You are on page 1of 19

Modyul sa ARALING PANLIPUNAN 7 Lesson 3: Mga Pangkat

Etnolinggwistiko

Paano gamitin ang modyul na ito?

1. Gamitin ang modyul nang may tamnag pag-iingat.

2. Sagutan muna ang Pre-Test bago dumako sa mga gawain

3. Basahing mabuti at sundin ang mga panuto sa bawat gawain.

4. Maging matapat sa pagsasagawa ng mga gawain, pagsasagot ng mga katanungan at


pagwawasto.

5. Huwag lagyan ng kahit na anong marka ang modyul na ito.

6. Tapusin ang lahat ng gawain bago dumako sa susunod na gawain.

Ang modyul na ito ay gabay upang maintindihan mo ang mga


sumusunod na pamantayan sa pagkatuto:

1. Nailalarawan ang komposisyong etniko ng mga Rehiyon sa Asya


(AP7HAS-Ij-1.10).

2. Nasusuri ang kaugnayan ng paglinang ng wika sa paghubog ng


kultura ng mga Asyano (AP7HAS-Ij-1.11).
Bago tayo dumako sa ating aralin, sagutin mo muna ang
mga sumusunod na Paunang Katanungan: (Pre-Test)

Paunang Pagtataya: Bilugan ang titik ng tamang sagot:

1. Ano ang tawag sa ma taong naninirahan sa Asya?

A. Asyano C. Pilipino

B. Hapones D. Vietnamese

2. Ito ay tumutukoy sa pangkat ng mga tao sa isang bansa na may magkakaparehong


kultura, wika at etnisidad:

A. Pangkat Etniko C. Pangkat Tao

B. Pangkat Etnolinggwistiko D. Yamang Tao

3. Ano ang kahalagahan ng wika?

A. Ang wika ang pangunahing gamit ng tao sa pakikipagtalastasan.

B. Ang wika ang pangunahing batayan sa paghubog ng kultura ng mga


etnolinggwistiko.

C. Ang wika nag nagsisilbing pagkakakilanlan ng bawat pangkat

D. Lahat ng nabanggit.

4. Ano ang dapat manaig sa bawat Asyano sa kabila ng pagkakaiba ng kanilang wika,
kultura at etnisidad?

A. Pagkakaisa C. Pagtutulungan

B. Pagkakawang-gawa D. Lahat ng Nabanggit

5. Anong pangkat ang bumubuo sa malaking bahagdan ng populasyon ng Bhutan?


A. Lhotsampas C. Sharchops

B. Ngalops D. Lahat ng Nabanggit

6. Ano ang tawag sa malaking templo na ginagamit na tanggapan ng pamahalaan ng


mga Ngalops?

A. Dzongs C. Kabney

B. Dzongkha D. Kera

7. Ano ang pambansang wika sa Bhutan?

A. Dzongs C. Kabney

B. Dzongkha D. Kera

8. Anong pangkat ang nagtuturing sa relihiyon bilang Sining?

A. Arabs C. Bhutanese

B. Balinese D. Manchu

9. Anong pangkat ang karaniwang ginagawang libangan ang pagtalon sa tumatakbong


kabayo?

A. Arabs C. Bhutanese

B. Balinese D. Manchu

10. Ano ang pangunahing reihiyon ng mga Arabo?

A. Budismo C. Islam

B. Hinduismo D. Kristyanismo

11. Saan-saan isinusuot ng mga Bhutanese ang kanilang tradisyunal na kasuotan?

A. Opisina C. Pampublikong lugar

B. Paaralan D. Lahat ng nabanggit


12. Ano ang tawag sa scarf na isinusuot ng mga kababaihang Bhutanese?

A. Gho C. Kera

B. Kabney D. Rachu

13. Tumutukoy sa samahang pang-irigasyon na ang pangunahing tungkulin ay


pagandahin, pagyamanin at isaayos ang mga gawaing pang agrikultural ng
pamayanang Balinese

A. Banjar C. Ngalops

B. Manchu D. Subak

14. Tumutukoy sa samahang ang pangunahing layunin ay ang pagsasaayos ng mga


gawain sa pamayanan gaya ng kasal, libing at pagsasaayos ng mga templo

C. Banjar C. Ngalops

D. Manchu D. Subak

15. Saan naninirahan ang mga sinaunang Manchu?

A. Dzongs C. Kera

B. Dzongkha D. Pocket house

Bago magpatuloy, iwasto ang iyong mga kasagutan sa


pamamagitan ng “Key to Correction” na matatagpuan sa
pinakahuling pahina ng module.

