You are on page 1of 8

Republic of the Philippines

Department of Education
Region II
LANTING REGION NATIONAL HIGH SCHOOL
Lanting, Roxas, Isabela

Masusing Banghay – Aralin sa Pagkatuto


Filipino Grade 7-Narra
Pebrero 23, 2016

I. LAYUNIN
Pagkatapos ng isang oras na talakayan, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
a. nakapagbibigay ng mga katangiang taglay ng mga tauhan sa kuwento;
b. nasasagot nang wasto ang mga tanong tungkol sa paksang-aralin;
c. naiaayos ang pagkasunod-sunod ng mga pangyayari sa akda sa pamamagitan ng tableau.

II. PAKSANG-ARALIN
PAKSA: Ang Huling Tatlong Kahilingan ni Haring Salermo
INTEGRASYON: Sanhi at Bunga
SANGGUIAN: Ibong Adarna: Isang Pagpapahalaga
AWTOR: Milagros T. Hernandez Et. al.
PAHINA: 127-142
KAGAMITAN: Sipi ng Teksto, Biswal Edys, Powerpoint presentation, pangkulay at kartolina

III. PAMAMARAAN

Gawaing Guro Gawaing Mag-aaral


A. PAGHAHANDA
1. PANIMULA
a. Panalangin
(Magpapanood ng isang videoclip)
(Mananalangin ang lahat)
b. Pagbati
Manatiling nakatayo at maghawak-hawak ng kamay.
(Magpapatugtog ng awiting “Kapayapaan”)
“Maghawak-hawak ng kamay at isigaw ng sabay-
sabay, Gandang Umaga!!”
(Gandang umaga!!)
c. Pagpuna sa kaayusan ng klasrum
Pulutin ang mga kalat at ayusin ang inyong mga
upuan (Pupulutin ang kalat at aayusin ang upuan)
d. Pag tsek ng atendans
Sino ang lumiban sa klase? Alexis? Ma’am wala po.

Mahusay!

B. PAGTUKLAS
1. PAGGANYAK
Lahat ng tatawagin ko ay pumunta rito sa harapan.
Kunin ninyo ang mga korona at suotin ninyo. Bumuo
kayo ng apat na grupo batay sa kulay ng korona
ninyo. Pumalakpak kayo na parang mga Prinsipe at
Prinsesa kapag nabuo na ninyo ang inyong grupo. (Bubuo ng apat na grupo ang mga mag-aaral)
(Susuotin ang korona at papalakpak ang mga mag-aaral)

Ngayon, kayo ay napangkat na sa apat na grupo.


Bawat grupo ay may lider, kapag sinabi kong
“standing score” paunahang magsasabi ang lider ng
kanilang puntos. May inihanda akong tatlong numero
dito. Jimson, Lester at Angelo, pumunta kayo rito sa
harap. Ang larong ito ay pinamagatang “Beauty Ko,
Irarampa Ko”. Rarampa kayo hawak ang mga
numero na ito habang tumutugtog ang awitin at
bubuksan ninyo pag huminto na ang tugtog.
Handa na ba kayo?
Opo, Ma’am!
(Pupunta sa harap at rarampa ang mga mag-aaral)
(Magpapatugtog ng isang kanta)
Mahuhusay kayo sa pagrarampa!
Ngayon, ang mananalo sa inyong tatlo ay base sa
numero na hawak ninyo. Buksan na ninyo.
(Bubuksan ng mga mag-aaral ang mga aklat)
Maaari nang maupo ang dalawa. Salamat.
Ikaw ang nanalo Earl!

Ano ang napapansin mo sa larawan na ito?

Ma’am, may lumabas po na Genie sa loob ng lampara.


