You are on page 1of 2

Konseptong Aralin (Grade 4)

Ang Appointing Power ng Pangulo

(Page 4)

Ang pangulo ang tumatayong pinuno ng Republika ng Pilipinas. At bilang pinuno ng bansa, siya
ay nagtataglay ng mga kapangyarihan. Kabilang na rito ang appointing power o kapangyarihang
magtalaga sa posisyon.

Sino-sino ang maaaring italaga ng pangulo?

Awtorisado ang pangulo na magtalaga ng mga sumusunod:

(a) Mga kalihim ng mga kagawarang tagapagpaganap


(b) Mga pinuno ng tatlong komisyong konstitusyonal
(c) Mga embahador at konsul
(d) Matataas na opisyal ng sandatahang lakas
(e) Mga mahistrado ng Korte Suprema
(f) Mga mahistrado ng Hukuman ng Apela
(g) Mga mahistrado ng Sandiganbayan
(h) Mga husgado ng mga mababang hukuman
(i) Ombudsman at kanyang mga kinatawan
(j) Mga regular na miyembro ng Judicial and Bar Council
(k) Iba pang posisyon na ipinahihintulot ng batas
(Page 5)

Limitasyon sa Kapangyarihan

Para masigurong hindi maaabuso ang appointing power ng pangulo, itinakda ng Saligang Batas
ang mga sumusunod na limitasyon:

 Ipinagbabawal ang pagtatalaga sa gobyerno dalawang buwan bago ang halalang


pampanguluhan.

 Sa loob ng isang taon, bawal italaga sa gobyerno ang kandidatong natalo sa eleksyon.

 Ang pagtatalaga ng (a), (b), (c), at (d) ay nangangailangan ng pagsang-ayon ng Komisyon sa


Paghirang. Ang komisyong ito ay binubuo ng ilang kasapi ng Mababang Kapulungan at Senado.

 Sa pagtatalaga ng (e), (f), (g), (h), at (i), kailangang pumili ng pangulo mula sa listahang isinumite
ng Judicial and Bar Council.

 Ang isang halal na opisyal ay maaaring italaga sa ibang posisyon, pero kailangan niya munang
magbitiw sa kanyang katungkulan.

 Habang nanunungkulan ang pangulo, ang kanyang mga kapamilya at kaanak ay hindi maaaring
italaga sa matataas na posisyon.

 Maaaring tanggalin ng pangulo ang sinuman sa kanyang mga itinalaga, maliban na lamang sa (e),
(f), (g), (h), at (i). Ito ay upang mapanatili ang kalayaan ng hudikaturang sangay.

Sanggunian: Kapunan, Lorna. “The President’s Appointing Power.” www.business.com.ph. Business Mirror, 2 April
2017. Web. 28 July 2020.

DUGTUNGAN MO

Sa araling ito, natutunan ko na …


Ipinakikita nito na …
Masasabi kong …

You might also like