Maraming Salamat!
Gawain 1: Kabilang Ka Ba?

Napag-isipan mo na ba kung saan lalawigan o rehiyon sa


Pilipinas nagmula ang iyong pamilya? Ano ang dialektong
iyong ginagamit? Ikaw ba ay Tagalog, Ilokano, o Bicolano?
Tunghayan mo ang pag - uusap ng dalawang bata. At
sagutan ang mga tanong sa ibaba.

Alam mo ba ang Talaga? Mahilig kayo sa


mga pagkaing may gata? Ang
pamilya ko ay nagmula sa
mga ninuno ko naman ay
Albay? Bicolano ang mga
nagmula sa Ilocos. Mga Ilokano
ninuno ko, dito na lamang
kami. Mahilig kami sa gulay at
kami nanirahan. bagoong. Ano ba ang mga
tradisyon sa inyong lugar?

Pamprosesong Tanong:

1.Ano ang paksang pinag-


uusapan ng dalawang bata?

2.Ano ang mga pangkat etnolinggwistiko sa Pilipinas na


nabanggit sa usapan?

3.Bukod sa mga nabanggit, ano pa ang nabanggit na pangkat etnolinggwistiko


sa bansa?

4.Kabilang ka ba sa isa sa mga nabanggit na pangkat etnolinggwistiko sa


Pilipinas?

5.Ano ang iyong masasabi tungkol sa pangkat etnolinggwistiko sa Pilipinas


batay sa pag-uusap ng dalawang bata?
6.Nakatulong ba ang pangkat etnolinggwistiko sa pagbuo at pag-unlad ng
kabihasnang Pilipino? Patunayan.

7.Sa iyong palagay, anu-ano ang mga pangkat etnolinggwistiko na


matatagpuan sa syudad ng Bacoor? Ilarawan ang bawat isa.

Gawain 2: IRF Chart

Ano ang naging karanasan mo sa pagsagot sa mga katanungan?


Huwag mag-alala, paunang gawain pa lamang ito, sa mga susunod na
gawain, matutuklasan mo ang mga tamang kasagutan. Magpatuloy ka, sagutan ang
IRF Chart. Isulat mo sa column I - ang kasagutan sa tanong na: Paano
nakaimpluwensya ang pangkat etnolingwistiko sa pagbuo at pag-unlad ng
kabihasnang Asyano? Ang dalawang natitirang hanay ay sasagutan mo sa mga
susunod na bahagi ng pag-aaral mo sa paksa.

IRF CHART

I - nitial Answer

R - evised Answer

F - inal Answer

ARALIN 3:
MGA PANGKAT
ETNOLINGGWISTIK
O
Sa bahaging ito ay inaasahan na mas lalawak ang
iyong kaalaman at pag-unawa tungkol sa pangkat
Etnolinggwistiko ng Asya at kung paano ito nakaapekto sa pagbuo at pag unlad ng
kabihasnang Asyano. Pagtuunan ng pansin ang babasahin sa ibaba at sagutan ang mga
gawain, handa ka na ba?

Gawain 3: Pagbasa at Pag-unawa sa Teksto


PANGKAT ETNOLINGWISTIKO SA ASYA

Asyano ang mga taong naninirahan sa Asya. Nakikilala din sila batay sa bansang pinagmulan gaya ng Pilipino mula sa
Pilipinas, Japanese mula sa Japan, at Vitnamese mula sa Vietnam. Maaari ding kilalanin ang mga Asyano batay sa pangkat
etnolinggwistikong kinabibilangan. Ano nga ba ito? Ang pangkat etnolinggwistiko ay tumutukoy sa pangkat ng mga tao sa
isang bansa na may magkakaparehong wika, kultura at etnisidad. Kalimitan, ang isang bansa ay binubuo ng iba’t-ibang pangkat
etnolinggwistiko kagaya ng Pilipinas. Ilan nga ba ang pangkat etnilingwistiko sa bansa?.