Tumpak!
Ano ang madalas na sinasabi ng Genie kapag siya ay
lumabas sa loob ng lampara?
Ma’am, dahil po sa siya ay nakalaya bibigyan ka niya
ng tatlong kahilingan.
Mahusay!
Dahil ikaw ang nanalo, magkakaroon ka ng tatlong
kahilingan. Ano ang tatlong kahilingan mo?
Ma’am kung ako ay bibigyan ng tatlong huling
kahilingan ang unang hihilingin ko ay magkaroon ng
laptop, pangalawa, magkaroon ng malaking bahay at
pangatlo, magkaroon ng kotse.
Magaling!
Ang iyong kahilingan ay naging... regalo. Kunin mo ang
iyong gantimpala!
Salamat po Ma’am.
Naniniwala ba kayo na ang mga kahilingan ay maaaring
matupad sa isang iglap lamang? Kyla?
Ma’am, maaari po itong matupad sa isang iglap kung
may mga mahika na ginamit o kaya maaaring matupad
po ang mga kahilingan kung ikaw ay magtitiyaga para
makamit mo ang iyong ninanais.
Tama! Isang puntos sa iyong grupo.
Kailangang paghirapan mo ang mga ninanais mo na
makamit sa buhay.

C. PAGLALAHAD
Ang ginawang aktiviti ay may kinalaman sa ating
paksang-aralin. Basahin ng sabay-sabay ang ating
aralin..
“Ang Huling Tatlong Kahilingan ni Haring
Salermo”
1. PAGPAPALAWAK NG TALASALITAAN
Tayo nang magpalawak ng talasalitaan.
Panuto:
Tignan ninyo ang loob ng inyong mga korona kung may
nakadikit na numero. Pumunta kayo sa harapan at itapat
ninyo ang arrow sa mga salitang kasingkahulugan ng
malalalim na salita. At kung may letra naman, gamitin
ito sa pangungusap.

buwagin
makasagap
makalanghap
gibain

mailap
mahirap huliin
nalumbay
nagulat
nagulantan
nalungkot

Tignan natin kung tama ang kanilang kasagutan.

Mahuhusay!
Lahat kayo ay makatatanggap ng tig-iisang puntos!
Ngayon gamitin naman ninyo ito sa pangungusap.
John.

Magaling! Isang puntos sa inyong grupo. Ang hari ay humiling na buwagin ang kastilyo at ibalik ito
Gamitin sa pangungusap ang ikalawang salita, sa bundok.
Jimson.

Mahusay! Isang puntos sa inyong grupo. Nais makalanghap ni Haring Salermo ng sariwang hangin.
Gamitin sa pangungusap ang ikatlong salita,
Nympha.
Kailangan na paamuhin ng Prinsipe ang mailap na kabayo.
Magaling! Isang puntos sa inyong grupo.
Gamitin sa pangungusap ang ikaapat na salita, Alpha.

Tumpak! Isang puntos sa inyong grupo. Nalumbay ang Prinsesa sa ginawa ni Don Juan.
Gamitin sa pangungusap ang huling salita, Cyrus.

Magaling! Nagulantang ang Hari sa kanyang nakita.


Naunawaan ba klas?

Bawat isa sa inyo ay may tig-iisang puntos.

2. PAGLALAHAD NG MGA GABAY NA


TANONG
Ngayon dumako tayo sa pagbasa sa mga gabay na
tanong. Christian, pakibasa.

Nicole,
1. Isa-isahin ang tatlo pang kahilingan ni Haring Salermo
kay Don Juan.
Romel,
2. Sino ang nagbalatkayong mailap na kabayo?
Alexis,
3. Paano napaamo ni Don Juan ang mailap na kabayo?
Hyacinth, 4. Tama ba ang ginawa ni Donya Maria na pagtulong kay
Don Juan?

5. Sa tatlong huling kahilingan ni Haring Salermo kay Don


Juan, alin sa mga ito ang pinakamahirap para sa iyo?
Bakit?

