You are on page 1of 4

Banghay Aralin sa Filipino Baitang VI

(Gramatika)

I. Layunin

A. Nakagagawa ng patalastas at usapan gamit ang iba’t-ibang bahagi ng pananalita.


(Pangngalan) F6WG-IVb-i-10

B. Nakagagamit ng angkop na salitang pangngalan at anyo sa paggawa ng patalastas.

C. Nakasusulat ng patalastas batay sa sumusunod na paksa gamit ang panggalan.

II. Paksang-Aralin

A. Pamagat ng Aralin: Paggawa ng patalastas gamit ang iba’t-ibang bahagi ng


pananalita. (Pangngalan)

B. Kagamitan: laptop, powerpoint presentation, projector, mga larawan, tsart, mga


halimbawa ng anunsiyo o patalastas

III. Pamaraan

A. Paghahanda

1. Panimulang Gawain: Pagpapalaro ng Pinoy Henyo. Hulaan ang mga sumusunod


na salita.

1. lechon 3. fiesta/pista 5. baboy

2. banderitas 4. santo

B. Pagtalakay sa Aralin

1. Pangganyak

Tanungin: Nakarinig o nakakita ka nab a ng anunsyo o patalastas sa radio, dyaryo


at TV? Magbigay ng halimbawa.

2. Pag-unawa sa Lunsaran

Pagpapakita ng larawan ng isang pangyayari (larawan ng isang pista). Ilahad kung


ano-ano ang mga makikita dito.

3. Pagsusuri sa kakayahan at kayariang panggramatika

Patalastas

1. Pag-usapan ang mga pangyayari na nakita o nabasa na ng mga mag-aaral.

2. Ipatukoy ang mga pangngalang ginamit sa bawat patalastas at tukuyin ang


anyo nito.

3. Pagtatalakay ng tamang paggawa ng patalastas.


4. Pagpapaalala ng mga tuntunin na dapat tandaan sa paggawa ng patalastas o
anunsiyo.

Sagutin ang mga sumusunod na tanong.

1. Ano ang patalastas?

2. Saan ginagamit ang patalastas?

3. Ibigay ang mga dapat tandaan sa paggawa ng patalastas.

4. Pagsasanay

A. Pasalita

Pangkatang Gawain:

Pangkat I: Gumawa ng diyalogo o pag-uusap sa anyo ng patalastas. Ipakita ito sa


klase.

Pangkat II: Magbigay ng halimbawa ng patalastas. Ibahagi ang mahahalagang


impormasyon.

Pangkat III: Basahin ang patalastas na binigay. Tukuyin ang mga pangngalang ginamit
at anyo nito.

Pangkat IV: Gumawa ng patalastas gamit ang mga sumusunod na salita:

1. kaarawan 5. Mga kaibigan

2. ika-14 ng Abril 6. Pamilya

3. Sabado 7. kaklase

4. Alden 8. Jollibee

Rubrik:

Mga Pamantayan Bahagdan

Kahusayan sa pagdedeliber ng salita o gawa 20%

Pagsunod sa tinakdang mekaniks 20%

Nagagawa ang panutong binigay para sa itinalagang 30%

gawain

Ang lahat ay nakikilahok sa gawain 20%

Dating sa madla 10%

100%
B. Pasulat

Basahin ang sumsunod na patalastas o anunsiyo. Sagutin ang mga sumusunod na


tanong o hinihinging impormasyon.

Tinatawagan ang lahat ng batang may 8-12 taong gulang na


lumahol sa timpalak-bigkasan na gaganapin sa silid bilang 28 ng paaralan
sa darating na Biyernes, Nobyembre 14 sa ganap na ika-3:00 ng hapon.
Hinihiling na magsuot ng kasuotang Pilipino ang mga kalahok.

A. Sagutin:

Ano: _________________________ Saan: _____________________

Sino: ________________________ Kailan: ____________________

B. Magtala ng anim (6) na salitang pangngalan at anyo nito.

C. Paglalagom

1. Paano gumawa ng patalastas? Ano-ano ang mga pamantayan sa paggawa ng


patalastas?

2. Ano-ano ang mga anyo ng pangngalan?

D. Ebalwasyon

Gumawa ng sariling patalastas o anunsiyo batay sa sumusunod na paksa gamit


ang pangngalan.

1. Pulong ng mga mag-aaral tungkol sa nalalapit na pagtatapos.

2. Idaraos na Patak-gamot na proyekto sa Health Center.

3. Isang basketball tournament na gaganapin sa inyong barangay.

4. Ipinagbibiling produkto na ginawa ng inyong klase sa EPP.

5. Isang paligsahan sa pagtula na gaganapin sa Linggo ng Wika.

IV. Kasunduan

Magsaliksik ng dalawang halimbawa ng patalastas o anunsiyo. Tukuyin ang mga


salitang pangngalan at tukuyin ang anyo nito.

V. Tala

_____________________________________________________________________

______________________________________________________________________

______________________________________________________________________

VI. Pagninilay

A, Aling estratehiya sa pagtuturo ang aking naisakatuparan ng maayos? Bakit ito


naisakatuparan nang maayos?
Mga puntos kung bakit ito naisakatuparan nang maayos:

1.

2.

3.

Mga puntos kung bakit hindi ito naisakatuparan nang maayos:

1.

2.

3.

B. Kausapin ang mga mag-aaral ang nakaunawa ng aralin at ang mga


nangangailangan ng tulong?

C. Ano-anong mga suliranin o balakid ang aking naranasan na kung saan ang aking
punungguro at superbisor ay matutulungan ako sa paglutas ng mga ito?

Mga maaaring hingan ng tulong/suporta:

Dalubguro

Punongguro

Superbisor

You might also like