Ang wika ang isa sa batayan ng pagpapangkat ng tao sa Asya. Ito ay may dalawang kategorya: ang Tonal at ang Stress o
Non-tonal. Ang Tonal ay tumutukoy kung saan ang kahulugan ng salita at pangungusap ay nagbabago batay sa tono ng
pagbigkas nito kagaya ng wikang Chinese, Burmese, at Vietnamese. Ang ikalawang kategorya ay ang Stress o Non-Tonal
language kung saan ang pagbabago sa tono ng salita at pangungusap ay hindi nagpapabago sa kahulugan ng salita at
pangungusap nito. Ang wikang Cham at Khmer sa Cambodia ay ilan sa mga halimbawa nito. Bakit mahalaga ang wika? Ang
wika ang pangunahing gamit ng tao sa pakikipagtalastasan sa kanyang kapwa. Sa pamamagitan ng wika, naipapahayag ng tao
ang kanyang damdamin, napapaunlad niya ang kanyang sarili at kapwa sa pamamagitan ng pakikipagtalastasan. Sinasabing
pangunahing batayan ang wika sa paghubog ng kultura ng mga etnolingwistiko. Ito ang nagsisilbing pagkakakilanlan ng bawat
pangkat. Kung nais mong suriin ang kultura at kasaysayan ng isang lahi, kinakailangan pag aralan mo ang wika nito.

Sinasabi nga na sinasalamin ng wika ang kultura ng isang bansa. Ito ang nagsisilbing pagkakakilanlan ng bawat pangkat.
Kung nais mong suriin ang kultura at kasaysayan ng isang lahi, kinakailangang pag-aralan mo ang wika nito. Sinasabi nga na
sinasalamin ng wika ang kultura ng isang bansa. Bukod dito, ang wika din ang nagbubuklod sa mga tao upang manatiling
nagkakaisa at nagpapahalaga sa kanilang kultura. Kaya’t mahalaga ang papel na ginagampanan ng mga pamahalaan ng bawat
bansa upang isulong ang pagkakaroon ng isang wika sa kanilang bansa.

Samantala, isa pang batayan sa pagpapangkat ng mga tao ay ang Etnisidad. Ang etnisidad ay mistulang kamag-anakan.
Kapag ang isang tao ay kinilala ng isang pangkat etnolingwistiko bilang kasapi dahil sa pagkakapareho ng kanilang pinagmulan,
itinuturing nila ang isa’t-isa bilang malayong kamag-anakan.

Ang pagkakapare-pareho ng wika at etnisidad ang nagiging batayan ng pagpapangkat ng tao. Itinuturing nilang ibang
pangkat etniko ang mga taong kaiba nag wika, etnisidad at kultura sa kanila. Ang pagkakaiba-ibang ito ang pangunahing
katangian ng mga Asyano.

Matatagpuan sa bawat rehiyon sa Asya ang iba’t-ibang pangkat etnolinggwistiko. Sa Timog-Silangnag Asya ay
matatagpuan ang mga Austro-Asiatic (Munda), Dravidian at Indo-Aryan. Ang Ural-Altaic , Paleosberian at eskimo naman sa
Hilagang Asya. Dahil sa estratehikong lokasyon ng Hilagang Asya, matatagpuan dito ang iba’t-ibang pangkat ng tao gaya ng
Turk, Afghan, Kurd, Persian, Hittite, Assyrian, Jew, Armenian, Arab, Caanite, Lydian, Sumerian, Elamite, Kassite, Hatti, Halde,
Hurri at Lyciane. Sa Timog-Silangang Asya naman ay may dalawang pamilyang lingwistiko, ang Austro-Asiatic (Pilipino at

Gawain 4: Bigyang Kahulugan

Batay sa iyong binasa, ano ang iyong sariling


pakahulugan sa salitang Etnolinggwistiko? Isulat ang sagot sa
kahon.
Etnolinggwistiko

______________________________________________

______________________________________________

______________________________________________

______________________________________________

Magaling! Ngayon naman ay iyong tunghayan ang ika-limang


gawain kung saan kakailanganin mo ang tulong ng iyong
kapareha.

Gawain 5: Think-Pair-Share

Magnilay sa iyong binasa at sagutan mo ang talahanayan sa ibaba. Humanap


ka ng kapareha at ibahagi mo ang iyong kasagutan.

Ano ang aking Ano ang aking Ano ang iniisip ng Ano ang ibabahagi
katanungan? iniisip? kapareha ko? ko?
Pamprosesong Tanong:

1. Ano ang dalawang batayan sa pagpapangkat ng etnolinggwistiko?

2. Kailan sinaabi na ang isang tao ay kabilang sa isang pangkat


etnolinggwistiko?