D. PRESENTASYON
1. PAGBASA SA KUWENTO
Ngayon ilabas ninyo ang sipi ng teksto. Ihanda ang
inyong sarili at pakinggan ninyong mabuti ang
kuwento.
(Makikinig ang mga mag-aaral sa kuwento)
Naintindihan ba ang kuwento?
Opo, Ma’am!
E. PAGPAPALAWIG
Sagutin natin ang mga katanungan kanina. Bubunot
ako ng mga Prinsipe at Prinsesa na sasagot sa mga
katanungan.

1. PATALAKAY PANGKAISIPAN
Isa-isahin ang tatlo pang kahilingan ni Haring
Salermo kay Don Juan. Vincent?
Ma’am, buwagin ang kastilyo para makalanghap ng
hangin ang Hari, ibalik ang singsing ng Hari na nahulog
Magaling! Isang puntos sa inyong grupo. sa karagatan at paamuhin ang mailap na kabayo.
Sino ang nagbalatkayong mailap na kabayo? Eliz?

Mahusay! Isang puntos sa inyong grupo. Ma’am si Haring Salermo po.


Paano napaamo ni Don Juan ang mailap na kabayo?
Richelle? Bea?
Ma’am sa tulong ni Donya Maria na nag-anyong busal
ng kabayo kaya napaamo niya ang mailap na kabayo.
Tumpak! Isang puntos sa inyong grupo.
Tama ba ang ginawa ni Donya Maria na pagtulong
kay Don Juan? Jayferson?

Ma’am opo dahil hindi kayang gawin ni Don Juan mag-


Mahusay! Isang puntos sa inyog grupo. isa lahat ng pinapagawa ni Haring Salermo.
Sa tatlong huling kahilingan ni Haring Salermo kay
Don Juan, alin sa mga ito ang pinakamahirap para sa
iyo? Bakit? Christine?
Ma’am, para po sa akin ang pinakamahirap ay ang
ikaanim na kahilingan na hanapin ang singsing na
nahulog sa ilalim ng dagat. Dahil po naputol ang isang
Mahusay! Isang puntos sa inyog grupo. daliri ni Donya Maria dahil sa nataranta si Don Juan.
Ang anim na kahilingan ang pinakamahirap sapagkat
naputol pa ang daliri ni Donya Maria sa pagkuha ng
singsing ng kanyang Ama.

2. PAGTALAKAY PANGKAGANDAHAN
Mayroon akong inihandang mga mahika-blanka na
may mga katanungan at kung may dagdag o bawas
na puntos sa inyong grupo. Tatawag ako ng mga
Prinsesa at Prinsipe na sasagot at pipiili lamang kayo
ng isa at sagutin ninyo ang katanungan.
Anong katangian ang ipinamalas ni Haring Salermo
sa kuwento? Patunayan. John Mar?

Ma’am ang pagiging istrikto at mahigpit po sa kanyang


Mahusay! Isang puntos sa grupo mo.
anak dahil naging batong palamuti ang mga manliligaw
ni Donya Maria at maraming siyang hinihiling kay Don
Dagdag ng isang puntos sa grupo mo!
Juan.
Mahusay kang pumili! Narito ang iyong premyo!
Bawas ng isang puntos sa grupo mo!

Anong katangian ang ipinamalas ni Don Juan sa


tagpong ito? Patunayan. Fernalyn?
Ma’am ipinakita po ni Don Juan ang katapangan, tiyaga at
pagmamahal kay Donya Maria dahil natupad niya ang lahat
ng kahilingan ni Haring Salermo.
Tama! Isang puntos sa grupo mo.
Mahusay kang pumili! Narito ang iyong premyo!
Bawas ng isang puntos sa grupo mo!

Ano naman ang katangiang ipinamalas ni Donya


Maria sa kuwento? Patunayan. Ariel?

