginto

Sa isang nayon sa Baguio na kung tawagin ay Suyuk, naninirahan ang mga Igorot na pinamumunuan ni
Kunto. Si Kunto ay bata pa ngunit siya ang pinakamalakas at pinakamatapang sa kanilang nayon kaya siya
ang ginawang puno ng matatandang pantas. Ang mga naninirahan sa nayong ito ay namumuhay nang tahimik.
Maibigin sila sa kapwa at may takot sila sa kanilang bathala. Taun-taon ay nagdaraos sila ng cañao bilang
parangal sa kanilang mga anito. Noong panahong iyon, ang mga Igorot ay naniniwala sa iba’t ibang anito.
Kung nagdaraos sila ng cañao ay lingguhan ang kanilang handa. Nagpapatay sila ng baboy na iniaalay sa
kanilang bathala. Nagsasayawan at nagkakantahan sila. Isang araw ay nagtungo si Kunto sa gubat upang
mamana. Hindi pa siya lubhang nakalalayo nang nakakita siya ng isang uwak. Nakatayo ito sa isang landas na
kanyang tinutunton. Karaniwang ang mga ibon sa gubat ay maiilap ngunit ang ibong ito ay kaiba. Lumakad si
Kunto palapit sa ibon ngunit hindi ito tuminag sa pagkakatayo sa gitna ng landas. Nang may iisang dipa na
lamang siya mula sa ibon, bigla siyang napatigil.

Tinitigan siyang mainam ng ibon at saka tumango nang tatlong ulit bago lumipad. Matagal na
natigilan si Kunto . Bagamat siya’y malakas at matapang, sinagilahan siya ng takot. Hindi niya mawari kung
ano ang ibig sabihin ng kanyang nakita. Hindi na niya ipinagpatuloy ang kanyang pamamana. Siya’y bumalik
sa nayon at nakipagkita sa matatandang pantas. Anang isang matanda, “ Marahil ang ibong iyon ay ang sugo
ng ating bathala. Ipinaaalaala sa atin na dapat tayong magdaos ng cañao.” “Kung gayon, ngayon din ay
magdaraos tayo ng cañao,” ang pasiya ni Kunto. Ipinagbigay-alam sa lahat ang cañao na gagawin. Lahat ng
mamamayan ay kumilos upang ipagdiwang ito sa isang altar sa isang bundok-bundukan. Ang mga babae
naman ay naghanda ng masasarap na pagkain.

Pagsasanay: Ilahad ang inyong sariling pananaw sa pagiging makatotohanan/di-makatotohanang punto o


pahayag sa ukol alamat. Punan ang nasa talahanayan.

Bahagi Makatotohanan Di Makatotohanan


Simula
Gitna

Wakas

FILIPINO GRADE 8
Activity for the month of July week 4
Unang Markahan
Tema: Salamin ng Kahapon: Bakasin Natin Ngayon
Gawain Bilang 8

Pamagat ng Gawain: Pagsusuri ng mga bahagi ng Alamat


Inaasahang Bunga: Nasusuri ang pagkakabuo ng alamat batay sa mga elemento nito.
(F8PB-Id-f-23 )
Sanggunian: Panitikang Pilipino, Filipino 8. Pahina 2- 4

Konsepto:

Mga bahagi ng Alamat:


Simula- kabilang sa simula ang mga tauhan na siyang gumaganap sa kwento, tagpuan, ito
ang pook na pinangyarihan ng kilos at suliranin, ang problema kinakaharap ng tauhan.

Gitna- binubuo ang gitna ng saglit na kasiglahan, ito ang kapana-panabik ng bahagi ng
kwento, tunggalian, ang labanan ng bida at kontrabida at kasukdulan, ang pinakamataas na uri ng
kapanabikan.

Wakas- binubuo ang wakas ng kakalasan, na siyang kinalalabasan o epekto ng kilos at


katapusan.

Gawain
Panuto: Basahing muli ang alamat na “Mina ng Ginto.” Suriin ang alamat batay sa mga bahagi
nito. Isulat ang sagot sa loob ng talahanayan

Simula Gitna Wakas


Tauhan Saglit na kasiglahan Kakalasan

Tagpuan Tunggalian
Suliranin Kasukdulan Wakas

FILIPINO GRADE 8
Activity for the month of August week 1
Unang Markahan
Tema: Salamin ng Kahapon: Bakasin Natin Ngayon
Gawain Bilang 9

Pamagat ng Gawain: Pagbibigay Kahulugan sa Matalinghagang Pahayag


Inaasahang Bunga: Naibibigay ang kahulugan ng matatalinghagang pahayag sa Alamat ( F8PT-Id-
f-20 )
Sanggunian: Panitikang Pilipino, Filipino 8. Pahina 2- 4
Konsepto:
Ang mga matalinghagang salita ay may kahulugang hindi tahasan. Nakatago ang kahulugan.
Minsan ito'y tinatawag na tayutay.

Halimbawa:
Tupang itim - masamang anak
Ginintuang puso - mabuti/matulungin
Sigaw ng puso - iniibig, napupusuan.
Bagong umaga - bagong buhay
Matamis na halik ng hangin - simoy ng hanging nararamdaman

Gawain
Panuto:Ibigay ang kahulugan ng matalinghagang pahayag na ginamit sa alamat ng Mina ng Ginto.