3. Ano ang dalawang uri ng wika sa Asya?

4. Paano sinabing ang wika ang pangunahing pagkakakilanlan ng mga


pangkat etnolinggwistiko?

5. Bakit mahalaga ang wika sa paghubog ng kultura at pagkakakilanlan ng


mga Asyano? Ipaliwanag.

Magaling! Binabati kita. Kaya mo na kayang matukoy ang


pangkat etnolinggwistiko sa Asya?

Gawain 6: Pangkatin Mo!

Bilang isang Asyano, kaya mo bang matukoy ang mga


pangkat etnolinggwistiko sa bawat rehiyon sa Asya? Suriin ang
talaan ng pangkat etnolinggwistiko sa ibaba at isulat kung saang
rehiyon sa Asya ito kabilang. Gagawin ito sa pamamagitan ng
isang laro kung saan mag uunahan kayo ng mga kamag-aral na
maitala sa chart ang mga pangkat etnolingwistiko sa bawat
rehiyon sa Asya. Ang may pinakamaraming maitatala ang
syang magwawagi.

Timog- Timog Asya Kanlurang Silangang Hilagang


Silangang Asya Asya Asya Asya
Pamprosesong Tanong:

1. Sa anong rehiyon ka may pinakamaraming naitalang


pangkat etnolinggwistiko?

2. Anong rehiyon naman ang kakaunti?

3. Ano ang implikasyon nito?

Gawain 7: Kilalanin Natin

Sa gawaing ito mas kilalanin mo ang mga Asyano sa


pamamagitan ng mas malalim na pagsusuri sa mga pangkat
etnolinggwistiko. Papangkatin kayo sa lima, bawat pangkat
ay pipili ng lider at tagapagtala. Pumili ng isang pangkat etnolinggwistiko sa
ibaba, pag-aralan ang kanilang pamumuhay at kultura. Maaari din magsaliksik
upang madagdagan pa ang inyong impormasyon, iulat sa klase ang inyong
ginawang pagsusuri.

Bhutanese
Ang mamamayan ng Bhutan ay maaaring hatiin sa

tatlong pangkat etniko - Ngalops, Sharchops at Lhotsampas.

Ang Ngaops ang bumubuo sa malaking bahagdan ng popu-

lasyon ng Bhutan. Ang mga Ngalops ay pinaniniwalaang nag-

mula sa Tibet na nakarating sa Bhutan noong ika-8 hanggang

Ika-9 na siglo. Sa ilang mga babasahin, kilala ang mga Ngalops

bilang “Bhote” (mamamayan ng Bhotia/Bhutia o Tibet). Ang

Ngalops ang nagdala ng kulturang Tibetan at Buddhismo sa

Bhutan na hanggang sa ngayon ay umiiral sa bansa. Ang ka-

nilang wikang Dzongkha ang pambansang wika sa Bhutan.

Karaniwan sa mga Ngalops ay nag-aalaga ng mga baka at nagsasaka. Ang kanilang


pangunahing pananim ay palay, patatas at barley. Ang kanilang tahanan ay yari sa tabla, bato,
putik at luwad. Kilala din sila sa pagtatayo ng malalaking templo na tinatawag na Dzongs. Ang
mga Dzongs ang ginagamikt na tanggapan ng pamhalaan. Ang hari ng Bhutan at karamihan ng
mga pinuno ng pamahalaan ay kabilang sa Ngalops. Kontrolado nila ang pamahalaan, maging ang
kanilang kultura at tradisyon ay sinusunod ng lahta ng mga Bhutanese.

Sinusuot pa rin nila ang kanilang tradisyunal na kasuotan sa paaralan, opisina at mga
pampublikong lugar. Ang mga kalalakihan ay nagsusuot ng Gho, hanggang tuhod na damit na
nakatupi sa likod at tinatalian sa baywang ng sinturon na tinatawag na kera. Mayroon din silang
Scarf o kabney na may iba’t-ibang kulay depende sa katayuan sa lipunan. Samantalang ang mga
kababaihan ay nagsusuot ng kira (kapirasong tela na hugis rectangular) na hanggang sakong ang
haba na nilalagyan ng sinturon. Nagsusuot sila ng Scarf na tinatawag na Rachu.