Ma’am, ipinakita ni Donya Maria ang pagkamatulungin,


sakripisyo, tapat na pag-ibig niya kay Don Juan dahil hindi
niya ito iniwan at siya ang tumutulong upang magawa lahat
ng kahilingan ng Hari.
Mahusay! Isang puntos sa grupo mo.
May Don Juan pa ba hanggang ngayon na di
sumusuko sa problema ng buhay? Wilson?

Magaling! Isang puntos sa grupo mo. Ma’am marami pa po. Katulad ko po, kahit maraming
Alin sa mga sumusunod na salawikain ang may problema sa buhay hindi po ako sumusuko.
kaugnayan sa kuwento? Ipaliwanag. Erickson?

1. “Ang pagsasabi nang tapat, pagsasama nang


maluwat.”
2. “Ang bayaning nasusugatan, lalong tumatapang.”
3. “Kapag may tiyaga, may nilaga.”

Ma’am, kapag may tiyaga, may biyaya po, kasi maraming


pagsubok ang nalagpasan ni Don Juan sa kamay ni Haring
Mahusay! Isang puntos sa grupo mo. Salermo at napagtagumpayan at naibigay niya lahat ng
Ano pa? Shielamae? kahilingan ng Hari sa tulong ni Donya Maria.

Ma’am, ang bayaning nasusugatan, lalong tumatapang. Si


Magaling! Isang puntos sa grupo mo. Donya Maria po ay naputulan ng daliri ngunit
Sa iyong palagay, dapat bang makialam ang mga ipinagpatuloy pa rin nila na maibigay ang kahilingan ni
magulang sa pag-ibig ng anak? Lester? Haring Salermo.

Ma’am para sa aking palagay, opo, dahil walang magulang


Magaling! Isang puntos sa grupo mo. na gustong mapahamak ang kanilang mga anak at may
karapatan silang makilala ang mga manliligaw nito.
3. PAGTALAKAY PAMPANITIKAN
Tignan ninyo ulit ang teksto. Mayroon bang sanhi at
bunga ang akda?

Alam ba ninyo ang Sanhi at Bunga?

Basahin mo nga Jasmine.


Ma’am mayroon po.
Basahin mo nga Jayferson.
Opo, Ma’am.

Halimbawa: Sanhi
SANHI Nagsasaad ng kadahilanan ng mga pangyayaring naganap.
Kumuha ng itak at sangkalan si Donya Maria.
BUNGA Bunga
Tinadtad ni Don Juan ang katawan ng Prinsesa. Nagsasaad ng epekto o resulta ng pangyayari.
Naintindihan ba ninyo ang kuwento?

Opo, Ma’am.
Ngayon, tignan natin kung naunawaan niyo ang
kuwento.
Narito ang mga Sanhi at Bunga sa kuwento.
Hanapin at ilagay sa tapat ng SANHI ang BUNGA
ng kuwento.

SANHI
BUNGA

1. Humiling ang Hari ng isang


kastilyong tanggulan sa gitna ng A. Nagising ang Hari sa
dagat. nagsisiputukang kanyon at natuwa
sa kaakit-akit na kastilyo.
2. Nalungkot ang Hari sa
pagkawala ng kanyang singsing.
B. Hiniling niyang maibalik ito sa
kanya.
3. Nataranta si Don Juan sa
pagtadtad sa katawan ni Donya
Maria. C. Tumalsik ang darili ni Donya
Maria sa dagat.
4. Sinubuan ni Don Juan ng busal
ang kabayo.
D. Napaamo niya ang mailap na
5. Natupad na lahat ang pitong hayop.
kahilingan ni Haring Salermo.
E. Pinasundo na si Don Juan upang
magkausap sila ng Hari sa palasyo.
Magagaling! Tig-iisang puntos bawat nakasagot nang
tama.

