You are on page 1of 3

ICT Aralin 21 - PAGLIKHA NG KNOWLEDGE PRODUCT (Unang araw)

I. NILALAMAN
Sa araling ito ay muli mong maipapamalas ang iyong natutuhan sa
paggamit ng word processing o publisher upang makagawa ng isang proyektong
flyer o brochure.
II. LAYUNIN
1. Nagagamit ang word processing tool o desktop publishing tool sa paggawa ng
flyer o brochure na may kasamang datos, diagram, table at tsart.

III. PAKSANG ARALIN

Paksa: Paggawa ng flyer o brochure na may kasamang datos, table at tsart


gamit ang word processing tool o desktop publishing.

Sanggunian: K to 12 – EPP5IE-0j-21

Kagamitan: computer na may word processing at desktop publishing software.

IV. PAMAMARAAN:

A. PAGGANYAK

1. Magbalik aral sa mga nagdaang aralin. Pumili ng mga mag-aaral upang ipakita
ang kanilang kasanayan sa paggawa ng sumusunod:
a. magbahagi ng media file gamit ang isang file sharing website.

2. Itanong sa mga mag-aaral kung pamilyar sila sa mga makasaysayang lugar na


nakikita nila sa mga brochure at flyer sa kanilang bayan.

B. PAGLALAHAD

1. Ipakita sa mga mag-aaral ang Alamin Natin sa LM pahina ___ .


2. Ipaliwanag sa mga mag-aaral ang inaasahang output mula sa kanila sa
pagtatapos ng araling ito.
3. Ipaliwanag ang nilalaman ng isang brochure o flyer.
4. Talakayin ang halimbawa ng isang brochure o flyer. Sagutin ang mga tanong
ukol dito.
5. Pangkatin ang mga mag-aaral na bubuuin ng 5 mag-aaral upang mabigyan ang
lahat ng pagkakataong gumamit ng hands on sa computer.
6. Gabayan ang mga mag-aaral sa pagpaplano ng kanilang proyekto sa
pamamagitan ng pagsagot sa mga katanungan na nasa LM.
7. Gumamit ng rubric sa pagbibigay ng marka sa mga mag-aaral. Ipabasa nang
tahimik sa mga mag-aaral ang Project Rubric. Ipaliwanag sa mga mag-aaral ang
mahalagang aspeto nito upang magabayan sila sa paggawa. Maaari ding
baguhin o gumawa ng ibang rubric kung sa tingin ninyo ay kinakailangan.
8. Sabihin sa mga mag-aaral na gumawa ng balangkas para sa gagawing ulat o
report.
C. PAGPAPALALIM NG KAALAMAN

1. Bilang panimula, ipagawa sa mga mag-aaral ang kanilang plano sa


pamamagitan ng paghahanda ng mga larawang digital. (Maaaring gumamit ang
mga mag-aaral ng isang lumang flyer upang magsilbing modelo.
2. Ipagawa ang mga hakbang sa mga mag-aaral sa LM pahina ___ .
3. Maglaan ng 10 minuto upang balikan ng mga mag-aaral ang kanilang output.

D. PAGSASANIB
 Itanong sa mga mag-aaral: Ano-ano ang makikita sa isang flyer o brochure?

E. PAGLALAHAT
 Ano-ano ang dapat tandaan sa paggawa ng isang flyer o brochure?

V. PAGTATAYA:

Ipagawa sa mga mag-aaral ang sumusunod:


1. Ang bawat grupo ay magpapakita ng kanilang ulat. Magkakaroon ng gallery walk
upang mabigyang puna ng lahat ng bata ang gawa ng bawat grupo
2. Bigyan ng 2 minuto ang bawat pangkat sa bawat output.
3. Gamitin ang rubric upang magsilbing gabay sa pagbibigay ng marka sa bawat
pangkat.

VI. PAGPAPAYAMAN NG GAWAIN


 Ipagawa ang iminumungkahing output na matatagpuan sa LM.

IKALAWANG ARAW

F. PAGGANYAK

3. Magbalik aral sa mga nagdaang aralin. Pumili ng mga mag-aaral upang ipakita
ang kanilang nagawang flyer o brochure.

4. Itanong sa mga mag-aaral kung pamilyar sila sa mga nakikita nilang poster at
banner sa kanilang bayan o paaralan

G. PAGLALAHAD

9. Ipakita sa mga mag-aaral ang Alamin Natin sa LM pahina ___ .


10. Ipaliwanag sa mga mag-aaral ang inaasahang output mula sa poster o
banner na kanilang sa matatapos sa araling ito.
11. Ipaliwanag ang nilalaman ng isang poster o banner.
12. Talakayin ang halimbawa ng isang poster o banner. Sagutin ang mga
tanong ukol dito.
13. Pangkatin ang mga mag-aaral na bubuuin ng 5-10 mag-aaral upang
mabigyan ang lahat ng pagkakataong gumamit ng hands on sa computer.
14. Gabayan ang mga mag-aaral sa pagpaplano ng kanilang proyekto sa
pamamagitan ng pagsagot sa mga katanungan na nasa LM.
15. Gumamit ng rubric sa pagbibigay ng marka sa mga mag-aaral. Ipabasa
nang tahimik sa mga mag-aaral ang Project Rubric. Ipaliwanag sa mga mag-
aaral ang mahalagang aspeto nito upang magabayan sila sa paggawa. Maaari
ding baguhin o gumawa ng ibang rubric kung sa tingin ninyo ay kinakailangan.
16. Sabihin sa mga mag-aaral na gumawa ng balangkas para sa gagawing
ulat o report.

H. PAGPAPALALIM NG KAALAMAN

4. Bilang panimula, ipagawa sa mga mag-aaral ang kanilang plano sa


pamamagitan ng paghahanda ng mga larawang digital at mga impormasyong
ilalagay sa poster o banner.
5. Ipagawa ang mga hakbang sa mga mag-aaral sa LM pahina ___ .
6. Maglaan ng 10 minuto upang balikan ng mga mag-aaral ang kanilang output.

I. PAGSASANIB
 Itanong sa mga mag-aaral: Ano ang kahalagahan ng mga pagbati sa mga
mag-aaral na nagwagi sa isang paligsahan na inilagay sa isang poster o
banner?

J. PAGLALAHAT
 Ano-ano ang dapat tandaan sa paggawa ng isang poster o banner?

VII. PAGTATAYA:

Ipagawa sa mga mag-aaral ang sumusunod:


4. Ang bawat grupo ay magpapakita ng kanilang ulat. Magkakaroon ng
pansamantalang tarpapel na magsisilbing poster o banner upang mabigyang
puna ng lahat ng bata ang gawa ng bawat grupo
5. Bigyan ng 5 minuto ang bawat pangkat sa bawat output.
6. Gamitin ang rubric upang magsilbing gabay sa pagbibigay ng marka sa bawat
pangkat.

VIII. PAGPAPAYAMAN NG GAWAIN


 Ipagawa ang iminumungkahing output na matatagpuan sa LM pahina ____ .

- FERDINAND P. CASTRO

You might also like