Balinese

Ang pangkat Balinese ay matatagpuan sa kapuluan


ng Bali, Lombok at kanlurang bahagi ng Sumbawa.
Hinduism ang pangunahing relihiyon nila. Ang kultura ng
Balinese ay nag-uugat sa ispiritwalidad, relihiyon, tradisyon
at sining.. Para sa mga Balinese, ang relihiyon ay sining.
Karamihan sa kanila ay magaling sa sining, ginagamit nila
ang kanilang libreng oras sa pagpipinta, paghahabi, paglililok
at paglalagay ng iba’t ibang dekorasyon sa pampublikong
lugar at maging sa kanilang tahanan. Kaya’t hindi
nakapagtatakang ito ay dinaray ng mga turista dahil sa
makulay na sining, tradisyon, magagandang dalampasigan at ang mainit na pagtanggap ng mga
Balinese sa kanilang mga bisita. Hindi rin pinalalampas ng mga turista na masaksihan ang
tradisyunal na sayaw kung saan ang galaw ng mata at kamay, maging ang ekspresyon ng mukha
ay mahalaga.
Lahat ng bagay na makikita sa Bali ay may kinalaman sa kanilang paniniwala sa
kanilang mga Diyos at Diyosa at mga ispiritu maging mabuti o masama. Para sa mga Balinese,
ang araw, puno, palayan at maging mga bato ay may ispiritu. Kaya’t sila ay nakikipamuhay ng
maayos sa mga ito.

Dalawang mahalagang samahan ang may mahalagang ginagampanan sa mga


Balinese. Ang Subak at ang Banjar ng mga pamayanan. Ang Subak ay ang samahang pang-
irigasyon na ang pangunahing tungkulin ay pagandahin, pagyamanin at isaayos ang mga gawaing
pang-agrikultural ng pamayanan. Samantalang pangunahing tungkulin ng Banjar ang pagsasaayos
ng mga gawain sa pamayanan gaya ng kasal, libing, at pagsasaayosng mga templo.

Chinese

Ang China ay mayroong 56 (limamput-anim)


na pangkat etnolingwistiko na may kani-kanyang wika,
kultura at tradisyon, ang isa dito ay ang mga Manchus.
Noong ika 17 siglo, ang mga Manchus ay mas kilala bilang
Jurchen, Jurced, o Juchen. Sinasabi na nag mga Manchus ay
nagmula sa Hilagang bahagi ng China, ang probinsya ng
Liaoning. Sa paglipas ng panahon, ito ay tinawag na
Manchuria na hango sa mga Manchus.

Tuwing ika 13 araw ng pangsampung buwan


sa kalendaryo ng China, ipinagdiriwang ng mga Manchu ang Banjin Festival. Layunin ng
pagdiriwang na ito na alalahanin ang araw kung saan pinalitan ni Emperador Huangtaiji ang
Nuzhen bilang Manchu. Para sa mga Manchu, ito ang araw ng kanilang pagsilang. Kaya’t
isinusuot nila nag kanilang tradisyunal na kasuotan, nagsasaya sa pamamagitan ng kantahan at
sayaw tanda ng kanilang pasasalamat.

Ang mga sinaunang Manchu ay naninirahan sa tinatawag na Pocket House na


nahahati sa tatlong bahagi, kung saan makikita sa pinakagitna ang kusina. Sa magkabilang bahagi
naman ng pocket house makikita ang silid-tulugan at sala. Sa mga dingding ng pocket house
makikita nag mga brick beds na tinatawag na Kangs na pinapainitan sa mga buwan ng tag lamig.
Ang matatandang miyembro ng pamilya ay natutulog sa Kanlurang Kang, mga kabataan ay sa
Hilagang Kang at samantalang ang Silangang bahagi ay ginagamit na sambahan sa kanilang mga
ninuno.