F. PAGLALAHAT
Panuto:
Pagsunud-sunurin ang mga naganap na pangyayari sa
kuwento sa pamamagitan ng tableau o larawang-
buhay.
May apat na isda rito na may nakapaloob na
pangyayari. Kailangan ko ng tig-dadalawang kalahok
sa bawat grupo. Bubunot ang lider ng isa at gagawin
ito ng kaniyang miyembro sa harapan. Pagkatapos ay
Kraytirya Puntos
Pagkamalikhain 5
Kaangkupan sa Paksa 5
Nilalaman ng lider ang ipinakita ng 10
ipapaliwanang kanyang mga
Kabuuan
kagrupo. Kapag 20 na ang
narinig niyo na tumunog
bomba, ibig sabihin ay tapos na ang inyong tatlong
minuto.

1. Sa pamamasyal nina Don Juan ay nawala ng Hari ang


kanyang singsing.
2. Nakatulog si Don Juan sa paghihintay. Paglitaw ng
prinsesa ay walang kumuha ng singsing.

3. Nakuha niya ang singsing ngunit ang dulo ng hintuturo


(Tutunog na ang bomba) ng Prinsesa ay naputol.
Mahuhusay! Mayroon kayong tig-dadalawang
4. Napaamo naman agad ni Don Juan ang kabayo.
puntos.

G. PANGWAKAS NA PAGTATAYA
Pangkatang Gawain
Bawat grupo ay may kani-kaniyang gawain na
angkop
sa inyong mabisang pagkatuto. Ilabas ang inyong
mga pangkulay at kartolina.

Narito ang rubriks sa inyong gagawin.


Gawin ito sa loob ng limang minuto. Kapag tumunog
na ang bomba ibig sabihin ay tapos na ang inyong
takdang oras at maghanda para ibahagi ito
klase.Inaasahan ko na ang bawat grupo ay matatapos
at may maipakikitang output ng gawain sa itinakdang
oras. Handa na ba kayo?

Unang Grupo
Gumuhit ng isang simbolo sa bawat tauhan batay sa
katangiang ipinamalas nito sa aralin (Donya Maria,
Don Juan at Haring Salermo) at ilagay kung bakit Opo, Ma’am.
ninyo napili ang simbolo.
Ikalawang Grupo TAUHAN SIMBOLO DAHILAN
Donya Maria
Gumawa ng akrostik sa akronim na PAG-IBIG ng
Don Juan
dalawang tauhan na sina Don Juan at Donya Maria. Haring Salermo
Ikatlong Grupo
P
Maglahad ng paghahambing gamit ang Venn diagram A
sa sinaunang katangian ng dalaga at sa kasalukuyang G
I
panahon na makikita sa tauhan ni Donya Maria. B
I
Ikaapat na Grupo G
Magbigay ng kabutihan at di-kabutihang dulot ng
Noon Ngayon
panghihimasok ng magulang sa pag-ibig ng anak
gamit ang fishbone map.
(Tutunog na ang bomba)
Tapos na ang inyong tatlong minuto. Ibahagi sa klase
ang inyong mga ginawa.

Magagaling kayong lahat! Bawat grupo ay tatanggap


ng tig-tatatlong puntos. Ang may pinakamaraming
puntos na nakuha ay may kapalit na gantimpala.
Kunin ninyo ang inyong gantimpala.
Basahin ng sabay-sabay ang takdang aralin. (Ibabahagi ng mga mag-aaral sa klase ang kanilang
ginawa)
IV. TAKDANG-ARALIN
Basahin ang susunod na aralin:
Mga Gabay na Tanong:
1. Anong palaisipan ang ibinigay ni Haring Salermo kay Don Juan?
2. Anong sumpa ang binitiwan ni Haring Salermo sa anak?
3. Ibuod ang aralin.

Sanggunian:
1. Ibong Adarna: Isang Pagpapahalaga
2. Panitikang Filipino 7
Pahina: 143-151
Inihanda ni:
ALMARIE S. MALLABO
Praktis Titser
Sinuri ni:
Gng. LIGAYA P. ACIO
Koopereyting Titser

You might also like