Matalinghagang Pahayag Kahulugan


1.Matatandang Pantas

2.Sugo ng ating Bathala

3.Ang mukha ay kulay- lupa sa katandaan

4.Ang mga dulo nito’y hindi na maabot ng


tingin ng mga tao
FILIPINO GRADE 8
Activity for the month of August week 2
Unang Markahan
Tema: Salamin ng Kahapon: Bakasin Natin Ngayon
Gawain Bilang 10
Pamagat ng Gawain: Pagsulat ng Sariling Alamat
Inaasahang Bunga: Nakasusulat ng sariling alamat tungkol sa mga bagay na maaaring ihambing sa
sarili (F8PU-Id-f-21 )
Sanggunian: Panitikang Pilipino, Filipino 8.

Gawain
Panuto: Sumulat ng alamat tungkol sa pinagmulan ng inyong pangalan.

Narito ang mga pamantayan sa pagmamarka:

Angkop sa paksa _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ 25%


Taglay ang mga katangian ng Alamat_ _ _ _ 50%
Malinaw ang mensahe _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ 25%
Kabuuan _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ 100%

___________________________
Pamagat

_________________________________________________________
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
____________________________

_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
________________________
FILIPINO GRADE 8
Activity for the month of August week 3
Unang Markahan
Tema: Salamin ng Kahapon: Bakasin Natin Ngayon
Gawain Bilang 11
Pamagat ng Gawain: Paggamit ng Pang-abay sa Pagsusulat ng Alamat
Inaasahang Bunga: Nagagamit nang wasto ang mga pang-abay na pamanahon at panlunan sa
pagsulat ng sariling alamat ( F8PN-Id-f-21 )
Sanggunian: Panitikang Pilipino, Filipino 8.
Konsepto:
Pang-abay- ay bahagi ng pananalitang nagbibigay turing sa pandiwa, pang-uri, o kapwa pang-abay.
Ang pang-abay na pamanahon ay nagsasaad kung kailan naganap o magaganap ang kilos na
taglay ng pandiwa.
Gumagamit ng nang, sa, noong, kung, tuwing, buhat, mula, umpisa at hanggang bilang mga pananda
ang pang-abay na pamanahon.
Halimbawa:
Tuwing pasko ay nagtitipon-tipon silang mag-anak.

May mga pang-abay na pamanahon na walang pananda tulad ng kahapon, kangina, ngayon, mamaya,
bukas, sandali at iba pa.
Halimbawa:
Manonood kami bukas ng pambansang pagtatanghal ng dulang Pilipino sa CCP.

Ang pang-abay na panlunan ay isa sa uri ng pang abay kung saan ito ay nagsasaad kung saan
naganap o magaganap ang kilos ng pandiwa.
Halimbawa:
sa madilim na kagubatan, sa isang mayamang lupain, sa dagat, sa Batanes, sa kabundukan

Halimbawa sa pangungusap:

Sa madilim na kagubatan naninirahan ang ibat-ibang uri ng mababangis na hayop.

Gawain

Panuto: Sumulat ng sariling alamat gamit ang mga pang-abay na pamanahon at panlunan. Sundin
ang sumusunod na pamantayan:
a. Pumili ng paksa/pamagat na naibigan na nakapokus sa mga prutas.
b. Binubuo ng 3 talata
c. Salungguhitan ang mga pang-abay na ginamit.
d. Sikaping malinaw at kawili-wili.

__________________________
Pamagat

FILIPINO GRADE 8
Activity for the month of August week 4
Unang Markahan
Tema: Salamin ng Kahapon: Bakasin Natin Ngayon
Gawain Bilang 12
Aralin: 1.1.3 : Epiko
Pamagat ng Gawain: Pagpaliwanag sa Kaugnayan ng mga Pangyayari
Inaasahang Bunga: Naipaliwanag ang pagkakaugnay- ugnay ng mga pangyayari. ( F8PN-Ig-h-22)
Sanggunian: Panitikang Pilipino, Filipino 8.

Konsepto:
Ang epiko ay uri ng panitikan na tumatalakay sa mga kabayanihan at pakikipagtunggali ng
isang tao o mga tao laban sa mga kaaway na halos hindi mapaniwalaan dahil may mga tagpuang
makababalaghan at di-kapani-paniwala. Kuwento ito ng kabayanihan na punung-puno ng mga kagila-
gilalas na mga pangyayari. Bawat pangkatin ng mga Pilipino ay may maipagmamalaking epiko.

Hinilawod ang epiko ng Panay. Ito ang pinakamatanda at pinakamahabang epiko sa Pilipinas.
Mayroon itong walong parte ngunit nahahati sa tatlong arko. Una ang istorya nila Alunsina at
Paubari, pangalawa pakikipagsapalaran ng kanilang anak na si Labaw Donggon at pangatlo ang
pakikipagsapalaran ng dalaw niyang kapatid na sina Humadapnon at Dumalapdap.
Binubuo ito ng 8340 na taludtod na may apat na episodyo: (1) pangayaw o paglalakbay (2)
tarangban o yungib (3) bihag (4) pagbawi o muling pagkabuhay
Ang seksing karakter na “Darna” na nilikha ng sikat na nobelistang si Mars Ravelo ay unang
lumipad sa pelikula sa direksyon ni Poe Sr. ama ni Fernando Poe Jr., na tinaguriang Hari ng
Pelikulang Pilipino.
Si Chiquito o Augusto Pangan ang unang lalaki na lumunok ng “mahiwagang bato” upang
maging “Darna”
Sa pelikulang “Terebol Dobol.” Kasunod nito ang hari ng komedya na si Dolphy sa pelikulang
“Darna Kuno.”

Gawain
Panuto: Sagutin ang mga sumusunod. Ibigay ang iyong opinyon.

1.Ano ang iyong pagkakakilala sa kanila bilang mga tauhan? Maituturing mo ba silang mga bayani?
Bakit?

2.Ano ang mga katangian nila na di makikita sa karaniwang tao.

You might also like