Mahusay ang mga Manchu sa pagsakay sa kabayo at pagpapana, dahilan upang


magalugad at makabisa nila ang kagubatan at bulubundukin sa kanilang lugar. Simula sa
pagkabata ay tinuturuan na sila mangaso gamit nag sibat na yari sa kahoy. Sa panahon ng
pagbibinata at pagdadalaga, tinuturuan naman sila ng pagsakay sa kabayo. Maging ang pagtalon
sa tumatakbong kabayo ay ginawang libangan ng mga Manchu.
Arabs

Ang mga Arabo ay matatagpuan sa Kanlurang


Asya, Arabic ang kanilang wikang ginagamit. Sila ay mga
taong lagalag o nomadic na nagmula sa Arabian Peninsula na
mas kilala bilang Bedouins. Pagpapastol ng tupa, kambing at
kamelyo sa malawak na disyerto ang kanilang pinagkukunan
ng kabuhayan. Smantalang ang mga Arabs na may
permanenteng tirahan ay nagtatanim ng date, cereal at iba pa
sa oasis. Ito ang nagsisilbing sentro ng kalakalan kung saan
ang mga caravan ay nagdadala ng mga pampalasa, ivory at
mga ginto mula sa Timog na bahagi ng peninsula ng Arabia
at sa Africa.

Islam ang pangunahing relihiyon ng mga Arabs. Dahil sa relihiyon, nagkakaisa ang
mga Bedouins at ang mga naninirahan sa may oasis. Ang kultura ta tradisyon ng mga Arabs ay
nakabatay sa mga aral ng relihyong Islam. Sa paglipas ng pnahon ay lumaganap ang kanlurang
Asya sa iba’t ibang bahagi ng daigdig.

Tajik

Isa ang mga Tajik sa mga sinaunang tao sa


daigdig. Ayon sa mga Arkeologo, sila ay naninirahan sa
Tajikistan simula pa ng huling bahagi ng Paleolitiko
(Panahong ng Lumang Bato). Ang Tajikistan ay isang
mabundok na bansa. Ang mataas nitong kabundukan ay
nababalot ng yelo dahil sa lamig ng temperatura. Isa na rito
ang bundok ng pamir. Sa bundok na ito, ang mga snow ay
nakaharang sa mga daan, dahilan kung bakit mahirap ang
transportasyon sa loob ng mahigit anim na buwan taun-taon.
Sa matabang lambak na malapit sa ilog naninirahan ang mga Tajik kung saan ang panahon ng tag-
araw ay mahaba at mainit. Ang lugar na ito ay mainam sa pagsasaka. Kaya’t ang karaniwang
hanapbuhay dito ay pagtatanim ng bulak, butil, gulay, oliba, igos at citrus. Mayroon ding nag
aalaga at nag papastol ng hayop. Ang iba naman ay mas pinipiling lumipat sa mga lungsod upang
magtrabaho sa mga pagawaan ng tela, bakal at iba pang industriya.

Ang lahat ng kasapi ng pamilya, mula sa pinaka ninuno hanggang sa pinaka bata
ay sama-samang naninirahan sa iisang tahanan. Karaniwan din na ang mga kalalakihan ay
makikita sa Chaikhanas o teahouse, kung saan sila ay nagtitipon upang pag-usapan ang
mahahalagang isyu na may kinalaman sa kanilang buhay. Isinasagawa nila ito habang umiinom
ng tsaa.
Pamprosesong Tanong: 1. Batay
sa ipinakita ng bawat pangkat, paano mo ilalarawan ang iba pang
pangkat etnolinggwistiko sa Asya? Gawin mong batayan ang pisikal
na anyo, pananamit, paraan ng pamumuhay at wika.

2. May iisa bang pagkakakakilanlan ang mga pangkat


etnolinggwistiko sa Asya? Ipaliwanag.

3. Anong mahalagang aspeto ng kultura ang nagbibigkis sa mga


Asyano?

4. Paano nakatulong ang pangkat etnolingwistiko sa pagbuo at pag-unlad ng kabihasnang Asyano?

Ngayon, kaya mo nang gawin ang profile nila:-)

Gawain 8: I-PROFILE MO

Gamit ang mga datos na iyong nasaliksik, gumawa


ng profile ng pangkat etnolinggwistiko sa Asya. Maaaring
pangkatin ang buong klase sa lima, ang bawat pangkat ay
gagawa ng profile ng pangkat etnolinggwistiko na naka assign sa kanila. Maaari
itong gawin sa iba’t-ibang malikhaing pamamaraan. Halimbawa, sa pamamagitan
ng data retrieval chart o profile ng kagaya ng sa facebook.

