You are on page 1of 26

K

Kindergarten
Quarter 1: Week 4: Modyul 2
Naiibang Letra, Bilang at Salita sa Pangkat
Kindergarten
Alternative Delivery Mode
Unang Markahan – Modyul 4 : Naiibang Letra, Bilang at Salita sa Pangkat
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng
Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay
pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula,
atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang
pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang
gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio
Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul
Manunulat/Writer: Joerissa E. Cariaga,Teacher II- Isabelo Delos Reyes Elementary School
Editor: Amcy M. Esteban, Education Program Supervisor-Kinder & SPED
Tagsuri /Reviewers/Validators : Lorna V. Candelario, PSDS, Maricel A. Basa, PSDS & Joie Fe D. Ancheta, PSDS,
Jackilyn L. Dabu, MTI , Zenaida Q. Manansala, Principal IV
Tagaguhit/Illustrator: Joerissa E. Cariaga
Tagalapat/Layout Artist: Lady Hannah C. Grillo, LRMS DepEd-Manila
Tagapamahala/Management Team: Malcolm S. Garma, Regional Director
Genia V. Santos, CLMD Chief
Dennis M. Mendoza, Regional EPS-in-Charge of LRMS and Regional ADM Coordinator
Maria Magdalena M. Lim, CESO V - Schools Division Superintendent
Aida H. Rondilla, Chief-CID
Lucky S. Carpio, Division EPS in Charge of LRMS and Division ADM Coordinator

Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________

Department of Education – NCR

Office Address: ____________________________________________


Name of Regional EPS In Charge of LRMS
____________________________________________
Telefax: Name of Regional ADM Coordinator
____________________________________________
E-mail Address: Name of CID Chief
____________________________________________
Name of Division EPS In Charge of LRMS
Name of Division ADM Coordinator
K
Kindergarten
Module 4: Naiibang Letra, Bilang at Salita sa Pangkat
Alamin/ What I Need to Know
Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga dapat mong matutuhan sa modyul.

Ang modyul na ito ay nakalaan para sa mga mag-aaral ng Kindergarten. Mahalagang pag-aralan ang
mga gawain sa modyul na ito dahil ito ay makatutulong upang matutunan na matukoy ang naiibang
bilang, letra at salita sa isang pangkat. Ang mga tatalakayin sa modyul na ito ay maaaring magamit sa
iba’t-ibang klase ng sitwasiyon sa pagkatuto . Ang mga wika na gagamitin ay iba-iba din. Ang mga aralin
ay nakaayos ayon sa bagong Most Essential Learning Competencies na inilabas at inilathala ng Kagawaaran
ng Edukasyon para sa SY 2020-2021. Ang pagkasunod-sunod ng iyong mababasa ay maaaring magbago
ayon sa textbook na ginagamit sa kasalukuyan. Ang mga pagsasanay sa modyul ay sasagutan ng mga
mag-aaral sa Kindergarten upang masukat ang kanilang nalinang na kaalaman mula sa modyul na ito.

Ang tatalakayin sa modyul ay ang mga sumusunod na aralin:


- Naiibang letra sa isang pangkat
- Naiibang bilang sa isang pangkat
- Naiibang salita sa isang pangkat

2
Pagkatapos masagutan ang modyul, ang mag-aaral ay inaasahang :
- Natutukoy ang naiibang letra sa isang pangkat
- Natutukoy ang naiibang bilang sa isang pangkat
- Natutukoy ang naiibang salita sa isang pangkat

3
Subukin/ What I Know
Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung ano na ang kaalaman mo sa aralin ng modyul. Kung nakuha mo ang
lahat ng tamang sagot (100%), maaari mong laktawan ang bahaging ito ng modyul. (Pre-assessment)

Panuto: Bilugan( ) ang naiiba sa pangkat .

b d b b

e c c c

p p q p

6 9 6 6

asa asa asa aso

4
Balikan/Review
Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung ano na ang kaalaman mo sa aralin ng modyul. Kung nakuha mo
ang lahat ng tamang sagot (100%), maaari mong laktawan ang bahaging ito ng modyul.

Panuto: Alin sa mga larawan ang nagpapakita ng pagsasakilos ng kakayahan.


Lagyan ng tsek (√) ang kahon .

5
Tuklasin/What’s New
Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad ng isang kuwento, awitin,
tula, pambukas na suliranin, gawain o isang sitwasyon.

Panoorin ang video na pinamagatang “Ang Pangit na Bibe” sa youtube.


https://youtu.be/lcXptdnUWnA

Buod ng kwento:
Ito ay kwento ng isang itlog ng gansa na napunta sa pugad ng mga bibe. Isang inaheng
bibe ang nagulat sapagkat ang isang bibe ay naiiba ang hitsura. Dahil sa kakaibang hitsura
tinawag siyang pangit ng ibang mga bibe at hindi nakikipaglaro ang mga ito sa kanya.
Nagdesisyon na umalis ang naiibang bibe sa kanilang lugar. Nakakita siya ng grupo ng mga
sisiw ngunit hindi din siya tinanggap dahil sa kakaibang hitsura niya.
Napunta siya bahay ng inahing manok ngunit tinuka lang siya ng mga sisiw dahil siya ay
kakaiba.
Nakakita siya ng aso ngunit iniwasan lang siya nito.
Patuloy siyang naglakad hanggang mapunta siya sa isang pamilya. Ngunit ang alagang
pusa ng mga ito ay hindi siya gusto kaya umalis na lang siya.
Hanggang sa matagpuan niya ang isang gansa sa sapa at doon nalaman niya na hindi siya
isang bibe bagkus nabibilang siya sa pangkat ng mga gansa. Sa wakas, nahanap din niya ang
kanyang bagong pamilya.
6
Balikan natin ang mga pangkat ng mga hayop na napuntahan ng bida sa
kwento bago niya natagpuan ang kanyang tunay na pangkat.