PROFILE NG PANGKAT ETNOLINGWISTIKO SA TIMOG-


SILANGANG ASYA

Rehiyon Pangkat Wika Kultura /


Etnolingwistiko Etnisidad
Gawain 9: IRF Chart

Sa pagkakataong ito, sagutan mo na ang IRF Chart. Matatandaan na sa


bahagi ng pagtuklas ay isinulat mo na ang iyong kasagutan sa I-initial na
kasagutan sa tanong na: Paano nakatulong ang pangkat etnolinggwistiko sa
pagbuo at pag-unlad ng kabishang Asyano? Ngayon na ang iyong pagkakataon
para baguhin, I “revise” at isulat ang “final answer” sa katanungan. Isulat ang
iyong kasagutan sa bahagi ng revised at final nswer.

I-ntial Answer

R-evised Answer

Final Answer

Magaling, binabati kita!


Ngayon ay may sapat ka nang kaalaman at pag-unawa tungkol sa
Pangkat Etnolinggwistiko ng Asya at ang kaugnayan nito sa pagbuo at
pag-unlad ng kabihasnang Asyano.
Muli mong sagutan ang mga katanungan bilang bahagi ng
Panghuling Pagtataya:

Panghuling Pagtataya: Bilugan ang titik ng tamang sagot:

1. Ano ang tawag sa ma taong naninirahan sa Asya?

A. Asyano C. Pilipino

B. Hapones D. Vietnamese

2. Ito ay tumutukoy sa pangkat ng mga tao sa isang bansa na may magkakaparehong


kultura, wika at etnisidad:

A. Pangkat Etniko C. Pangkat Tao

B. Pangkat Etnolinggwistiko D. Yamang Tao

3. Ano ang kahalagahan ng wika?

A. Ang wika ang pangunahing gamit ng tao sa pakikipagtalastasan.

B. Ang wika ang pangunahing batayan sa paghubog ng kultura ng mga


etnolinggwistiko.

C. Ang wika nag nagsisilbing pagkakakilanlan ng bawat pangkat

D. Lahat ng nabanggit.

4. Ano ang dapat manaig sa bawat Asyano sa kabila ng pagkakaiba ng kanilang wika,
kultura at etnisidad?

A. Pagkakaisa C. Pagtutulungan

B. Pagkakawang-gawa D. Lahat ng Nabanggit

5. Anong pangkat ang bumubuo sa malaking bahagdan ng populasyon ng Bhutan?

A. Lhotsampas C. Sharchops

B. Ngalops D. Lahat ng Nabanggit


6. Ano ang tawag sa malaking templo na ginagamit na tanggapan ng pamahalaan ng
mga Ngalops?

A. Dzongs C. Kabney

B. Dzongkha D. Kera

7. Ano ang pambansang wika sa Bhutan?

A. Dzongs C. Kabney

B. Dzongkha D. Kera

8. Anong pangkat ang nagtuturing sa relihiyon bilang Sining?

A. Arabs C. Bhutanese

B. Balinese D. Manchu

9. Anong pangkat ang karaniwang ginagawang libangan ang pagtalon sa tumatakbong


kabayo?

A. Arabs C. Bhutanese

B. Balinese D. Manchu

10. Ano ang pangunahing reihiyon ng mga Arabo?

A. Budismo C. Islam

B. Hinduismo D. Kristyanismo

11. Saan-saan isinusuot ng mga Bhutanese ang kanilang tradisyunal na kasuotan?

A. Opisina C. Pampublikong lugar

B. Paaralan D. Lahat ng nabanggit

12.Ano ang tawag sa scarf na isinusuot ng mga kababaihang Bhutanese?


A. Gho C. Kera

B. Kabney D. Rachu

13.Tumutukoy sa samahang pang-irigasyon na ang pangunahing tungkulin ay


pagandahin, pagyamanin at isaayos ang mga gawaing pang agrikultural ng
pamayanang Balinese

A. Banjar C. Ngalops

B. Manchu D. Subak

14. Tumutukoy sa samahang ang pangunahing layunin ay ang pagsasaayos ng mga


gawain sa pamayanan gaya ng kasal, libing at pagsasaayos ng mga templo

A. Banjar C. Ngalops

B. Manchu D. Subak

15. Saan naninirahan ang mga sinaunang Manchu?

A. Dzongs C. Kera

B. Dzongkha D. Pocket house

Susi sa Sagot:

1. A. 6. A. 11. D.
2. B. 7. B. 12. D.
3. D. 8. B. 13. D.
4. A. 9. D. 14. C.
5. B. 10. C. 15. D.

You might also like