Sa palagay ninyo ang bida ba sa kwento ay kabilang sa pangkat ng sisiw at bibe? Tama.
Siya ay hindi kabilang sa kanilang pangkat dahil siya ay naiiba. Ang kanyang katangian
gaya ng kulay ay naiiba sa kanila. Gaya ng bida sa ating kwento, pag-aaralan natin ang
naiibang letra, bilang at salita sa isang pangkat.
Ang mga letra, bilang at salita ay binubuo ng mga linya. Malalaman natin ang naiiba sa
pangkat sa pamamagitan ng pagsusuri sa anyo nito.

7
Suriin
Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling pagtalakay sa aralin. Layunin nitong matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

Pansinin ang pangkat ng mga letra sa ibaba.

r n r r
Alin kaya ang naiiba sa pangkat? Tandaan, maari nating malaman ito sa pamamagitan
ng pagsuri sa itsura o anyo nito.

r n r r
Pansinin ang nakabilog na bahagi. Katulad ba ito ng sa ibang letra? Kaya ang naiiba sa
pangkat ay ang letrang “n” sapagkat naiiba ang linyang bumubuo sa kanya.

8
Sa hanay naman ng mga bilang na nasa ibaba, masasabi ba ninyo kung alin ang
naiiba?
1 7 7 7
Magaling! Ito ay ang bilang 1 sapagkat iba ang anyo nito at linyang bumubuo dito.

1 7 7 7
Ang susunod na pangkat naman ay mga letrang binuo upang magkaroon ng
kahulugan. Ito ang grupo ng mga salita.

Ang naiiba ay ang salitang “pala” sapagkat may naiibang letra sa loob nito.

9
Pagyamanin/What’s More
Binubuo ito ng mga gawaing para sa mapatnubay at malayang pagsasanay upang mapagtibay ang iyong
pang-unawa at mga kasanayan sa paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot mo sa pagsasanay gamit ang
susi sa pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.

Kulayan ( ) ang naiibang bilang sa pangkat.

3 3 8 3

7 1 7 7

9 9 9 6

5 2 5 5

10
Isaisip/What I Have Learned
Naglalaman ito ng mga katanungan o pupunan ang patlang ng pangungusap o talata upang maproseso kung
anong natutuhan mo mula sa aralin.

Bilugan ( ) ang naiibang letra sa pangkat.

c c c e
n n m n
p q p p
v w w w
b b b d
11
Isagawa/What I Can Do
Naglalaman ito ng mga katanungan o pupunan ang patlang ng pangungusap o talata upang maproseso kung
anong natutuhan mo mula sa aralin.

Lagyan ng ekis ( x ) ang naiibang salita sa pangkat.

ama asa ama ama

buo buo bao buo

sama sawa sama sama

pata pato pato pato

mesa mesa 12
masa mesa
Tayahin
Ito ay gawain na naglalayong matasa o masukat ang antas ng pagkatuto sa pagkamit ng natutuhang kompetensi.

Bakatin ang naiibang letra sa pangkat.

13
Karagdagang Gawain

Tulungan ang bata na makapunta sa paaralan sa pamamagitan ng pagbilog( ) sa


naiibang salita sa hanay.

iba ipa iba iba

tala lata tala tala

sama sama sana sama


aso aso aso oso
14
Susi sa Pagwawasto
Subukin
Panuto: Bilugan( ) ang naiiba sa pangkat .

15
Balikan
Panuto: Alin sa mga larawan ang nagpapakita ng pagsasakilos ng kakayahan. Lagyan
ng tsek (√) ang kahon .

16
Pagyamanin
Kulayan ( ) ang naiibang bilang sa pangkat.

17
Isaisip
Bilugan ( ) ang naiibang letra sa pangkat.

18
Isagawa
Lagyan ng ekis ( x ) ang naiibang salita sa pangkat.

19
Tayahin

Bakatin ang naiibang letra sa pangkat.

20
Karagdagang Gawain
Tulungan ang bata na makapunta sa paaralan sa pamamagitan ng pagbilog( ) sa
naiibang salita sa hanay

21
Sanggunian/ References

 “Curriculum Implementation and Learning Management Matrix” Accessed May 5,2020.


http://depedsouthcotabato.org/wp-content/uploads/2020/05/Attach1_K-to-12-Curriculum-
Implementation-and-Learning-ManagementMatrix.pdf.

 Department of Education K to 12 Kindergarten Curriculum Guide (2014). Standards and


Competencies for Five-Year-Old Filipino Children. DepEd Complex, Meralco Avenue,Pasig City.
Philippines.Austrian Aid & Unicef

 Department of Education (2017). “ Kindergarten Teacher’s Guide. DepEd Complex, Meralco


Avenue,Pasig City, Philippines.DepEd-Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)

 Filipino Fairy Tales. “Ang Pangit na Bibe/Kwentong Pambata/Mga Kwentong Pambata/Filipino


Fairy Tales.” August 2, 2016. Video, 5:14. https://youtu.be/lcXptdnUWnA.
 Lahat ng mga larawan ay orihinal na gawa ng tagaguhit.

22
For inquiries or feedback, please write or call:

Department of Education - Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)

Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex


Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600

Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985

Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph

You might also like